Augusto LP Building 171014101645

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Inihanda ni: Augusto, Dheamae M.

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa: sa sanhi at epekto ng mga isyung
pampulitikal sa pagpapanatili ng katatagan ng pamahalaan at maayos na ugnayan ng mga bansa sa
daigdig

Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay: nakapagpapanukala ng mga paraan na nagpapakita
ng aktibong pakikilahok sa mga isyung pampulitikal na nararanasan sa pamayanan at sa bansa

Learning Competency: Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang graft and
corruption sa lipunan
I. Objectives:
a. nakapagtutukoy ng mga solusyon/paraan upang maiwasan ang graft &
corruption sa lipunan.
b. napapahalagahan ang pagiging mapanuri ng mga mamamayan upang
masolusyonan ang graft & corruption
c. nakabubuo ng isang malikhaing awitin na nagpapahiwatig ng mga
solusyon/paraan, sa kanilang sariling pananaw upang maiwasan ang graft &
corruption
II. Lesson
1. Content: Graft & Corruption
2. Skills: Critical thinking, reflective thinking, problem-solving, decision making
3. Attitude/s: pag-unawa, pakikilahok, pagrespeto
4. Value/s: pagpapahalaga sa nagaganap sa lipunan

III. Instructional Materials


1. Visual: mga texto, manila paper, pentel pen, papel
2. Auditory: kanta “UPUAN” by Gloc9
3. Manipulative: laptop, tv screen

IV.Strategies: (Synectics Expidition)


1. Presenting the Problem
1.1. Ang mga mag-aaral ay aatasang ipikit ang kanilang mga mata at ipapalagay
nila na, nasa ganitong sitwasyon sila.
Sitwasyon: Halimbawa ay nag-iipon ka dahil may isang bagay kang
gusting-gustong bilhin, nang maramu na ang iyong ipon ay kinuha itong lahat ng taong
pinagkakatiwalaan mo.
1.2. Pagkatapos ay hayaan ang mga mag-aaral na imulat ang kanilang mga mata
at itanong ang mga sumusunod na mga tanong:
a. Ano ang naramdaman mo habang iniisip mo ang ganoong sitwasyon?
b. Bakit ka masaya?
c. Bakit ka malungkot?
d. Bakit ka galit?

2. Providing Expert Information


2.1. Ipaparinig sa mga mag-aaral ang kantang “UPUAN” habang may nakapaskil
nga lyrics sa pisara. (Kalakip ng Banghay Aralin na ito ang kopya ng “UPUAN”)
2.2. Pagkatapos ng kanta ay tatanungin ang mga mag-aaral upang matukoy kung
may naintindihan ba sila sa konseptong nais iparating.
Mga Tanong:
a. Ano ang naintindihan ninyo sa kanta?
b. Ano sa tingin ninyo ang nararamdaman ng kumakanta?
c. Ano kaya ang gusto niyang ipahayag?
d. Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ng may kanta? Bakit?
2.3. Pagkatapos ng mga tanong ay hahatiin ang klasi sa tatlong pangkat at
magbibigay ang guro ng texto tungkol sa Graft & Corruption. (Kalakip ng Banghay Aralin na ito
ang texto tungkol sa Graft & Corruption na isinulat ni Joy Lucero)
2.4. Pagkatapos basahin ang texto, itatanong ang mga sumusunod na katanungan
upang simulan ang diskurso.
Mga Tanong:
a. Ano ang graft & corruption?
b. Ano ang dahilan ng graft & corruption?
c. Sinu-sino ang madalas na sangkot sa graft & corruption?
d. Bakit mayroong graft & corruption?
e. Sinu-sino ang naapektuhan ng graft & corruption?
f. Ano ang maaaring solusyon/paraan upang maiwasan ang graft &
corruption?

3. Questioning Obvious Solutions & Purging


3.1. Gamit ang mga naibigay na sagot ng mga mag-aaral sa huling tanong ng guro,
aalamin ng klasi kung aling ang solusyong katanggap-tanggap at hindi katanggap-tanggap.
3.2. Sa kapareha paring grupo, gagamitin nila ang talahanayan sa ibaba upang
itala ang kanilang mga sagot.
Talahanayan 01: Explorations of Solutions
(Anu-ano ang mga solusyon upang maiwasan ang graft & corruption?)
Mga Solusyon sa Graft & Mga Solusyong Hindi Mga Solusyong Katanggap-
Corruption Katanggap-tanggap tanggap

1.
2.
3.
4.
5.

