Wikang Filipino Sa Pambansang Kalayaan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN

ni: Pat V. Villafuerte

Bawat buhay, masaya’t malungkot, magulo’t makulay ay nakalimbag sa


pahina ng kasaysayan; mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan;
maging sa paglaki hanggang sa kamatayan. Isa-isahin ang buhay ng mga
dakilang tao sa daigdig; ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik, o ng mga
guro, doktor, abogado, mangingisda’t magbubukid bawat isa ay may
mithiin, may pangarap na nais makamit: ang mailuklok ang pangalan na
kasintayog ng langit at isama sa mga bituing di masungkit-sungkit. Iisa ang
diwang kanilang pinapanday; iisa ang mithiing sa puso nila’y bumubukal;
iisa rin ang himig ng kanilang hinihiyaw:

KAMI’Y PALAYAIN O BAYAN KONG MINAMAHAL!

A, oo nga pala bilanggo sila ng sariling bayan, may piring ang mata may
busal ang bibig, may gapos-tanikala. Sila’y mga buhay ngunit di-humihinga;
sila ang larawan ng masang hinamak, lumuluha, nagdurusa.

Sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan, sa bawat henerasyon may


palawakan ng isip, May palitan ng paniniwala, may tagisan ng matuwid,
maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.

Sila-sila’y nagtatagpo,kayo-kayo’y nagpapangkat, tayo-tayo’y nag-iisip,


nagsusuri, bumabalangkas. Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang
ginamit wikang FILIPINO! Wikang maka-diyos, makabayan, makatao,
wikang naglalagos sa isipang makabansa, wikang nanunuot sa damdaming
makalupa.

At , paisa-isang dila,parami-raming labi, sama-samang tinig, bumubulong,


sumasatsat, himuhiyaw, nangangalit hinihiling ay kalayaan! katarungan!
katarungan! Kalayaan!
Ah, hanggang kailan susukatin? Hanggang kailan bubuhayin? Hanggang
kailan maaangkin? Layang mangusap, layang sumulat, layang mamuhay,
layang manalig, layang humalakhak, layang maghimagsik! Maghimagsik!
Maghimagsik! Maghimagsik!

Kasaysayan pala’y magbabago isang saglit sa dakong silanganang sikat ng


araw…sumilip, sumukat, uminit, naaantig ang diwang inaliping higit
tumibok ang pusong dating di-humihibik, nagising ang ugat ng hapong mga
bisig. Bawat isa’y nagkaisang mailantad sa daigdig ang mga pang-aaping
sugat niya ring dibdib, sarisaring mukha, magkakabalat, magkakadugo,
magkakapatid sama-samang gumising ,

magkapit-bisig, nag-alsa’t tumindig lakas ng tao! lakas ng bayan! lakas ng


daigdig! laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig.
Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig, bawat isa kakilala’t di- kakilala,
kaaway at di-kaaway, mayama’t mahirap, matalino’t mangmang aktibista’t
militar.

Nagkaisang ganap sa isang mitihiing kapanga-pangarap, propesyonal at di-


propesyonal, manggagawa, kawani, guro, mangangalakal, estudyante,
iskolar, istambay, sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisda’t
mambubukid, nagkaisa, nagkasama, nagkasama, nagkaisa.

Ang wikang ginamit? Wikang Filipino! Wikang ginamit sa lahat ng dako


ma-Tagalog, ma- Cebuano, ma-Pangasinan, ma-Ilokano, ma- Kapampangan,
ma-Ilonggo, ma Waray, ma-Bikolano, ma-Maranao, ma-Tausug, lahat ng
ito’y Filipino! Wika ng pagkakaisa, kababayan ma’t dayo wikang
tagapagligtas ng digmaa’t gulo, wikang tagapagtanggol ng lahat ng tao.

You might also like