Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 1
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Europa – Minoan at Mycenaean
Pamantayan sa pagkatuto: Nasusuri ang mga katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean
AP8DKT-IIa-1
Layunin: Naihahambing ang pag-unlad ng mga pamayanan ng Minoan at Mycenean sa Greece sa
pamayanan ng mga katutubo sa Pilipinas.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 135-137

Konsepto:

Naging sentro ng sinaunang Greece ang Isla ng Crete na nakapagtatag ng Kabihasnang Minoan at
ang Mycenaea, ang Kabihasnang Mycenean.
Mabato at bulubundukin ang Greece na naging sagabal sa paglago ng kaisipan at teknolohiya
ngunit naging dahilan na ang bawat lungsod estado nakapaglinang ng kani-kanilang natatanging kultura at
ang mainam na mga daungan nakatulong sa magandang ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nagpayaman sa
kanilang kultura at napamahagi ang kanilang tagumpay sa iba’t ibang larangan.

Ang Kabihasnang Minoan


 Ayon sa archeologo, noong 3100 BCE nagsimula ang kauna-unahang kabihasnan sa Crete na
tinawag na Kabihasnang Minoan hango sa kanilang malaalamat na hari na si Minos.
 Ang guho ng napakatayog na Palasyo ni Haring Minos sa Lungsod ng Knossos na itinayo sa
dalawang ektaryang lupa at napaligiran ng mga bahay na bato ang ebidensya ng kabihasnan.
 May apat na pangkat ng lipunan ang Minoan- Maharlika, mangangalakal, magsasaka at alipin.
 Masayahin silang tao at mahilig sa mga magandang bagay at kagamitan.
 Nasira ang palasyo sa sunod-sunod na sunog at iba’t ibang mga natural na kalamidad.

Ang Kabihasnang Mycenaean


 Ang Mycenaea ay maunlad na bago pa nila nasakop ang Crete at pagdating ng 1400 BCE ay isa
nang napakalakas na mandaragat;
 Si Haring Agamemnon ang namuno ng Mycenaean na dahil sa lokasyon nito sa Hellesport,
kontrolado nito ang kalakalan sa pagitan ng dalawang dagat;
 Troy ang mahalagang lungsod ng kabihasnang Mycenaean na napaligiran ng makapal na pader.
 Noong 1876 nakahukay ng maraming magandang palasyo, libingan, at ebidensya na sila ay
nagsusuot ng palamuti.
 Ang madalas na pakikipagdigmaan ng mga kaharian ang dahilan ng paghina ng kabihasnang
Mycenaean. Nasira ang mga palasyo at maraming Mycenaean ang lumipat sa ibang lugar.
 Noong 1100 BCE, bumagsak ang kabihasnan sa kamay ng mga Dorian, nagtatag ang Dorian ng
pamayanang Ionia at dito naganap ang madilim na kasaysayan ng Greece na tumagal ng halos 300
taon na palasak ang digmaan.

Pagsasanay:
1. Ano ang mga katangian ng kabihasnang Minoan at Mycenaean?
Sa aspeto ng ekonomiya, paano magkatulad ang sinaunang pamayanang Minoan at Mycenean sa mga
katutubo sa Pilipinas?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg. 2
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Greece – Athens, Sparta, at mga City-States
Pamantayan sa Pagkatuto : Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece (AP8DKT-IIa-b-2)
Layunin 1. Naihahambing ang Kabihasnang Athens sa Kabihasnang Sparta.
2. Napapahalagahan ang paglinang ng kakayahan sa intelektuwal at pisikal na aspeto ng Athenians
at Spartans.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar, Ed. D, et al, pahina 73-76

Konsepto:
Mula sa madilim na panahon, unti-unting umusbong sa Ionia ang bagong sibilisasyon na mabilis ding
lumaganap sa kabuuan ng Greece at tinawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks mula sa Hellas at
nakapagtatag ng Kabihasnang Hellenic na isa sa pinakadakilang sibilisasyon sa kasaysayan.
Ang paninirahan ng mga Greeks sa gilid ng mga burol at tuktok ng mga bundok para maprotektahan ang
sarili ay nakalinang ng pamayanan na pinagmulan ng lungsod-estado o polis na binubuo ng 5000 na mga kalalakihan,
na may acropolis, at agora. May 12 polis ang naitatag na maliit ngunit malaya, may sariling pwersang pandepensa,
may sariling batas, at patron. Nangunguna sa mga Polis ang Sparta at Athens.

Kabihasnang Sparta – ang Pamayanan ng mga Mandirigma


 Itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus at tanging di umaasa sa kalakalan ngunit sa pagsasaka ng mga
helot.
 mithiin nila na ang mga kalalakihan at kababihan ay may malakas na pangangatawan, katatagan, kasanayan
sa pakikipagdigma, at katapatan.
 Para matupad, habang sanggol sinusuri. Kung mahina at sakitin, dalhin sa bundok at hayaang mamatay; kung
malusog hayaang lumaki at maglaro. Kung pitong taon na, sinasanay sa mahigpit na disiplina at serbisyong
militar. Sa gulang na 20, maging ganap na sundalo; kung 30 na, pwede nang mag-asawa. Sa gulang na 60,
magreretiro na.
 Ang hukbong Phalanx ay mga sundalong di bayaran na sinasanay sa mapamaraang pakikipagdigma sa
pagtanggol sa kanilang polis laban sa mga kaaway.

Kabihasnang Athens – ang Pamayanang Demokratiko


 Athens maliit na lungsod ng Attica na ang mamamayan ay naging mandaragat dahil di angkop ang kanilang
lupain sa pagsasaka
 Sa simula, pinamumunoan ito ng Tyrant at di naglaon, ng hari na inihalal ng Asembleya at pinapayuhan ng
mga Konseho ng Maharlika na tinatawag na Archon.
 Dahil pinaburan ng Archon ang may kaya, ang mga artisan at manggagawa ay naghingi ng pagbabago sa
pamahalaan na naging dahilan sa paglinang ng demokrasyang pamahalalan.
 Draco – isang Archon na bumuo ng kodigo ng mga batas upang mabasa ng lahat. Ito ay tinawag na
Draconian Code na isa sa pinakaunang kodigo ng Greece.
 Solon - pinawalang–bisa niya ang pag-aalipin dahil sa utang; limitadong sukat ng lupa na aariin, lahat
may karapatang ipahayang ang saloobin, at iba pa.
 Pisistratus – pinunong tyrant, ipinatapon niya ang aristokratang sumalungat sa pamahalaan; naglunsad
ng programang pagpapautang sa mahihirap, at lahat ay kabilang sa mga gawaing-pampubliko para
may hanapbuhay, at iba pa;
 Cleisthenes - ginawang bukas ang Assembly sa lahat ng kalalakihang malaya, may aria-arian man o
wala; sinimulan ng dasal bago magpupulong ang assembly at iba pa.
Pagsasanay:

