Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

SCHOOLS DIVISION OFFICE

CALOOCAN CITY

FILIPINO 6
IKAAPAT NA MARKAHAN

Aralin #5: Pagbibigay ng Solusyon sa Isang Suliranin


Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap

Mga Kasanayan:
1. Naibibigay ang maaring solusyon sa isang suliranin na naobserbahan sa paligid(F6PS-
IVe-9)

2. Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap(F6WG-IVa-


j-13)

3. Nabibigyang- kahulugan ang idyoma o matalinghagang salita(F6PT-IVe-4.4)

4. Nasusuri ang pagkakaiba ng teksto(fiction at non-fiction(F6PB-IVc-e-22)

5. Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting(F6PU-IVe-2.12.1)

Pangkalahatang Direksyon: Basahin at unawain ang bawat seleksyon.


Pagkatapos ay sagutin sa hiwalay na papel ang mga gawain at pagsasanay.

MGA BABASAHIN AT GAWAIN

Panimula
Sa araling ito ay lilinagin ang kasanayan sa pagbibigay ng solusyon sa isang
suliranin. Gayundin ang paggamit ng mga uri ng pangungusap sa iba’t ibang sitwasyon.

Pagsasanay 1: Magbigay ng mga solusyong inyong naiisip upang matugunan ang


problema sa basura.
BASURA

Teksto/Panitikan
Direksyon: Basahin at unawain ang talata at sagutin ang mga tanong.

May Pera sa Basura


ni Gng.Cherrie Lou L. Mendoza

Larawan kuha ni : Gng. Edilberta M. Hara

Ang pagkakaron ng maraming basura ay nagiging talamak na problema hindi lang sa


paaralan kundi ng buong komunidad. Maraming opisyal mula sa pinakamababang ahensya
ng gobyerno ang nagtataingang kawali na lamang dahil hindi na nila masolusyunan ang
lumalalang problema sa basura. Sa bawat araw na dumadaan ang mga mag-aaral ay
komukonsumo ng basura mula sa papel na paulit-ulit pinupunit ng mga bata at sa mga
pagkaing kanilang nabibili sa kantina. Kung minsan pati na sa kanilang mga baong pagkain.
Saan nga ba patutungo ang mga basurang ito? Ito ang katanungang sumasagi sa isip
ko. Maraming paraan ang ginagawa ng mga guro, mag-aaral at maging ng mga dyanitor sa
paaralan. Una na rito ay ang paglalagay ng sako sa bawat silid-aralan upang pag napuno na
ay ilalagay na sa tamang lagayan upang ipadala sa maghahakot ng basura at ang pag
hihiwahiwalay ng mga basura. Ngunit ano na nga ba ang pinakamabisang paraan upang
maibsan ang suliranin sa basura? Sa mababang paaralan ng Sampaguita, isang paaralan na
ang kung saan ang komunidad ay binubuo ng maraming pamilya na isang kahig isang tuka .
Dito ay naisipan ng aming punong guro na turuan ang mga bata na mag- impok sa banko.
Ano ang kinalaman ng basura sa banko? Ito ay isang solusyon na maraming benipisyo di
lamang sa paaralan gayon na rin sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang. Paano nga
ba ito isinakatuparan? Una, ang mga magulang at mag mag-aaral ay dumaan sa
magkahiwalay na oryentasyon ukol sa tamang paghihiwalay ng mga basura. Para sa mga
basura tulad ng papel, plastic ng mineral at iba pa nakahalintulad na maaring ibenta ito ay
kanilang iipunin ng kaniya-kaniya sa kanilang bag at iuuwi. Ang bawat baitang ay may
nakatakdang iskedyul kung kailan sila magdedeposito. Ito ay kanilang dadalhin sa MRF
(Material Recovery Facility) ng paaralan at doon ay itatala ng teller o isang tao mula sa
junkshop na aming kinuha sa kanilang passbook kung anong basura at timbang nito. Bawat
buwan ay nagkakaron ng pagkukuwenta ang teller kung magkano ang halaga na kanilang
idiniposito at ito ay kanilang pwede nang makuha. Sa gayong paraan hindi lang problema sa
basura ang nasosolusyunan natuturuan din silang mag impok. Ito rin ay makakatulong sa
gastusin ng bawat pamilya sa komunidad.

Mula noon naging bukambibig na ng mga mag-aaral na “Tayo ay mag-impok upang


basura ay maiwasan”.

Pagsasanay 2: Piliin ang letra ng kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel.
1. Isa sa talamak na problema ng ating bansa ay polusyon o pagkasira ng ating
kapaligiran.
a. suliranin c. hiwalay na buhay
b. solusyon d. sira ang buhay
2. Pag ganoon na ang tema ng usapan ay nag taingang kawali na lamang siya.
a. nagbubulag-bulagan c. nagmumuni-muni
b. nagbibingi- bingihan d. nagiisp-isip
3. Isang kahig, isang tuka ang buhay ng kanilang pamilya.
a. mayaman c. mahirap
d. naisasaloob d. maunlad
4. Sumasagi sa isip niya na darating ang oras na siya ay liligaya.
a. napapanaginip c. nadarama b. naiisip
b. masagana d. naisasaloob
5. Marami sa mga kabataan ngayon ang bukambibig ang salitang flex.
a. laging sinasabi c. laging ginagawa
b. laging iniisip d. laging masaya

Pagsasanay 3: Sagutin ang mga tanong tungkol sa talatang binasa. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
1. Ayon sa binasang kuwento ano ang pangunahinh problema ng komunidad?
a. populasyon c. ipinagbabawal na gamot
b. basura d. tirahan

2. Ang sumusunod ay mga pangkaraniwang solusyon na ginagawa ng mga paaralan sa


basura base sa talata?
a. pagiipon ng basura at pag hihiwalay-hiwalay ng basura c. paglalagay sa sako ng basura
b. paglalagay sa compost pit d. pagsusunog ng basura

3. Bakit naisipan ng punungguro ng mababang paaralan ng Sampaguita ang pagbabanko


ng basura?
a. Upang maiba lang sa ibang paaralan
b. Upang siya ay makahanap ng solusyon at magkaron pa ng ibang kapakinabangan ang
basura.
c. Upang makalikom ng pera ang paaralan.
d. Upang maibigay ang luho ng mga mag-aaral.

