Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINO

PANLAHAT NA PANUTO

Ang pagsusulit na ito ay naglalaman ng 60 aytem na nauukol sa iba’t ibang kasanayan sa


Wikang Filipino. Basahin nang mabuti ang bawat panuto at sagutin ang mga tanong sa hinihingi nito.
Itiman ang bilog ngb wastong titik sa sagutang papel.

A. Pag-unawa sa Binasa:
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na teksto. Sagutin ang mga tanong sa
pamamagitan ng pagpili ng mga titik.

Kaligayahan

Ang tagumpay ng buhay, maging anuman ang kakambal na kaligayahan; kapag nagtatagumpay
ang isang tao sa isang gawain,masasabing siya’y maligaya.

Ang buhay ay wala ring kaligayahan kung walang nag-uukol ng pagmamahal. Maaaring pang-
uuto, ang pamumuri, kung labis, ngunit ang isang karaniwang tao’y nagiging masigasig sa anumang
gawain kung napupuri.

Ngunit ang kaligayahan ay nasa pananaw sa buhay ng isang tao. Hindi maaaring matiyak ang
bagay o mga bagay na nakapagliligaya sa isang tao. Ang mga masasayang tao, sa kabila ng
katotohanang nabanggit, ay laging naliligayahan sa buhay sapagkat para sa kanila, ang buhay ay
katumbas ng pagiging maligaya at nagsisikap maging maligaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

1. Ang buhay ay wala ring kaligayahan kung walang nag-uukol ng ____________.\


a. Papuri c. pagmamahal
b. Pagsisikap d. pagtatagumpay
2. Ano raw ang tunay na kaligayahan?
a. Kapag may pinag-uukulan nito c. nagsisikap araw-araw
b. Masigasig na papuri ng iba d. nasa pananaw ng tao
3. “Ngunit ang kaligayahan ay nasa pananaw sa buhay na isang tao.”
a. Iba-iba ang kaligayahan ng tao
b. Tao ang gumagawa ng ikaliligaya niya
c. Nasa tao ang pagdama ng kaligayahan
d. May paraan ang tao sa pagiging maligaya
4. Ang akdang ito ay __________.
a. Nagsasalaysay c. nangangatwiran
b. Naglalarawan d. nagpapaliwanag

Sa mga unang sandali pa lamang nanamalas ng binata ang larawan ng mabait na


dalaginding ay ganap nanapag-unawa na yaon ang gandang kanyang hinahanap, tumutugon sa
kanyang pangarap at alinsunod sa tibok ng kanyang puso.

5. Alin sa sumusunod ang pinapatungkulan ng salita sa kanyang pangungusap?


a. Puso c. daladinding
b. Pangarap d.binata

Pag-ibig
Ni Jose Corazon de Jesus

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw nang matagalan


Pang lintik kung gumuhit sa pisgi ng kadiliman.
Ang halik na ubos-tindi,minsan lamang nahalikan
At ang ilog kung bumaha, tandaan mo,t minsan lamang.

6. Ang sukat sa pantig ng tula ay____________.


a. Aanimin c. lalabindalawahin
b. Wawaluhin d. lalabing-animin

7. Ang inilalarawan ng salitang dakila ay__________.


\ a. Pag- ibig c. pisngi
b.Lintik d. halik
8. Ang damdaming nangingibabaw sa saknong ay____________.
a. Kaligayahan c. kadakilaan
b. Kasabikan d. kapusukan
9. Ang uri ng tayutay sa ikalawang taludtod ay ___________.
a. Pagwawangis c. pagmamalabis
b. Pagtutulad d. pagsasatao
10. Ang salitang Pag-ibig sa teksto ay ____________.
a. Pandiwa c. pangngalan
b. Panghalip d. pang-uri

EL Felibusterismo
“Ang eskuwelahan ang batayan ng isang lipunan, ang eskuwelahan ang librong kasusulatan ng
kinabukasan ng mamamayan, “ sambit ni Simoun
11. Mahihinuhang pinahahahalagahan na ng mga Pilipino ang edukasyon noon pa man dahil ito
ang__________.
a. Pinakamagandang kontribusyon ng mga Espanyol
b. Magiging daan para sa ikatatag at sa ikasusulong ng bansa
c. Magbibigay ng kakayahang maipagtanggol ang lipi mula sa abusadong Espanyol
d. Magiging paraan para makatuklas ng pagbabago at imbensyon.

