Professional Documents
Culture Documents
Module Fil
Module Fil
Module Fil
Sulating Akademiko:
Kahulugan, Kalikasan, Katangian ng Pagsulat
Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating
ginagamit sa pag- aaral sa iba’t ibang larangan.
Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin.
1|Pahina
Mga Anyo ng Akademikong Papel
Maaring
deskriptibo
Argumentib Maaaring
o Anyo impormatibo
Maaaring
deskriptibo
Lumatag ang dilim sa labas ng bahay nina Berto. Mayamaya lamang ay tatawagin na siya ng
kanyang ina upang ayusin ang hapag- kainan. Hindi pa umuuwi ang kanyang ama mula sa pakikipag-
usap sa alkalde. Ilang ulit na yang sinabihan ang kanyang ama na sarado na ang utak ng pulitiko hinggil
sa pagpapahintulot sa dayuhang korporasyon na magbukas ng minahan sa kanilang barangay. Mas
mapanganib ang gayuma ng salapi kung ihahambing sa lasong gagapang sa lupain nilang mga walang
pangalan.
Naglunsad kanina ng pambansang tigil- pasadaang ilang jeepney transport group bilang
protesta sa nakaambang jeepney modernization scheme at pagpi-phase out ng mga pampublikong
sasakyan na hindi bababa sa 15 taon. Mariing tinututulan ng sector ang nabanggit na iskema dahil
sa isa itong korporatisasyon ng pampublikong transportasyon.
Ang korporatisasyon ng agham at teknolohiya sa bansa ay isa sa mga dahilan kung bakit
hindi pa maituon ang mga siyentipikong pagsusumikap sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga
mamamayang Pilipino. Ang sistemang patent o pagrerehistro ng mga natutuklasang teknolohikal at
siyentipikong kaalaman o imbensyon ay nagsisilbi ring mekanismo ng pribatisasyon ng kaalaman.
IkalawangAralin
Pagsulat ng Abstrak
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik sa akademikong sulatin tulad ng Abstrak.
Pamantayan sa Pagganap
1. Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng abstrak.
2. Nagagamit ang angkop na format at Teknik ng pagsulat ng abstrak.
3|Pahina
pananaliksik upang maengganyo ang mambabasa na basahin ito. Ito ang tungkuling
ginagampanan ng abstrak.
Ekonomiks sa Diwang
Pilipino: Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari
Tereso S. Tullao, Jr.
4|Pahina
Karaniwang naglalaman ng 200- 500 na salita ang isang abstrak. Bagamat maikli lamang
ito, ang isang mahusay na abstrak ay karaniwang nagtataglay ng ilang mga bahagi.
Resulta ng
pananaliksik
Kongklusyon
ng Layunin ng
pananaliksik pananliksik
Bahagi ng
isang
abstrak
Disenyo ng Suliranin ng
pananaliksik pananaliksik
1. Batay sa isinagawang panayam, lumilitaw na hindi pa rin lubusang naipapatupad ang outcome
based-education sa paaralan dala na rin ng kakapusan sa pagsasanay sa mga guro.
___________________________________________________________________________
Ikatlong Aralin
Sintesis at Buod
Pamantayang Pangnilalaman
Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng Sintesis at
buod.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng buod o sintesis batay sa binasang teksto.
Buod at Sintesis
Ang buod ay tumutukoy sa nilagom na bersyon ng isang teksto. Ang teksto at maaaring
nakasulat, pinanood o pinakinggan. Mahalagang kilalanin o matukoy ang mga pangunahing ideya,
gayundin ang mga sumusuportang ideya dahil ito ang mga kinakailangan upang mabuo ang isang
teknikal na buod. Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto. Kadalasan, nakatutulong ang pagbubuod sa paglilinaw sa lohikal kronolohiya
ng mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o komplikadong paraan ng pagkakasulat sa teksto.
Narito ang ilan sa mga hakbang na maaaring makatulong sa pagsulat ng isang buod:
1. Basahin nang masinsinan ang tekstng lalagumin. Karaniwang nangangailangan ng
makailang ulit na pagbasa ang isang teksto upang lubusang maunawaan kung ano ang
nilalaman nito.
2. Hatiin ang teksto ayon sa mga bulto ng mga ideyang naklahad dito. Maaaring makatulong
ang pagbuo ng balangkas ng mga ideya o paksang tinalakay ng sulatin.
