Pagbasa Thesis

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Department of Education S.

Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

ANG EPEKTO NG NATAPOS NA WORK IMMERSION SA MGA

MAG-AARAL NG ACCOUNTANCY AND BUSINESS

MANAGEMENT (ABM) SA SAN MATEO

SENIOR HIGH SCHOOL NG TAONG

AKADEMIKO 2017-2018

Isang Pananaliksik na Iniharap ng

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Kian S. Bermudez

Stephen DG. Abrigo

Nadine M. Bitoon

Marijoy A. Diplomo

Phil Andrew DR. Caspi

2018

1 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

PASASALAMAT

Ang pananaliksik na ito ay hindi magiging matagumpay kung wala ang

mga taong naglaan ng oras upang maisaayos ang ginagawang pag-aaral ng

mga mananaliksik:

 Kay Gng. Cynthia D. Samson na nagbahagi ng kanyang kaalaman upang

matulungan ang mga mananaliksik upang maisaayos isinagawang pag-aaral.

 Sa mga mag-aaral ng Baitang 12 ng ABM na nagsilibing mga respondente ng

pag-aaral na ito.

 Kay Gng. Annaliza Nabo, sa kanyang pagtulong sa pagbigay impormasyon

sa Work Immersion.

 Sa mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga magulang na mga

mananaliksik na walang-sawa na nagbigay pinansyal at emosyonal na

suporta.

 At higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na nagbigay kalakasan at karunungan

sa mga mananaliksik upang mapagtagumpayan ang pag-aaral na naisagawa.

2 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Talaan ng Nilalaman

Kabanata I.........................................................................................................4
Panimula........................................................................................................4
Layunin ng Pag-aaral....................................................................................5
Paglalahad ng Suliranin................................................................................6
Balangkas Teoretikal.....................................................................................7
Balangkas Konseptuwal................................................................................8
Kahalagahan ng Pag-aaral............................................................................9
Saklaw at Limitasyon...................................................................................10
Depinisyon ng mga terminolohiya...............................................................11

Kabanata II.....................................................................................................12
Banyagang Literatura..................................................................................12
Lokal na Literatura.......................................................................................12

Kabanata III....................................................................................................16
Disenyo ng Pananaliksik.............................................................................16
Mga Respondente.......................................................................................16
Instrumento ng Pananaliksik.......................................................................18
Pagsusuri ng mga Datos.............................................................................18

Kabanata IV....................................................................................................19

Kabanata V.....................................................................................................25
Lagom..........................................................................................................25
Kongklusyon................................................................................................26
Rekomendasyon.........................................................................................27

BIBLIOGRAPIYA

APENDISE
Survey Questionnaire (Talatanungan)

CURRICULUM VITAE

3 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Kabanata I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pagaaral

Panimula

Ang pagkakaroon ng karanasan sa trabaho ay isang napakahalagang

bagay sa isang mag-aaral. Ito ay magiging batayan sa pagkakaroon ng

kasanayan sa napiling trabaho. Bukod sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng

mas matalas na kakayahan sa pagtatrabaho ay mahalaga, kaya isa ito sa

mga binigyan ng pokus sa mga paaralan.

Sa pagpasok ng programa ng K to 12 Basic Education Curriculum, isa

sa mga asignatura na kabilang dito ay ang “Work Immersion”. Ang Work

Immersion ay naglalayon na mailapit ang isang mag-aaral sa kanyang

maaaring maging potensyal na trabaho na nakabase sa kanyang

kinabibilangang strand.

Hinahasa ng Work Immersion ang pagiging pamilyar ng mag-aaral sa

kanyang trabaho at magkaroon ng praktikal na kakayahan, magkaroon ng

paghihinuha na mahalaga ang mga natutuhan na aral mula sa paaralan at

magkaroon ng magandang asal, respeto at disiplina sa trabaho. Ito rin ay

binibigyan-diin upang ang mga mag-aaral ay maging handa sa kolehiyo o

maging handa upang makapagtrabaho.

