Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Wikibooks

Noli Me
Tangere/Kabanata
60 : Ikakasal na si
Maria Clara
< Noli Me Tangere

__NOTOC_ Di ako Papayag-Crisostomo


Ibarra
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at
ang mag-asawang de Espadaña na kapwa
itinuring na pangkat ng makapamahalaan.
Sinarili ni Donya Virtorina ang usapan.
Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon ang
nararapat sapagkat siya ay isang
pilibustero. Bagama’t namumutla at
mahina si Maria, kanyang hinarap ang mga
bisita. Humantong ang usapan tungkol sa
pagpapakasal nina Maria at Linares.
Nagkayarian din na magpapapista si
Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na
kung ano ang nasa loob ni Maria tungkol
sa napipinto nitong pakikipag-isang dibdib.
Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal
si Maria sapagkat nakini-kinita niyang
siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa
sandaling maging manugang niya si
Linares. Si Linares ang tagapayo ng
Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago
na siya ay kaiinggitan ng mga tao.

Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiyago ay


puno ng mga bisitang kastila at intsik.
Nangunguna sa mga ito si Pari Salvi, Pari
Sibyla, ilang pransiskano at dominikano,
ang alperes na ngayon ay tinyente at may
grado ng komandante, ang mag-asawang
de Espadaña, si Linares na nagpatihuli ng
dating at si tenyente Guevarra ng mga
sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay
si Maria na kahit malungkot siya ay
magalang na tinanggap ang mga bisita.
Sinabi ng isang babae na maganda nga
raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman.
Kayamanan lang daw habol ni Linares.
Sinabi rin na marunong daw siya sa buhay
sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin
ang unang katipan ni Ibarra. Sa narinig ni
Maria lalo siyang nasaktan at naghirap ang
kalooban. Iniwan niya ang mga babaing
nag-uusap.

Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap


naman, lumitaw na ang kura ay lilipat na ng
Maynila samantalang di tiyak ng alperes
kung saan ito madedestino. Ipinaliwanag
ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na
katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA
at sa halip ito ay ipatatapon lamang.
Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng
binata at pagkaraan ay binati niya si Maria.
Ito raw ay nakakatiyak ng magandang
kinabukasan. At nagpaalam na ang
tinyente.

Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya


ang bangkang pasadsad sa may sadsaran
ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo
ang ibabaw ng bangka at may lulan itong
dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan
ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra.
Nakatakas siya sa tulong ni Elias. Dumaan
lamang ang binata upang ipaalam ang
damdamin nito at tuloy bigyan ng laya ang
kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan.
Inilahad ni Maria ang tunay na kasaysayan
at pagkatao nito. Napilitan umano itong
talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-
alang sa kanyang inang namayapa at sa
dalawang amang nabubuhay pa. Pero
wala siyang tanging pag-ibig kundi si Ibarra
lamang. Mahigpit na niyapos at pinupog ng
halik ni Ibarra si Maria. Matagal.
Pagkaraan, lumundag muli ito sa pader at
sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero
si Elias at yumukod kay Maria.
Sumagwang papalayo sa lumuluhang si
Maria.

Kinuha mula sa
"https://tl.wikibooks.org/w/index.php?
title=Noli_Me_Tangere/Kabanata_60_:_Ikakasal_n
a_si_Maria_Clara&oldid=23261"

Last edit ed 8 mont h ago by an anonymous user

Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC


BY-SA 3.0 maliban kung nabanggit.

You might also like