Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT

• Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip.


• Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mambabasa,
katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangan pangatwiranan.

May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit sa argumento. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao;
c. Mga saksi; at
d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.

Pagsulat ng Pangangatwiran
1.Sarbey- Binubuo ito ng mga tanong na may kaugnayan sa paksaang pag-aaralan.
2.Pagmamasid- Pananaliksik na tumitingin sa kasalukuyang gawi o kilos ng napiling paksa at inihahambing as
nakaraang kilos o gawi at pagkatapos, itinatala ang anumang naoobserbahan.
3.Paggamit ng Opinyon- Isang personal na paniniwala o paghuhusga na walang pagpapatunay o katiyakan.
4.Lohikal na Pangangatwiran- Ginagamit sa pagbibigay ng makatwirang kongkluston sa proposistong ipinahayag ng
isang manunulat.Ang pagbibigay ng pangangatwiran ay maaring pasaklaw o kaya’y pabuod.
(a) Pangangatwirang Pabuod – ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kaya’y sa mga partikular na bagay
at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto.
(b) Pasaklaw na Pangangatwiran – ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na
sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.

Mga lihis na Pangangatwiran- tumutukoy sa maling pangangatwiran ng isang tao. Kailangang pag-aralan ang
lihis na mga pangangatwiran dahil hindi maiwawasto ng isang tao ang kamalian ng iba.
I. Paglilipat ng tunay na isyu
A. Pag-apela sa Tradisyon- paraan ng paglilipat ng totoong isyu sa tradisyon, kaugalian oo
namamanang kaugalian ng mga tao.
B. Walang kaugnayang Ebidensya o Katibayan- hindi katanggap-tanggap sa pang akademikong-
gawain
C. Pagtuligsa sa Tao (ad hominem)- Terminong latin na nangangahulugang “sa tao”
Tumutukoy sa personal na pambabatikos sa pagkatao ng isang tao kaysa sa posisyong taglay ng
taong binabatikos.
D. Pagsira sa Posisyon ng Oposisyon- Hindi inaatake ng manunulat ang ibinibigay na argumento ng
oposiston bagkus tinutuligsa nila ang isa sa argumento ng oposisyon na para bagang ito ang
kabuuang argumento.
E. Paggamit ng salitang may Dalawang kahulugan- Bunga nito, nagkakaroon ng kalituhan at kalabuan
sa ipinapahayag na argumento kaya mali ang kongklusyong nakukuha ng mambabasa o
tagapakinig.
F. Taktika ng paglihis sa Totoong Isyu- ginagamit upang malito o maguluhan ang tagapakinig o
mambabasa sa isyung pinaguusapan.
G. Paggamit ng Alinman sa Dalawang Pangangatwiran- nagbibigay lamang ng dalawang alternatibo
kaya walang ibang pagpipilian.
H. Pag-apela sa Katanyagan- o Pag apela sa damdamin. Ang istilong ito ay nakakasakit ng nakararami.

You might also like