4 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Isa sa mga strand na nakapailalim sa K-12 Curriculum ay ang

Accountancy and Business Management o mas kilala sa ABM. Ito ay ang

strand para sa mga taong may interes sa mga konspeto ng pananalapi, pag-

aayos pinansyal at paghahawak ng mga negosyo. Ilan sa mga napag-aaralan

ng ABM ay ang Organization and Management, Fundamentals of Accounting,

at Applied Economics – ang mga ito ay nakapaikot sa pagsasaayos ng mga

datos, o di kaya ang paghawak ng pananalapi. Ang kanilang Work Immersion

ay maaaring maging mahirap kung walang tamang kaalaman sa mga tamang

pamamaraan ng pagtatrabaho.

Layunin ng Pag-aaral

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang epekto ng natapos na Work

Immersion sa mga mag-aaral ng Baitang 12 ng Accountancy and Business

Management Strand (ABM). Kasabay nito na masagot ang mga sumusunod

na pahayag:

A. Malaman ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa kanilang Work Immersion.


B. Makita kung may epekto sa kanilang personal na kalagayan at buhay mag-

aaral ang kanilang naging karanasan sa Work Immersion.

5 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na “Ang Epekto ng Natapos na

Work Immersion sa mga Mag-Aaral ng Accountancy and Business

Management (ABM) sa San Mateo Senior High School ng Taong

Akademiko 2017-2018.” Ito ay pagtatangka upang malaman ang mga naging

epekto ng natapos na Work Immersion ng mga napiling respondente sa

kanilang katatapos na Work Immersion.

Layunin din nitong masagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu – ano ang mga napagdaanan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng ABM

Strand sa Work Immersion?


2. Naging epektibo ba ang isinagawang Work Immersion sa mga mag-aaral ng

Baitang 12 ng ABM?
2.1. Ano ang naging epekto sa kanila ng Work Immersion sa aspetong

akademiko?
2.2. Ano ang naman ang naging epekto ng Work Immersion sa kanilang

pang-araw-araw na pamumuhay?

Balangkas Teoretikal

6 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Ayon sa Social Learning Theory ni Bandura, ang isang tao ay natututo

sa isa pang tao. Maaaring matuto ang isang tao sa pamamagitan ng:

panonood nito, pagkopya at pagsagawa ng bagay na kagaya ng kanyang

tinitignan.
“Most human behavior is learned observationally through modeling: from

observing others, one forms an idea of how new behaviors are performed,

and on later occasions this coded information serves as a guide for action.”

(Bandura, 2002)
Sinasabi lamang dito na ang tao ay natututo sa kanilang mga model,

mga taong kanilang naoobserbahan, nakakakitaan ng impormasyon na

kanilang ginagaya. Sa pag-obserba ng isang tao sa kanilang model, nakikita

nila kung paano ginagawa ng isang bagay, at nahihinuha ang impormasyon

na kanilang gagamitin.
Sa pamamagitan ng nasabing teorya, naiugnay ng mga mananaliksik

ang konseptong ito sa pagiging epektibo ng Work Immersion sa aspeto ng

buhay at sa aspetong akademiko sa mga mag-aaral.

Balangkas Konseptuwal

INPUT PROSESO AWTPUT

7 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Makikita sa balangkas konseptuwal na ito na gagamit ang mga

Survey Method Sa Survey Makikita ang


para sa mga mag- Method, bilang ng mga
aaral ng ABM makukuha ang respondente na
epekto ng mga nagkaroon ng
mag-aaral sa epekto sa
natapos nilang natapos na
Work Immersion Work
sa tatlumpu’t Immersion.
dalawang bilang
ng respondente.
mananaliksik ng isang survey method upang kumuha ng datos. Sa kabuuang

populasyon ng mga mag-aaral ng ABM na tatlumpu’t dalawa (32) na siyang

magiging basehan ng mga resulta. Makikita sa mga ito ang epekto ng mga

respondente sa kanilang natapos na Work Immersion.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang paniniwala ng mga mananaliksik na ang pag-aaral na ito ay

makatutulong sa bawat indibidwal at sa mga sumusunod na tao mula sa iba’t

ibang larangan:

8 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Guro
Ang pag-aaral na ito ay magiging mahalaga bilang isang gabay sa

kanilang pagbibigay ng impormasyon sa mga mag-aaral tungkol sa Work

Immersion.
Mag-aaral
Malaki ang pakinabang nito sa mga susunod pang mga mag-aaral na

magkakaroon ng Work Immersion sa hinaharap upang maging gabay ang

mga naging epekto ng natapos na Work Immersion ng mga nauna pang

dumanas nito.
Mananaliksik
Mahalaga ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sa

hinaharap upang maging gabay sa kanilang pag-aaral na may kahalintulad na

paksa.