3. Tukuyin ang pangunahing ideya ng teksto sa pamamagitan ng paglalahad nito sa porma
ng tesis na pangungusap. Maaaring ang tesis na pangungusap ay tuwiran o di- tuwirang
nakalahad sa teksto.
4. Bumuo ng borador ng buod. Maaaring simulan ang borador sa paglalahada ng tesis na
pangungusap at palawigin ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga importanteng
impormasyong natukoy sa makailang-ulit na pagbasa sa teksto. Balikan ang balangkas
upang maisaayos ang istruktura ng buod.
5. Kinisin ang borador. Tiyaking malinaw ang pagpapahayag ng mga nilagom na detalye at
ideya mula sa orihinal na teksto. Makakatulong din na basahing muli ang orihinal na teksto
upang maiwasang lumihis o bumalutot mula sa orihinal na nilalaman. Huwag ding
kalimutan na bigyan ang iyong buod ng kaukulang dokumentasyon ng nilagom na teksto.
Makinig sa babasahing tula ng iyong
guro. Magtala ng mga mahahalagang ideya,
pangungusap o linya mula sa binasang tula at
humandang gawin itong buod ng tula.
Ilagay ito sa iyong portfolio bilang
ikalimang entry.
Sintesis
Ikaapat na Aralin
Bionote
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na proseso ng pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng bionote.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang bionote.
8|Pahina
3. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika.
CS_FA11/12WG-0p-r-93
Ang Bionote
Ang bionote ay isang maikling sulatin kung saan pormal na ipinakikilala ang isang
personalidad batay sa kanyang propesyonal na katangian o kwalipikasyon at larangang
kinabibilangan.
May iba’t ibang sitwasyon ang ginagamitan o nangangailangan ng bionote. Ilan dito ay
ang mga sumusunod:
1. Para ipakilala ang may-akda ng isnag aklat o artikulo sa isang journal.
2. Para ipakilala ang isnag natatanging tao o indibidwal sa isang aklat na pang-general
reference tulad ng encyclopedia.
3. Para ipakilala ang isang tagapagsalita sa isang komperensiya o seminar.
4. Para ipakilala ang isang panauhing pandangal sa isang pormal na pagtitipon.
5. Para ipakilala ang isang natatanging indibidwal na bibigyan ng parangal.
Karaniwang binubuo ito ng 300 salita lamang, at dahil maikli lamang ito, narito ang ilan sa
mga impormasyong karaniwang isinasama sa isang bionote:
• Buong pangalan
• Petsa at lugar ng kapanganakan
• Magulang
• Edukasyon
• Larangang kina bibilangan.
• Hanap- buhay at institusyong kinabibilangan
• Mga karangalan at pagkilala
• Mga publikasyon o aktibidad na may kinalaman sa propesyon
Makipagpanayam sa iyong kamg-aral.
Isulat ang mga impormasyong nararapat mong
banggitin ukol sa kanya kung ipapakilala mo sya sa
isang komperensya o seminar.
Isulat ito bilang bionote at ilagay sa iyong
portfolio bilang ikapitong entry.
9|Pahina
Sa isang malinis na papel, sumulat
ng bionote batay sa mga sumusunod na
impormasyon.
Teofilo Angeles
BA Agriculture, University of the Philippines Los Baños (2003)
MS Agriculture, UP Los Baños (2010)
PhD Agriculture Science, University of Sydney (2015)
Propesor, Kolehiyo ng Agrikultura, UP Los Baños
Punong Mananaliksik, Council for Agriculturists for the People (CAP)
May- akda, Against Corporate Agriculture (Paradigm Books, 2016); Organic Farming in
the Philippines (Veracity Publishers, 2014)
Jonas Alonzo
Aktor sa entablado
BA Theater Arts, Unibersidad ng PIlipinas Diliman (2010)
Tagapangulo, Kapisanan ng mga Progresibong Mandudula sa Pilipinas
Kasapi, Concerned Artists of the Philippines
Mga produksyong kinabilangan: Noli Me Tangere, CCP (2010); Hamlet, Dulaang Isko, UP
Diliman (2009); Sa Dulo ng Kanayunan, Teatro Barikada (2009); Ang Awit ng Inaaping
Bayan, Teatro Barikada (2011)
10 | P a h i n a
Ikalimang Aralin
Pagsulat ng Panukalang Proyekto
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik sa pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng
panukalang proyekto.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang panukalang proyekto.