3.3. Pagkatapos ng pangkatang gawain ay ibabahagi nila ito sa klasi.

4. Generating Individual Problem Statements


4.1. Pagkatapos ng pagbabahagi, babalik sila sa kanilang pangkat upang gawain
ang susunod na gawaiin.
4.2. Para sa sunod na gawain, inaatasan ang mga mag-aaral na gumawa ng isang
pangungusap na nagpapahiwatig ng problema. Ito ay gagawin sa talahanayan sa ibaba.
Talahanayan 02:

1. Isulat ang prorblema ukol sa graft & corruption.


Halimbawa:
1. Alamin kung sinu-sino ang kasangkot sa graft & corruption sa ating bansa.
2.
3.
4.
5.
(Bawat pangkat ay gagawa ng tig-limang pangungusap.)

2. Anong interpretasyon ang maibibigay mo ukol sa problema sa graft & corruption?


Halimbawa:
1. Ang kadalasang sangkop sa graft & corruption ay mga politico.
2.
3.
4.
5. Choosing One Problem Statement for Focus
5.1. Bawat pangkat ay pipili ng tig-isang salaysay (problem statement) mula sa
kanilang mga nagawa. Babasahin it ng malakas sa klasi upang ito ay pagtuonan ng pansin para sa
diskurso.
5.2. May mga tanong na itatanong para sa discussion.
Halimbawa:
a. Bakit nasasangkot ang mga politico sa graft & corruption?

6. Questioning through the Use of Analogies


6.1. Ang mga mag-aaral ay gagawa ng mga katanungan base sa iprenesentang
analogies. Bawat pangkat ay magbibigay ng tig-isang set ng mga tanong. Gagamitin ang
talahanayan sa ibaba,
Talahanayan 03: Analogical Questions

Direct Analogies Personal Analogies Symbolic Analogies Fantasy Analogies

Halimbawa:
1. Paanong ang kaban 1. Paano kaya ang 1. Paanong ang kaban 1. Kung maipapasok
ng bayan ay parang pakiramdam maging ng bayan na mo sa iyong bulsa ang
karagatang kaban ng bayan na ninanakawan ay kaban ng bayan paano
ginagamitan ng ninanakawan? mayaman at mo mapoprotektahan
dinamita? malungkot? it sa mga buwaya?

7. Forcing Analogies to Fit the Problem


7.1. Babalikan ang orihinal na piniling problema at pipilitin na ang analogies ay
ma”fit” sa problema. Gagamitin ang talahanayan sa ibbaba. Bawat talahanayan ay pagtutulungan
ng mga miyembro ng bawat pangkat.
Talahanayan 04: Analogies to Fit the Problem

Halimbawa:

1.

2.

8. Determining a Solution from a New Viewpoint

8.1. Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na tanong:


a. Paano maiiwasan ang graft & corruption?

b. Anong parusa ang dapat ipataw sa mga taong gumgawa ng graft &
corruption?

c. Sino ang dapat gumawa ng aksyon upang maiwasan ang graft &
corruption?

9. Evaluating

9.1 Sa parehang grupo, sasagutan nila ang sumusunod na mga tanong na isusulat
sa isang manila paper at ibabahagi sa klasi pagkatapos ng limang minutos.

Mga Tanong:

a. Sa tingin niyo ba ang mga solusyong inoyng ibinigay ay epektibo upang


maiwasan ang graft & corruption?

b. Alin sa mga solusyon ang epektibong, pwedeng gamitin ng mga sector


na ito: BIR & CGG?

C. Alin sa mga solusyong ito ang pwedeng gawin o gamitin ng


sambayanan?

V. Assessment

1. Sa kaparehang grupo, ang mga mag-aaral ay inaatasang gumawa ng isang malikhaing


awitin kung saan nakapaloob ang kanilang sariling solusyon upang maiwasan ang graft &
corruption.

2. Ang kanilang likha ay mamarkahan batay sa pamantayan sa ibaba:

PAMANTAYAN:

 Nilalaman - 30%
 Pagkakaisa - 25%
 Pagkamalikhain - 25%
 Uniqueness - 20%
KABUUAN - 100%

3. Ipepresent ang kanilang gawa sa susunod na pagkikita.

VI. Assignmnet

Magbasa ng mga artikulo tungkol sa mga Kontemporaryong Isyu. Gagamitin ito sa susunod
na discussion.

You might also like