Administrador
Higit na makatutulong ang pag-aaral na ito para sa mga namumuno sa

paaralan upang malaman ang mga naging kalagayan ng mga mag-aaral sa

ginanap na Work Immersion nang sa gayon ay mas lalo pa nilang matutukan

ang mga maaari pang pagyamanin sa nasabing proyekto.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay may pamagat na “Ang Epekto ng Natapos na

Work Immersion sa mga Mag-Aaral ng Accountancy and Business

Management (ABM) sa San Mateo Senior High School ng Taong

Akademiko 2017-2018.” ay sumasaklaw lamang sa pagsusuri ng epekto sa

9 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

natapos na Work Immersion ng tatlumpu’t dalawa (32) – sampung (10) lalaki

at dalawampu’t dalawa (22) na babae – na mag-aaral ng Baitang 12 ng ABM

sa natapos nilang Work Immersion.


Hindi na saklaw ng pag-aaral na ito ang ibang bagay o usapin sa loob

ng paaralan at silid-aralan.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ginamit ng mananaliksik ang mga terminolohiya na ito sa kanilang

pag-aaral:
 ABM – Accountancy and Business Management, isang strand sa programa

ng Kagawaran ng Edukasyon.
 Work Immersion – Ang asignatura ng K-12 Curriculum, maaaring

maihalintulad sa On the Job Training ng sa kolehiyo.


 Karanasan – ang mga nangyari sa mga mag-aaral sa kanilang Work

Immersion.
 General Journal – Isang dokumentong nagpapakita ng lahat ng transaksyon

ng isang negosyo.
 Bookkeeping – Isang nakatalang dokumento na nagpapakita ng pinansyal na

kapakanan sa isang negosyo.


 Klerikal – Trabaho na nakapaikot sa mga tanggapan na kadalasang

nakapaikot sa mga dokumento.


 Trial Balance – Isang dokumentong nagpapakita ng mga utang ng isang tao o

isang negosyo.

10 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Banyagang Literatura

Ang pag-aaral naman sa Social Learning Theory ni Bandura ay

nagpakita rin ng kahalagahan ng pagsasagawa ng Work Immersion sa isang

larangan.

“OJT was reported to be the most frequently used training method in a survey

of 112 Minneapolis/St. Paul firms (39). On the average, the firms indicated

that they "usually" trained workers with OJT. A 1963 Department of Labor

survey of workers found the most frequent way that industrial workers

reported that they had learned their job was by OJT.” (Bandura, 2002)

Lokal na Literatura

Ang Work Immersion ay isang programa na idinaos ng Pamahalaan ng

Pilipinas. Isa itong programa na naglalayon ng paglalapit ng mag-aaral sa

kanilang napiling strand. (K to 12 Basic Education Curriculum, Abril 2017) Ang

Work Immersion din ay nahahati sa tatlo bahagi: ang Pre-Immersion at ang

Immersion proper at ang Post Immersion.

11 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Ayon sa nasabing curriculum guide, ang Pre-Immersion ay ang

pagturo sa mag-aaral na Grade 12 ng mga pamantayan ng Immersion gaya

ng mga asal na dapat ipakita habang nagtatrabaho, mga batas na dapat

sundin ng mag-aaral, at mga responsibilidad ng mag-aaral habang

nagtatrabaho. Sa Pre-Immersion din ginagawa ang pagsusulat ng iba’t ibang

papeles gaya ng Resume at ang pagsagot ng isang Application Form,

kasabay ng mga Barangay, Police, at ang Mayor’s clearance, kasama ng

isang Medical Certificate.

Bukod pa rito, mayroon ding Portfolio na gagamitin ang isang mag-

aaral, na mayroong isang Diary, natapos na Forms at iba pang kaugnay na

litrato o dokumento habang nasa isang trabaho. Samantala, ang Immersion

Proper naman ay ang pagtatrabaho na ng isang mag-aaral, walumpung oras

(80 hours) sa mga strand na Akademiko at dalawangdaan apatnapung oras

(240 hours) naman sa mga Technical-Vocational Livelihood o TVL. Pinapasok

na ng mag-aaral ang trabaho upang maturuan ng mga dapat nilang gawin

kasabay ng pagkakaroon ng mga praktikal na kakayahan. Ang Post-

Immersion naman ang paksa kung saan sinusulat ng mag-aaral ang isang

Narrative Report pagkatapos ang trabaho.