1. Ano ang pangunahing katangian ng Sparta at Athens?


2. Kung nabubuhay ka noong panahong klasikal ng Greece, saan ka mas pipiling titira, sa Athens o sa
Sparta? Ipaliwanag ang sagot.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 3
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Greece
Pamantayan sa Pagkatuto : Nasusuri ang kabihasnang klasiko ng Greece (AP8DKT-IIa-b-2)
Layunin 1. Natutukoy ang mga pangyayari sa lungsod-estado ng Greece.
2.Nalalaman ang dahilan sa paghina ng mga lungsod estado ng Greece.
Sangguinan: Kasaysayna ng Daigdig, Learners Module pp.147-155
Konsepto
Bagamat ang Greece ay binubuo ng ibat ibang lungsod-estado Malaya sa isa’t isa iisa lamang ang
wika at kultura ng mga Greek. Naranasan din ng Greece ang banta ng paglusob at pananakop ng mga
kalapit na kabihasnan.
Ang Digmaang Graeco-Persian (499-479 BCE)
- Sinalakay ng Persia ang Greece sa pamumuno ni Darius sa pamamagitan ng pagtawid sa
Aegean Sea at ipinagpatuloy ni Xerxes anak ni Darius ang madugong labanan sa Thermophylae.
Ang Digmaang Peloponnesian
- Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens sa pagkontrol ng Delian
League. Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging simula
ng Digmaang Peloponnesian.
Ang Ginintuang Panahon ng Athens
Pericles - isang strategos o heneral na namumuno sa Athens sa mahabang panahon.
Socrates, Plato at Aristotle - dakilang pilosopo ng Greego.
Ionian, Doric at Corinthian - tatlong natatanging estilo ng arkitektura.
Parthenon - isang marmol na templo sa Acropolis Athens.
Herodotus – dakilang historyador/ama ng kasaysayan.

Imperyong Macedonia – pinamunoan ni Haring Philip at sinundan ng kanyang anak na si


Alexander the Great na sumalakay sa mga lungsod estado ng Greece.

Pagsasanay:

1. Anong mga pangyayari ang naganap sa mga lungsod estado ng Greece?


2. Ipaliwang ang dahilan sa paghina ng mga lungsod-estado n Greece.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 4
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Rome – Mula sa Sinaunang Rome hanggang Tugatog at
Pagbagsak ng Imperyong Romano.
Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang mahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome –
Mula sa Sinaunang Rome hanggang tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano (AP8DKT-IIc-3)
Layunin: Natutukoy ang mga dahilan sa pagsimula ng Rome
Nabibigyang halaga ang mga nagawa ng mga Romano sa pagtatag nito.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 158-177
Konsepto

 Ang Rome ay itinatag ng mga unang Roman na nagsasalita ng Latin.Nagsimula ang kasaysayan ng
Rome ayon sa alamat noong ika-8 siglo BCE sa dalawang kambal na si Romulos at si Remus na
inilagay sa basket at pinaanod sa ilog na sinagip at inaruga ng isang lobo. Nang lumaki sila,
inangkin ang trono at itinatag ang Rome sa pangpang ng Ilog Tiber.
 Tinalo ng mga Etruscan ang mga Romano at tinuruan ng maraming bagay (halimbawa: aqueduct).
 Naitatag ang Republikang Romano noong 509 B.C.E. ni Lucius Junius Brutus ng kanyang naitaboy
ang huling pinunong Etruscan na si Tarquinius Superbos na tumagal hanggang 31 BCE.
 Republika lamang sa pangalan ang mga pamahalaan dahil laan lamang ito sa mga maharlika o
patrician.
 Sa pagtatag ng Republika ng Rome,nagkaroon ng himagsikan sa pamamagitan ng Plebeian at
Patrician, nagtagumpay ang mga Plebeian .
 Ang 12 Tables ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas ng Rome.
Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panlinlang sa mga Plebeian at at nakuha nila ang kanilang
minimithi na pantay na karapatan.

Ilan sa mga karapatan ng mga Plebeian

 Makapag-asawa ng Patrician
 Mahalal sa konsul
 Maging kasapi sa senado

Pagsasanay:

1. Paano nagsimula ang Rome?


2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng nakasulat na batas para sa mga Plebeian?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg. 5
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Rome – Mula sa Sinaunang Rome hanggang Tugatog at
Pagbagsak ng Imperyong Romano.
Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang mahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome
– Mula sa Sinaunang Rome hanggang tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano (AP8DKT-IIc-3)
Layunin: 1. Naiisa-isa ang mahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome;
2. Naipapaliwanag ang mahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome - Mula sa
Sinaunang Rome
Konsepto:

Paglaganap ng Kapangyarihan ng Rome

 tinalo nila ang mga Etruscan at iba pang mga lahi;


 tinalo rin nila ang mga Griyego sa Beneventum, Italy at nakilala ang Rome bilang “Reyna ng Peninsula
kahit na sa una nilang digmaan nanalo ang Greece sa pamumuno ni Haring Pyrrus.
 Lalong nakilala ang Rome ng tinalo nila ang Carthage ng tatlong beses sa Digmaang Punic.
 Sa Silangan, sinakop din ng Hukbong Romano ang Macedonia at ginawang lalawigan noong 146 BCE.
 Sa pagsakop ng Rome sa mga lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang tumungo sa Italy at
kumalat ang kabihasnang Geece sa Rome at maraming Roman na tumungo sa Athens para mag-aral

Sa larangan ng batas, ang Twelve Sa larangan ng panitikan, nakikilala si


Tables na ang katotohanan na wala Cicero ang dakilang manunulat at
itong tinatanging uri ng lipunan. orador na ngapapahalaga ng batas

KABIHASNANG ROME

Sa larangan ng Inhenyera, nagtayo Sa larangan ng pananamit, ang tunic, kasuotang


pambahay at toga, isinuot sa ibabaw ng tunic.
sila ng daan at tulay na nag-uugnay
Sa mga babae, stola – pambahay at palla –
ang buong imperyo.
ibabaw ng stola.