4. Paano ipinakita ng pagbabanko ng basura ang solusyon sa iba pang problema sa


komunidad?
a. Bukod sa mababawasan na ang basura nagkakaron pa ng pandagdag gastos ang mga
pamilya sa komunidad.
b. Sa bahay na lang tatambak ang basura.
c. Hindi na maghahanapbuhay ang mga magulang.
d. Magkakaron na ng junkshop sa loob ng paaralan.

5. Sa isinasagawang solusyon ng mababang paaralan ng Sampaguita ukol sa basura ano


ang dapat maging saloobin mo bilang mag-aaral?
a. hangaan at tularan c. kainisan at kaayawan
b. pasalamatan at gayahin d. pagtawanan at kantiyawan

6. Anong uri kaya ito ng kwento ang inyong binasa?


a. piksyon c. balita
b. opinion d. di-piksyon
Wika at Gramatika
A. Narito ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na solusyon sa suliraning
naobserbahan.
1. Alamin ang tunay na suliranin at pinaka-ugat nito.
2. Pag-aralan ang posibleng mga solusyon.
3. Alamin ang mga paraan upang maging madali ang paglutas nito.
4. Isipin ang mga taong maaaring makatulong sa paglutas nito.
5. Isaalang-alang ang maaaring ibunga ng bawat solusyon.
6. Isipin ang maaaring kalabasan o kahihinatnan
B. May dalawang uri ng babasahin, ang piksyon at di-piksyon. Ang babasahing piksyon ay
binubuo ng mga likhang isip o imahinasyon ng may akda na inilalahad sa paraang pasalaysay
o pakuwento. Ito ay ginagampanan ng mga likhang isip na mga tauhan, lugar at mga
pangyayari. Ito ay maaaring alamat, salaysay, kuwento.
Ang babasahing di-piksyon ay kinapapalooban ng mga pangyayari. Ito ay maaaring
talaarawan, editoryal, artikulo, sanaysay o paglalahad.

Pagsasanay 4:
Direksyon: Basahin ang usapan

Sa oras ng klase ng mga mag-aaral sa ika- anim na baiting, kasalukuyang tinatalakay


ni Bb. Dimzon ang tungkol sa kahalagahan ng wastong pag tatapon ng basura.
Bb. Dimzon: Mga bata alam nyo ba na ang ating bansa ay kasalukuyang kumukonsumo ng
tonetoneladang basura. Alam niyo baa ng wastong pagtatapon ng basura sa tatlong
basurahan sa ating silid-aralan?
Mga Mag-aaral: Opo
Bb. Dimzon: Dahil diyan, sa harapan nyo makikita ninyo ang tatlong basurahan na may iba;t-
ibang kulay. Berde para sa papel, asul para sa mga puwede pa mapakinabangan at pula
para sa mga nabubulok. May mga halimbawa ng basura sa inyong harapan, tatawag ako ng
upang ilagay sa tamang basurahan ang mapipili niyang basura. Rico maari ka bang
tumayo.
(Tumayo si rico at kinuha ang isang plastic na bote)
Bb. Dimzon: Ilagay mo kung saan nararapat ang iyong hawak.
Rico: Sige po
(Inilagay niya ito sa Asul na basurahan)
Bb. Dimzon: Mga bata tama ba ng pinaglagyan ni Rico?
Mga Mag-aaral: Opo, tama si Rico.
(Tumawag pa ng ilang bata si Bb. Dimzon hanggang sa maubos ang mga basura na
kaniyang halimbawa)
Bb. Dimzon: Magaling! Kayo ay makakatulong na sa ating paaralan ng pg bibigay ng
solusyon sa ating suliranin sa basura.

Direksyon: Tukuyin ang uri ng pangungusap na ginamit sa bawat pangungusap na hango sa


dayalogong inyong nabasa.Isulat kung pasalaysay, pautos, patanong, pakiusap at
padamdam.
___________1. Ilagay mo kung saan nararapat ang iyong hawak.
___________2. Magaling! Kayo ay makakatulong na sa ating paaralan ng pg bibigay ng
solusyon sa ating suliranin sa basura.
___________3. Mga bata tama ba ng pinaglagyan ni Rico?
___________4. Rico maari ka bang tumayo.
___________5. Ang ating bansa ay kasalukuyang kumukonsumo ng tonetoneladang
basura.
Pagsasanay 5: Buo ng iskript pang

Pangwakas na Gawain

Pagsasanay 6:

Direksyon: Pumili at bumuo ng maikling iskrip ng pagbabalita(broadcasting)tungkol sa


sumusunod suliraning kinakaharap ng bansa.
1. Pagsabog ng bulking Taal.
2. Pagtaas ng mga bilihin.
3. Mababang pa sweldo sa mga kawani ng gobyerno.
4. Kakulangan sa aklat sa pampublikong paaralan.
5. Paglaki ng populasyon.

You might also like