11 | P a h i n a
2. Paano natutugunan ang isyu o suliraning ito? Sapat na ang pagtugong ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Mayroon ka bang maaaring imungkahing solusyon o tugon sa isyu o suliraning ito? Ano
ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Ang panukalang proyekto ay isang uri ng sulating naglalahad ng plano sa isang proyekto.
Ang isnag mahusay na panukalang proyekto ay smasagot sa mga sumusunod na katanungan:
• Ano ang katangian
ng proyekto?
• Bakit
kinakailangang 1.Paglalarawan
ng proyekto
isagawa ang
proyekto?
• Paano
maisasagawa o 5. Mga
Lohistikal at
2. Layunin ng
maisasakatuparan Pinansyal na
proyekto
kahingian ng
ang proyekto? proyekto Katangian
ng isang
Panukalang
Proyekto
4. Plano ng 3. Rationale ng
proyekto proyekto
12 | P a h i n a
Bumuo ng isang makabuluhang
proyekto batay sa iyong itinalang
napapanahong isyu sa inyong pamayanan.
Gamitin ang mga bahagi ng isang panukala
na napag- aralan.
Isulat ito sa malinis na papel at
ilagay sa iyong portfolio bilang ikasiyam na
entry.
Sa isang malinis na papel,
sumulat ng isang sanaysay hinggil sa
kahalagahan ng pagpaplano ng isang
proyekto.
Ilagay ito sa iyong protfolio
bilang ikasampung entry.
Ikaanim na Aralin
Pagsulat ng Talumpati
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik sa pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng
isang talumpati.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang talumpati.
1. Layunin ng okasyon
2. Layunin ng 1.Pagbuo ng plano
Tagapagtalumpati 1. balangkas o
2.Pagtitipong materyal nakapormang
3.Manonood 3. Pagsulat ng sanysay.
4. Tagpuan ng Balangkas
Talumpati
14 | P a h i n a
Gumamit ng angkop na •Mga salitang nagpapakita ng pagusad ng isang ideya
salitang pantransisyon •ex. una, pangalawa, etc.
15 | P a h i n a
Ikapitong Aralin
Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng
katitikan ng pulong.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang katitikan ng pulong.
Karapatan ng mga Pilipino ang mag organisa o magtatag ng samahan. Kaya naman, madalas lalo
na sa mga paaralan at opisina, nagkakaroon ng clubs at union kung saan ang bawat organisasyon ay
nagkakaroon ng pagpupulong upang mapag usapan ang mga magiging patakaran, pag usapan ang mga
layunin at iba pang usapin na kailangan mapagkasunduan nang pangkalahatan.
Pagsulat ng Agenda
16 | P a h i n a
Ang Katitikan ng Pulong
Mahalaga na kumpleto ang mga impormasyon ng bawat pagpupulong, tulad ng paksa, petsa ng
pagpupulong at pang ilang pagpupulong na ang nagaganap, oras, at pook na pinagdausan. Gayundin ang
tala ng mga dumalo, mga hindi dumalo, dahilan ng pagliban ng mga miyembro ng lupon, kung may
pahintulot ba ang mga ito o wala ay kasama din sa dapat na nilalaman ng katitikan. Maging ang oras ng
pagsisimula at pagtatapos ng pagpupulong ay nararapat na nakatala din sa katitikan ng pagpupulong.
Nagsisislbing katawan ng katitikan ng pagpupulong ang mga detalye ng mga panukalang adyenda
na pinagtitibay ng mga miyembro ng lupon o ng mga dumalo sa pagpupulong. Kabilang din sa katawan ng
isang katitikan ang mga puntong ipinahayag sa kabuuan ng pulong- mula sa mga tanong hanggang sa mga
suhestiyon. Minsan, maaaring hindi isama sa katitikan ang mga detalyeg hindi naman ganun kahalaga o
kaya naman ay sinadyang hindi isama o tanggalin (off record). Kinakailangan ding maitala ang pangalan,
komite o organisasyong kinabibilangan ng nagsalita upang pormal na maisama ito sa katitikan.
Nagtatapos ang katitikan sa oras kung kalian din nagtapos ang pulong. Ito ay dapat ding
pinagtitibay ng mga opisyal ng organisasyon bilang pagkilala sa pagiging tunay at lehitimo ng mga
detalyeng kasama ng katitikan.