Pagsasanay:

1. Magbigay ng dalawang pangyayari sa pag-usbong ng Rome at ipaliwanag ang mga ito.


Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg. 6
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng Rome – Mula sa Sinaunang Rome hanggang Tugatog at
Pagbagsak ng Imperyong Romano.
Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang mahalagang pangyayari sa kabihasnang klasiko ng Rome – Mula
sa Sinaunang Rome hanggang tugatog at pagbagsak ng Imperyong Romano (AP8DKT-IIc-3)
Layunin: 1. Nakikilala ang mga ibat ibang pinuno na namamahala sa Imperyong Romano.
2. Natutukoy ang mga pangyayari na naganap sa pagbagsak ng Imperyong Romano.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et al, pahina 158-177

Konsepto:

Ang Banta ng Digmaang Sibil


 Tiberius – nagpanukala na ipamigay ang lupaing nakuha sa digmaan at limitahan ang lupaing maaring ariin
ngunit ipinapatay siya ng grupo ng mga mayayaman.
 Gaius Gracchus – ipinagpatuloy ang pagbabagong sinimulan ng kanyang kapatid ngunit sinalakay ang
kanyang tagasunod ng mga senador at bayaring hukbo na naging dahilan sa kanyang pagpatiwakal.
 Nagkaroon ng digmaang sibil sa Rome dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan na ipinapanalo ng diktador na
si Sulla.
Unang Triumvirate
 Crassus – pinakatanyag sa Rome nanguna sa pagpakalma ng isang rebelyon ng mga alipin ngunit namatay sa
labanan noong 53 BCE.
 Pompey – kilalang isang bayani dahil nanalo laban sa Spain.
 Caesar – matagumpay na heneral at pinalawak ang teritoryo ng Rome hanggang France at Belgium. Dahil sa
tagumpay at takot ng Senado na ideklara ang sarili bilang hari, sinaksak habang nagpupulong sa Senado sa
nagsabwatang sina Marcus Brutus at Cassius noong March 15, 44 BCE na nagwakas sa Republikang Romano.
Ikalawang Triumvirate
 Anthony – namahala sa Egypt at mga lalawigan sa silangan na sakop ng Rome. Tinalo ni Octavius sa Actium at
dahil sa akalang nagpakamatay si Cleopatra, siya’y nagbigti.
 Lepidus - namahala sa Gaul (France) at Spain. Dahil sa paghihikayat ng rebelyon sa Sicily laban kay Octaius,
ipinatapon sa Circeli, Italy.
 Octavius – tagapagmana ng trono ni Caesar at tumalo kay Anthony sa Actium na dahilan sa pagtatag ng
Imperyong Roman.
 Ginawaran ng titulong Imperator – heneral, Augustus -pagiging banal, prince – unang mamamayan at
Caesar - emperador.
 Sa kanyang pamumuno, natamo ng Rome ang Pax Romana o Kapayapaang Romano mula 27 BCE – 180
CE at unti-unting bumagsak ng siya ay namatay.
Pagsasanay:
1. Sino-sino ang mga pinuno na nagtutulungan sa panahon ng Unang Triumvirate?
2. Anong pangyayari ang naganap na nagbunsod sa pagbagsak ng Imperyong Romano?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang: 7
Paksa : Ang Kabihasnang Klasikal ng Africa, America at Mga Pulo sa Pacific
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong at pan-unlad ng klasikal na kabihasnan ng Africa,
Amerika at mga Pulo sa Pacific (AP8DKT-11d-4)
Layunin:1. Naipaliliwanag ang pag-usbong at pag-unlad ng klasikal na kabihasnan ng Africa, Amerika at
mga Pulo sa Pacific
2. Naihahambing ang tatlong klasikal na kabihasnan na nganap.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar Ed.D.et. al., pahina 106-115
Konsepto:

 Ang Africa ay tinawag ng mga kanluranin na dark continent dahil hindi ito nagagalugad
kaagad. Ito ay may mga rehiyong ekolohikal na rainforest, savanna, disyerto, at Oasis.
Noong 3000 BCE mayroon nang maunlad na kalakalan sa pagitan ng Hilagang Africa at
Kanlurang tinatawag itong kalakalang Trans-Sahara dahil tinawid ng mga nomadikong
mangangalakal ang Sahara sa pamamagitan ng caravan.
 Sa America, nagsimula ang mamamayan sa pagsasaka. Nang naglaon, naging
makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado at sumibol ang
mga kabihasnang Maya, Aztec, Inca, Eskimo at North Pacific Coast Indian na
pinaniniwalaan na ang mga katutubo ay mula sa Asya, dumaan sa tulay na lupa na nag-
uugnay sa Siberia at Alaska.
 Ang mga Pulo sa Pacific o Oceania ay binubuo ng 20,000 – 30,000 pulo na nakakalat sa
Pacific Ocean. Marami sa mga pulo ay may mababang lupa at maulan. Natatakpan ng
makapal na gubat ang New Guinea, Solomon Islands at Vanuatu. Tinawag ng mga
manggagalugad na “Garden of Eden” dahil sa likas na yaman nito. Turismo ang
pinakamahalagang industriya sa maraming pulo.

Pagsasanay:

1. Paano umunlad at umusbong ang tatlong kabihasnan sa Africa, Amerika at mga Pulo sa Pacific?
2. Ano ang kanilang pagkakaiba?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang: 8
Paksa : Kabihasnang Klasiko sa Africa (Mali at Songhai)
Pamantayan sa Pagkatuto: . Naipapaliwanag ang mga kaganapan sa mga Klasikong Kabihasnan sa Africa
(Mali at Songhai). AP8DKT-IId-5
Layunin:1. Naihahambing ang papel na ginagampanan ng mga pinuno ng mga kabihasnang klasikal
sa Aprika at Pilipinas sa kasalukuyan.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar Ed.D.et. al., pahina 106-115

Konsepto:
Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na
estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Sa lugar na
ito, malayang makapagtanim ang mga tao at nasundan pa ito ng iba pang estado.

