Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I

Grade 7

I. Layunin

1. Naipapakita ang pag-unawa ng pagiging kasapi ng katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng
pangalan at panunumpa bilang katipunero
2. Naipapaliwanag ang tula ni Bonifacio tungkol sa pagmamahal sa bayan
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan

II. Nilalaman
Paksa :Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Sanggunian: K+12 Student Material
Kagamitan:, Manila Paper, Lcd Projector,Pentel Pen

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
3.1.1 Pabati
3.1.2 Pagdarasal
3.1.3 Pagtatala ng Liban
3.1.4 Balitaan

B. Balik Aral

C. Pagganyak

-Ang bawat grupo ay gagawa ng human buzzer at papangkatin sa apat at mag-uunahan na hulaan ang mga larawan na
ipapakita ng guro. Isang beses lamang maaaring sumagot ang bawat pangkat. Ang mga larawan ay ang mga Katipunero na
lumaban para ang bayan ay mapalaya. Ang may pinamaraming puntos ang mananalo.

D. Paglinang ng Aralin
- Punuuin ang patlang sa panunumpa bilang kasapi ng katipunan at bigkasin ito bilang bagong miyembro ng katipunan.
- Salungguhitan ang mga pangungusap na tumutukoy sa pangangailangan ng pagmamahal sa bayan.
- Ang bawat pangkat ay tutula kung saan kailangan mapalutang nila ang diwa ng tula sa pamamagitan ng madamdaming
pagbasa, indayog at kaisahan ng tinig sa pagbigkas.

E. Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod:

Para kay Sa iyong Talata


Bonifacio sariling
pananaw
Pangkat I a. Ano ang ibig sabihin ng
pagamamahal sa bayan?
Pangkat II b. Paano ipinapakita ang
pagmamahal sa bayan?
Pangkat III c. Bakit mahalagang mahalin ang
sariling bayan?

Pangkat IV – magbigay ng sitwasyon na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan(role play o pagsasabuhay)

F. Paglalahat
Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Nasyonalismo noon at ngayon?
Sa panahon lamang ba ng pananakop sa ating bansa maipapakita natin ang ating pagiging makabayan?

G. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bansa o pagkamakabayan.

IV. Pagtataya
Sumulat ng isang sanaysay na may 3-5 pangungusap na tungkol sa kasabihang “Bayan muna bago ang Sarili”

V. Takdang Aralin
1. Basahin, unawain at isulat sa kwaderno ang Kartilya ng Katipunan ni Emili Jacinto.
-Student’s Material Pahina 77-78

Inihanda ni:

CAvirtusio

You might also like