17 | P a h i n a
Ikawalong Aralin
Posisyong Papel
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik sa pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng
posisyong papel.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang posisyong papel.
Sa panahong may kalayaan na ang maraming Pilipino na ipinahayag ang nais nilang sabihin
hingil sa iba’t ibang usapin at isyu, napakahalaga pa rin ang paglalatag ng mga ebidensya. Sa
labanan ng mga ideya at opinion, ang higit na matimbang ay iyung may katotohanan at sapat na
kaalaman sa anumang bagay na tinatalakay. At sa lipunang punumpuno ng kontardiksyon o mga
nagtutunggaliang ideya at pamimilian, dapat ay may pinaninindigang posisyon.
Ang posisyong papel ay isang uri ng pormal na sulatin na nagpapahayag ng tiyak na
paninindigan ng isang indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang mga posisyon
at mga katuwirang kataliwas o katunggaliang panig.
Karaniwang maikli lamang ang isang posisyong papel, isa o dalawang pahina lamang,
upang mas mapadali itong mabasa at maintindihan ng mga mambabasa at makahikayat silang
pumanig sa paninindigan ng sumulat ng posisyong papel.
18 | P a h i n a
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga
Kolehiyo at Unibersidad
Mga Katanungan:
1. Ano ang pangunahing paksang tinatalakay sa teksto?
2. Paano nasuportahan ang paksang tinalakay sa teksto? Anu- ano ang mga detalye ang binanggit
sa teksto?
3. Sa pagtatapos ng sanaysay, ano ang nais na ikintal ng sumulat sa isipan ng mga mambabasa?
Maitutulad ang isang posisyong papel sa isang debate, bagaman may tiyak na pinapanigan ang
manunulat nito. Samakatuwid, ang ganitong uri ng akademikong sulatin ay nagnanais na maipakita ang
opinion o tindig ng isang tao sa particular na isyu o usapin.
Sa paggawa ng isang posisyong papel, higit na mahalaga na pumili ng isang napapanahon at
mabusising pagpili ng paksa, pagpapalawak ng mga argumento, at pagbibigay diin sa mga puntong nais
20 | P a h i n a
iparating sa mga mambabasa. Ngunit hindi rin naman sapat na nakatutok lamang sa panig na napili
sapagkat napakahalaga rin na maging maalam sa tinututulang panig. Tandaan, hindi lamang dapat na
ipagtanggol ang iyong panig, kundi maaari rin naman pabulaanan a ng kabilang panig. Kaya naman,
napakahalaga ng masusing pananaliksik para sa isang posisyong papel.
Mahalaga ang pagsusulat ng isang posisysong papel, lalong lalo na para sa lipunan. Nakatutulong
ang isnag posisyong papel upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao at mapukaw ang kanilang
pagnanasa na alamin pa ang ilang mga napapanahong isyu at sa huli, magkaroon din sila ng sarili nilang
paninindigan hingil sa isang usapin. Kadalasan din na anag isnag posisyong papel ay nagtatapos sa mga
pananalitang panghihimok, kaya naman ang mga mamamayang nkababasa nito ay nahihikayat na
gumawa ng ilang hakbangin, na siya rin naming nkatutulong sa lipunang kanilang kinabibilangan.
21 | P a h i n a
Mula sa mga maiinit at
napapanahong isyu sa ating lipunan
ngayon, pumili ng isang paksa at
gumawa ng isang posisyong papel
gamit ang mga kaalamang
natutuhan. Ilagay ito sa isang malinis
na papel, isama sa iyong portfolio
bilang ika-15 entry.
Sumulat ng isang sanaysay ukol sa
kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon sa
isang isyu o usapin. Mahalaga nga ba ang
pagkakaroon ng posisyon o ang pagpapanatili sa
gitna o gray area? Ilagay din ito sa iyong portfolio
bilang ika-16 na entry.
Ikasiyam na Aralin
Replektibong Sanaysay
Pamantayang Pangnilalaman
Pagsulat ng akademikong sulatin tulad ng replektibong sanaysay.
Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang replektibong sanaysay.
22 | P a h i n a
Ano ang kinalaman kinalaman ng etika sa replektibong sanaysay? Ang isang replektibong
sanaysay ay isang pagtataya ng mga karanasan. Hindi lamang ito payak na pagsasalaysay, kundi
pagaanalisa sa mga bunga o magiging bunga ng mga pangyayari, at kung paano nito binago ang
isang tao. Nangangailangan ito ng pagmumuni-muni hinggil sa sarili o sa mga tao.