Kabihasnang Mali (1235-1466)-tagapagmana ng Ghana


- isa lamang itong lalawigan ng Ghana na sumikat dahil sa pamamahaala ni Sundiata;
 sa pamumuno ni Mansa Musa, ipinakita ang kanyang kayamanan nang pinabaha niya ng ginto sa Cairo sa
pamimigay ng siya ay bumisita;
 sila ay naging tagapagtustus ng gintong Guinea sa Europe.
Kabihasnang Songhai (1468-1590)
 sa pamumuno ni Sunni Ali sa loob ng 35 taon ay di naging maunlad dahil ang nakasanayan niyang buhay ay sa
pook-rural at di nakauunawa sa mga taga-pook urban dahilan na pinapatay niya ang mga nagsipag-alsa;
 nang namuno si Askia na may mahinahon at malambot na puso at mabuting makitungo, lumawak ang imperyo.

 Iba pang Mga Kabihasnang Naitatag sa Silangang Africa:


Kaharian ng Zimbabwe:
● itinuring na banal ang hari at inaasahang kapag may nakakahawang sakit inaasahang bibitiw sa kanyang
tungkulin para di makahawi;
● naninirahan sa paligid ng palasyo ang mga alipin, magsasaka, katulong, sundalo at kanilang pamilya.
Kaharian ng Kanem Bornu:
● itinatag ni haring Saif sa dakong silangan ng Lake Chad;
● lumakas ang kaharian sa pamumuno ni Haring Idris Alooma noong 1580 na namigay ng kabayo
at baril sa kanyang sundalo para mapangalagaan ang kaharian.
Kaharian ng Hausa:
● itinatag sa dakong hilaga ng Nigeria na ang kabisera ay Soloto;
● pangangalakal ang pangunahing hanapbuhay at garing, katad at kola ang mga pangunahing produkto.
Kaharian ng Asante:
● itinatag sa pangunguna ng dalawang pinuno na sina Oser Tutu at Okomfo Akokye;
 pinili ang mga opisyal ayon sa kakayahan at hindi sa katayuan sa buhay.

Pagsasanay:
1. Ano ang dahilan sa pag-usbong ng pamayanan ng Africa?
2. Paano nakatutulong ang pamumuno sa pagtatag ng mga kabihasnan?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 9
Paksa : Ang Mga Kabihasnang Klasikal ng Amerika
Pamantayan sa Pagkatuto : Nasusuri ang mga kaganapan sa kabihasnang klasiko ng Amerika. AP8DKT-IIe-6
Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga kaganapan sa kabihasnang klasiko ng Amerika
2. Naihahalintulad ang Chinampas sa Banaue Rice Terraces bilang natatanging istilo ng pagtatanim
na may malaking kaugnayan sa pag-unlad ng kabihasnan.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Rosemarie C. Blando et. al., pahina 185-200
Konsepto:
Ang kabihasnan ay hindi lamang naitatag sa Asya at Europa. May mga lumitaw ring mga kabihasnang
klasikal sa ibang bahagi ng daigdig samantalang pawala na ang mga pangunahing mga kabihasnan.

Kabihasnan ng Maya – 250 – 900 CE


 namayani sa Timog Mexico hanggang Guatemala ang maliit na pamayanang magsasaka na umunlad at
pinamumunuan ng “halach uinich” (tunay na lalaki). Naging sentro ng bawat lungsod-estado ang Pyramid.
 ang buhay ay nakatuon sa pagsamba at relihiyon na pinamumunuan ng pari;
 mga ebedensiya nang maunlad na kultura ay nahuhukay sa balon sa tabi ng mga templo.
Kabihasnang Aztec – 1200 – 1521 CE
 Aztec, “isang nagmula sa Aztlan,” sa Hilagang Mexico na nakapagtatag ng pamayanang Tecnochtitlan sa
lawa ng Texcoco na naging sentrong pangkalakalan.
 Obsidian ang kanilang gamit at sandata na yari sa matutulis at itim na bato;
 Chinampas o patanimang nakalutang sa tubig ang kanilang tinataniman dahil hindi sapat ang lupaing taniman.
Dahil sa sobrang produkto, nakipagkalakalan, umunlad at naging makapangyarihan.
 Sa kanilang pagsamba, nag-alay ng puso ng kanilang bihag na naging sanhi na sila ay kinamumuhian.
 Quetzalcoatl ang kanilang panginoon na minsa’y dumalaw at nagsasabing babalik;
 natalo ang kanilang emperador na si Montezuma ni Hernando Cortez noong 1521 dahil napagkamalan nila si
Cortez na ang kanilang panginoong nagsasabi na babalik.
Kabihasnan ng Inca 1200 – 1521 CE
 Inca o imperyo hango sa angkan namumuno sa Andes na naninirahan sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco
at nakapagtayo ng lungsod-estado.
 nasakop ng Inca ang Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina.
 Chicha ang beer na madalas nilang iniinum na mula sa mais;
 naniniwala na dapat kikilos ang lahat nang tao at pinagbabawal ang paghingi ng limos;
 ginupo ng mga Espanyol ang mga Inca sa pamumuno ni Francisco Pizarro.
 matatagpuaan ang mga labi ng gumuhong templo, tanggulan at piramid sa Cuzco, Peru, at Tiahuanaco sa
Bolivia;
Kabihasnan ng Eskimo:
 ang kanilang bahay na tinawag na Igloo na yari sa putik ang nagpatunay sa kanilang kabihasnan.
Kabihasnan ng North Pacific Coast Indian:
 yari sa kahoy ang kanilang bahay;
 May Totem Pole sa harap ng bawat bahay na sa dulo ay may nakaukit na pigura ng hayop dahil sa
paniniwala na ang espiritu nito ay gumagabay at sumusubaybay sa buong pamilya;
 Potlach isang seremonya namimigay ang pamilya ng mahalagang ari-arian alinsunod sa kasabihan mula sa
Banal na Aklat; “higit na mapakinabang ang magbigay kaysa tumanggap”.

Pagsasanay:
1. Iisa-isahin ang mga kabihasnang umusbong sa Amerika.
2. Ilarawan sa pamamagitan ng pagguhit ang Chinampas at ang Banaue Rice Terraces.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang: 10
Paksa : Ang Kabihasnang Klasiko ng mga Pulo sa Pacific
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng Kabihasnang Klasikal sa mga
Pulo sa Pacific. AP8DKT-IIe-7
Layunin:1. Nasusuri ang pag-usbong at pag-unlad ng Kabihasnang Klasikal sa mga
Pulo sa Pacific.
2. Napahahalagahan ang pamumuhay ng Melanesia at paniniwala ng Polynesia tungkol
sa mga bagay at pinuno.
Sanggunian : Kasaysayan ng Daigdig, Teofista L. Vivar, Ed. D, et al, pahina 123-125

Konsepto
Ang mga Pulo sa Pacific o Pacific Islands ay nahahati sa tatlong malalaking pangkat- ang Polynesia,
Micronesia at Melanesia. Ang mga katawagang ito ay iginagawad ng mga kanluranin matapos nilang
makita ang kaayusan ng mga pulo at ang anyong mga katutubo nito.

