Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Bulawan National High School

Bulawan, Payao Zamboanga Sibugay


Ikatlong Panahunang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 10 – MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Pangalan______________________________________Pangkat_______Iskor______Petsa_____

I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_______1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay


katumbas ng salitang sex at gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization
(WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng
pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
_______2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
_______3. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang
kanilang seksuwal na pagkakakilanlan, samantalang ____ ang mga taong
nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit
nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang
tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual
_______4. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian,
mga lalaki na ang gustong makasama ay babae at mga babaeng gusto naman ay
lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual
_______5. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay
pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki
ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki
noon kaysa sa kababaihan.
_______6. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa
pinapayagan noon ang babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung
gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa
pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang
asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari. Ano ang maaaring maging
konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______7. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng
pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o
mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng
kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa
pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90%
ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan.
Anong ideya ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-
ibayuhin ang pakikipaglaban sa kanilang karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga
mamamayan bata man o matanda dahil sa pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan,
at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga
Amerikano sa pagdating nila sa Pilipinas.
_______8. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng
kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang
asawang si Diego Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng
1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
katipunero. Bakit ganon na lang ang ginawang pagpapakita ng kabayanihan ng
ilang kababaihan sa panahon na dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa
panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D.Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
_______9. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
A. Female Genital Mutation C. Female Genes Migration
B. Female Genes Mutation D. Female Genital Mutilation
_______10. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat
sa New Guinea. Sa Mundugumor pareho ang babae at lalaki na matatapang,
agresibo, at bayolente, samantalang ang mga Arapesh ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at
mapayapa.
B. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga
kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng
sarili mahilig sa kuwento.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop,maalaga at matulungin.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kuwento samantalang
ang mga kalalakihan ay dominante at naghahanapng makakain.
_______11. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa
iba. Ano ang tawag sa anumang pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian
na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang at pagtamasa ng mga
babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
_______12. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________
_________ for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action.
A. Because Women C. Binding Women
B. Believed in Women D. Broadcast about Women
_______13. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong
sa ibaba.
BABAE, BUMANGON KA!
VAW Theme Song Titik: Girly Torres-Brillantes
Musika: Valiant Torres

Chorus:
Wakasan ang karahasan sa kababaihan
Matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas
Bumangon ka, bumangon ka
Labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka!
Halaga sa lipunan
Hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan
Pagtahak sa tamang daan.
Ano ang pangunahing mensahe ng awit na ito?
A. Pahalagahan ang karapatan ng kababaihan
B. Ipaglaban ang karapatan ng kababaihan at wakasan ang karahasan.
C. Ang babae ay dapat maging malakas.
D. Igalang ang kababaihan at karapatan nito.
_______14. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang
Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib
ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng
may edad siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan
ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3)
pagkagahasa. Paano maaaring ilarawan ang lipunang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at
nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.
B. Lipunan ay naglalarawan ng di pantay na pagtrato sa kababaihan at nagdudulot
ng kasakiman sa tungkulin ng mga kalalakihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan at
ang lipunan ang naging sandigan nila upang makaahon sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kaya’t ang lipunang kanilang
ginagalawan ay apektado.

_______15. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang
mga paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa
nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang tawag sa
ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang
tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala
bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
Anong karapatan ng mga kababaihan ang ipinapakita sa paraan ng foot binding?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga paligsahan
at patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil sa
kanilang sitwasyon ay hindi nila ito naranasan.
C. Mainam ang ganitong sitwasyon sa kanilang seguridad.
D. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha.

_______16. Batay sa pag-aaral hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan


na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang
mga kalalakihan ay biktama nito.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng ganitong
uri ng karahasan maliban sa isa.
A.Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
B.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang ang
ginagawa niya sa iyo.
C. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
D. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
_______17. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Ito ang kauna-
unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ito ng United Nations General Assembly noong Disyembre 18,1979
noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas dito noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
A. VAWC B. CEDAW C. GABRIELA D. Magna Carta
of Women
_______18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito:

“LGBT rights are human rights” - Ban Ki – Moon -UN secretary


General

A. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.


B. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
C. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
_______19. Tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila
ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa,
maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda,
migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
A. Women in Especially Difficult Circumstances C. Marginalized Women
B. Primary duty bearer D. Anti-Violence Against Women
and Their Children Act
_______20. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at
kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang
relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang
“mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na
wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na
may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan
o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
B. Republic Act 9710
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta
_______21. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa
kababaihan?
A. Nagsusulong ito mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng
karahasan.
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng
kababaihan.
C. Nilalayon ng CEDAW na maipahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap
ng mga kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ang CEDAW ng mga patakarang magbibigay impormasyon sa mga
nais iparating ng mga kababaihan sa kani-kanilang gobyerno.

_______22. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9
ng Nobyembre 2006 nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto
sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t
ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
B. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
C. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at
karahasan.
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng
mga LGBT.

_______23. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual.Siya ang lagi mong


kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa, para na kayong magkapatid
hanggang sa matuklasan mo ang kanyang oryentasyon sekswal. Ano ang iyong
gagawin?
A. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sayo.
B. Igagalang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ng aming
pagkakaibigan.
C. Ipagkakalat kong siya ay isang bi-sexual.
D. Lalayuan at ikahihiya ang iyong kaibigan.
_______24. Suriin ang mga larawan at sagutin kasunod na tanong
.

(Pinagkunan ng larawan: https://www.google.com.ph/search?dcr=0&biw=1242&bih=614&tbm=isch&sa=1&ei=KoJLWu-


=men+doing+household+chores+cliparts&oq=men+doing+household+chores+cliparts&gs
https://www.google.com.ph/search?biw=1242&bih=614&tbm=isch&sa=1&ei=64RLWsQyi93xBYSZq8AK&q=working+women+clipart
&oq)

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan
sa bahay.
C. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sakalalakihan.
D. Ang gawain ng kababaihan ay maaring gawin ng kalalakihan.

II. Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na


nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas/ gender roles sa iba’t ibang lipunan
sa mundo ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Piliin sa loob
ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

A. I D. IV
B. II E. V
C. III
_____ 25. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihang ang nakapag- aral
dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan
ang mundong kanilang ginagalawan.
_____ 26. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng
kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang
asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga
Espanyol.
_____ 27. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan sa panahong ito ay
kabahagi ng mga kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
_____ 28.Ang mga kababaihan sa Pilipinas maging kabilang sa pinakamataas na uri o
timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
_____ 29. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa
karapatan ng mga kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
III. Panuto: Analohiya. Punan ng tamang salita upang mabuo ang konsepto at
nilalaman ng mga salita.
30. foot binding : China ; __________________ : India (Purdah)
31. Seven Deadly Sins : ____________________ ; International Bill for Women :
CEDAW (GABRIELA)
32. International Day for the Elimination of Violence Against Women : November 25
Anti-Homosexuality Act (Uganda) : _____________ (2014)
IV. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

A. Women in Especially Difficult Circumstances D. Prinsipyo 2


B. Violence Against Women and Their Children E. Magna Carta of
C. Women
Prinsipyo 16
______33. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong
nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
______34. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao
nang walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
______35. Mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan
tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng
prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
______36. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
IV. (37-40) Panuto: Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa
paglinang ng ganap na kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian
nito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment.

Pamantayan ng Pagmamarka

Pamantayan Puntos Nakuhang


Puntos
Nilalaman 2
Ang hakbanging ginawa ay naglalaman ng sapat ,tumpak at may
kalidad na impormasyon na nagsusulong ng pagtanggap at
paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang
pagkakapanta-pantay ng tao sa lipunan.
Impact 2
Ang dating sa manonood , mambabasa ay lubos nakakahikayat at
nakakatawag ng pansin.
KABUUAN 4

Pledge of Commitment

Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.

You might also like