Mga Hakbang sa Pagsusulat ng Replektibong Sanaysay
1. Pumili ng paksang naranasan o dinanas ng isang malapit na tao sa iyo.
2. Tiyakin ang tuon ng isusulat na sanaysay.
3. Umisip ng panimula bg sanaysay na tiyak na makakakuha ng atensyon ng mambabasa o
pupukaw sa kanyang interes.
4. Ilarawan ang naging karanasan.
5. Maging kongkreto sa mga paglalarawan at paglalatag ng mga pangyayari.
6. Pag-isipang mabuti kung paano ka nabago ng karanasan/pangyayari.
Mataaas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang
pinagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakakintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At
sa kanyang maninipis na labi, na bahagyang pasok sa pagkakalapat at maputla, ay naglalaro ang
isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon at
tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas
na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng
pagpapaaral ay dumating na: ang magkaroon ng isang anak na nagtapos sa high school ay hindi
na isang maliit na gaya niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang
anak na dalaga sa isang kasuutang puting-puti, kipkip ang ilang libro at nakangiti patungo sa lalo
pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at
sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamaniganging may sinasabi rin
naman. Nasa daan na siya, para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na
dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nabuburdahang puting
damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.
23 | P a h i n a
Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ang isang pangnang sisidlan ng kanyang
pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang-bayan ng Tondo, ay
mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito
at kinakailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili rin
siya ng garbansos. Gusting-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na garbansos.
Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na
ang di-makamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pakanta
pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.
Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugal ng
magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan
tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa
panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas ng humahangos na
isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata
at tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kay sikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung
lumabas!”
“Pasensiya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos na tig-
bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo
sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensya!” sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y pagpapasensyahan
nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”
Agad siyang tumalikod at tuluy-tuloy na pumasok. Paano’t paanuman, naisip niya, ako
ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa
kanya pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa
nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang
nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong
paninda at bumili ng isang kartong mantika.
“Tumataba yata kayo, Aling Godyang,” ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na
siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.
“Tila nga ho,” ani Aling Godyang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”
Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang
magbayad.
“Bakit ho?” anito.
“A, e, nawawala ho ang aking pitaka,” wala sa loob na sagot ni Aling Marta.
“Ku, e, magkano naman ang laman?” ang tanong nga babae.
24 | P a h i n a
Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod
ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit sa di pa ma’y
nakikiramay nang tono ng nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, “E,
sandaan at sampung piso ho.”
Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga
nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing
batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-
dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakakalayo; may ilang sandali
pa lamang ang nakararaan. Inisip niya kung ano ang kasuutan nito na maaari niyang
pagkakilanlan, ang tabas ng mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit at mangilan-ngilang namimili at mga batang panakaw na
nagtitinda ng gulay, ay nagpalinga-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao
ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon, na di-
kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang
hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad.
Hindi siya maaaring magkamali; ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang pantalon na
wari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling
makilala. At ang hawak nitong bangos na tig-bebeinte.
Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!”
Tiyakan ang kanyang pagkakapagsalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap
ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:
“Ano hong pitaka?” ang sabi. “Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.”
“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng pitaka ko at
wala nang iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyong
iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaing mamimili.
Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawk sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa kababaihan.
“Aba, kangina ba namang pumapasok ako sa palengke, e banggain ako,” sabi niya. “Nang
magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko, e wala nang laman!”
“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo,” sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang
dito ho sa palengke’y maraming naglipanang batang gaya niyan.”
“Tena,” sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”
“Bakit ho, saan ninyo ‘ko dadalhin?”
25 | P a h i n a
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta na pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis.
Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawang-
kamayin ang pag-aalis sa mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pagkakasakal sa kanyang
liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na
umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga nanonood ay lumapit an isang pulis, na tanod
sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit ay sinimulan ni Aling Marta ang
pagsusumbong.
“Naseguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e naramdaman ko ang
kanyang kamay sa aking bulsa,” patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad
pagka’t akoy nagmamadali.”
Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot at ang nagmamapa-sa-
duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa
bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiiyak, ay lumabas ang isang maruming
panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tig-bebeinteng bangos.
“Natitiyak ho ba ninyong talaga na siya ang dumukot ng inyong pitaka?” tanong ng pulis
kay Aling Marta.
