Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pamagat: Kagubatan

Uri ng sanaysay: Pormal

Paraan: Pasalaysay

Layunin: Hangarin ng sanaysay na ito na ipaalala ang kahalagahan ng kagubatan sa


ating pamumuhay. Ang paalala na ito ay magbibigay kaalaman sa mga mambabasa
upang mas mapangalagaan ang kagubatan para sa susunod na henirasyon.

KAGUBATAN

Ang kagubatan ay isang lugar o tirahan ng mga tao at hayop. Isa ito sa
pinakaimportanteng lugar sa ating buhay dahil karamahin sa mga tao sa mundo ay
dito kumukuha ng pamumuhay at makakain. Ang mga hayop naman ay dito nanirahan
dahil napaka sagana ang likas na yaman rito. Ang kagubatan ay nabubuo ng ibat ibang
halaman na kung saan ang mga tao ay dito kumukha ng makakain upang maka ligtas
sa hirap ng buhay at ang mga hayop ay nabubuhay sa mga natural na nakukuha sa
kagubatan.

Ngunit sa mga pag lipas ng panahon ay tila ang mga tao ay nakakalimutan na ang
halaga at karapatan ng kagubatan. Karamihan sa mga malalaking kompanya sa
bansa ay sinisira ang kagubatan pinuputol ang mga punong kahoy na hindi naman
dapat o karapat dapat na putulin. Mga malalaking kompanya ay gumagawa ng mga
iligal na gawain sinisira ang kagubatan sinisira ang mga bundok at binabawasan ang
mga lupa sa paligid nito dahilan ng pagguho nito.

Ang kagubatan ay napaka halaga sa ating mga tao kaya nararapat lamang na alagaan
natin ito dahil bigay ito ng ating Diyos na lumikha. Isa sa mga dahilan na bakit
kaylangan na alagaan natin ito dahil sa tuwing nasisira ito ay mas lalong nahihirapan
ang tao mabuhay lalong lalo na yung mga taong naka tira sa siyudad. Kapag sira ang
kagutan at umulan ng malakas ay walang sisipsip ng tubig dahil kalbo na ito at
magkakaroon ng malaking pagbaha sa mga lugar o siyudad.
Kagubatan ay dapat na alagaan upang magamit pa ng maayos ng susunod na
henerasyon. At ang kagubatan ay matuturing na rin nating parte ng buhay dahil
kadalasan ay nasasandalan natin ito sa hirap ng buhay.

You might also like