12 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Samantala, isang pananaliksik naman ang ginawa ng mga propesor ng

Laguna State Polytechnic University-Los Baños Campus na nauukol sa on

the job training ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan, at kung gaano ito

naging epektibo. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga napiling mag-

aaral ay pumasok sa “Very Satisfactory” na antas.

Ayon kina Lerios at Sapin (2017), ang pagkakaroon ng aktuwal na

karanasan sa paghahanapbuhay ay mahalaga sa paghubog ng kaalaman ng

isang mag-aaral lalo na kung makakasalamuha niya ang tunay na mundo ng

pagtatrabaho. Ayon rin sa kanila:

“Any organization that wants to succeed, and to continue to succeed, has to

maintain workforce consisting of people who are willing to learn and develop

continuously.”

Isa namang pag-aaral na ginawa ng mga mag-aaral ng Lyceum of the

Philippines University – Batangas na tumitingin sa pagpapatibay ng programa

ng On-the job training ng mga mag-aaral ng Business Administration ng

paaralan ang nagsabing mahalaga ang On-the-Job Training bilang isang

gabay ng mga tao upang maihasa ang kanilang kakayahan at gawing isang

trabaho talaga ang tinuturing laman na pagsasanay.

Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga mag-aaral ay nagpakita

ng husay at galing sa kanilang napasukang trabaho. Ngunit hindi raw

maiiwasan ang mga problema habang sila ay nagtatrabaho.

13 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Sa pag-aaral naman ng mga mag-aaral na sila De Chavez,

Lumanglas, Rondilla, Salcedo, at Caiga (2016), nagpakita ang mga mag-

aaral na kanilang respondente ang kahalagahan ng programa sa OJT sa mga

mag-aaral dahil lumabas ang importansya ng mga kakayahan at kaalaman na

kanilang natutuhan habang nagsasanay sa kanila na maaaring magamit sa

kanilang pagtrabaho.

Sa isang panayam naman kay Gng. Annaliza Nabo, ang Work

Immersion focal person ng San Mateo Senior High School, kadalasang nag-I-

immersion ang mga akademikong strand sa mga paaralan, opisina o di kaya

sa mga ospital. Ginagawa naman ng mga nasa Accountancy and Business

Management ang mga gawaing Klerikal, o di kaya ang pagbo-bookkeeping.

14 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Kabanata III

Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay naaayon sa disenyong deskriptibo na

pamamaraan o metodo ng pananaliksik. Tinangka ng mga mananaliksik na

ilarawan at ilahad ang epekto ng natapos na Work Immersion sa mga mag-

aaral ng Accountancy and Business Management (ABM) ng Baitang 12

pagdating sa kanilang Work Immersion.

Mga Respondente

Ang piniling respondente sa pag-aaral na ito ang mga nasa Baitang 12

ng Accountancy and Business Management ng San Mateo Senior High

School, Taong-Akademiko 2017-2018. Kinuha ng mga mananaliksik ang

kabuuang bilang ng klase ng Baitang 12 ng ABM Strand. Pansinin ang

kasunod na talahanayan ng distribusyon ng mga respondente:

15 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Seksyon Pangkalahatang Kasarian Pangkalahatang

Bilang ng mga Lalaki Babae bilang ng mga

Mag-aaral Respondente
ABM 12 32 10 22 32
Kabuuan 32 32
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente sa Accountancy and Business
Management ika-12 baitang sa San Mateo Senior High School, Taong
Akademiko 2017-2018

Batay sa inilahad sa talahanayan, ang mga respondente ay

kumakatawan sa kabuuang bilang ng populasyon ng klase ng Baitang 12 ng

ABM Strand ng paaralan. Ang klase na ito ay may pangkalahatang bilang na

tatlumpu’t dalawa (32). Mapapansin sa talahanayan na lahat ng mag-aaral sa

klase ng ABM ay kinuha bilang respondente. Ang sistemang ginamit sa

pagpili ng respondente ay purposive-sampling sa seksyon dahil ang sakop ng

pag-aaral ay nasa epekto ng natapos na Work Immersion ng mga Baitang 12

ng ABM sa kanilang Work Immersion.