“Siya ho at wala nang iba,” sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aling ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata.
“Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya,” sisiguk-sigok na sagot ng bata.
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin sa iyo kung ang
pitaka ko, e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganoon kayong mga tekas
kung lumakad, isa-isa, dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, Mamang Pulis, e ituloy
na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matutong matakot iyan at magsabi ng totoo.”
Tumindig ang pulis. “Hindi natin kara-karaka madadala ito nang
walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang
siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”
“E, ano pang evidencia ang hinahanap mo?” sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang
pamumupo. “Sinabi ko nang binangga ako nang pasadya, na naramdaman ko ang kanyang kamay
sa aking bulsa. Ano pa?”
Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat gawin. Maya-maya, muling
naupo at dumukot ng isang lapis at isang maliit na kuwaderno sa kanyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
26 | P a h i n a
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatunghay sa
kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko ho, e may sakit at kami ho, kung minsan,
ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt. Kung minsan naman ho, e sa mga lola ko
sa Quiapo at kung minsan, e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tondo. Inutusan nga lang ho
niya ‘kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
“Samakatwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tondo?” ang tanong ng pulis.
“Oho,” ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay
dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa, e.”
Ang walang-kawawaang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay nakabagot sa
kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami
ang tao sa paligid at ang pulis na umuusig ay tila siyang-siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat
sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.
“Ang mabuti ho yata, e dalhin na natin iyan kung dadalhin,” sabi niya.
“Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman
ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo ay sabad kayo nang sabad, e,” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto n’yong
dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel. Doon n’yo sabihin
ang gusto n’yong sabihin at doon n’yo gawin ang gusto n’yong gawin.”
Inakbayan nito ang bata at inilakad patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiimik na si
Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay ngingti-ngiti habang silang tatlo ay
minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandal at tatawag ako sa kuwartel para pahalili,” sabi sa kanya at
pumasok.
Naiwan siya sa harap ng bata, na ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo,
sisiguk-sigok, nilalaro ng mga payat na daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya.
Tanghali na; iilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumapasok sa palengke. Inisip niya kung
ilang oras pa ang kinakailangan niyang paghintay bago siya makauwi: dalawa, tatlo o maaaring sa
hapon na. Naalaala niya ang kanyang anak na dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na
kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang naririnig ang sasabihin nito kung siya’y uuwi
na walang dalang anuman, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya na kangina
pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumulak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip
ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig at sa pagdidilim ng kanyang
paningin ay pabalingat niyang pinipilit sa likod.
27 | P a h i n a
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang
binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, e ako, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo
dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan? Saan?”
Napahiyaw ang bata sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang
balikat sa likod. Ang mga nanonood ay para-parang nangapatdan ng dila upang makapagsalita ng
pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo
ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay
makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang
si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalala niya ang kalayaan, kalayaan kay Aling Marta
at sa dumarakip na pulis, at siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingod-
likod na tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwang na daan. Bahagya na niyang narinig ang
mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta; ang sigaw ng pulis at ang
sumunod na tilian ng mga babae; bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na
busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid
at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang
nakita kundi ang madidilim na anino ng mga mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at
duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Maputla ang kulay ng
kanyang mukha ay aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malamig na pawis ang
gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng
paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siya ay binubuntunan
ng sisi. Bakit ba ako manganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili, Ginawa ko lamang
ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyaring ito’y pagbabayad lamang
ng bata sa kanyang nagawang kasalanan.
Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay
napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng
ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan
ng diyaryo at ang gulanit niyang kamiseta ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan.
Makailang sandali pa, pagdating ng pulis, ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata
ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan n’yo ako, e wala kayong makukuha sa akin,” sabing pagatul-gatol ng
nilalabasan ng dugo sa iong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”
May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Martang gumapang sa kanyang
katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumungayngay
ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob
ni Aling Marta sa kanyang sarili.
28 | P a h i n a
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya.
Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak na naman ang kanyang kuwaderno at lapis. “Siguro
matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo ay may sasagutin ako sa nangyari?” tanong ni Aling Marta.
“Wala naman sa palagay ko,” sagot ng pulis. “Kung may mananagot niyan ay walang iba
kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang
mananagot niyan.”
May himig pangungutya ang tinig ng pulis. “Makaaalis nap o ako?” tanong ni Aling Marta.
