Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Bangis ng dengue

IDINEKLARA ng Department of Health (DOH) ang national dengue alert dahil sa patuloy na pagdami ng mga
nagkakasakit at marami na ang naiulat na namatay. Ayon sa report, mula Enero hanggang Hunyo, 106,630 na kaso na
ang naitala at 456 katao na ang namatay.

Pinakamataas ang Region 6 na may 13,164 na kaso at may 78 na ang namatay. Sumunod ang Region 7 na may 9,199
na kaso at 60 ang namatay. Ikatlo ang Region 4-A na may 11,474 na kaso at 46 ang namatay. Ang National Capital
Region ay may 7,315 kaso at 26 na ang namatay.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, ito ang unang pagkakataon na nagdeklara ng national alert. Ito ay para
maipabatid sa publiko ang pag-iingat at maging handa sa nakamamatay na sakit na dulot ng lamok. Ayon kay Duque,
nagpadala na ang kagawaran ng mga trained specialist sa mga lugar na laganap ang dengue. Ipinaalala ni Duque na ang
kalinisan sa kapaligiran at sa loob ng bahay ang pangunahing panlaban para hindi kumalat o mabuhay ang mga lamok.

Ang dengue ay hatid ng lamok na tinatawag na Aedes Aegypti. Ang lamok na ito na kadalasang nangangagat tuwing
araw ay madaling makikilala dahil sa batik-batik na katawan. Karaniwang mga bata ang nabibiktima ng dengue.

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na may dengue.
Huwag i-istak ang mga basyong bote, lata, gulong ng sasakyan, paso ng halaman sapagkat napupuno ito ng tubig sa
panahon ng tag-ulan. Linisin din ang mga kanal na hindi umaagos ang tubig sapagkat dito nangingitlog ang mga lamok.

Sintomas ng dengue ang lagnat, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat, pananakit ng ulo, kasu-kasuan, lagnat at
pagsusuka.

Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat paigtingin ng DOH. Magbigay ng inpormasyon sa
mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na
naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib. Ituro sa mga estudyante ang paglilinis sa loob ng bahay at kapaligiran. Ituro
sa kanila kung paano wawasakin ang tirahan ng mga lamok.

Bilibid or not
(Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2019 - 12:00am
HINDI lamang ang pag-abuso sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang nabulgar sa pagdinig ng Senado noong
Huwebes kundi pati na rin ang maraming pinagkakaperahan ng mga opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor),
empleyado at mga guwardiya. Halos lahat ng pagkakakitaan ay nasa Bilibid at sa maniwala at hindi, umaabot sa
P300,000 hanggang P500,000 bawat linggo ang sumasampang pera sa mga corrupt sa BuCor.

Sa ikalimang pagdinig, isiniwalat mismo ni dating BuCor officer-in-charge Rafael Ragos ang mga nangyayaring anomalya
sa Bilibid kung saan ang mga opisyal ng nasabing tanggapan ang nagmamaniobra. Ayon kay Ragos, mayroong pitong
money-making schemes sa Bilibid at nangyayari ito noon pa.

Kabilang sa mga binunyag ni Ragos ay ang pagpasok ng mga “tilapia” o mga bayarang babae sa loob na ang presyo ay
P30,000 bawat gabi. Mga high profile inmate umano ang gumagamit sa mga babae. At karamihan sa mga babae ay
nagiging girlfriend na o asawa ng mga maiimpluwensiyang bilanggo. Bukod sa nagpapasok ng babae, talamak din ang
sugal sa loob at nagaganap ito sa mga kubol ng mga high-profile na bilanggo.

Isa pa sa pinagkakakitaan ng mga corrupt na BuCor officials, ayon kay Ragos ay ang “catering” kung saan ang portion ng
food allowance ng mga bilanggo ay napupunta sa mga ito. Kumikita ang mga corrupt BuCor officials ng P800,000 bawat
buwan sa gawaing ito.