16 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng isang

survey-questionnaire upang makalap ang mga epekto ng natapos na Work

Immersion ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng ABM Strand sa kanilang Work

Immersion. Ang survey questionnaire ay dumaan sa pagpapaapruba sa guro

ng Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik upang

masiguro ang kaangkupan nito para sa mga datos na kinakalap sa

pananaliksik. Para mas lalo pang mapabuti ang pananaliksik, nangalap din

ang mga mananaliksik ng iba’t ibang kaugnay na literature, panayam, at mga

naunang pag-aaral sa iba’t ibang hanguan tulad ng aklat, at naunang pag-

aaral.

Pagsusuri ng mga Datos

Ang pag-aaral na ito ay isang panimulang pagbuo ng isang papel-

pampananaliksik kaya iniwasan munang gumamit ng mga mananaliksik ng

kumplikado at matataas na naitalang tally, bibigyan ito ng mga mananaliksik

ng sapat na bahagdan o porsyento na siyang gagamiting panlarawan sa

pananaliksik.

17 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng presesntasyon at interpretasyon

ng mga datos na nakalap ng mga mananaliksik.

Pinili ang mga mananaliksik ang mga mag-aaral na Baitang 12 ng

Accountancy and Business Management (ABM) ng San Mateo Senior High

School na nakaranas ng Work Immersion para sa Taong Akademiko 2017-

2018. Ang mga respondenteng napili ay sumagot sa Survey-Questionnaire na

inihanda ng mga mananaliksik.

1. Anu – ano ang mga napagdaanan ng mga mag-aaral ng Baitang 12 ng ABM

Strand sa Work Immersion?


Napag-alaman ng mga mananaliksik kung saan-saang larangan ng

Work Immersion nakapabilang ang mga respondente at kung anu-ano ang

mga ipinapagawa rito sa unang katanungan sa survey-questionnaire.

1. Sa anong larangan ka ng Work Immersion nakapabilang?

18 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Makikita sa talahanayan sa itaas na maraming bilang ng mga

respondente ay karaniwang gumawa ng mga gawaing pang-opisina at ang

sumunod na bilang ng mga respondente ay gumawa ng mga gawaing may

kinalaman sa ospital.
Samantala, sa ikalawang tanong naman ng survey questionnaire na

ipinasagot sa mga mag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik ang mga

ipinapagawa sa kanilang napasukan.

2. Ano – ano ang mga karaniwang ipinapagawa sa inyong napasukan?

19 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Makikita naman sa talahanayan na maraming bilang ng mga

respondente ay karaniwang gumagawa ng bookkeeping. Samantala, ilan sa

kanila ang may sinagot na iba: Ito ay ang (A) Pagiging Cashier, (B) Pagbill ng

mga chart, (C) General Journal at Trial Balance.

2. Naging epektibo ba ang isinagawang Work Immersion sa mga mag-aaral ng

Baitang 12 ng ABM?
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ito ay naging epektibo sa

kanila sa dalawang aspeto: sa kanilang buhay mag-aaral at bilang na

mamamayan sa ikatlong katanungan.

3. Nagkaroon ba ng epekto sa iyong buhay mag-aaral ang karanasan sa

Work Immersion?

Nagkaisa ang mga respondente sa pagsagot ng nagkaroon ng

malaking epekto ang Work Immersion para sa kanila.

20 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

2.1. Ano ang naging epekto sa kanila ng Work Immersion sa aspetong

akademiko?
Napag-alaman naman ng mga mananaliksik ang mga naging epekto

sa kanila ng isinagawang Work Immersion sa ika-apat na tanong.

4. Kung mayroon, ano ang naging epekto nito sa iyong pag-aaral?


(Maaaring pumili ng higit sa isa)

Makikita sa talahanayan na mas marami sa mga respondente ang

nagkaroon ng kasanayan sa pagsasaayos ng datos, marami rin sa kanila

ang na nadagdagan pa ang kani-kanilang kahusayan sa paggamit ng


computer habang ang iba ang nag-ibayo ang pagpapahalaga sa oras

dahil na rin sa Work Immersion.

