Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Suliranin sa Solid Waste

Akala ko, hindi pa ganoon ka lala ang suliranin sa Solid Waste o sa mga kalat ditto sa ating bansa, ngunit
nung tinalakay na ito ng ikatlong pangkat, doon ko lamang nalaman na malala na pala ang problemang
kinakaharap n gating bansa tungkol sa Solid Waste.

Ang solid waste pala ay nanggagaling sa mga ating mga tahanan, sa paligid at iba pang sector ng
agrikultura. May mga ahensya na tumutulong upang mabawasan ang sularanin na ating kinahaharap sa
solid waste, eto ang Mother Earth Foundation, Clean and Green Foundation, Batay kalikasan at
Greenpeace.

Para sa akin, ang suliranin sa solid waste ay malaking banta sa ating lahat, dahil kapag nagkakaroon ng
kalamidad, imbis na bagyo nalang ang dapat problema, nadadagdagan pa ito ng mga landslide, pagbaha
at iba pa dahil sa pag bara ng mga basura sa dapat daluyan ng tubig.

Bilang isang mag-aaral, magpupulot nalang ako ng kalat na makikita ko at ang mga kalat ko ay hindi ko
nalang basta basta itatapon kung saan at itoy aking itatapon sa tamang basurahan para kahit paano ay
makatulong ako sa suliranin sa solid waste na kinahaharap n gating bansa.

Pagkasira ng Likas na Yaman

Ganoon na pala inaabuso ng mga ating kababayan an gating likas na yaman. Sa ngayon, pati dayuhan ay
nakikihati na rin sa ating likas na yaman at sila pa ang mas pumipinsala ditto na nagbubunga ng
pagkasira ng mga ito at hindi na natin napakikinabangan . Ngunit kahit ganoon pa ‘man ay pilit parin
nating binabawi ang sariling atin.

Talagang nasisira na an gating kagubatan at nauubos na ang mga puno nito dahil sa mga illegal loggers o
nag puputol ng puno na walang permit galling sa pamahalaan. Dahil ditto pagdating ng sakuna o bagyo,
wala ng sumisipsip ng tubig na dapat ay sa mga puno kaya nagkakaroon tayo ng pagbaha, landslide at
iba pa.

Sa ating katubigan naman ay ang mga coral reefs na katulad nga ng naipost ni sir Noel na ang China pa
ang mas nakakasira ng ating sariling likas na yaman imbis na tayo na nagmamay-ari nito. Dahil ditto,
nawawalan nan g tirahan ang mga isda at umoonti na lamang ang mga nahuhuling isda dahil ditto. Isa pa
ang mga kababayan at karatig bansa na iligal na nagingisda ditto sa ating mga yamang tubig kaya ito ay
nasisira.

Para sa akin, kung ano ‘man ang magiging bunga n gating mga ginagawa sa kasalukuyan ay mararanasan
ito ng mga susunod na henerasyon at mas lala pa ito sa hinaharap, kaya habang maaga pa kailangan na
nating solusyonan ito at bilang isang magaaral, di ako magtatapon ng mga basura o kahit ano man sa
ating mga yamang tubig na kahit sag noon ay matulungan ko ‘man lang an gating bansa ukol sa ganitong
suliranin.

Climate Change

Talagang malala na ating suliranin patungkol sa climate change, bagamat palala na ng palala ang
suliranin na ito, kailangan na nating solusyonan ito habang maaga pa at hindi pa huli ang lahat dahil
laging nasa huli ang pagsisisi ng tao.

Nalulusaw na ang mga ice caps sa Antarctica na nagbubunga ng pagtaas ng level ng tubig sa ibang mga
bansang apektado mula ditto. Kaya nalulusaw ang mga ice caps na ito dahil hindi na tama ang init na
ating nararanasan at nagbubunga rin ito ng mga sakit, pagbabago ng eco system, pagkasira ng
agrikultura dahil sa el nino o el nina at iba pa.

Bilang isang mag-aaral, sasali ako sa mga organisasyon o kilusan na naglulunsad upang mapabagal o
mapatigil ang climate change, iiwasan ko rin ang pag susunog ng plastic dahil ito ay nakasasama sa ating
ozone layer na kapag nabutas ay mas lalala pa ang init na ating mararanasan at pwede pang mag sanhi
ng skin cancer at iba pang mga sakit.

Kaya habang maaga pa, kailangan na kailangan na talagang masolusyonan ang mga ganitong suliranin o
usapin dahil sa atin din babalik ang mga ginagawa nating ito at tayo rin ang mahihirapan sa huli.

You might also like