Audio Linguwal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LIZARDO, RHEALYN M.

BEED- 1101

I. Pamagat

Ang Pamaraang Audio-Linguwal

II. Layunin

a) Natutukoy ang kahulugan at gamit ng Pamaraang Audio-linguwal.

b) Napapaunlad ang kakayahan sa pakikinig at pagsasalita ng mga mag-aaral.

c) Naisasagawa ang iba’t-ibang dril na nakapaloob sa Pamaraang Audio-linguwal.

III. Kagamitan

a) Pagtuturo ng Ingles at Filipino sa Elementarya (pp. 181-182)

b) Internet

c) Powerpoint Presentation, Videos, Images

IV. Presentasyon

Ang Pamaraang Audio-linguwal ay ibinatay sa teoryang sikolohikal ni Skinner hinggil sa pag-aaral

ng wika. Naniniwala si Skinner na ang pag-aaral ng wika ay sistema ng pagbuo ng mga gawi at kilos.

Kinakailangang matutuhan nang lubusan ng mga mag-aaral ang mga hulwarang pangwika upang masabi

nila ito nang wasto at awtomatik. Dito nagsimula ang katuwirang pag-uulit at pagmememorya ng mga

wastong anyo at ng pahambing na pagsusuri ng una at pangalawang wika. Sa pagtuklas ng pagkakaiba at

pagkakatulad ng una at pangalawang wika, nakasalalay ang mabisang pagtuturo ng wika.

Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng batayang lingguwistik at sikolohikal ang pagtuturo ng wika.

Naging tampok ang paggamit ng mga dayalog na kinapapalooban ng mga kayarian at bokabularyong pag-

aaralan. Naging islogan sa maraming taon (1950- 1965) ang paggagad at pagkakabisa ng mga dayalog

kahit na hindi ito gaanong nauunawaan ng mga mag-aaral. Ipinagpaliban ang pagbasa at hindi pinayagan

ang pormal na pag-aaral ng wika. Pangunahing gawain sa aralin ang hulwarang pagsasanay (pattern

practice). Ang layunin ng dril ay pagtibayin ang gawi at maging awtomatik ang hulwaran.
May apat na uri ng pagsasanay o dril sa pamaraang ito:

 Simpleng pag-uulit- inuulit ng mga mag-aaral ang isang pahayag nang malakas pagkatapos

niya itong marinig. Ginagawa ito nang hindi nakatingin sa isang teksto.

 Pagpapalit- isang salita sa pahayag ang tuluyang nababago.

 Transpormasyon- ang isang pangungusap at nababago sa pagiging negatibo o pagiging

isang tanong nito sa pamamagitan ng pagbabago sa tinig, aspeto, tono at mood.

 Pagsasalin- ang pagbabago sa ayos ng mga salita ay kinakailangan kapag nadaragdagan ito

ng iba pang salita.

Maraming kagamitan ang tumutulong sa pagtuturo sa pamamaraang ito tulad ng tape recorder, mga

larawan, flannel board, puppet at iba pa.

V. Aktibidad

Basahing mabuti ang bawat dayalogo na nasa ibaba at isagawa ang apat na uri o drills na nakapaloob

sa Pamaraang Audio-linguwal.

 “Ito ang ika-pitong buwan sa kalendaryo.”

 “Si Helen ay umalis nang maaga.”

 “Alam niya ang tirahan ko.”

 “Hindi ko na uulitin yun.”

You might also like