Mga pangkat ng mga Pulo sa Pacific:

 Melanesia: ang Black Island


o Nasasakop ang Fiji, Papua New Guinea, New Celedonia, Norfolk Inslands, Solomon
Islands, at Vanuatu;
o sinaunang pamayanan ay pinamumunuan ng mandirigma na naghuhubog ng katapangan,
karahasan, paghihiganti at karangalan.
o Papuan ang tawag sa karamihan ng mga taga-Melanesia;
o Sa New Guinea, may naninirahan hanggang ngayon na katulad pa sa Panahon ng Bato;
o Mga mahusay na manlililok at manggagawa ng palayok at ang New Guinea ay mahilig sa
musika.
 Polynesia: ang Maraming Pulo
o Mga nasasakop ay Hawaii, Ester Island, American Samoa, Tonga, Tuvalu, French
Polynesia, Western Samoa, New Zealand, Cook Islands, Kiribati, at Midway Islands;
o Pangunahing kabuhayan ang pangingisda at at pagsasaka
o Naniniwala na lahat na bagay na may buhay o wala ay banal at may himalang
kapangyarihan o mana o bisa o lakas;
o Bawal ang paghipo sa pinuno dahil magkakasakit at maaring mawala kung kakatay ng
karaniwang tao;
o Hawaii at Tahiti ang mga pangunahing pulo.
 Micronesia: ang Maliliit na Pulo at atoll
o Mga nasakop ay ang Carolines Islands, Wake Islands, Marshall Islands, Gilbert Islands
(ngayon Kiribati), Nauru, Marianas Islands, Guam, at Palau;
o Pagsasaka ang pangunhing hanapbuhay at malimit ang kalakalan
o Karamihan ay mga pulo ng Coral at napaligiran ng niyog;
o Mga mahusay silang mandaragat at mailig sa tattoo.
Pagsasanay:
1. Bakit tinawag na mga Pulo sa Pacific?
2. Paano mo mapahalagahan pamumuhay ng Melanesian, paniniwala ng mga Polynesian tungkol sa
mga bagay at sa kanilang pinuno?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayang ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain Bilang 11
Paksa : Mga Kontribusyon ng mga Kabihasnang Klasikal sa Daigdig
Pamantayan ng pagkatuto: Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan. AP8DKT-IIf-8
Layunin: 1. Naiisa-isa ang mga kontribusyon ng mga kabihasnang klasikal ng Greece, Rome at Amerika na
namana ng mga Pilipino.
2. Naipapahayag ang pagpapahalaga sa mga kontribusyon ng kabihasnang klasiko
sa pag-unlad ng pandaigdigang kamalayan.

Konsepto:
Marami ang mga ambag ng Kabihasnang Klasikal sa kasaysayan na may kaugnayan sa sining at
naipakita ng tao ang kanilang pagsisikap at kasanayan upang purihin at bigyan ng kasiyahan at hindi ang
kanilang diyos. Marami ang mga ambag sa kabihasnan na dapat nating masusuri para magsilbing huwaran,
pugay, at aral.
Ilan sa mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal ng Greece
 sa Sining
o Discobolus o Discuss Throw ni Mayron – makikita nito ang balanse, dangal at mahinahon na
pigura sa pagpupukol ng discuss.
o Estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia na gawa ni Phidias.
o Venus de Milo – kinilalang pinakamagandang modelo ng hugis ng babae.
o Colossus of Rhodes – isa sa itinuring na “Pitong Kahanga-hangang bagay sa Sinaunang
Panahon.”
 sa Arkitektura
o Parthenon – pinakamagandang temple sa Greece na laan kay Athena na patron ng
Athens
o Tatlong Uri ng Istilo ng Haligi:
 Doric – pinakapayak, walang salayan (base) at simple ang kapital;
 Ionic – may disenyong Scroll sa kapital;
 Corinthian – may disenyong dahon ng Acanthus.
Ilan sa mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal ng Rome
 Law of the Twelve Tables - kauna-unahang batas ng bansa na kumukilala sa paggalang,
katapatan, katarungan, at pagkapantay-pantay ng tao sa harap ng batas.
 Appian Way – pinakatanyag na daan na nagdurugtong sa Rome at Timog Italy;
 Collossium – isang bukas na arena na may upuan sa 50,000 katao;
 Pantheon o “para sa lahat na diyos” ang nagsilbing musoleo ng mahalagang tao sa bansang Rome.
Ilan sa mga Kontribusyon ng Kabihasnang Klasikal ng America
 Obsidian - gamit at sandata na yari sa matutulis at itim na bato;
 Chinampas - patanimang nakalutang sa tubig.
 Chicha - ang beer na madalas nilang iniinum na mula sa mais;
 Pok-ta Pok - isang uri ng larong basketbol
 Totem Pole-isang poste na may nakaukit na ulo ng hayop sa dulo nito.
Pagsasanay:
1. Magbigay ng dalawang kontribusyon ng bawat kabihasnang klasiko.
2. Ano ang masasabi mo sa mga kontribusyon ng mga klasikal na mga kabihasnan? Magbigay ng tatlo.
3. Paano mo mapahalagahan ang mga konstribusyon ng mga kabihasnang klasikal?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 12
Paksa: Ang mga Pangyayaring Nagbigay-Daan sa Pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europa
sa Gitnang Panahon. AP8DKT-IIf-9 (2 days)
Layunin: Nalalaman ang mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong ng Europa sa Gitnang Panahon.
Naipapahayag ang sariling pag-uunawa sa mga pangyayaring nagbigay daan sa pag-usbong ng
Europa sa Gitnang Panahon sa pamamagitan ng isang masining na pamamaraan.
Sanggunnian: Kasaysayan ng Daigdig Learners Modules pp. 229-243
Konsepto:

MGA PANGYAYARING NAGBIGAY DAAN


SA PAG-USBONG NG EUROPA SA
GITNANG PANAHON

Ang Ang Buhay Sa


Europe Noong
Paglakas ng Ang Holy Roman Ang Paglunsad
Gitnang Panahon
Simbahang Empire ng mga Krusada
(Piyudalismo,
Katoliko Bilang
Manorialismo,
Isang Institusyon
Pag-usbong ng
sa Gitnang
mga Bayan at
Panahon
Lungsod

Pagsasanay:

1.Ano-ano ang mga naganap sa kasaysayan ng mundo partikular na sa Europe?


