Professional Documents
Culture Documents
Democracy
Democracy
sa Griyego: demos, "mga tao," at kratos, "paghahari" o "pamamahala"). Nasa gitna ng iba't ibang
kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo
ng "mga tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa
mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi
nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang
katagang demokrasya sa konteksto ng isang pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat
din sa ibang bahagi ng pamamahala.
Ang pamahalaan ay isang demokrasya kapag ang kapangyarihang mamahala ay nasa kamay ng
mga tao. Ang demokrasya ay tunay o tuwiran kapag ang mga tao ang namamahala sa kanilang
sarili sa pamamagitan ng lantarang pagpapahayag ng kanilang saloobin. Isinasagawa nila ito sa
maraming pagkilos o mga pagpupulong na pambayan. Di-tuwiran, kinatawan o republikano kapag
ang mamamayan ay pinamamahalaan mga taong hinalal o pinili nila. Ang Switzerland ay may
tuwirang demokrasya samantalang ang Pilipinas ay isang demokratikong kinakatawan ng mga halal
ng bayan. Ang demokrasya ay nangangahulugan rin na nasa taong bayan ang kapangyarihan na
ang pinahihiwatig ay nasa taong bayan ang kapangyarihang pumili ng magiging lider para sa isang
lugar o sa bansa man . Ito ay isa rin sa mga uri ng ideolohiya kung saan nangangahulugang agham
ng kaalaman o ideya.
What Are the Six Characteristics of a Democracy?
Citizen Rule
Individual Rights
Citizen Participation
Citizens of a democracy not only have the right to vote, but also the
responsibility to participate. Informed participation is key in a democracy.
When the people elect their representatives, they are ensuring the
preservation of the democratic process Engaged citizenship is essential in a
healthy democracy.
Sipatin nga natin, mga Kapanalig, ang kalagayan ng malayang pananalita sa ating
bansa ngayon.
Tunay ngang buhay pa rin ang malayang pananalita sa ating lipunan, lalung-lalo na
sa mass at social media. Ngunit kapansin-pansin ang panggigipit na nangyayari
ngayon sa mga naghahayag ng hindi pagsang-ayon sa ilang panukala o
pamamalakad ng pamahalaan.
Kung laganap sa ating lipunan ang ganitong panggigipit, masasabi kayang sobra
ang demokrasya sa ating bansa?
Hindi tunay ang demokrasya kung iisa ang opinyong umiiral rito at walang tumututol.
Kailangang hayaang maihayag ang iba’t ibang pananaw at maipagtanggol ito sa
pamamagitan ng katwiran at ebidensya, hindi sa pamamagitan ng pang-iinsulto,
demonisasyon, at pananakot.
Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang mga opisyal ng pamahalaan at ang ating mga
sarili, na nawa’y ang maging tugon natin sa naiibang pananaw ay ang pakikinig at
pagiging bukás na umunawa at mangatwiran—hindi ang pang-iinsulto o
pagbabanta. Ipagdasal rin nating patuloy tayong bigyan ng Panginoon ng
katapangang tumutol sa mga patakaran ng pamahalaang hindi naaayon sa Kanyang
mga batas.
Ngayong ika-40 taóng anibersaryo ng batas militar, ipagdasal rin nating patuloy na
mabuhay ang ating demokrasya, at ang malayang talakayang nakabatay sa
malayang pananalita.