Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ALORAN TRADE HIGH SCHOOL

Aloran, Misamis Occidental

IKALAWANG MARKAHAN
GRADE 7 – ARALING PANLIPUNAN

I. Multiple Choice: Piliin ang tamang sagot pagkatapos ng bawat bilang. Malaking titik lamang ang isulat.

1. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na kinabibilangan nito. Ano ang tawag sa
pagpapangkat na ito?

A. nomad B. etniko C. Katutubo D. Etnolingguwistiko

2. Ang China ang bansang may pinakamalaking populasyon sa daigdig. Taong 1979 nang ipinatupad nito ang One Child Policy
na naglalayong limitahan ang mabilis na pagdami ng kanilang populasyon, Alinsunod sa patakarang ito ang mag- asawang
Tsino ay hinihikayat na magkaroon lamang ng isang anak. Isa sa epekto nito ay ang pagbaba ng population growth rate ng
China. Ayon sa pinuno ng National Bereau of Statistics na si Ma Jiantang, ang kasalukuyang populasyon ng China ay karamihang
binubuo ng may edad, edukado, at mga dayuhan. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong ito?

A. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.


B. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
C. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad nito.
D. Ang pagpapatupad ng One Child Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng mga mag-asawa.

Bansa Populasyon Bilis ng Paglaki Edad


ng Populasyon
0-14 15-64 65+
Sri Lanka 20, 237, 730 0.86 24.9 67 8.1
Laos 6, 320, 429 2.29 36.1 60.1 3.7
Indonesia 229, 964, 723 1.10 27 66.6 6.4
Japan 127, 156, 225 -0.24 13.5 62.6 23.9
India 1, 198, 003, 272 1.38 29.3 65.2 5.6
3. Kung isaayos mo ang mga bansang nasa talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano ang tamang pagkakasunod-sunod nito?
A. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia, at Japan C. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos, at Japan
B. India, Indonesia, Japan, Sri Lanka, at Laos D. Indonesia, India, Japan, Laos, at Sri Lanka
4. Batay sa talahanayan sa taas, anong bansa ang may pinakabatang populasyon?
A. Sri Lanka B. India C. Indonesia D. Laos
5. Makikita na talahanayan na ang Japan ang may pinakamababang bahagdan ng pagbilis ng paglaki ng populasyon, sumunod
ang Sri Lanka at Indonesia samantalang mabilis naman ang paglaki nito sa India, at Laos. Bakit mahalaga na mabatid ang
bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang bansa?
A. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
B. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang- tao.
C. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
D. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran/ programa na makapagpapabagal o
makapagpapabilis ng dami ng tao.
6. Ang malalaking pamilya na karaniwan sa pamilyang Asyano ay unti- unti nang lumiliit. Makikita rin sa talahanayan na
bumababa ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya gaya ng Japan at Sri Lanka? Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. Tumaas ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.
B. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
C. Ang pagbabago ay dulot ng edukasyon at mataas na antas ng pamumuhay.
D. Ang mga pamilya ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan kaya ipinagpapaliban ang pagkakaroon ng
anak.
7. Alin sa mga konklusyon ang kumakatawan sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi.”
A. Ang wika ay may iba-ibang layunin.
B. Iba-iba ang wika ng iba- ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Sa pag-aaral ng wika mababatid ang katangian ng kultura ng isang lahi.
8. Anong pamilya ng wika nabibilang ang mga Pilipino?
A. Austronesia B. Indo- European C. Niger- Congo D. Sino- Tibetan

9. Makikilala ang mga Balinese ng Indonesia sa mga sumusunod maliban sa isa, alin dito ang hindi kasali?
A. Islam ang pagunahing relihiyon ng mga Balinese ng Indonesia.
B. Hinduismo ang pangunahing relihiyon ng mga Balinese ng Indonesia.
C. Mahilig sa pagpipinta, paghahabi at paglililok ang mga Balinese ng Indonesia.
D. May dalawang mahahalagang samahan ang mga Balinese ng Indonesia, ang Subak at ang Banjar.
10. Anong pangkat-etnolinguuwistiko ang makikita sa Tajikistan?
A. Balinese B. Manchu C. Ngalops D. Tajik
II. Sanhi at Bunga. Ang mga sumusunod ay mga sanhi at bunga ng pagtaas ng populasyon sa Asya. Tukuyin kung ano ang
bawat pangungusap at isulat ang salitang SANHI kung ito ay sanhi, at BUNGA kung ito ay bunga.