“Maaari na,” sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailangang iwan ninyo sa akin ang inyong
pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangailangan ng kaunting pag-aayos ay
mahingan naming kayo ng ulat.”
Ibinigay ni Aling Marta ang kanyang pangalan at tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang
tinging lumayo sa karamihan. Para pa siyang nanghihina at magulung-magulo ang kanyang isip;
Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumalakad siya ngayon na
walang-tiyak na patutunguhan. Naalaala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na
dapat niyang iuwi na, sana’y naiuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang
asawa sa sandaling malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit,
hanggang siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan,
tungayawan, at ang anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sa sila ay
puntahan at payapain ng mga kapitbahay. Katakut-takot na gulo at kahihiyan! Sa loob-loob ni
Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uulapang diwa sa bangkay ng batang
natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.
Kung di sa tinamaan ng lintik na iyan ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya
sa sarili. Kasi’y imbi, walang-pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng
iba. Mabuti nga sa kanya!
Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y
makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang
kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa
kanya, tulad ng madalas sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na
makapagpadala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na
sila ay hindi naghihirap, ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililingid din niya ang
nangyayaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo at anuman pangangatwirang
gawin niya ay siya rin ang sisisihin nito sa dakong huli; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha
ng ulat ay lilihiman niya ito. At tungkol sa ulam, mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling
Godyang, at iyon ang kanyang ipamimili; nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay sandaan
at sampung piso at ang halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung piso ay ipagkait
29 | P a h i n a
nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapaghihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa
maninipis na labi ni Aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang, bago siya pumasok ng tarangkahan,
ay natatanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong.
Nakangiti ito at siya ang minamasdan, ngunit nang malapit na siya at makita ang kanyang dala ay
napakunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha
ng kanyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-
graduate.
“A, e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”
Nagkatinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kanyang asawa, “ang pitaka mo, e naiwan mo! Kanginang
bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili
ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng pinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, anaki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta
ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang
narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong
makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang
pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang kanyang buong paligid; at bago
siya tuluyang nawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang
asawa’t anak, at papaliit, lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
30 | P a h i n a
Ikasampung Aralin
Pictorial Essay
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng isang akademikong sulatin
tulad ng isang pictorial essay.
Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng isang pictorial essay.
31 | P a h i n a
May kasabihan sa wikang ingles na “a picture paints a thousand words”,
nangangahulugang higit na nakapagsasalita ang mga larawan kaysa sa mga nakalimbag o
nakasulat na mga larawan. Hindi ba’t masayang balikan ang mga lumang larawan?
Ang isang pictorial essay/ photo essay o piktoryal na sanaysay ay isang komposisyon na
binubuo ng mga larawan. Gamit ang mga larawan, na kadalasan ay may mga litrato, isinasalaysay
ang mga totoong pangyayari nang tulad isang sanysay.
Kalimitang isinasaayos ang mga larawan sang-ayon sa kronilohikal o tematikong
pagkakasunod- sunod upang maipakita ang natural na daloy nito, kaiba ito sa story essay na ang
mga larawan ay nagsasalaysay ng isnag kwento. Maaari ring walang kinalaman sa isa’t isa ang
mga larawan, ngunit may iisang bagay na kumukonekta dito.
Masasabi na ang pictorial essay ay pagsasama ng malikhain at journalistic na paraan ng
pagsusulat. Kada larawan ay bahagi ng kabuuang naratibo, tema at damdamin ng sanaysay. Hindi
lamang basta binabatay sa kagandahan o kasiningan ang pagpili ng larawang ilalakip. Nararapat
ding isaalang- alang ang nilalaman at mensaheng taglay ng bawat larawan.
mga mabababsa.
32 | P a h i n a
• Nagsisilbing gabay sa kabuuang pictorial essay dahil
Lead Photo
pinahahayag nito ang tema ng sanysay.
• Larawan ng isang tao na ipinapakita ay ang mukha o ang Portrait
ulo hanggang balikat
Pamantayang Pangnilalaman
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng pagsulat ng isang lakbay-
sanaysay.
Pamantayan sa Pagganap
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng isang lakbay- sanaysay.
1
Mga Dapat Tandaan Bago Sumulat
pagbisita
34 | P a h i n a
Mga Kahingian sa Filipino sa Iba’t ibang Larang Akademiko
Ikatlong Markahan
35 | P a h i n a