Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang kahulugan ng pagkamamamayan ay ang pagiging miyembro o kasapi ng isang bansa ayon sa

itinatakda ng batas nito. Ang paninirahan sa isang bansa ay hindi basehan ng pagkamamamayan nito.
Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas ay hindi basta-basta maituturing na
mamamayang Pilipino dahil lamang sila ay narito. Ang pagkamamamayan ay mayroong pinagbabasehan
o pinagbabatayan.

Ang dalawang uri ng pagkamamamayan sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:

1. Likas o Katutubong Mamamayan

Ang likas na mamamayan ay yaong ipinanganak ng isang Pilipino. Maaaring isa o pareho sa kanyang
mga magulang ay Pilipino.

2. Naturalisadong Mamamayan

Ito naman ay tumutukoy sa mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso
ng naturalisasyon. Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan ay
dumadaan sa proseso ng hukuman upang maging mamamayang Pilipino. Kung sakaling ang dayuhang
ito ay magawaran ng batas ng pagkamamamayang Pilipino, kaakibat nito ang tungkuling sumunod sa
mga alituntunin ng ating bansa, pati na rin ang paggalang sa ating kultura. Lahat din ng karapatang
iginagawad sa isang Pilipino ay maaari niyang matamasa, maliban lamang sa pagkakahalal sa matataas
na posisyon sa ating pamahalaan.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/67445#readmore

You might also like