Talumpati tungkol sa pag-ibig: Pag-ibig distraksyon o inspirasyon?
Pag-ibig ng isang estudyante isa ba itong distraksyon o
inspirasyon. Hindi naman sa pinag-kakaila na halos pag-ibig ang ating pinag-uusapan na pawang ba ito lamang ang pinoproblema. Ngunit ang katanungan ano nga ba ang pag-ibig? Sa salitang pag- ibig maraming depinisyon ngunit ni kahit isa walang makakapagsabi na ito ang totoong depinisyon. Ang pagmamahal maipapahayag ito sa maraming paraan kagaya sa salita o kilos man, at ito ay para sa lahat walang pinipili, pamilya, mga kaibigan, kasintahan, o ang ating mga alagang hayop o ang ating Panginoong Diyos. Sa pag-aaral diyan nagsisimula ang lahat dahil alam mong wala ang iyong mga magulang upang ika’y subaybayan, walang mag-sesermon sayo na layuan mo ang tao na iyan dahil alam mo kapag sa paaralan ligtas ka sa anumang sermon ng iyong mga magulang.
Ang pag-ibig ay may magandang maidudulot at meron din
masama. Ang magandang naidulot nito ay dahil sa pag-ibig nagiging “inspired” ka sa lahat, masigla, masayahin, maaliwalas ang mukha at ang pagiging aktibo sa klase at hindi pagliban. Kung may magagandang resulta meron din masama ang resulta dahil sa pag- ibig nagiging distraksyon ito dahil nahahati ang inyong oras sa pag- aaral sa kadahilanang may “date” kayo o kaya hindi mo magawa ng maayos ang mga aktibidad sa paaralan dahil sa ika’y lutang sa gawain dahil sa kadahilanang nag-away kayo at marami pang iba. Madalas pa nga naiisip ang kasintahan kaysa sa magulang nang siyang nagpalaki.
Kung ako ang papi-piliin, ang pag-ibig ay isang distraksyon.
Dahil halos tayong mga kabataan ngayon, pagdating sa pag-ibig tayo ay nagiging marupok. Sa halip na ating damdamin ang isipin bakit di na lang natin pagtu-unan ng pansin ang pag-aaral. Hindi naman masama ang ma-inlove ngunit sa panahon ngayon hindi pag-ibig ang kailangan diskarte ang siyang mas kailangan. At ang tamang diskarte ay ang makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa makahanap ng magagandang trabaho dahil sa pagkakataon na iyan ay may mai- ibayad ka na sa sakripisyong iginawad ng iyong mga magulang. Dahil ang pagmamahal nandiyan lang yan dadating din yan sa tamang panahon at sa mga panahon na ito hindi pa ito ang tamang oras para umibig at malulong na maging sanhi ng distraksyon sa pag-aaral.