2.Ikaw, sa buhay mo, ano ang maituturing mong mahalagang transisyon?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain Blg.13
Paksa : Bahaging Ginampanan ng Simbahan sa Paglakas ng Europa
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga dahilan at bunga ng paglakas ng Simbahang
Katoliko bilang isang institusyon sa Gitnang Panahon AP8DKT-IIg-10
Layunin: 1. Nasusuri ang bahaging ginampanan ng Simbahan sa pagpalakas ng Europa; at
2. Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ng Simbahang Katoliko sa paghubog ng
kamalayang Pilipino tungo sa pagkamit ng demokrasya mula sa Batas Militar.
Konsepto:
Sa pagbagsak ng Imperyong Romano sa kamay ng mga barbaro noong 476 C. E, nagsikap ang
Simbahan at mga mamamayan sa tulong ng mga institusyon upang mapangalagaan ang kalinangan sa
imperyo. Ang Simbahan ay gumawa ng mga hakbang para lumakas muli ang Europa.

 Ang Pagpapadala ng mga misyonero sa iba’t ibang bahagi ng Europa


na nagpalaganap sa turo ng Simbahan
 Clovis, nagpalaganap sa Kanlurang Europe;
 St. Augustine, nagpalaganap sa England;
 St. Patrick, nagpalaganap sa Ireland;
 St. Boniface, nagpalaganap sa Germany; at
 St. Thomas Aquinas, nagpalaganap sa pamamagitan ng kanyang aklat na,
“Summa Theologica”.

 Ang Pagpapatayo ng paaralang parokyal na nagpalaganap sa turo ng Simbahan


 Ang Pagpapatayo ng mga Monasteryo
 Ang Pagtatag ng Banal na Imperyong Romano
Noong kapaskuhan ng taong 800 C.E., kinoronahan ni Papa Leo 111 si Charlemagne o Charles
the Great bilang Unang Imperador at simula ng Banal na Imperyong Romano.

 Ang uri ng pamumuno ng Simbahan


 Constantine the Great – pinagbuklod-buklod niya ang mga Kristyano sa Konseho ng Nicea at
Konseho ng Constantinople;
 Papa Leo the Great – binigyang-diin niya ang “Petrine Doctrine”, ang doktrinang nagsasabi na ang
Obispo ng Rome ang tagapagmana ni San Pedro;
 Papa Gregory I – sumanib sa Katolisismo ang iba’t ibang tribung barbaro nang nagpadala siya ng
mga misyonero sa iba’t ibang sulok sa Europe;
 Papa Gregory VII – napalakas niya ang kapangyarihan ng kapapahan nang humingi si Haring Henry
IV ng kapatawaran sa Papa na nagtapus sa alitan sa kapangyarihang sekyular at eklesyastikal.

Pagsasanay:
1.Ibigay ang mga hakbang na ginawa ng simbahan upang mapalakas muli ang Europa?
2. Mahalaga ba ang papel na ginampanan ng Simbahang Katoliko sa Europa? Bakit?
3. Mag-interbyu ng isang kasapi ng pamilya o kamag-anak na nakaranas ng pagmamalupit o
nabuhay noong batas militar. Paano nakatulong ang Simbahang Katoliko sa pagkamit ng
demokrasya mula sa Batas Militar?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.14
Paksa : Ang Paglakas ng Kapapahan – Ang Banal na Imperyong Romano
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
“Holy Roman Empire”. AP8DKT-IIg-11
Layunin : Nasusuri ang paglakas ng Kapapahan at natutukoy ang mga kaganapan sa pagtatag ng
Banal na Imperyong Romano.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, (Batayang Aklat)III. 2012, pp.178-189
Konsepto:

Ang Simbahan ay isa sa mahahalagang institusyon na nakatulong sa pag-usbong at paglakas ng


Europe, lalong-lalo na ang organisasyon ng Kapapahan. Tumutukoy ang kapapahan sa tungkulin ng Santo
Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, gayundin sa kapangyarihang pampulitika bilang pinuno ng
Estado ng Vatican.

Mga salik na nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Kapapahan:

 Pagbagsak ng Imperyong Romano;


 Matatag at mabisang organisasyon ng Simbahan;
 Uri ng pamumuno ng Simbahan; at
 Pamumuno ng mga Monghe;

Mga Papa na nakatulong sa pagpalakas ng kapangyarihan ng Kapapahan:

 Constantine the Great – pinagbubuklod-buklod niya ang mga Kristyano sa Konseho ng Nicea at
Konseho ng Constantinople;
 Papa Leo the Great – binigyang-diin niya ang “Petrine Doctrine”, ang doktrinang nagsasabi na ang
Obispo ng Rome ang tagapagmana ni San Pedro;
 Papa Gregory I – sumanib sa Katolisismo ang iba’t ibang tribung barbaro nang nagpadala siya ng
mga misyonero sa iba’t ibang sulok sa Europe;
 Papa Gregory VII – napalakas niya ang kapangyarihan ng kapapahan nang humingi si Haring Henry
IV ng kapatawaran sa Papa na nagtapos sa alitan sa kapangyarihang sekyular at eklesyastikal.
Pagsasanay:

1. Ano ang Kapapahan? Paano lumakas ang kapangyarihan ng kapapahan?


2. Paano mo mapapatunayan na malaki ang impluwensya ng Simbahan sa Banal na Imperyong Romano?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 15
Paksa: Ang Banal na Imperyong Romano
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkakabuo ng
“Holy Roman Empire” AP8DKT-IIg-11
Layunin: 1. Nasusuri ang mga kaganapang nagbigay-daan sa pagkabuo ng Banal na Imperyong Romano.
2. Naipaliliwanag ang pagkakaroon ng hiwalay na kapangyarihan ng simbahan at estado ng
bansang Pilipinas.
Konsepto:

Si Clovis ang isang mahusay na pinuno na naging hari ng Franks. Tinanggap niya ang Kristiyanismo
dahil sa kanyang asawang si Clotilde at naging tagapagtanggol nito. Nang nakuha niya ang buong France,
nagpalabas siya ng utos na lahat ng nasasakupan ay sumampalataya sa Katolisismo.

