Jose Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Si Dr.

José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda na ipinanganak noong ika-19 ng


Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na
tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang
kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Ang angkan ng ama ni Rizal ay
kabilang sa henerasyon ni Domingo Lam-co. Isang mangangalakal na Tsino na
napadpad sa Pilipinas. Dahil na rin sa kautusan ni Gobernador Narciso Claveria
noong 1849, sila ay nagpalit ng apelyido at Mercado ang kanilang ginamit.
Mercado ang piniling apelyido ng pamilya ni Jose Rizal sapagkat ito ay
sumasakahulugan sa salitang mangangalakal. Ito ay sumisimbulo sa kanilang
angkan at pagkatao bilang mga negosyanteng Tsino.

Ika-pito sa labing-isa na magkakapatid si Rizal. Siya ay may siyam na kapatid na


babae. Ang kanilang mga pangalan ay Saturnina, Narcisa, Olympia, Lucia,
Maria, Josefa, Concepcion, Trinidad, at Soledad. Mayroon din siyang nag-iisang
lalaking kapatid na nag-ngangalang Paciano. Pepe ang tawag sa kanya ng
kaniyang mga pamilya.Pagsasaka ang pangunahing pangkabuhayan ng
kaniyang mga magulang. Sila ay nabibilang sa mga prominenteng pamilya sa
kanilang lugar dahil sila ay mayroong sariling hacienda na sinasaka at pinag-
aalagaan ng mga hayop.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-
aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso
23, 1876 na may mataas na karangalan.

Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng


Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng
sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos
siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.

Nagpakadalubhasa si Rizal sa pagiging doktor ng mga mata, ang Optalmolohiya.


Ito ay para magamot niya, ang noon ay lumalalang karamdaman sa mata ng
kanyang ina. At sa kanyang pag-oopera dito ay tuluyang gumaling at nanumbalik
ang kanyang paningin.

Makulay ang buhay kabataan at pag-ibig ng ating pambansang bayani. Dahil sa


kanyang angking katalinuhan at pagiging maginoo ay marami ang mga babae na
sa kanya ay umibig at nabighani.

Si Segunda Katigbak ang kanyang naging unang pag-ibig. Isang dalagang


Pilipina na taga-Lipa Batangas. Matagal silang magkasintahan at nagsuyuan
ngunit hindi rin nagkatuluyan dahil naipangako na sa ibang lalaki si Segunda.

Si Josephine Bracken, ang babaeng kanyang nakasama noong siya ay ipiniit sa


Dapitan. Sila ay nagsama bilang mag-asawa. Nagdalang tao si Josephine ngunit
namatay din ang bata dahil ito ay kulang sa buwan. Lalaki ang bata kaya ito ay
ipinangalan kay Rizal.

Ng kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”


naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga
katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya
ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang
pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo,
industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong sa Fort Santiago at ipinatapon


sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung
saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na
magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang
kapaligaran.

Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa
pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort Santiago.

Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa


dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga
Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang
Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging
makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon
ay Luneta).

You might also like