Professional Documents
Culture Documents
THE-LIVED-EXPERIENCE-OF-WORKING-STUDENTS-EME Sa Pananaliksik
THE-LIVED-EXPERIENCE-OF-WORKING-STUDENTS-EME Sa Pananaliksik
Nina:
Angel Trisha V. Baluyot
Pauline Aira A. Busca
Jodken Guthfred P. Macan
Beatrice Meneses
Honey Krizia Nolasco
Paul Santos
John Robert Reyes
Enero 2020
DAHON NG PAGPAPATIBAY
GURO SA PANANALIKSIK
PAGPAPASALAMAT
Ang pananaliksik na ito ay hindi magiging posible kung hindi dahil sa tulong ng mga
taong nag-ambag at sumuporta sa amin, lalo na sa Panginoon na ginabayan kami upang
maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
At lalo na ang aming pananaliksik ay hindi sana nakumpleto kung wala ang tulong ng
aming tagapayo sa pananaliksik na si Gng. Aurea A. Cantillion na ginabayan kami sa bawat
kabanata ng pananaliksik na ito.
Talaan ng Nilalaman
APPROVAL SHEET
PASASALAMAT
DEDIKASYON
ABSTRACT
TALAAN NG NILALAMAN
TALAAN NG NILALARAWAN
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
A. Introduksyon
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
D. Saklaw at Limitasyon
E. Depinisyon ng mga Terminolohiya
F. Konsepswal na Balangkas
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
A. Disenyo ng Pananaliksik
B. Respontdente
C. Instrumento nng Pananaliksik
D. Tritment ng mga Datos
Isang taong nag-aaral at nagtratrabaho ng sabay ang working student. Ang pagiging
working student ay may maraming benipisyo. Nakakatulong ito upang magkaroon ng
karagdagang pera ang isang estudyante upang matuguan ang kanyang mga gusto at
pangangailangan. Nagkakaroon din sila ng ideya sa sitwasyon sa loob ng mga
pinagtratrabahuhan ng mga nakakatanda. Nahahasa rin ang kanilang abilidad sa pagbabalanse
ng oras.
Nahahati sa dalawang uri ang mga working students, ito ang mga nagtratrabaho sa loob
ng paaralan at ang mga nagtratrabaho sa labas ng paaralan. Ang mga estudyanteng piniling
magtrabaho sa loob ng mga paaralan ay nakakatanggap ng deskuwento o maaring maging libre
ang matrikula. Ang mga mag-aaral na nagtratrabaho sa labas na paaralan ay nagtratrabaho
maaring sa umaga o sa gabi at nakakatanggap ng suweldo na nakabatay sa napagkasuduan niya
at ng kanyang maypagawa.
Layunin ng Pag-aaral
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito pumapaksa sa mga karanasan ng mga working students. Ang
mga sumusunod ang mga tagapagpakinabang ng pag-aaral na ito:
Mga tagapangasiwa, makakatulong ang papel na ito upang magkaroon ng mga hakbang
para gawing angkop ang lugar ng pinagtratrabahuhan para sa mga working students.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito pumapaksa sa mga karanasan ng mga working students. Ang
mga sumusunod ang mga tagapagpakinabang ng pag-aaral na ito:
Mga tagapangasiwa, makakatulong ang papel na ito upang magkaroon ng mga hakbang
para gawing angkop ang lugar ng pinagtratrabahuhan para sa mga working students.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag- aaral na ito ay nag lalayon na malaman ang particular na rason ng mga
working student kung bakit sila nag tratrabaho at kung paano nila napapagsabay ang trabaho
at pag- aaral. Ang aming mga napiling respondent ay mag popokus sa problemang kinakaharap
ng mga estudyanteng nag tratrabaho o mga working students.
Depinisyon ng Terminolohiya
Working students. Mga estudyanteng pinag sasabay ang eskwela pati ang trabaho. Sila ang
kadalasang tumutustos sa sarili nilang pag aaral.
Matrikula. Ito ang kinakailangan bayadan ng mga estudyante upang makapag aral.
Part time job. Temporaryong trabaho o hindi kinakailangan ng buong araw na pasok sa
trabaho.
Edukasyon. Edukasyon ay proseso ng pagkatuto, abilidad, paniniwala at pag uugali.
Theoretical Framework
Working
Students
Responsibilidad Kalusugan
Academic Bonding sa
Pakikipag Kapwa Immunity Depression
Performance Pamilya
Emotional
Grades
Breakdowns
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-ARAL AT LITERATURA
Ang mga working students ay ang grupo ng tao na nag-aaral at nagtratrabaho ng sabay.
Sinasabing mahirap ang kanilang mga gawain at responsibilidad dahil sa sabay na gawain na
natatangap nila sa trabaho at sa eskwelahan. Ang pag-aaral na ito ay tutukoy kung nakaka-
apekto ang paggawa nito ng sabay sa pisikal at mental na estado ng mga working students.