Kumikita rin umano ang mga corrupt sa mga ipinapasok na kontrabando --- shabu, cell phones, alak, sigarilyo.
Pinagkakakitaan din ang “special requests” ng mga high profile na bilanggo na magkaroon ng party sa loob kung saan ay
may iimbitahing mga babae mula sa ibang bansa at mananatili sa Bilibid ng ilang araw.

Dahil sa pag-abuso sa GCTA, lumawak pa ang nahalukay sa Bilibid na walang ibang salarin kundi ang mga “bulok” na
opisyal, empleyado at guard. Nararapat lang na alisin lahat ang opisyal at pati mga guard. Kung hindi sila wawalisin,
magpapatuloy ang katiwalian. Ngayon na ang tamang panahon para linisin ang marumi at mabahong BuCor.
Pagbaba ng presyo ng palay hindi dahil sa RTL

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas (Pilipino Star Ngayon) - September 14, 2019 - 12:00am
HINDI dapat isisi sa Rice Tariffication Law (RTL) ang pagbaba ng presyo ng palay, sabi ni Agriculture Secretary William
Dar bilang sagot sa mga batikos ng ilang rice traders and millers. “Even before the inaction of the Rice Tariffication Law,
mayroon nang pagbaba ng palay prices, so may nagsasamantala nito,” ayon pa kay Dar.

Mukhang nahahalukay na ni Dar na may nagmamanipula nga kaya ang naapektuhan dito ay mga malilit na magsasaka.
Sa madaling salita, hindi magtatagal at malalansag din ang panggugulang ng mga tusong negosyante ng bigas at
mahubaran ng maskara ang mga sangkot dito. Sa pagtukoy ni Dar, gagawin nila ang lahat upang maisagawa ang layunin
ng batas na ito lalo na ang isyu ng hoarding. Naniniwala si Dar na may ilang rice trades and millers na
sinamantalang mag-imbak na ng bigas habang isinasapinal pa lamang ang RTL, pero hindi makalulusot ang mga ito
dahil may anti-hoarding law ang bansa. “Mayroong pumasok na mga imports at the same time when the RTL was being
finalized that season, binagsak na nila ang presyo ng palay, so paano mo ma-aattribute na RTL ‘yan and that was like
taking opportunity na ibinagsak na ang presyo at hindi na sila bumili so they stop buying, they stop milling,” sabi pa ni
Dar.

Malaking palaisipan kasi ito sa kalihim kung bakit ang ilang naunang inangkat na bigas sa ibang bansa ng ilang rice trader
ay ‘di pa rin luma labas sa mga merkado hanggang ngayon. Katulong ng DA ang Department of Trade and Industry
upang ma-monitor ang kilos ng ilang rice trader na umano’y gumagawa ng hoarding ng bigas. Paliwanag ni Dar, hindi rin
dapat isisi ng mga farmers group at consumers sa mga nag akda ng batas sa Senado sa pangunguna ni Sen. Cynthia
Villar ang pagbaba ng preyong palay sa merkado nitong mga nakaraang buwan.

Sinang-ayunan ni Dar ang pahayag ni Villar na mas malaki ang mawawala sa mga magsasaka sa ilalim ng tariffied
system kung walang Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na nagkakahalaga ng P10 billion kada taon
hanggang 2026. Idinagdag pa ni Villar na suportado siya ng kanyang mga kasama sa Senado sa pagsusulong sa pag-
aangat sa sektor ng agrikultura nang aprubahan ang bill sa rice tarification sa botong 14-0.

Nilagdaan ni President Duterte ang bill noong Pebrero at naging epektibo noong nakaraang Marso ng kasalukuyang
taon. Sa puntong ito, nagpahayag din si Dar na ilalabas lahat sa mga pamilihan ang mga stock na bigas ng NFA upang
bumaha ng bigas at mapipilitang magbaba ng presyo ang mga commercial rice. At ang mapagbibilhan ng mga bigas ng
NFA ang ipambibili ng palay sa mga magsasaka sa halagang P19.00 kada kilo. Malaking bagay ito dahil kahit papaano’y
madadagdagan ng P8,000 ang kikitain ng mga magsasaka. Subalit may kaunting sakripisyo ang magsasaka nito dahil
aalisin na ang P3,000 incentives na dating ibinibigay sa kanilang palay na tuyo. Kaya mga kababayan ko na magsasaka,
suportahan natin ang proyekto ni Secretary Dar.

