Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Laguna
Pedro Guevara Memorial National High School
Sta. Cruz, Laguna

BAITANG 9

AKDA PARA SA TAHIMIK NA PAGBASA

ANG PAGKAKALIKHA SA TAO

Noon daw unang panahon na wala pang tao sa daigdig, si Lumawig ang dakilang hilagyo,

ay nanaog mula sa langit, nagputol ng mga damong malalaki, at dala-dalawang ikinalat sa iba’t

ibang pook ng daigdig. “Magsalita kayo,” ang sabi niya. Ang mga damo ay naging tao, at sa

bawat pares ng damo ay may lumabas na isang lalaki at isang babae, ngunit iba-iba ang wika

ng bawat pares. Ikinasal ni Lumawig ang bawat pares na siyang naging simula ng maraming tao

sa daigdig na may iba’t ibang wika, ayon sa pinagmulan nilang pares.

Ang mga tao ay binigyan ni Lumawig ng asin, at itinuro ang paggamit. Pumili siya ng

isang pangkat na unang pinagbigyan, upang ito’y ipagbili naman sa mga ibang pangkat. Ngunit

nang makaraan ang ilang taon ay dinalaw sila ni Lumawig at natagpuang hindi man lamang

hinipo ng mga tao ang asin dahil sa di nila nauunawaan ang turo ni Lumawig. Kinuha ni Lumawig

ang asin at ibinigay niya sa mga nakatira sa pook kung tawagi’y Mainit at ang mga ito ang unang

natutong gumamit ng asin.

Tinuruan ni Lumawig ang mga taga-Bontok ng paggawa ng palayok, ngunit ang palayok

na kanilang niyari ay tabi-tabingi, kaya’t ang mga taga-Samoki naman ang tinuruan at ang mga

ito’y nakagawa ng magagandang palayok. Sa ganitong paraan ay nabigyan ni Lumawig ng sari-

sariling gawaing mahusay na nagagampanan ng bawat isa sa mga pangkat ng mga taong

nanggaling sa unang pares ng damo.

238 na salita

MGA KATANUNGAN
ANG PAGKAKALIKHA SA TAO

1. Sino ang nanaog mula sa Langit?


a. Lumawig
b. Lanaw
c. Taglay
d. Damo
2. Anong uri ng nilalang si Lumawig?
a. Tao
b. Hilagyo
c. Hayop
d. Damo
3. Mula saan ang mga tao, ayon sa kwento?
a. Kawayan
b. Damo
c. Unggoy
d. Hangin
4. Bakit dala-dalawa ang ginawang pagkalat ni Lumawig sa mga damo?
a. Upang maging pares ng lalaki at babae
b. Upang hindi malungkot ang mga nilikha niya
c. Upang dumami ang mga tao
d. Walang nabanggit
5. Ano ang pinagkaiba ng mga tao ayon sa kwento?
a. Sa wika
b. Sa hitsura
c. Sa kulay
d. sa Gawain
6. Ano ang ibibigay ni Lumawig sa mga tao?
a. Asin
b. Bigas
c. Tinapay
d. Tubig
7. Ano ang kahulugan ng dakila?
a. Banal
b. Mapagtanim
c. Maamo
d. Relihiyoso
8. Ang gumawa ng palayok na tabi-tabingi
a. Taga-Bontok
b. Taga-Manobo
c. Taga-Mainit
d. Taga-Samoki
9. Sino ang gumamit ng asin?
a. Taga-Manggagaod
b. Taga-Manobo
c. Taga-Mainit
d. Taga-Samoki
10. Ano ang pangunahing kaisipan sa kwento?
a. Ang Pandarayuhan
b. Ang paglalang sa tao
c. Ang pagkakaiba ng mga wika
d. Ang paggawa ng mga bagay

You might also like