2.2. Ano ang naman ang naging epekto ng Work Immersion sa kanilang pang-

araw-araw na pamumuhay?

Naging iba-iba ang mga naging sagot ng mga respondente sa naging

epekto ng Work Immersion sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay sa

ika-limang tanong.

21 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

5. Sa paanong paraan ito nagkaroon ng malaking epekto sa iyong buhay?

Ang naging Work Immersion ng mga mag-aaral ay naging isang

malaking bahagi ng kanilang buhay. Ang iba ay nakakita ng tunay na hamon

ng buhay, ang iba ay nadagdagan ang kaalaman, at ang iba ay natuto ng

pagpapahalaga sa oras.

22 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Kabanata V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang mga

karanasan sa Work Immersion ng mga mag-aaral sa Baitang 12 ng

Accountancy and Business Management sa San Mateo Senior High School,

Taong-Akademiko 2017-2018 at tinangka ring alamin ng mga mananaliksik

kung ano ang naging epekto nito para sa kanila.

Ginamit sa pananaliksik ang disenyong deskriptibo kaya nagdisenyo

ng survey questionnaire ang mga mananaliksik, tinangkang ilarawan at ilahad

ang karanasan ng mga mag-aaral ng Accountancy and Business

Management ng Baitang 12. Pinili ng mga mananaliksik ang kabuuang bilang

ng klase bilang respondente. Purposive Sampling ang sistemang ginamit ng

23 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

mga mananaliksik dahil ang sakop ng pag-aaral ay nasa epekto ng natapos

na Work Immersion.

Ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik ay ang isang survey-

questionnaire na dumaan sa pag-aapruba sa guro ng Pagbasa at Pagsusuri

ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik upang masiguro ang

kaangkupan nito para sa datos na kinalap sa pananaliksik.

Kongklusyon

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon sa pananaliksik, ang

mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon:

1. Karaniwan sa mga napasukang Work Immersion ng ABM ay may kinalaman

sa mga gawaing pang-opisina at gawaing pang-ospital.


2. Ang mga gawaing ipinagagawa sa mga mag-aaral ng ABM ay nakasentro sa

bookkeeping.
3. Naging epektibo ang napagdaanang Work Immersion sa paghubog ng mga

karanasan ng mga respondente sa kanilang larangang akademiko at sa

pangaraw-araw na pamumuhay.
4. Mas nahasa ang kakayanang pangkomunikasyon, lalo na sa Wikang Ingles

ng mga mag-aaral ng ABM sa katatapos na Work Immersion at mas

natutuhan nila ang pasikot-sikot ng Matematika.


5. Isa sa mga natutuhan ng mga respondente sa katatapos na Work Immersion

ay ang tamang pagpapahalaga sa oras.

24 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Rekomendasyon

Kaugnay sa isinagawang kongklusyon ng pananaliksik na ito, buong

pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik sa mga kaukulang

indibidwal, pangkat o grupo, tanggapan o institusyon ang mga sumusunod:

a) Sa mga kaguruan na hahawak ng asignaturang may kinalaman sa Work

Immersion, sila ay maging gabay sa mag-aaral na daranas ng Work

Immersion sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanilang klase ng mga

mahahalagang bagay na dapat tandaan upang makaagapay sa napipintong

proyektong ito.
b) Sa mga administrador at iba pang kawani ng paaralan ng San Mateo Senior

High School na magdaos ng programa para sa mga mag-aaral na may

kinalaman sa paghahanda ukol sa Work Immersion. Hanapan sila ng mga

tanggapan na masisiguro ang kanilang kaligtasan, maraming matututuhan at

hindi matatapakan ang kanilang mga karapatang-pantao.


c) Sa mga susunod na mananaliksik na gawin pa sanang mas komprehensibo

ang pagtuklas sa mga iba pang detalye na kinakailangan pang malaman para

sa isasagawang pag-aaral.

25 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

BIBLIOGRAPIYA

 Bandura, A. (2002). Social learning theory. Englewood Cliffs, NJ: Prentice-

Hall.
 De Chavez, K. V., Lumanglas, J. L., Rondilla, K. M., Salcedo, J. A., & Caiga,

B. T. (2016). On-the-Job Training and Academic Performance of Mechanical

Engineering Students in one Academic Institution in the Philippines

(Unpublished master's thesis).