“Kayo’y mga hindi hinirang ng Bayang Pilipinas.” Ang sagot ng mataas na Kawani sa Heneral, kundi ng
bayang Espanya. Ito ang isang dahilan kung bakit dapat ninyong lingapin ang mga Indiyo upang wala
silang maipintas sa Espanya. Nang pumarito kayo sa Pilipinas, ipinangako ninyong ilalagay sa katwiran
ang pamamahala.
12. ISinasaad ng pahayag na___________.
a. Dapat ay ganap nating tinanggap ang pamamalakad ng mga pinunong Espanyol
b. Ang pamahalaan ay matatag na sandigan ng mga mamamayan.
c. Ang pamamahala ay kailangan maging pantay para sa interes ng pinuno at ng mamamayan
d. Tungkulin ng nananakop na iayos ang bayang kanyang sinakop
13. Mahihinuha sa pahayag ng mataas na kawani ang kaisipang bahagi ng pamamahala sa bayan
ang__________.
a. Itaguyod ang kanyang karangalan sa pamumuno nang tapat at may malasakit sa tao.
b. Gumawa nang mabuti lamang sa mga taong tapat sa kanilang tungkulin
c. Protektahan ang pangunahing karapatan ng tao upang di sila makagawa ng labag sa
pamahalaan
d. Sikilin muna ang pansariling hangad hanggang sa maabot ang panlahatang tagumpay.

“May pananagutan kayo sa walong angaw na Pilipino na hubugin ang kanyang kabataan, hindi lamang
ang isip kundi pati ang kanilang katawan ng tungo sa paglikha ng isang bayang marangal, matalino,
mabait, dakila at tapat,” ang sabi ni Isagani kay Padre Florentino.
14. Ang kaisipang ipinahihiwatig ng pahayag ay tungkol sa mga ___________.
a. Di mabubuting gawa ng mga prayle sa edukasyon ng mga kabataan
b. Hiling na pagbabago ng mga estudyanteng Pilipino sa pamahalaang Espanyol
c. Karapatan ng mga estudyanteng Pilipino na nabigyang halaga sana ng mga namumunong
Espanyol.
d. Tungkulin ng mga namumunong Espanyol na pangalagaan ang interes ng mamamayang tao.
“Ako’y may Kastila rin, ngunit bago ang aking pagka-Kastila ay una ang aking pagkatao; at una sa
Espanya ay minamahalaga ko ang aking karangalan. Hindi ko ibig na balang –araw ay matawag siyang
ina-inahan ng mga bansa, manlulupig ng maliliit nabansa,” patuloy sabi ng Mataas na Kawani sa
Heneral.
15. Mahihinuha sa pahayag ng taas na kawani ang kaisipan na kailangan ang __________.
a. Malinaw na programa para sa kagalingan ng mamamayang sinakop
b. Dakilang adhikain upang lubusang makiisa ang mga nasasakupan
c. Matalinong pinuno upang mapatakbo nang maayos ang bansa
d. Pamunuan ang may mahabang karanasan sa pamamalakad ng bansa
16. Si Pari Florentino ay pinadalhan ng telegram upang __________.
a. Ipaalam na siya man ay nanganganib
b. Ipabatid na alam nilang naroroon ang hinahanap
c. Mapatakas ang kanilang huhulihin
d. Lahat sa nabanggit
17. Si Pari Florentino ay pinadalhan ng telegrama upang _________
a. Ipaalam na siya man ay nanganganib
b. Ipabatid na alam nilang naroroon ang hinahanap
c. Mapatakas ang kanilang huhulihin
d. Lahat sa nabanggit
18. Si Simoun ay patatawarin ng Diyos, ayon sa pari dahil sa ___________
a. Tayo ay matiisin at mapagmalasakit
b. Tayo ay batid niyang anak sa pagkakasala
c. Ang Diyos ay katarungan
d. Nagbago na ito

