Professional Documents
Culture Documents
Test-Paper-Mhs 3RD Quarter-Filipino
Test-Paper-Mhs 3RD Quarter-Filipino
Region III
DIVISION OF PAMPANGA
MACABEBE HIGH SCHOOL
San Roque, Macabebe Pampanga
FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
S.Y. 2019 – 2020
Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/aytem at sagutin ang mga tanong.
Itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa
kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam na
nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana na hari
ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi
pwede, may asawa na ako”. Narinig ni Sita ang dalawa, lumabas siya at niyakap si
Rama sa harap ni Surpanaka. Sa galit, bigla siyang naging higante.
1. Ang binasang teksto ay isang___
A. Alamat B. Anekdota C. Epiko D. Tanaga
2. Ang salitang nagpapanggap sa talata ay nangangahulugang:
A. nagkukunwari B. nanggagaya C. nanloloko D. nagbabalatkayo
3. Ang hindi pagpayag ni Rama sa gusto ni Surpanaka ay nangangahulugang:
A.Hindi si Surpanaka ang kaniyang gusto.
B.Mahal niya ang kanyang asawa.
C.Naniniwala ito sa kapangyarihan ng pag-ibig.
D.Natatakot ito kay Surpanaka.
4. Anong pilosopiya ng mga taga India ang pinatunayan sa tekstong binasa?
A.Pinagpapala ng Diyos ang maganda,matalino at kumikilos nang naaayon sa kabutihan.
B.Pinagpapala ng Diyos ang mahuhusay nilang mandirigma.
C.Pinagpapala ng Diyos ang matatapang nilang mandirigma.
D.Pinagpapala ng Diyos ang mga inaapi sa kanilang lipunan.
5. Alin sa mga pangyayari ang naglalarawan sa isang epiko?
A.Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan.
B.Ipinatapon ang mag-asawa sa gubat mula sa kaharian ng Ayodha.
C.Isang babae na nagpapanggap ang dumalaw sa mag-asawa.
D.Sa galit ni Surpanaka bigla siyang naging higante.
6. Alin sa mga pangyayari ang nagpapakita ng kabayanihan ng tauhan sa isang epiko?
A.Hiniling ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka upang
iligtas si Sita sa kamay ni Ravana.
B.Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.
C.Nagselos si Surpanaka, sa galit bigla siyang naging higante.
D.Sa gubat tumira sina Rama,Sita at Lakshamanan.
Suriin kung anong uri ng pang-uring ginamit sa paghahambing sa bawat pangungusap
sa ibaba.
A. Paghahambing na magkatulad C. Hambingang Pasahol
B. Hambingang Palamang D. Katamtaman
___7. Labis ang pagmamahal nila sa bayan.
___8. May kagalingan ang mga mag-aaral ngayon pagdating sa teknolohiya.
___9. Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito dahil sentro sila ng kalakalan.
___10.Di-gasinong mahusay sumagot ang mga kalahok ngayon sa Miss Universe kaysa noon.
“Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa“? Sumagot ang may-ari ng ubasan,” Kaibigan hindi kita
dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak? Wala ba akong
karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba ay naiinggit at ako’y
namamagandang-loob sa iba?
At sinabi ni Jesus,”Ang nahuhuli ay mauuna at ang nauuna ay mahuhuli” (Mateo20:1-16)
Prepared by:
ROLEX C. BIE Noted:
Subject Teacher Checked by: RAMON A. CASTRO
VILMA S. MENDOZA Principal I
SST-III
Parent’s Signature
________________________________
Name & Signature of Parent/ Guardian