Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DIMALALUAN, Reychelle Lee

NAZ, Pauline Mae

“Sandosenang Sapatos”
Isang magaling na sapatero ang tatay ni Karina at kilalang-kilala sa bayan nila. Sa
tuwing may isang espisyal na okasyon ay iginagawa siya ng kanyang ama ng
magagarang sapatos kung kaya’t ang ilan sa mga kaklase niya ay naiinggit sa dami ng
kanyang mga sapatos. Nung nasa ikalwang taon ng elementarya si Karina ay muling
nagbuntis ang kanyang ina kaya naman laking galak ng kanyang ama sapagkat
matagal na nila iyong dinidinig sa Diyos. Mas lalo pa nilang ikinatuwa nang malaman
nilang babae ito at sa paglaki ay pag-aaralin ng ballet. Pero ang mga pangarap nila
para sa kanya ay naglaho sa kadahilanang ipinanganak si Suzie na wala ang dalwang
paa. Nagkaroon pa ng mga usap-usapan na siguro raw ay binalak na ipalaglag si Suzie
ng siya ay ipinagbubuntis pa o di kaya ay isinumpa siya ng diwata ng sapatos.
Gayunpaman, hindi nagging hadlang ang kakulangan ni Suzie dahil mahal na mahal pa
rin siya ng kanyang pamilya. Ipinilit ni Karina na pag-aralan ang ballet ngunit sa tingin
niya’y hindi talaga ito para sa kanya.
Lumipas ang mga taon lumaki si Karina at Suzie na malapit ang kalooban sa isa’t-
isa. Naging gabay siya ni Suzie sa kahit anong bagay. Ang kanilang ama naman ay
hindi tumgil sa paglilikha ng mga sapatos para sa kanya, minsa’y sa tuwing sinusukatan
niya ito sa paa ay napapatinign sa bunsong anak at napapabuntong hininga na lamang
ito. Ikinwento ni Suzie sa kapatid ang patungkol sa kanyang panaginip na may suot
siyang napakagandang sapatos. Iba’t-iba ang kulay, disenyo at mga sukat ng mga ito.
Ngunit nang 12 taong gulang na si Suzie ay pumanaw ang kanilang ama.
Isang araw, hindi sinasadya ni Karina na mapadayo sa bodega ng kanyang ama
upang maghanap ng ilang mga lumang sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan. Sa
paghahalughog niya ay nakita niya nag kumpol ng mga kahon at ng buksan niya ito,
nakita niya ang isang dosenang sapatos para sa iba’t-ibang okasyon. Kalakip ng mga
sapatos na iyon ay ang liham na nanggaling sa kanilang ama, pagbati para kay Suzie.
Ipinakita ni Karina sa kanyang ina at kay Suzie ang mga sapatos at laking gulat niya ng
mapagtanto na ang mga sapatos na iyon ay ang mga nasa panaginip niya.
Ang mensahe na nais iparating kwentong ito ay pagmamahal ng ating mga
magulang sa atin kahit ano pa tayo sapagkat perpekto tayo sa paningin nila. May
kulang man o kumpleto, pag-ibig nila ang bumuo at humubog sa atin.

You might also like