Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Anino

ni Cyril Alexandria S. Labrada

Takipsilim na naman. Binabalot ng dilim ang buong kalawakan. Ang liwanag na


nagmumula sa buwan ang nagbibigay gabay sa aking patutunguhan. Habang tinatahak ko
ang daan patungong simbahan ay nagawi ang paningin ko sa aking relo na ipinamana pa
sa akin ng aking tatay, mag-aalas otso na naman. Kakalembangin ko na naman ang
kampana bilang pag-alaala sa mga taong lumisan na. Nagmadali na ako dahil tiyak na
pagagalitan na naman ako ni Padre Gamo at nakasisiguro rin akong kanina pa ako
iniintay ni Nardo, nakababatang kapatid ni Padre Gamo na katulungin ko rin sa
pagkakampana.

Pagdating ko sa simbahan ay narinig ko na agad ang nakabibinging katahimikan.


Gabi-gabi ko nang ginagawa ito pero may ibang pakiramdam ang bumbalot sa akin
ngayon. Sinubukan kong igawi ang aking paningin sa bawat pasilyo ng simbahan at
natanaw ang pigura ng isang lalaking nakaupo sa di kalayuan kung kaya’t nilapitan ko
siya. Habang naglalakad ako papalapit ay may kung anong pumipigil sa akin. Lalong
tumindi ang kabog ng aking dibdib na tila ba may mga matang nagmamasid sa akin
ngunit hindi ko pinairal ang takot at nagpatuloy lang ako. Nakatalikod siya sa akin kaya
hindi ko maaninag ang kanyang mukha kaya sinubukan ko na lang magwika “Nardo,
tara na! Alas otso na oh. Magkampana na tayo, tiyak na pagagalitan na naman tayo ni
Padre Gamo.” pero hindi niya ako nilingon na parang hindi niya narinig ang aking
winika. Magsasalita pa sana ako pero biglang nagwika ang lalaki sa aking harapan,
“Lumuwas si Nardo kaninang umaga. Sa isang linggo pa siya makakabalik kaya ako
muna ang makakasama mo sa pagkakampana.” May kakaibang lamig sa tono ng
pananalita niya habang patuloy parin ang pagtitig sa kawalan. “Ahh… Ganun ba? Tara
na!” Hindi na siya sumagot, tumayo na siya sa kinauupuan niya at sumunod sa akin.
Doon ko lang napagtanto ang itsura niya. Matikas ang katawan niya na bahagyang may
katangkaran kaysa sa akin. Nakasuot siya ng sutana pero nakasisiguro akong hindi siya
pari dahil may kabataan pa ang kaniyang itsura. Matagal na akong namamalagi dito sa
simbahan pero ngayon ko lang siya nakita.“Baka naman bagong salta galing sa ibang
bayan” wika ko sa aking sarili. Napansin niya yata ang pagtitig ko kaya binilisan niya ang
paglakad at nauna sa akin. Nagmasid ako sa loob ng simbahan. Napakadilim sa loob na
tanging ilaw lang sa altar ang nagbibigay liwanag sa buong pasilyo. Kinuha ko ang isang
kandila na nakatirik sa isang poon na aming nadaanan at dinala patungong itaas. Nang
marating namin ang itaas ay napansin ko ang kandilang may sindi na nakalutang malapit
sa pintuan. Nilapitan ko ito upang patayin pero hindi ko inasahan ang makikita ko. Hindi
pala nakalutang ang kandila dahil may madreng nakaputi ang may hawak nito sa kanyang
kanang kamay. Nakangiti siya sa amin na labis kong ikinatakot, gabi na kaya
imposibleng magkaroon pa ng ibang tao dito bukod sa amin. Kumaripas kami ng takbo
patungong itaas atsaka mabilis na pinatunog ang kampana. Alam kong maraming
magtataka sa bilis ng pagkalembang namin pero di ko na iyon inalintana. Mabilis rin
kaming tumakbo pababa sa pag-aakalang baka naroon pa ang madre sa pintuan. Para na
akong nakipagkarera sa kabayo sa sobrang bilis ng paghabol ko sa aking hininga pero
nagtataka ako dahil wala manlang bahid ng takot itong aking kasama. Ang pagiging
kalmado niya ay napanatili niya simula sa umpisa. Duwag ba ako? O sadyang matapang
lang talaga itong kasama ko.

Nang marating namin ang huling baitang ng hagdan ay natanaw ko ang isang
lalaking nakasuot rin ng sutana sa may unahan kaya napawi ang takot ko dahil naroon
naman pala si Padre Gamo. Unti-unti namin siyang nilapitan ngunit mas lalong naging
malinaw sa akin ang kanyang pigura. Nagsimula na namang magwala ang pusong kanina
ko pa pinapakalma. Lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nagtaasan na nang maging
malinaw sa akin lahat. Napagtanto kong hindi pala ito si Padre Gamo, isa siyang pari
ngunit magkahiwalay ang ulo at ang kanyang katawan. Nakatayo ito habang nakapatong
ang kanyang ulo sa ibabaw ng mesa. Nagwawala na ang aking buong sistema. Hindi ako
makagalaw sa kinatatayuan ko kaya tumingin ako sa aking kasama na parang
ipinahihiwatig na hindi ko na alam ang gagawin ko sa sobrang takot ngunit nananatili pa
rin siyang kalmado at hinila ako patungo sa isang pinto sa aming kaliwa.

Sa pagbukas niya ng pinto ay nagtatangis akong tumakbo palabas ng simbahan.


Hindi ko na naisip ang kapakanan ng kasama ko dahil mas umiral sa akin ang sarili kong
kaligtasan. Alam kong nakasunod lang siya sa pagtakbo ko dahil rinig ko ang bawat
padyak ng aming mga paa ngunit napatigil ako sa paghampas ng malakas na simoy ng
hangin sa akin kaya’t noon ko lang naisip na lingunin siya. Sa paglingon ko, mag-isang
bumungad ang aking anino. Kasabay ng paglisan ng hangin ang paglaho ng kasama ko.

You might also like