19. Ang kasamaan sa pamahalaan ay pinalusog ni Simoun dahil sa___________


a. Ibig niyang kumalat ang lagim
b. Ibig niyang maghiganti ang mga tao
c. Ibig niyang siya na rin ang sumira sa sarili
d. Ibig niyang siya’y bigyang papuri

B. Analohiya
Tukuyin ang kaugnayan ng mga sumusunod. Piliin ang nawawalang salita.
20. Noli me tangier : Inang Bayan = El Filibuterismo : ___________
a. Anak ng Bayan c. Blumentritt
b. GomBurZa d. Mga rebelled
21. Jose Rizal: Fort Santiago = Francisco Baltazar:___________
a. Cebu c.Cavite
b. Bulacan d. Maynila
22. Mr Leeds:Imuthis = Kabesang Tales:__________
a. Baril c. laket
b. Gulok d. baul
23. Ben Zayb:Mamamahayag = G. Pasta:__________
a. Manunulat c.manunula
b. Manananggol d.manggagamot
24. Donya Victorina : Paulita = Padre Florentino:_____________
a. Isagani c. Camaroncocido
b. Basilio d. Juanito
25. Kabesang Tales:Huli = __________:Sinang
a. Kapitana loleng c. Kapitan Basilio
b. Kapitan Tiyago d. Kapitan Toringgoy
26. Basilio: Madisina = Isagani:____________
a. Komersyo c. arkitektura
b. Abugasya d. Pamamamhayag
27. Ang Ibong Adarna: kurido =Florante at Laura :_________
a. Nobela c. Epiko
b. Awit d. Dula
28. Seminaryo:Pari = __________: Mongha
a.Dormitoryo c. Kumbento
b. Simbahan d. Moske
29. Tales:__________= Simoun: Mangangalakal
a.mangangahoy c. Mananagpas
b. mangangaso d. manananim
30. Korido:_________= Awit:12 pantig
a. 12 pantig c. 8 pantig
b. 6 pantig d. 4 pantig

C. Pagpapalawak ng talasalitaan:
Piliin ang pinakamalapit na kasinkahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

31.Naghihikahos saang mga taong hindi mnakapag-aral man lang.


a. nagdurusa c. nagsasamantala
b. naghihirap d. namomroblema
32. Matining ang takbo ng mga atleta ng Pilipinas.
a. madudulas c. matitipuno
b. malilikot d. mabibilis
33. Ikaw’y makidigma sa laot ng buhay at walang bayaning nasindak sa laban.
a. pagsubok sa buhay c.karanasan sa buhay
b. kapalaran ng buhay d. suliranin sa buhay
34. Huwag kang uurong, lalalim ang sugat, ngunit naubos na ang dugong tatagas.
a. susulong c. susuong
b. susuko d. sasali
35. Ang gawa sa yantok ay sinasabing higit na matibay na kasangkapan.
a. kawayan c. kahoy
b. patpat d. bakal
36. Ibigin ma’t hindi, baling araw, ikaw’y mapapabuyong makipagdagitan.
a. makipaglaban c. makipaglaro
b. makipagsapalaran d. makipagbanggaan
37. Nag-itsurang matigas na bato ang matitipunong bisig ng aking kasintahan.
a. malulusog c. mauugat
b. matitigas d. mabibilis
38. Wala sanang sasala sa oras kung ang lahat ng tao ay magsisipag lamang.
a. mauubusan c.magugutom
c.makaliligtas d. maghihirap
39. ang guro ay biglang nagalit nang siya ay alipustahin ng mayamang babae
a. purihin c. dustain
b.kaibiganin d. sambahin

40. Huwag nang marami pang pasikot-sikot sa sinasabi.


a. pabigla-bigla c. paligoy-ligoy
b. paulit-ulit d. pagdadalawang salita
D. Pagsasaayos ng mga Pangyayari
Lagyan ng titik A,B,C, o D ang bawat bilang ayon sa tamang pagkakasuno-sunod ng mga
pangyayari.
I.
41._______ Buwan ng Disyembre nang maglakbay ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig papuntang Laguna
sakay ang mahahalagang tao ng lipunan, tulad ng kastila, mga pari at mga indio.

42________ Nawalan ng ganang kumain si Basilio nang ibalita sa kanya ang sinapit ng pamilya ni
Kabesang Tales sa kamay ng makapangyarihang mga Kastila

43________Ikinagalit ng binatang si Isagani nang hamakin at tawaging mahirap ang Bayang Pilipinas ng
mag-alahas na si Ginoong Simoun. Sa Pagkakataong ito rin pinag-uusapan ang Akademya ng Wikang
Katila.

44_________ ng Korporasyon ng mga pari ang lupaing pinangyaman ng pamilya ni Kabesang Tales nang
makitang umuunlad ito nang husto na naging dahilanng kasawian ng pamilya.

II.
45.________Dahil sa maalamatna Ilog Pasig, nagsalaysay sina Padri Florentino, Padri Salvi, at ang
Kapitan ng Barko ng mga alamat.

46________Nagpunta si Basilio nang palihim sa kagubatan ng mga Ibarra na ngayon ay pag-aari na ni


Kapitan Tiyago habang ang lahat ay papuntasa simbahan.

47.________Natuklasan ni Basilio ang tunay na pagkatao ni Ginoong Simoun sa gubat.

48.________Nawalan ng tinig si Tandang Selo nang dalawin siya ng mga kamag-anak sa araw ng Pasko.

III.
49.________Nagmistulang Pilato sina Hermana Penchang, Tenyente ng mga Guardia Sibil, at Padre
Clemente, samantalang sila ang tunay na maysala sa sinapit na trahedya ng pamilya ni Kabesang Tales.

50.________Pumasok sa klase ng Pisika si Placido Penitente na sa halip na matahimik ay kinaladkad


nito ang sapatos na naging dahilan upang siya ay mapansin ng lahat.

51.________Nangaso ang kapitan Heneral sampu ng kanyang mga kasamahan sa pamahalaan sa


Busubuso.

52.________Ibinalita ni Macaraeg sa kapwa niya mag-aaral na nakipagkita siya kay Pare Irene at
sinabing ang Akademya ng Wikang Kastila ay nasa kamay na nina Don Costudio at Ginoong Pasta.

IV.
53.________Nagkasagutan at naging mainit ang pagtatalo nina Padre Millon at Placido Penitente na
naging dahilan upang tuluyang tumigil ang binata sa pag-aaral.

54.________Ipinagpalit ni Kabesang Tales ang pinakamahal na laket ni Huli sa rebolber ni G. Simoun at


tuluyang namundok at sumapi sa mga tulisan.

55.________SI G. Pasta ang nilapitan ni Isagani upang tulungan sila na maitatag ang akademya sa
Wikang Kastila.

56.________Nagkaroon ng malaking pigings sa bahay ni QUiroga para sa isang konsulado ng mga intsik
na siya ang hihiranging Konsul.

V.
57.________Edukasyon ang pinakamahalaga sa kahit sino o sa kahit saang bansa.

58. ________At ito rin ang magiging susi upang umunlad ang indibidwal kasama ang pag-unlad ng
bansa.

59.________Dahil ito lang umano ang tanging bagay na hindi maaagaw ng kahit sino pa man sa isang
indibidwal

60.________Dahil dito, nagpapatupad ang pamahalaan at mga kagawaran na may kinalaman sa pag-
aaral at iba’t ibang proyekto na makatutulong upang makamit ang isang de-kalidad

You might also like