Huwag palubhain ang ASF


133SHARES10
(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am
KINUMPIRMA ng Department of Agriculture na nakarating na nga sa bansa ang African swine flu (ASF) at ito ang dahilan
nang pagkamatay ng mga baboy sa Rodriguez, Rizal at Guiguinto, Bulacan, dalawang linggo na ang nakaraan.
Nagpositibo ang ASF makaraang ipasuri ang mga blood sample ng mga baboy mula sa dalawang lugar. Sinuri ang blood
sample sa United Kingdom. Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, 20 blood samples ang kanilang ipinadala sa UK at 14
sa mga ito ang nag-positibo sa ASF. Gayunman, sa kabila na may presensiya ng ASF sa ilang lugar, ligtas ang mga
karneng baboy para sa human consumption. Para pawiin ang pangamba, kumain pa sina Dar at Health Sec. Francisco
Duque ng mga nilutong karneng baboy.

Mula nang unang mapansin ang pagkakasakit ng mga baboy sa Rizal, maagap na nagkaroon ng checkpoint ang DA at
Bureau of Animal Industry para hindi mailabas ang mga baboy. Kailangang may certification mula sa beterinaryo ang mga
baboy. Dahil sa maagap na pag-iinspeksiyon, hindi na lumaganap ang ASF sa iba pang lugar. Patuloy naman ang
pagmonitor sa mga baboy na inaalagaan sa mga likod bahay.

Ayon sa report, nakarating ang ASF sa bansa dahil sa mga pagkain (gaya ng pork) na dala ng mga foreigners na naka-
check in sa mga malalaking hotel. Ayon sa isang pinuno ng DA, ang mga tirang pagkain sa hotel ay kinokolekta ng mga
may-ari ng babuyan at ito ang pinakakain sa mga baboy. Nang makain ng mga alagang baboy ang pagkain mula sa hotel,
nagsimula na ang ASF. Ito umano ang pinaka-numero unong dahilan kaya nakapasok sa bansa ang ASF.

Kamakalawa, limang patay na baboy ang nakita sa isang creek sa Bagong Silangan, Quezon City at hinihinalang may
ASF. Maaaring itinapon doon ang mga baboy. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon ng mga
baboy.

Paigtingin ng DA ang pagmonitor sa mga nag-aalaga ng baboy sa likod bahay. Maaaring hindi na inirereport ng mga ito
kung may sakit ang kanilang mga alagang baboy at kapag namatay ay itatapon na lamang. Hindi tama ang kanilang
ginagawa sapagkat lalong kakalat ang sakit. Mas malaking problema ang kahaharapin ng bansa. Makipagtulungan ang
lahat para hindi kumalat ang ASF. Huwag palubhain ang problemang ito.

Mabuti ang rice tarrification


140SHARES11
AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 - 12:00am
BINABATIKOS ngayon ang bagong batas na Rice Tarrification Law dahil wawasakin daw nito ang industriyang
agrikultural. Kawawa raw ang mga nagtatanim ng palay. Maganda ang layunin ng batas na maging sapat ang supply ng
bigas na abot-kayang bilhin ng masang Pilipino, at paunlarin din at gawing moderno ang agrikultura.

Ang mga kritiko ng batas ay mistulang propeta ng lagim na humuhulang mapapahamak ang mga magsasaka ng palay
dahil sa batas na ito. Kesyo wala raw suportang ibinibigay ang pamahalaan sa mga magtatanim ng palay sa bansa
habang hinihikayat ang maramihang pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa. Lihis sa katotohanan iyan.

May paunang P5-bilyong halagang ipinalabas ang Department of Budget and Management sa Department of Agriculture
bilang ayuda sa mga rice farmers. Ito ay ipambibili ng mga modernong kagamitan at makinaryang pangsaka sa
pangunguna ng Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization.

