Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MGA MAGULANG NI JOSE RIZAL

•FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal


Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco
Mercado noong
Enero 5, 1898.

•TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y


Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng
Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang ikalawang anak nina
Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-
aral siya sa Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado.
Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose Rizal na si
Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna.

MGA KAPATID NI JOSE RIZAL


(2 lalaki kasali na don si Jose Rizal at 9 na babae)

•SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si Rizal at siya ang
tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo Hidalgo ng Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo, Amelia at Augusto.

•PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso Realonda): Si Paciano ay


ang nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9,
1851 sa Calamba, Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang
magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang
makarating sa Europa.Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda
Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan, Diariong Tagalog.
Sinuportahan din niya ang Katipunan sa pagkuha ng mga miyembro galing sa
Laguna. Pagkamatay ni Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng
Revolutionary Army at naging military commander din ng revolutionary forces
sa Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli siya ng mga
Amerikano.
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.

•Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na


Babae ng Bayani
Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at may palayaw na “Sisa”.
Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa
sa pag-aaral ni Rizal
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan and pag-aaral ni
Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula at
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo.

•OLYMPIA RIZAL

Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal. Siya ay ipinanganak


noong taong 1855. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph
Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang
dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

•Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani


Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa pamilya Rizal. Siya
ay kasal kay Mariano Herbosa ng Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan
na nagsulsol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa
kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan
nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng
pamilya Rizal.

Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong Mayo, 1889. Hindi siya


binigyan ng isang burol Katoliko sa dahilang hindi siya nangumpisal mula
nang ikasal kay Lucia. Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad
Una Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging ilibing sa
maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano dahil lamang sa siya ay
bayaw ni Jose Rizal.

•Maria Rizal

Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at nakatatandang kapatid


ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan,
Laguna. Sinabi na si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na
gusto ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya noong 1945.

•Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng Bayani

Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga kapatid at kaanak, si


Concepcion Rizal ay ipinanganak noong 1862 at namatay sa edad lamang na
tatlong taon, noong 1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha ang pinakapaborito ni


Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at
lagging kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya
naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid
na babae.
Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang umiyak si Jose Rizal at
isinulat niya na noong siya ay apat na taong gulang ay nawanawalan siya ng
kapatid na babae at sa kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa
panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang minamahal.
•JOSEFA RIZAL

Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya ipinanganak noong


taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa
Europa, siya ay nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay
Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid dahil sa kanyang
kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din ng mensahe tungkol sa bente
pesos ngunit ang 10 doon ay para dapat sa lotto.
Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit,
nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Si
Josefa ay nahalal bilang pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa
mga orihinal na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.
Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.

•Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula ng Bayani


Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na Rizal. Siya ay ipinanganak
noong 1868 at namatay noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang
tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose
Rizal.
Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal kay Trining at isinasalaysay niya
na ang mga babae sa Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si
Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang magbasa ng buong
puso. Pinangaralan niya ito na huwag hayaang ang katamaran ang mamayani
dahil napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-aaral. Sinabi niya na
kaunting tiyaga lamang at siya ay magtatagumpay. Makaraan ang apat na
taon ay nagulat na lamang si Jose Rizal nang makatanggap siya ng liham
mula kay Trining. Ipinaalam nito na nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang
taon at isa’t-kalahating buwan na ang nakakaraan. Noong Agosto 1893, si
Trinidad kasama ng kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal sa “casa
cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado). Noong Enero 1896 ay
inanyayahan ni Jose Rizal si Trining na bumalik sa Dapitan.
Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa banig ng karamdaman, limang
buwan mula Abril hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at
dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang pinakahuling namatay sa
pamilya Rizal.

You might also like