Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pacatang, Clarissa A.

Fil 201
2010-7206 11//19

Kasaysayan at mga Suliranin sa Pagsasalin ng mga Tekstong Klasiko


Rene B. Javellama, S.J

Ayon kay Javellana, mula sa kanyang sanaysay, sa kasaysayan ng pagsasaling-wika,


ang Bibliya ay maituturing ng isa sa mga klasikong akdang sumabay sa kalakaran ng
pagsasaling-wika sa daigdig. Klasikong akda ito kung ituring, sapagkat laman nito ang
kasaysayan ng pinagmulan ng tao, ng daigdig, at ng mga bagay-bagay tungkol sa tao at
daigdig mismo. Ito lamang ang akdang sinasabing “salita ng Diyos”. Sinasabing klasika rin
ito sa dahilang ito ay likha na may kataas-taasang pagkilala at ‘ika nga ay walang kinikilalang
panahon. Ang pagsasalin ng mga bagay-bagay na napapaloob sa konteksto nito ay isa na
marahil sa hindi maitatatwang kalinangang dumaan at maging sa kasalukuyan ay nasa hilahil
pa rin ng pagdaan sa napakamasalimot na suliranin sa pagsasaling-wika, na siya namang ugat
ng masalimuot na kalakaran ng buhay-relihiyon ng tao sa mundo.
Hinarap ni Javellana ang gawainng pagsasalin mula sa dalawang perspektiba. Sa isang
banda, ilang semester na siyang gumagabay sa mga seminarista sa pagbuo ng mga pagsasalin
mula sa dokumento ng Simbahang Katoliko. Sa kanyang pagtuturo ng kursong “Translation
of Theological Texts” madalas na itinuturig na “authoritative text” ang textong Latin.
Simula nang ilimbag ng ga misyonerong Kastila ang Doctina Cristiana (1593)
nagmula na ang pagsasaling wika ng mga wikang klasiko. PSBS – Philippine Bible Society,
pangunahing lupong nagsasalin ng mga klasikong wika. Layunin ng lupon na isalin ang
Bibliya (orihinal na nasa wikang Hebreo, Aramaico, at Griyego) Sa dinami-rami ng mga salin
ng bibliya, sindami na rin ng mga nag-uumpugang paniniwala ang nagsilabasan noon pa man.
Subalit kahit na ganito, ang lansakang pagsasaling-wika ng bibliya ay nagsisilbing gabay at
mapananaligang tuklas ng tao upang hanapin ang rurok ng pag-unawa sa kanyang kalikasan
bilang nilalang at ng Diyos na sinasabing gumawa sa kanya.
Kamakailan lang, tumulong siya sa paglathala ng dalawang koleksyon ng mga sermon
tagalog na nagmula pa sa ika-16 at ika-17 siglo. “Namangha siya sa kayamanan ng
katutubong wika, ayon pa sa kanya ito ang nagpapatibay sa kanyang paniniwala na angkop at
sapat sila sa pagsasalin ng mga tekstong klasiko na hindi kailangang lumikha ng mga
artipisyal na mga salita o wika: yaong tinatawag na “theology.” Isang mahusay na halimbawa
ang mula sa Aklat ng Pagmimisa sa Roma (1961) ang kapistahang ipinagdiriwang sa ikatlong
lingo ng Enero ay isinalin sa “Kapistahan ni Jesus Batang Sanggol” maaring magdulot ito ng
kalituhan para sa mga taong taga Tondo o Cebu, mas lalong naiintindihan nila ang “Santo
Nino”

Dalawang Layunin ang sanaysay ni Javellana:


1. Ilarawan ang pangkalahatang sitwasyon sa pagsasaling klasiko.
2. Talakayin ang ilang suliraning hinaharap ng pagsasalin sa pagbuo ng pagsasaling
angkop at mabisa.

