Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

1.

KALYE
Abala ang lahat, may kanya-kanyang ginagawa ang mga tambay sa kanto. May naglalaba, may
nagsusugal, at may nagchichismisan.

Biglang papasok ang isang anghel at aawit ng __________. Magdidilim ang paligid at pansamantalang
hihinto ang lahat sa kanilang ginagawa.

Sabay papasok si San Gabriel at aakbay sa Anghel.

SAN GABRIEL
Ngayong gabi ay isisilang ang junakis na
magliligtas sa mga sho-o ng sanlibutan.

EXIT

2. BANYO
Aligagang kumaripas si Maria papasok ng kubeta at nagsuka.

<Sound Effects: Suka>

Papasok sa eksena si San Gabriel at aaktong tila ba nakikinig sa kaganapan sa loob ng kubetang
pinaroroonan ni Maria.

Pagkalabas na pagkalabas ni Maria ay susunggaban siya ni San Gabriel at siya naman ay magugulat.

SAN GABRIEL
Sissy! Alam mo jontis ka!

MARIA
Anetch!?

SAN GABRIEL
Yas bakla! And it’s a boy!

MARIA
Agad agad?

SAN GABRIEL
Trulagen collagen!

EXIT

3. JEEP
Trapik at mainit sa loob ng jeep, siksikan din dahil rush hour. Bakas sa mukha ni Maria na siya’y
nahihirapan, tagaktak ang pawis at maselan.

<Background Music: Rawstarr ‘Til I Die – Psychedellic Boyz + ingay ng mga nagchichismisan sa jeep)
V.O.
Isang araw, habang papunta sa ospital.

Kumamot ng ulo si Maria at nagtanong sa drayber ng jeep.

MARIA
Manong, mashugal pa?

Hindi sumasagot ang drayber, malakas ang tugtog sa patok na jeep at tila ba’y hindi nito naririnig si
Maria.

Kumamot ng ulo si Maria at mistulang umirap sa drayber.

Nagpasya ang mag-asawa na bumaba na lamang. Pababa na sila ng pinto ng jeep ng bigla itong
umandar.

MGA TAO SA JEEP


AAAaaah! Ang bata!

<Background Music: Pause)

Napahawak si Maria sa rehas ng jeep samantalang naiwan si Jose sa kabilang kanto dahil mas nauna
itong bumaba.

MARIA
Manong! Kung gusto nyong matsugi wag
nyo na ko idamay! Jusko po! Commented [SDD1]: Pwede natin idelete yung scene na
ito?

Habang nag-aabang ng jeep ang magjowang si Maria at si jose.

Maria: Bibiqouh, may sasabihin ako…


Jose: Ano yun Asawa qouh?

Maria: Juntis akecth!


Lahat ng nag-aabang sa jeep: “BUNTIS KAAA????”

Maria: Ay wow! Announcement?

Jose: Paano eh di nga tayo nag-aano..

Lahat: NAG-AANO????

Jose: Ay wow, updated?

Maria: Ewan ko nga eh. Sabi nung joklang angel kanina sa banyo!
Jose: Hayaan mo! Blessing yan! At dahil tunay akong lalake….

Lahat: TUNAY na LALAKE???

Jose: Kayo na lang kaya kausapin ko?

Lahat: tatalikod…

Jose: Papanagutan ko yan!

Lahat: papalakpak….

Exit

SWITCH SCENE

3. BANGKETA
Habang naglalakad, pawis na pawis si Maria at nakahawak sa kanyang balakang. Kabuwanan na niya at
sakto namang may banggan ng apat na truck sa tapat ng ospital.

Abala si Jose sa pag-alalay at pagpaypay sa asawa.

MARIA
Brokot! Kaya naman pala nuknukan ng shugal
may karambola ng mga truck!

Habang abala sa paglalakad, napansin ni Jose na pumutok na pala ang panubigan ng kanyang asawa.

JOSE
Aaaaa! (High pitched) Asawa! Pumutok na ang panubigan mo! Commented [SDD2]: Pag pumutok n yung panubigan, di
na pwedeng maglalakad pa. 😊
Na shock and lahat. Freeze! Pwedeng magsabi na lang sim aria na manganganak na sya
kasi masakit na tyan nya 😊
>> A FEW MOMENTS LATER<<

V.O
At ito ang naging hudyat ng panunuluyan ng dalawa.

