Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa isang bukirin mayroong mga hayop na nagtitipon

upang pag usapan ang nalalapit na bagyo. Kaya't


pinangunahan ng matatalinong mga ibon ang ulat.

Wika nila "Nakikita namin ang langit, ulap at mga


bituin". Kami ang dapat mamuno at inyong tularan
dahil alam namin kung kailan darating ang bagyo".

Ngunit nagmungkahi si baboy "Si kaibigang langgam ang dapat


mamuno at ating tularan sapagkat maghapon at magdamag
siyang nagtatatrabaho, hindi sila natutulog upang pag handaan
ang bagyo".

Mapagkumbabang nagmungkahi rin si langgam,


"Maraming salamat mga kapwa ko hayop ngunit kung
may karapat dapat maging pinuno si at tularan ay si
kaibigang baboy dahil hindi na niya kailangan pang
magtrabaho upang kumain magagampanan niya ang
responsibilidad bilang lider. Marami siyang panahon na
malalaan".

Ngunit sa halip na matuwa ay nagalit ang palabang ibon,"Hindi sya


karapat dapat, alam naman natin na lagi siyang nakatungo at hindi kayang
tumingala paano niya makikita kung parating kung parating na ang bagyo.
Hindi niya makita ang kalangitan at mga bituin na nagsisilbing batayan ng
panahon kinabukasan".

"Si Manok ang karapat dapat." Ang mungkahi ni


baboy sapagkat magaling at mabilis silang
magpasa ng mensahe, malakas ang kanilang boses
at malayo ang nararating nito, makakapagbigay
sila ng maagap na babala para sa lahat.

"Ngunit mabagal at mababa silang lumipad" sabi ni


Agila. "Ako dapat ang mamuno dahil kaya kong
lumipad ng mas mataas at mabilis sa mga ulap. Kaya
hindi ako maapektuhan ng bagyo." Dahil hindi
tumatanggap ng suhestiyon si agila na ang naging
pinuno ng mga hayop.

You might also like