Iyan ang ahensiyang itinalaga upang paunlarin ang larangan ng agrikuktura na ang makikinabang ay mga magsasaka sa
tinatayang 947 rice producing municipalities sa bansa. At ‘yan ay matutupad umano bago matapos ang taong ito. Kung
hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa makaaagapay ang Pilipinas sa mga kalapit nating bansa na maunlad na ang larangan
ng agrikultura? Lahat naman ng programa ay may period of adjustment. May kahirapan sa una pero sa huli’y naroroon
ang ginhawa.

Kamakailan lang, inihayag ni Agriculture Undersecretary Ariel Cayanan sa pagdinig ng House of Representatives na ang
Land Bank of the Philippines ay nagpalabas ng P109-milyong pautang sa mga magsasaka bilang bahagi ng programa.
Sa ilalim din ng Rice Tarrification Law, maglalaan ng halaga ng P3-bilyon sa Philippine Rice Research Institute na
mananaliksik sa produksyon ng mga makabagong binhi na mag-aangat sa ani ng ating mga local farmers ng higit sa 50
porsyento.

Ayon pa kay Cayanan, ang regular na programa ng DA sa hybrid rice ay bukod pa sa Rice Competitiveness
Enhancement Fund (RCEF) ng PhilRice. Ibig sabihin, mahigit pa sa doble ngayon
ang pondong nakalaan sa ating mga magsasaka ng palay. Kaya ang payo ng Agriculture official sa mga kritiko, huwag
maging kalawang na naninira sa isang magandang proyekto.

Pinapatay ang mga magsasaka

(Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2019 - 12:00am


ANIHAN ng palay ngayon sa maraming bahagi ng bansa, gaya sa Mimaropa (Mindoro-Marinduque-Romblon-Palawan).
Sagana sila sa aanihing palay sapagkat maganda ang resulta ng pagtatanim. Naalagaan nila nang husto sa fertilizer,
insecticide at tamang patubig ang palayan. Kaya magaganda ang uhay ng mga palay. Kaygandang tingnan ng aanihing
palay na nagmistulang ginto ang malawak na linang. Napakasarap langhapin ng mga hinog na palay. Masarap anihin ang
pinagbuhusan ng pawis at hirap. Ang ilang buwan na paghihintay sa itinanim at inalagaang palay ay magiging pera na sa
wakas.

Pero malaking pagkadismaya ang nakamtan ng mga magsasaka makaraang maani at ibenta ang kanilang palay. Mababa
ang presyo ng palay! Sobrang baba na halos hindi mabawi ang kanilang ginastos. Taliwas ito sa kanilang inaasahan na
mataas ang presyo sa panahon ng pag-aani. Ang kanilang pinagbuhusan ng panahon sa loob ng ilang buwan ay
mabebenta lamang ng P12 bawat kilo o mababa pa rito. Ang kanilang inaasahan, maipagbebenta ang kanilang palay ng
P17 bawat kilo.

Nabaon sila sa utang habang inaalagaan ang kanilang mga tanim na palay. Kailangang utangin ang pambili ng binhi,
pataba at insecticide. At pagkatapos, mababa lamang palang bibilhin ang kanilang ani.

Ang sobrang pagdami ng imported na bigas ang itinuturong dahilan kaya mababa ang presyo ng palay. Epekto ito ng rice
import liberalization law. Dumagsa ang imported na bigas na mas murang ibinibenta. Dahil dito, mas tinatangkilik ng
consumers ang murang imported na bigas. Siyempre, ang mura ang kanilang pipiliin.

Umaaray ang mga magsasaka sa nangyayaring bagsak-presyo ng palay. Ang iba, sa halip na magtanim ng palay, nag-
aalaga na lamang ng manok at baboy. Sigurado raw ito dahil hindi bumabagsak ang presyo.

Nararapat tulungan ang mga magsasaka. Huwag silang patayin! Itaas ang presyo ng palay para naman mabawi ng
magsasaka ang kanilang nagastos. Huwag silang pahirapan.

You might also like