 Lerios, J. L., & Sapin, S. B. (2017). Performance of Bachelor of Science in

Information Technology (BSIT) Students in their On-the-Job Training (OJT)

for the Academic Year 2016-2017(Unpublished master's thesis). Laguna State

Polytechnic University-Los Baños Campus.

26 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

APENDISE

Survey Questionnaire (Talatanungan)


Pangalan (Opsyunal):
Kasarian: Lalaki ___ Babae ___
Edad: 16-17 ___ 18-19 ___ 20 pataas ___

1. Sa anong larangan ng Work Immersion ka napabilang?

A. Gawaing Opisina B. Gawaing Ospital C. Gawaing Paaralan

Iba pa:

2. Ano – ano ang mga karaniwang ipinapagawa sa inyong napasukan?

A. Klerikal na gawain B. Bookkeeping

Iba pa:

3. Nagkaroon ba ng epekto sa iyong buhay mag-aaral ang karanasan sa Work


Immersion?

A. Oo B. Hindi

4. Kung mayroon, ano ang naging epekto nito sa iyong pag-aaral? (Maaari
pumili ng higit sa isa)

A. Kasayanan sa paggamit ng computer


B. Pakikipagkapwa tao
C. Pagpapahalaga sa oras sa bawat asignatura
D. Kahusayan sa Math at English
E. Pagoorganisa at pangongolekta ng
datos at impormasyon

5. Sa paanong paraan ito nagkaroon ng malaking epekto sa iyong buhay?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

27 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Kian S. Bermudez

Tirahan: 194 G.S.I.S st. Ampid 1, San Mateo, Rizal

Numero ng Telepono: 09993711440

Kaarawan: Mayo 25, 2001

Edukasyon:

Baitang 11 (Humanities and Social Sciences)

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Junior High School Completer

San Mateo National High School

San Mateo, Rizal

Ampid 1 Elementary School

San Mateo, Rizal

Sinalihang Organisasyon:

Supreme Student Government – External Vice President

San Mateo Senior High School

28 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Pangalan: Phil Andrew DR. Caspi

Tirahan: 162 MH Del Pilar St. Dulong Bayan II,

San Mateo, Rizal

Numero ng Telepono: -

Kaarawan: Agosto 25,2000

Edukasyon:

Baitang 11 (Humanities and Social Sciences)

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Junior High School Completer

San Mateo National High School

San Mateo, Rizal

Dulongbayan Elementary School

San Mateo, Rizal

29 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Pangalan: Nadine M. Bitoon

Tirahan: Valley View Gulod Malaya, San Mateo, Rizal

Numero ng Telepono: 09484093427

Kaarawan: Hunyo 24, 2000

Edukasyon:

Baitang 11 (Humanities and Social Sciences)

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Junior High School Completer

Jose F. Diaz Memorial National High School

San Mateo, Rizal

Gulod Malaya Elementary School

San Mateo,Rizal

Sinalihang Organisasyon:

Adopt-a-School Organization

San Mateo Senior High School

( T. A. 2017-2018)

30 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Pangalan: Stephen Orville De Guia Abrigo

Tirahan: Blk 22 Lot 3 Ph 1 Dela Costa Homes 5,

Barangay Burgos, Rodriguez, Rizal

Numero ng Telepono: 09216418081

Kaarawan: Marso 22, 2000

Edukasyon:

Baitang 11 (Humanities and Social Sciences)

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Junior High School Completer

San Jose National High School

Rodriguez, Rizal

Catbalogan 1 Central Elementary School

Catbalogan, Samar

31 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Department of Education S.Y
Region IV – A
Division of Rizal
2018-
District of San Mateo 2019
SAN MATEO SENIOR HIGH SCHOOL STAND ALONE

Pangalan: Marijoy A. Diplomo

Tirahan: Upper Patiis Malanday, San Mateo, Rizal

Numero ng Telepono: 09569917427

Kaarawan: Enero 22, 1999

Edukasyon:

Baitang 11 (Humanities and Social Sciences)

San Mateo Senior High School

San Mateo, Rizal

Junior High School Completer

Guinayang National High School

San Mateo, Rizal

Patiis Elementary School

San Mateo, Rizal

32 | PAGBASA AT PANANALIKSIK SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

You might also like