Nang nahalilihan si Clovis ni Charles Martel na isang mayor ng palasyo, tinalo niya ang mga Muslim
sa Labanan sa Tours, France na naging dahilan na napigilan ang mga Muslim sa patuloy na pananakop sa
Kanlurang Europe.

Humalili si Charlemange o Charles 1 sa kanyang ama na si Pepin the Short bilang pinuno ng
Imperyong Romano. Sa kanyang pamumuno, lalong nadarama ang pagkakaisa ng Simbahan at estado sa
loob ng 46 na taon.

Pagsimula ng Banal na Imperyong Romano:

Noong kapaskuhan ng taong 800 C.E., kinoronahan ni Papa Leo 111 si Emperador Charlemagne o
Charles the Great na naging dahilan sa pagkatatag ng Banal na Emperyong Romano at bilang unang
emperador nito

Ilan sa Mga ginawa ni Charlemange sa kanyang pamumuno:

 Pinaunlad ang edukasyon sa pamamagitan ng pagpatayo ng paaralan sa loob ng palasyo;


 Pinaliit ang gastusin ng emperyo dahil pinatulong ang mamamayan sa hukbo;
 Pinahalagahan ang Simbahan at sinusunod ang simulain ni St. Benedict at Pope Gregory 1.

Pagbagsak ng Banal na Imperyong Romano:

Nang humalili si Louis the Saint, hindi siya naging matagumpay dahil sa paghadlang ng mga
ambisyosong mga maharlika. Sa kanyang pagkamatay, hinati ang kanyang imperyo sa kanyang tatlong
anak na sina: Charles the Bald, Louis the German, at Lothair sa pamamagitan ng Kasunduan sa Verdun
noong 843 C.E. naging dahilan sa pagbagsak nito.

Pagsasanay:
1. Paano naitatag ang Banal na Imperyong Romano?
2. Mahalaga ba ang paghihiwalay ng kapangyarihan ang Simbahan at estado? Bakit?

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 16
Pamagat : Ang Mga Dahilan at Bunga ng mga Krusada
Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Gitnang
Panahon AP8DKT-IIh-12 (1)
Layunin : 1. Nasusuri ang dahilan sa paglunsad ng mga Krusada.
2. Napapahalagahan ang pagkakaisa ng samahan ng mga Katoliko at Muslim tungo sa
pag-unlad ng bansang Pilipinas.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) pp. 181-184

Konsepto:

Sa pagsapit ng Middle Ages, naging makapangyarihan ang Simbahang Katoliko at naitatag


ang Holy Roman Empire sa ilalim ng emperador na may basbas mula sa Santo Papa. Kasabay ng
paglakas ng Simbahang Katoliko, namayani rin ang kapangyarihan ng mga Muslim sa Asya nang
napasakamay nila ang Herusalem at pinagbabawalan ang mga Kristiyano na makabisita rito. Dito
nagsisimula ang paglunsad ng Krusada,isang ekspedisyon/labanan na inilunsad ng mga
Kristiyanon upang bawiin ang Jerusalem.

Mga dahilan ng Krusada:


 bawiin ang Jerusalem sa kamay ng mga Muslim;
 nabahala ang Simbahan sa mabilis na paglaganap ng Islam;
 paglapastangan ng mga Muslim sa Banal na Libingan ni Kristo sa Herusalem.
Sa kasaysayan, maraming Krusada ang naganap,may unang Krusada, pangalawang Krusada,
Krusada ng mga bata,ikaapat na Krusada at iba pang krusada.

Pagsasanay:

1. Gumawa ng isang Web Organizer at isulat ang ibat ibang mga dahilan ng Krusada.
2.Sa iyong sariling obserbasyon, ano ang maitutulong sa pagkakaisa at pagtutulungan sa
pagsagawa ng anumang bagay? Ipaliwanag.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 17
Pamagat : Ang Mga Bunga ng mga Krusada
Pamantayan sa Pagkatuto : Naipapaliwanag ang mga dahilan at bunga ng mga Krusada sa Gitnang
Panahon AP8DKT-IIh-12 (2)
Layunin : 1. Nahihinuha ang positibo at negatibong epekto ng mga Krusada.
2. Napapahalagahan ang mga epekto ng Krusada.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig (Batayang Aklat) pp. 181-184

Konsepto:

May magandang naidulot ang Krusada, isa dito sa larangan ng kalakalan. Napalaganap
ang komersyo at ito ay nagsilbing salik sa pag-unlad ng mga lungsod at malalaking daungan.

Mga positibong epekto ng Krusada:

 paghina ng Pyudalismo;
 paglitaw ng mga bayan at lungsod;
 pinalawak nito ang kaalaman ng emperador sa maraming bagay;
 pagpapalitan ng mga kultura, kalakal at kaalaman.

Mga negatibong epekto ng Krusada:


 kakulangan ng pagkakaisa at pagtutulungan;
 kakulangan ng mga sasakyang magagamit;
 kulang sa kaalaman upang isagawa ang misyon;
 marami sa mga kasapi ang walang tunay na hangarin kundi pang-personal lamang.

Sa kabilang panig, ang Krusada ay naglantad ng tunay na mga layunin ng mga sumama sa
gawaing ito. Hindi pagmalasakit sa simbahan ang naging dahilan sa pagsama sa banal na laban na
ito kundi ang pagkakataong makpaglalakbay at mangangalakal.

Pagsasanay:

1. Pumili ng isang positibong epekto ng Krusada at ipaliwanag ito.


2. Para sa iyo, gaano kahalaga ang paglunsad ng Krusada?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan

Gawain bilang 18
Paksa : Ang Institusyong Pyudalismo
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Manoryalismo,
Piyudalismo at ang pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod. AP8DKT-11i-13 (1)

Layunin : 1. Nabibigyang-kahulugan ang Pyudalismo.


2. Nasusuri ang buhay sa Europe noong panahon ng Pyudalismo.
3. Nailalarawan ang pagkakatulad sa pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform
Law sa Pilipinas at sa Panahon ng Pyudalismo.

Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Mateo, Grace et. Al., pahina: 192-197


Konsepto:

© Ang Institusyong Pyudalismo

Ito ay sistemang pulitikal, sosyo-ekonomiko, at militar na sagot sa pangangailangan ng


mga tao na maaring mamumuno sa panahon ng kaguluhan. Sa ilalim ng institusyong ito, nagkaroon
ng bagong ugnayan ang panginoon (lord) at basalyo (vassal) kapalit ng panunumpa ng katapatan,
binigyan ang basalyo ng lupa.