Banyagang Teorya
Ayon kay Kishokumar & Lakshika (2016) balanse sa buhay ng trabaho ay ang
kakayahang balansehin ang tatlong dimensional na aspeto ng buhay; personal na buhay, buhay
panlipunan at buhay ng organisasyon.
Ang Anxiety o pagkabalisa ay isang normal na maranasan ng tao. Subalit, kung ito ay
madalas nararanasan ang iba't-ibang lebel ng anxiety maari itong maging malala hanbang ang
depresyon naman ay isang karaniwan at malalang sakit na nakakaapekto nang masama sa ating
emosyon, pag-iisip at ang pang-araw-araw nating ginagawa Maaari itong maghatid ng
kalungkutan at pagkawala ng interes sa mga bagay-bagay.
Ayon kay Charmaine (2014), " maraming mga problemang kinakaharap Ang mga
working students na hindi nila maaring takasan. Mayroong tatlong responsibilidad ang
kailangan nilang gampanan: Ang responsibilidad bilang estudyante, responsibilidad bilang
manggagawa at Ang responsibilidad ng isang indibidwal sa problemang panlipunan.
Ang pag-aaral sa itaas ay pumaksa sa dahilan ng bagsak na grado sa loob ng klase, mula
sa results at kongklusyon ng pag-aaral napag-alaman na ito ay dahil sa bilang ng gawain at
responsibilidad na kailangan gawin ng sabay.
Iba't ibang mga pag-aaral, parehong lokal at dayuhan ay nagpakita ng isang resulta.
Ang resulta ay ang pagsisikap at pag-aaral ay magbibigay-halaga sa pisikal at mental na mga
katangian ng taong pinili nang magkasama o sa parehong panahon. Ibinibigay na ang mga tao
na kasangkot dito ay itinuturing na mga tinedyer sa mga kabataan na maaari nitong pilitin silang
balansehin ang kanilang buhay. Masarap ding tandaan na ang ilang mga organisasyon ay
nagbibigay sa patakaran ng balanse sa buhay-trabaho sa kanilang normal at empleyado ng mag-
aaral. Ang patakaran na tulad nito ay nagbibigay sa mga tao ng isang pahinga at isang
pagkakataon na gawin ang mga gawain at responsibilidad sa labas ng kanilang paglalarawan
sa trabaho. Bagaman ang hangarin na magtrabaho ng mga mag-aaral ay upang kumita ng pera
para sa kanila upang mapanatili ang kanilang edukasyon ay isang positibong aksyon, hindi
namin maibubukod ang katotohanan na ang positibong ito ay may maraming negatibo. Maaari
itong saklaw mula sa mga simpleng bagay tulad ng pagkapagod sa mga malubhang problema
tulad ng depresyon.
CHAPTER III
METHODOLOGY
Disenyo ng Pananliksik
Respondente
Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga estudyanteng mayroong mga
trabaho upang matugunan ang kanilang pangangailangang pinansyal. Ang pag-aaral na ito ay
nakatuon sa mga karanasan ng mga working student sa loob ng Metro Manila.
Instrumento ng Pananaliksik
Ang napiling paraan para sa sampling na ito ay ang rambom sampling, kung saan ang
mga mananaliksik ay hahanap ng grupo ng mga working student sa loob ng Metro Manila at
magtatanong tungkol sa mga tanong na aming hinanda at na-aprubahan ng mga balidator. Ang
tanong sa interbyu ay nahahati sa dalawang bahagi. Ang unang bahabi ay upang ay para sa
pagtatatag ng ulat. Ito ay nalalayon ng magkakaroon ng mabuting unang impresyon ang mga
mananaliksikat upang makapaghanda ang respondente sa mga susunod na mga tanong. Ang
pangalawang bahagi ay ang mga tanong upang makakolekta ng datos para sa pag-aaral ang
mga mag-aaral, ito ay kinabibilangan ng mga panghaliling problema at panghaliling tanong na
nakapaloob sa pangkahalatang tanong.
1. Kamusta ka?
2. Nakatira ka ba sa loob ng Metro Manila?
3. Ikaw ba ay isang mag-aaral na nagtratrabaho?
4. Ano ang trabaho mo?
5. Bakit mo napili ang trabaho na iyon?
Pangkahalatang Tanong: Ano ang iyong mga karanasan bilang isang working student?
Unang Problema: Ano ang mga problemang hinaharap mo bilang isang working
student?
Para sa pag-aaral na ito ay pinili ng mga mananaliksik ang mga respondente upang
makuha ang datos na kinakailangan, ang mga mag-aaral na ito ay nagtratrabaho sa loob ng
Metro Manila. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang pakikipanayam sa pamamagitan
ng online chat o google form para makuha ang mga kasagutan.