Kabanata 34

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KABANATA 34: ANG KASAL

Tauhan:

Simoun

-ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo


ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang
maghiganti sa kanyang mga kaaway.

Basilio

-ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli.

Isagani

-ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino.

Juanito Pelaez

-ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang


may dugong Kastila.

Paulita Gomez

-kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Kapitan Heneral

- pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-


ekskomunyon si Ibarra.

Kapitan Tiyago

-Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-
Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Don Timoteo Pelaez

- ay isang mayamang negosyante at kasosyo sa negosyo ni Simon. Siya ang ama ni


Juanito Pelaez.
BUOD:

Habang nasa daan si Basilio nag-iisip sya kung ano ang nararapat niyang gawin sa
paparating na himagsikan. Bakasyon noon at ang kaibigan nyang si Isagani lamang
ang hindi nakauwi sa kanilang lalawigan kaya't naisipan sya nitong dalawin.
Noong nakalaya na ito sya ang una niyang naisip kaya't nagpagpasyahang nitong
puntahan siya sa bahay na kanyang tinutuluyan ngunit ng sandaling iyon ay hindi
nya nakita ang binata. Hindi nya alam kung saan sya pupunta dahil ni isang
katiting na pera ay wala siya o kahit na anumang materyal na bagay , maliban sa
nagiisang rebolber na dala dala niya. Naalala niya ang lampara ng kamatayan na
maaaring sumabog sa ikasyam ng gabi. Dalawang oras nalamang at darating na
ang dalubyong kanilang hinihintay, kaya't hindi nya matingnan ang mga
kalalakihang dumadaan sakanyang harapan. Nakadama siya ng kasiyahan ng
maisip niya na sa dating patay gutom ay magiging makapangyarihan siya sa harap
ng mga tao, hahangahan siya ng mga ito, at inuutusan ang mga karwaheng
dumaraan. Hinawakan niyang muli ang rebolber at punlo na nasa kanyang bulsa.
Ngunit hindi niya maalala kung saan maguumpisa ang delubyo, sa kanyang
pagkalito ay hindi niya na natanong kay Simoun, ngunit muli niyang naalala na
pinapalayo siya nito sa daang Anloague. Ito ay naghinala dahil noong mismong
nakalaya siya sa selda ay pinuntahan niya ang bahay ni Kapitan Tiyago upang
kumuha ng ilang mga kagamitan subalit nakita niya ang maayos na maayos na
bahay nito na parang may pista ngunit di niya alam na ito ang araw na ikakasal si
Juanito Pelaez. Ng mga sandaling yon ay may huminto na mga karwahe na puno
ng sakay at magagarbo ang kanilang suot habang naguusap-usap. Sa isang
napakagandang karwahe ay lumabas si Juanito Pelaez na kasama si Paulita Gomez
na nakasuot ng pagkasal. Nagulat siya dahil nakita niya si Paulita na kasama si
Juanito Pelaez dahil naisip niya si Isagani kung ano ang nangyari sa kanilang
dalawa ni Paulita. Ng sandaling iyon ay naisip nya ang kanyang kaibigan na may
mabuting kalooban kaya tinanong niya ang kanyang sarili kung nararapat ba nitong
sabihin sakanya ang himagsikan na magaganap. Dahil kailanman ay hindi ito
makakapayag sa patayan dahil naranasan niya ang buhay na mayroon siya ngayon.
Naisip niya na sana hindi nalang siya nabilanggo para sana naging ganap na siyang
doktor at may asawa na. Naalala niya nanaman ang pagkamatay ni huli kaya
hinawakan niya muli ang rebolber at hiniling na sana dumating na ang delubyong
magaganap. Nasa ganon siyang posisyon ng makita niya si Simoun na lumabas ng
bahay, dala ang lamparang nakabalot, sumakay siya sa isang karwahe at sumunod
sa mga bisita ng mga bagong kasal. Tinignan niyang mabuti ang kutsero para hindi
ito maligaw sa kanyang gagawing pagsunod. Nagulat siya ng mamukhaan niya ang
kutsero na nagngangalang Sinong ang kutserong binugbog ng mga guwardya sibil
at ang taong nagbalita sakanya ng mga nangyayari sa Tiyani. Nagpauna siya
patungo sa daan ng Anloague napatawa siya ng makita ang mga guwardiya sibil na
nagbabantay sa mga karwaheng dumadaan, kaya naisip niya kung kaano kagarbo
ang araw na iyon. Pawang makapangyarihan ang mga nakasakay sa mga karwahe
at puro mayayaman ang mga dumalo sa bahay. Dumating din si Don Timoteo
Pelaez na ama ni Juanito Pelaez na may malapad na ngiti sakanyang labi dahil
natupad ang kanyang hiling na ipakasal ang anak niya sa tagapagmana ng mga
Gomez. Sa tulong na rin ng salapi ni Simoun ay naipaayos niya ang bahay ni
Kapitan Tiyago at na nabili niya ng mura. Doon niya idinaros ang pista at ang
bisita niya ay galing Maynila na siyang makakapagbigay ng dangal sakanya.
Madali ng matutupad ang winika nya sakanya na "nabubuhay ako,ngunit hindi ako
kundi ang Kapitan Heneral ang nabubuhay sakin". Ang katagang niyan ay
nangangahulugan na nabubuhay siya ng hindi bilang siya na mas kinikilala kundi
ang Kapitan Heneral ang mas kilala sakanila. Ang Kapitan Heneral ay inaama ng
kanyang anak. Samantala ang bahay ni Kapitan Tiyago ay naapayos at napaganda
ng mg ito at ang silya nito ay pinalitan ng hugis na kamukha ng panahon ni Luis
XV ang mga kurtina ay naggagandahan na nalalagyan ng mga ginto at may
nakaukit na pangngalan ng ikinisal. Ang hapag kainan na man ay napapaligiran ng
mga bulaklak samantalang ang mesa ng bagong kinasal ay may bulaklak, mga
bungang kahoy, at mga ilaw. Ang pinggan ni Juanito Pelaez ay may kumpol ng
rosas samantalang si Paulita naman ay may bulaklak ng suha at asusena. Ang mesa
naman ng mga makapangyarihan ay nasa gitna ng mahabang asutea. At ang mga
kasangkapan ay yari sa mga ginto. Ang mga pagkain ay pinaghandaan talaga ni
Don Timoteo bumili siya ng mga mamahalin na pagkain kaya't hingin man ng
Heneral ang pagkain ng mga tao ay sisikapin niyang masunod, kahit na sa anong
paraan.
TALASALITAAN:
A. B.
C 1. Namataan a. pagpapakamatay
E 2. Nasambit b. naramdaman
B 3. Nadama c. nakita
A 4. Pagpapatiwakal d. nahikayat
D 5. Nahimok e.nasabi
Mga tanong:
1. Saan nagpunta si Basilio matapos makalaya?
-Pinuntahan niya ang kaibigan niyang si Isagani sa bahay na
tinutuluyan niya.
2. Ano ang ibinigay ni Simoun sa bagong kasal?
-Ang lampara ng kamatayan.
3. Ano ang mga iniisip ni Basilio habang siya nagmumuni-muni?
- Ang paghihimagsik na magaganap sa mismong araw na iyon.
4. Ama ni Juanito Pelaez.
- Don Timoteo Pelaez
5. Saan ginanap ang piging nina Juanito Pelaez at Paulita Gomez
matapos ang kasal?
-Sa bahy ni Kapitan Tiyago.

You might also like