 Hindi balak talakayin ni Javellana ang kritikal na paliwanag o interpretasyon ng


isang teksto. Nais bigyang-diin ang paraan ng pagsasalin na sa isang salita
lamang, nakatuon ang interes sa “target text” sa halip na “source text.”Tulad ng
pagsasaling tinagurian sa Ingles sa TEVC (Todays English Version) o Good
News for Moden Man ang pagsasalin sa mga katutubong wikang
pinapangalanang “Magandang BalitaBibliya”ay sumusunod sa alituntuning
“dynamic equivalence” Ito’y ipinapaliwanag ni Eugene Nida sa kanyang
Translation Across Cultures.
 Ayon pa kay Nida, sa pagbubuo ng pagsasalin, kailangang hanapin ang
katumbas sa kasalukuyang kultura ng isang bagay na matatagpuan sa kulturang
Biblikal.
 Malinaw na ang pagsasalin mula sa Wikang Klasiko ay nakatuon sa isang
tanging komunidad at ang pangangailangan na rin ng komunidad ang siyang
nagtatalaga kung ano at alin ang isasalin.
 Ang Pagsasalin ni Msgr. Abriol ang kauna-unahang Katolikong pagsasalin ng
buong bibliya.
 Si Gaspar Aquino de Belen ay isinalin ang unang berso ng Pasyon at malinaw
na hindi pinipilit ni Aquino de Belen na magkatugma ang lahat ng mga berso sa
loob ng isang saknong. Makikita sa ibaba ang salin:

Pedro, icao ma,y naligao


At nagkamali sa daan
Moli ca sa catourian
Pastor aco,t iyong ilao
Na pagcacaguinahauahan
Saling Pampanitikan sa Cebuano Tungo sa Pagpapaunlad ng Wikang Pambansa
Sa larangan ng pagsalin ng panitikang Cebuano, namamayani rin nag nosyon na
anumang pagsalin ay makabuluhan laman sa dayuhang wika tulad ng Ingles sapagkat ang
pagsa-Filipino ng mga likhang Cebuano ay pagpailalim na naaman sa Wikang Tagalog. Hindi
pa rin malinaw na nakikita na ang salin sa Ingles ay hindi magpaparating ng kanilang akda sa
karaniwang mambabasang Pilipino.

Mga Batayang Prinsipyo nga Pagsasalin:


1. Ang napakalaking pagkakaiba ng estruktura ng dalawang wika - sa tunog, sa pagbuo
ng mga salita at sentens.
2. Ang pangangailanagang maging mataas sa dalawang wika
3. Ang pagpapahalaga ng kontekstong kultural ng dalawang wika

Maaring kung ang dayuhan ang bumasa sa saling pampanitikan mula sa Pilipinas,
matatanggap ang salin nilang specimen ng kakaibang kultura o isang uri ng “orientalismo.”
Ngunit mambababsa dito sa PIlipinas, di maiiwasang maasiwa sa Ingles dahil, sa kanyang
kontekstong kultural, batid niyang di ganito magsalita halimbawa nag isang utusan o
magsasaka.

Kontitusyon ng 1987
 Malaya ang tagasalin na gumamit ng mga salita mula sa partikular na wikang
katutubong kanyang isasalin..
 Yumayaman lalo ang wikang pambansa dahil dala-dala ng mga salitang inambag sa
wikang Filipino ang konstektong kultural at kakaibang kahulugan at tindi/saklaw ng
damdaming natatangi sa komunidad sa pinagmulan. Halimbawang mga salita:
o halong lungkot at nostalhiya sa Sebuwanong Salitang “mingaw”
o “intawn” at “pastilan”

Sa kaso ng Panitikang Cebuano, mangilan-ngilan pa lamang ang nailimbag sa saling


pampanitikan sa Filipino.
Lubos na pinahalagahan ng tagasaling si Don Pagusara ng mga tulag Cebuano. Milinaw
niyang ang batayan ng kanyang pagpili ng mga salitang isasalin:
 Kung ang mga termino ay teknikal tulad ng mga uri ng tula sumbingay, tanghanga
Tirana, kulisi, balitaw;
 Para sa tugmaan at ipa pang panretorikang interes

Titnutukoy din dito ang sadya niyang di pagsasalin ng mga salitang gugma at
kasingkasing bagamat wala pa siyang na binigay dito. Binanggit niya ang
pagpapanatili ng isang salita Balak sa pamagat ng libro dahil ito ang Cebuano termino
para sa tula.

You might also like