<BGM: Pink Panther Theme Song>

Habang akay ni Jose si Maria ay kakatok sila sa unang pintuan.

<BGM: Pink Panther Theme Song – Pause>


<Sound Effect: Knock! Knock!>

Walang magbubukas. Kakatok ulit si Jose.

<Sound Effect: Knock! Knock!>

ALE
SANDALE! Sino ba yan!?

Haggardo versoza ang ale, halatang marami itong ginagawa. Nakabusangot ang mukha at pabalibag na
binuksan ang pinto.

JOSE
Baka po pwedeng…

ALE
WALA! Wala kameng yelo!

JOSE
Mukha po ba kameng naghahanap ng yelo?
Baka lang ho sana pwedeng makituloy manganganak na po
Kase ang asawa ko.

ALE
Mukha ba kong hotel!? Hindi pwede!

Binalibag ng ale ang pintuan, walang ibang nagawa ang mag-asawa kundi maghanap na lamang ng
ibang matutuluyan.

Freeze ang lahat. Si Jose at Maria lamang ang gagalaw.

<BGM: Pink Panther Theme Song – Play>

Pagkarating nila Jose sa ikalawang pinto, nag doorbell si Jose.

<BGM: Pink Panther Theme Song – Pause>

<Sound Effects: Ding! Dong!>

MADAM
Dios por santo! Por pabor! Sino nanaman kaya
ang mga hampas lupang ito.

Dali-daling pumunta si madam sa pintuan at pinagbuksan ang mag-asawa.

MADAM
Que horror! Que barbaridad!
JOSE
Ano po yun ma’am?

MADAM
No importa.

JOSE
Di ko po kayo gets ma’am pero pwede po ba kaming makituloy?
Kahit isang gabi lang po manganganak na po kase ang asawa ko.

MADAM
Ano!? Que babaho ninyo sa tingin nyo papapasukin ko kayo sa mansion ko!? No!

Binalibag ni madam ang pintuan.

<Sound Effects: Balibag>

Sa mga panahong ito ay bakas na sa mukha ni Maria ang hirap.

Muli siyang inalalayan ni Jose at nagpatuloy sila sa paglalakad.

<BGM: Pink Panther Theme Song – Play>

Muling naglakas loob kumatok ang mag-asawa sa isang barung barong na bahay. Maingay sa loob ng
bahay, tagos sa mga pinagtagpi-tagping dingding nito ang masayang huntahan ng magpamilya.

<BGM: Pink Panther Theme Song – Pause>

<Sound Effects: Malakas na tawanan at usap>

JOSE
Tao po!

<Sound Effects: Katok>

<Sound Effects: Malakas na tawanan at usap – Pause>

Pansamantalang matitigil ang pagtatawanan ng pamilya at daling pupunta ang nanay sa pintuan
upang pagbuksan si Jose at Maria.

JOSE
Mawalang galang na po, pwede po…

NANAY
Anong nangyare sa inyo!? Tara dine at kayo’y sumilong.

>>A FEW MOMENTS LATER<< Commented [SDD3]: Insert the scenario of three king.
Important details kasi yun 😊
Nakita ng tatlong magkkaibigan ang kakaiba at tila nagalaw na bituin.

Bituin: Ako ng apala si Starla, inaasahan ko kayong magpunta at hanapin ang tagapagligtas.

Tatalong magkakaibigan: Pre narinig nyo yun. Totoo palang nagsasalita ang bituin!

Bituin: Di ba kayo nakikinig? Gagabayan ko kayo papunta sa kanilang kinaroroonan! Magdala kayo ng
regalo!

Pare 1: uy regalo daw!

Pare 2: Tol, baka scam yan!

Pare 3: Di yan tol! Kilala ko si Starla! Paborito ko yan!

(At sila ay nagsimula ng maglakbay…)

Kumpleto na ang lahat, ang belen at ang three kings. Naipanganak na rin si Hesus. Present ang lahat
maging ang mga voice actors and actresses.

You might also like