URI NG LIPUNAN

 HARI - nagmamay-ari sa lahat ng lupain na ibibigay sa Baron


 BARON – tapat sa hari,handang ipaglaban ang hari at magsanay ng mga at nagbigay ng
ilang lupain sa mga Knights.
 KNIGHTS – isang sundalong kabalyero na matatapang at malalakas.
 VILLIEN – tagabungkal ng mga lupa na ipinagkaloob ng Knights.

Pagsasanay:

1. Ibigay ang kahulugan ng Pyudalismo.


2. Bakit mahalaga ang lupa sa Sistemang Pyudalismo?
3. Sa iyong sariling pananaw, ano ang pagkakaiba o pagkakatulad ng Pyudalismo sa
Comprehensive Agrarrian Reform Program sa ating bansa?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
Grade 8 Araling Panlipunan
Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain bilang 19
Paksa : Ang Institusyong Manoryalismo
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Manoryalismo,
Piyudalismo AP8DKT-11i-13 (2)
Layunin : 1. Nabibigyang-kahulugan ang Manoryalismo.
2. Nasusuri ang buhay sa Europe noong panahon ng Manoryalismo.

Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Mateo, Grace et. Al., pahina: 192-197

Konsepto:
Naitatag ang matitibay na institusyon noong Medieval Period na nakatulong sa
pagpapanatili ng katahimikan, kaayusan, at kabuhayan ng lipunan noong panahon ng kaguluhanan.

© Ang Sistemang Manoryalismo


Ito ay sistemang pangkabuhayan sa ilalim ng Piyudalismo. Sa panahong ito, bihira lamang
ang magsasakang nagmamay-ari ng lupa. Marami ang nagbigay ng kanilang lupa kapalit ang
proteksyon, ang iba naman ay bilang kabayaran sa utang. Ang mga magsasaka ay naging serf na
nakatali sa lupa ng panginoon na tinawag na manor. Nakasalalay dito ang mga gawaing
pangkabuhayan sa loob ng manor na pagmamay-ari ng landlord o feudal lord.

Mga uri ng lipunan sa Sistemang Manoryalismo:


 Mga Maharlika Pinakamataas na uri na kinabibilangan ng panginoon ng lupa na nakatira
sa Kastilyo, mga Obispo at Abbot;
 Mga Manggagawa:
 Mga Malayang tao o free men na nagmamay-ari ng maliit na perasong lupa,
gumawa
sa lupain ng panginoon o kaya tumulong sa gawain sa kastilyo
 Mga serf na nakatali sa lupain ng panginoon, 90 na bahagdan ng populasyon kasama
ang manggagawa na tanging inaasahan ng simbahan at maharlika.
Pagsasanay:

1. Ibigay ang kahulugan ng Manoryalismo.


2. Sang-ayon kaba sa Sistemang Manoryalismo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg. 20
Paksa : Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Bayan at Lungsod
Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: Pag-usbong
ng Bagong bayan at Lungsod. AP8DKT-11i-13 (3)
Layunin : 1. Nasusuri ang buhay sa pag-usbong ng mga bagong bayan at lungsod sa Europa sa
Gitnang Panahon, at
2. Nailalarawan ang mga dahilan, pagbabagong dulot, at mga pamana ng mga bayan at
lungsod sa sariling pamayanan.
Konsepto:
Sa panahon ng Dark Ages, nawalan ng sigla ang kalakalan, humina ang produksyon, at
nauntol maging ang pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng buhay. Maraming institusyong nagbigay-
sigla upang makabangon sa panghihina ang Europe.

Mga dahilan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod:


 pananaig ng impluwensya ng Simbahan;
 ang pagsigla ng kalakalan dulot ng Piyudalismo;
 ang mga Krusada;
 ang mga perya.

Mga pagbabagong dulot sa pagsibol ng mga bayan at lungsod:


 paggamit ng mga negosyante ng malalaking layag at sagwan;
 pinabilis ng barko ang paglalayag at pangangalakal;
 pagsimula ng malawakang pagsososyo at pamumuhunan ng mga Italyano;
 pamumuhunan ng pamilya;
 pagtatag ng samahan ng mga manggagawa;
 pagsimula ng moneyed-economy.

Mga pamana ng bayan at lungsod:

 Naging sentro ng kalakalan at industriya ang mga bayan at lungsod;


 Naging sentro ng kultura ang mga bayan at lungsod lalong-lalo na sa sining-
pagpinta, eskultura, at arkitektura;
 Naging saligan ng kalayaang pulitikal ang mga bayan at lungsod;
 Paglitaw ng mga Burges;
 Sa mga bayan at lungsod sumikat ang malayang kaisipan.
Pagsasanay:
1. Sa dalawang pangungusap, ilahad ang mga dahilan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod.
2. Ilarawan ang pagbabagong dulot ng pag-unlad ng mga bayan at lungsod sa sariling pamayanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol

Grade 8 Araling Panlipunan


Kasaysayan ng Daigdig
Ikalawang Markahan
Gawain Blg.21
Paksa: Epekto at kontribusyon ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Europa sa
Pagpapalaganap ng Pandaigdigang Kamalayan
Pamantayan sa Pagkatuto: Natataya ang epekto at kontribusyon ng ilang mahahalagang
pangyayari sa Europa sa pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan.
AP8DKT-IIj13
Layunin: Nailalarawan ang mga kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng pagsagot sa graphic
organizer sa ibaba.
Naipapahayag ang sariling damdamin tungkol sa ibat ibang kontribusyon at epekto ng
ibat ibang panahon na tinalakay sa pamamagitan ng isang masining na pamamaraan.
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, pp. 84-181
Konsepto: Batay sa tinalakay na aralin/paksa..

Pagsasanay:

Punan ang graphic organizer ng angkop na impormasyon batay sa iyong mga naunawaan sa
mga nakaraang aralin.
Ano ang kontribusyon ng iba’t ibang panahon na tinalakay sa modyul na ito sa pag-
unlad ng Pandaigdigang Kamalayan?

Pag-unlad ng
Pandaigdigang
Kamalayan

Kabihasnang Klasikal Kabihasnang Mga Mahahalagang


Sa Europe Klasikal sa Amerika, Aprika, Pangyayari sa
at mga pulo sa Pacific Gitnang Panahon

You might also like