____ 11. Lumiliit ang bilang ng mga namamatay dahil sa humahaba ang buhay.
____ 12. Lalong magsisikip ang mga pook urban at mas magiging madumi ang kapaligiran.
____ 13. Lalala ang problema sa katahimikan at kaayusan dahil tataas ang bilang ng kriminalidad sapagkat maaaring
makaisip na gumawa ng masama ang mga taong nahihirapan dahil sa kakulangan sa trabaho at kakapusan sa pangangailangan.
____ 14. Mataas na birth rate.
____ 15. Lalong mahirap ang buhay sapagkat maaring magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng tubig,
pagkain at tirahan.
____ 16. Migrasyon, paglipat ng lugar dahil sa hirap ng buhay.
____ 17. Tataas ang unemployment rate.
____ 18. Lalaki ang pangangailangan sa aspektong medikal.
____ 19. Dahil sa kaginhawaan sa buhay at progreso sa larangan ng medical at teknolohikal, mas hahaba ang buhay.
____ 20. Hind maayos ang pagpapatupad ng mga programa sa bansa kagaya ng Family Planning.

III. Modified True or False: Sabihin kung Tama o Mali ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung Tama at palitan naman
ng tamang sagot ang sinalungguhitan kung ito mali.
____ 21. Ang pambansang wika ng Bhutan ay dzongs.
____ 22. Ang Banjar ay ang samahang pang- irigasyon na ang pangunahing tungkulin ay mga gawaing agricultural ng
pamayanan.
____ 23. Ang bansang China ay ang pangalawa sa mga bansa sa daigdig na may pinakamalaking populasyon.
____ 24. Ang Gross Domestic Product ay ang tumutukoy sa dami ng mga tao sa isang lugar.
____ 25. Ang bansang India ay ang bansang nagpatupad ng One Child Policy.
____ 26. Ang migrasyon ay tumutukoy sa paggalaw ng populasyon kung saan ang mga tao ay pangmatagalan na
nagtutungo o naninirahan sa ibang lugar.
____ 27. Ang mga Manchu ng China ay nagmula sa probinsiya ng China na Liaoning.
____ 28. Ang mga Ngalops ng Bhutan ay kilala din sa tawag na “Bhola” na ang ibig sabihin ay mamamayan ng Bhotia/
Bhutia o Tibet.
____ 29. Ang mga sinaunang Machu ng China ay naninirahan sa isang uri ng bahay na ang tawag ay pocket house.
____ 30. Ang mga Arab ng Kanlurang Asya ay tinawag din na mga “nomadic” na ang ibig sabihin ay taong lagalag.

IV. Pagtatapat- tapat: Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
____ 31. Ito ay ang inaasahang haba ng buhay ng tao. A. Manchu
____ 32. Ito ay ang pangkat-etnolingguwistikong mahilig sa pagsakay sa . B. Balinese
kabayo at pagpana. C. Arab
____ 33. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa D. Buddhismo
at sumulat. E. Life Expectancy
____ 34. Bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon. F. Gross Domestic Product
____ 35. Kita ng bawat indibidwal sa loob ng isang taon sa bansang kaniyang G. Literacy Rate
panahanan. H. Population Growth Rate
____ 36. Ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon. I. Unemployment Rate
____ 37. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o J. Hinduismo
pinagkakakitaan. K. GDP Per Capita .
____ 38. Ito ay ang pangkat-etnolingguwistikong mahilig sa sining gaya ng L. Islam
pagpinta, paglilok, paghabi at paglagay ng palamuti sa bahay.
____ 39. Relihiyon ng mga Ngalops ng Bhutan.
____ 40. Relihiyon ng mga Arab ng Kanlurang Asya.

V. Essay (5 pts. each)

41-45. Mahalaga ba ang wika? Oo o Hindi? Patunayan ang iyong sagot.

46-50. Kung ikaw ay gagawa ng programa para masugpo ang patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa, ano ito
at bakit?

- Ang love parang ARALING PANLIPUNAN, mahirap matutunan pero kapag naintindihan
masarap pag-aralan.

You might also like