Professional Documents
Culture Documents
DLL Ap 7 Q2
DLL Ap 7 Q2
1.
Day 1 Day 2 Day 3 Day 4 Day 5
Layunin (Lesson Objectives)
Tinalakay sa nakaraang modyul ang mga instrumentong kolonyal ng mga Kastila sa Pilipinas. Ito ay ang Kristiyanisasyon, reducción, tributo at polo. Ano ang naging
reaksyon ng mga Pilipino sa mga patakarang ito? Makikita na daandaang pag-aalsa ang naganap sa iba-bang lugar ng kolonya. Sa modyul na ito, tatlong pag-aalsa lamang
ang susuriin: ang pag-aalsa ni Tamblot sa Bohol (1621-1622), Maniago sa Pampanga (1660), at ang mga agraryong pag-aalsa sa mga probinsya ng Luzon (1745).
Ang magkakahiwalay na pag-aalsang ito ay isinalaysay ng mga pari at matataas na opisyal na Kastila sa kanilang mga sinulat. Itong mga primarying sanggunian ay
nagbibigay liwanag tungkol sa hinaing ng mga Pilipino sa ilalim ng Espanya at mahihinuha mula sa mga dokumentong ito ang epekto at kahalagahan ng mga pag-aalsa sa
kasaysayan ng Pilipinas.
1.
Day 1 Day 2 Day 3 Day 4 Day 5
Layunin (Lesson Objectives)
Nakita ninyo sa sinundang aralin na dahil sa mga patakarang pananakop ay naglunsad ng mga pag-aalsa ang mga Pilipino sa iba-ibang isla. Bukod sa mga
pangyayaring ito, mula sa ika-16 na siglo ay dumami at lumawak ang mga pagbabago sa ika-19 na siglo. Pinayagan, halimbawa, ng gobyernong Espanyol ang
mga Ingles at iba pang dayuhang mangangalakal na magtayo ng kumpanya at industriya sa iba-ibang parte ng Pilipinas, matapos tumigil ang kalakalang
galleon noong 1815. Nadebelop ang mga produktong pang-eksport katulad ng asukal, abaka at tabako, at naitayo ang unang bangko, ang Banco Español-
Filipino, noong 1851. Sa madaling salita, makikita sa kolonya ang mga tanda ng progreso sa ika-19 na siglo, kasama ang tren at iba pang modernong
pasilidad.
1.
Day 1 Day 2 Day 3 Day 4 Day 5
Layunin (Lesson Objectives)
Isa sa mga tagapaghubog ng kamalayang Pilipino sa siglo 19 ay ang Kilusang Propaganda. Marami sa mga kasapi nito ay mga kabataan at mag-aaral. Bunga
ng kanilang edukasyon, naging mapanuri ang mga propagandista sa mga suliranin ng bayan tulad ng maling pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas at
ang pang-aabuso ng mga prayle.
Dahil sa kanilang karanasan at kamulatan, naging aktibo ang mga edukadong Pilipino sa kampanya tungo sa reporma at iba’t iba ang kanilang pamamaraan.
May ilang nagbigay ng talumpati, may ilang gumamit ng siningbiswal, at ang karamihan ay idinaan sa panulat. Iba-iba man ang pamamaraan, nagkaisa sila
sa pagpaparating ng totoong kalagayan ng Pilipinas at sa paghingi ng reporma. Sa Espanya umikot ang kampanya ng mga Pilipinong propagandista at ang
mga opisyal na Espanyol ang pangunahing pinag-ukulan ng panawagan sa reporma.
Pamantayan sa Pagkatuto
(Learning Competencies) 2. Mga problema ng kolonya ayon sa propagandista

Napag-aralan mo na ang mga ideya ng progreso at reporma sa huling bahagi ng ika-19 na siglo. Kung reporma ang layunin ng Kilusang Propaganda, sa
hangaring makamit ng mga Pilipino ang lahat ng mga karapatan at pribilehiyong tinatamasa ng mga Espanyol, nilayon naman ng Katipunan ang pagkamit ng
kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan, sa kadahilanang walang pagbabagong makukuha mula sa Espanya. Nakatuon ang modyul na ito sa pagmamahal
sa bayan at sa kahulugan ng kalayaan mula sa pananaw ng rebolusyon, simula sa mga aral ng Katipunan na itinatag noong 1892 hanggang sa Saligang Batas
ng Malolos noong 1899. Ang mga primaryang sanggunian sa modyul na ito ay isinulat ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. Sa pagsusuri ng mga ito ay
inaasahang maunawaan ang kahalagahan ng kanilang simulain para sa Pilipinas at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan.