Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Hardinerong Tipaklong

Isang umaga, natigil sa pagdidilig si Mang Atong. “Ano ang


nangyari rito? Bakit kayo nagkakagulo? Tanong ni Mang
Atong. “Dumating po si Tipaklong na gutom na gutom.
Kasama niya ang tropa at dito sila lumusong,” sagot ni Ilang-
Ilang. Madaling-araw lumulusob ang mga iyon habang
masarap ang kaniyang tulog. Pinaalala niya kay Aling
Bebang na gisingin siya nang mas maaga kinabukasan.
Tahimik at malalim ang idlip ng mga pananim. Dahan-dahan
siyang naglakad papuntang gulayan habang nagmamanman.
Maingay at nagkakagulo roon. “Dito naman pala nagpista
ang mga tamad!” Hindi natulog si Mang Atong nang gabing iyon. Walang mintis ang
kanyang patibong. Habang kumakain ng sariwang kangkong, nahuli si Tipaklong.
Takbuhan naman ang mga kasamang kampon. “Huwag kang mag- alala, pakakawalan
din kita,” sabi ni Mang Atong. “Maawa ka na, magugutom ako dito. Huwag mo akong
ikulong. ” Kung papayag ka, pakakainin kita. Kakalagin ko na rin ang tali ng iyong mga
paa. Pero magtrabaho ka, kapalit ng pagkain at pagtira. ” Bumilis ang takbo ng dugo ni
Tipaklong. “Kahit ano, gagawin ko,” malakas ang kanyang tugon. Binungkal niya ang
lupa at dinilig ang mga halaman. Tumutulong si Tipaklong kay Mang Atong araw-araw
mula noon. Naging kaibigan niya si Petsay,Talong, Sigarilyas at Okra. Kapag oras ng
pahinga’y nagkakantahan sila habang naggigitara siya. Minsan silang inabutang
ganoon ni Mang Atong. Sa isang kumpas, huminto ang lahat. Nakahanda sila sa galit
na akala. Ngunit, ngumiti iyon at nagsabing “Magaling ka palang tumugtog. Kung
magtatagal ka pa, ibibili kita ng gitara. ” Ngumiti ang mga mata ni Tipaklong. Mula noo’y
sumipag pa siyang lalo. Laging nakatawa si Gumamela. Madalas kumakanta si Okra.
Tuwi-tuwina’y patalun-talon si Talong. Kaagad-agad namang napapasayaw sina Petsay
at Sigarilyas. Mula noon, lalong dumami ang mga bulaklak niyang dilaw at bumilog ang
kanyang mga bunga. Lalong gumanda ang halamanan at gulayan nina Mang Atong at
Aling Bebang. Napansin ito ng mga taganayon ng Palong-Palong. Nagtataka rin sila
kung bakit lalo pang sumipag at lumakas ang mag-asawa. Naging bukambibig tuloy sa
nayon. Gamot sa panghihina at pagtanda ang pag-aalaga ng halaman. Isang araw,
kinausap ng mag-asawa si Tipaklong. “Labis-labis na ang pagsisilbi mo sa aming
hardin. Maaari ka nang umuwi kung ibig mo,” malungkot ang tinig ni Mang Atong. “At
hindi sapat ang pasasalamat namin sa pambihira mong sipag,” dagdag ni Aling Bebang.
“Hindi ko gustong umuwi. Ito lang ang aking tahanan,” malungkot ang tinig ni Tipaklong.
“Huhusayan ko pa ang pag-aalaga sa mga halaman. Pagkain ko’y sige bawasan. ”
Nalungkot ang mga nakikinig na halaman. “Ito na ang tahanan mo, kung gayon,”
masayang tugon ng mag-asawa. Pareho rin ang pagkain ni Tipaklong. Dadagdagan pa
ang oras ng pahinga kung kailangan niya. Tumalon nang tumalon sa tuwa si Tipaklong.
Mula noon kapag may nagtatanong, “Ano hong abono ang ipinaiinom ninyo sa
halaman, Mang Atong?” Nakangiti siyang tutugon: “Kayo na ang magkaroon ng
hardinerong Tipaklong!”

You might also like