Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ruel T.

Fernandez Methods of Research


Camillian
Title: Kategorische Imperativ: Tugon sa Korapsyon sa Pamahalaan

Pambungad:

Halos lahat na ng mga tao ngayon ay mulat na sa korapsyon sa ating pamahalaan.

Madalas ito ang sinisisi nila kung bakit hindi maunlad ang ating bansa at kung bakit patuloy na

dumadami ang mga naghihirap, nagugutom, at walang trabahong mga tao. At kung mayroong

pagkukulang ang ating gobyerno sa ating lipunan, madalas ang naiisip ng karamihan ay dulot ito

ng korapsyon sa ating pamahalaan. Nakakalungkot isipin na patuloy na nasisira ang imahe ng

gobyerno sa pagtingin ng taumbayan. Imbes na ang gobyerno ay mayroong magandang imahe sa

mga tao sapagkat sila ay nakatuon sa paglilingkod at pagpapaunlad ng bayan, kabaliktaran na

ang nangyayari. Ang korapsyon ay mayroong napakalawak na saklaw at hindi lang ito limitado

sa pagnanakaw sa pera ng bayan. Ito ay makikita sa sinabi ng isang eksperto sa Agham ng

Politika;

Ayon kay Batalla, ang korapsiyon, mula sa depinisyon ng United


development program bilang maling paggamit o abuso sa pampumblikong
opisina para sa pansariling kapakanan ay mayroong iba’t-ibang mukha.
Kabilang dito ang ang mga miyembro ng pribado at pampublikong sektor at
nakikita ang mukha ng korapsyon sa kalawakan ng ilegal na akto katulad ng
panunuhol, pamemeke ng mga dokumento, exhortasyon, panloloko,
nepotismo, pangunguwalta, pangungupit, paglustay, impluensyang-lako.1
Ang korapsyon sa ating pamahalaan ay isang suliraning noon pa may nababalilita na.

Madalas tungkol sa korapsyon sa ating pamahalaan ang mga nangungunang balita sa mga

1
“Batalla said, corruption, which the United development program defines as the misuse or abuse of public office
for private gain, comes in several forms. It involves members of the private and public sectors and show its face in
wide array of illicit behavior such as bribery, extortation, fraud, nepotism, graft, pilferage, embezzlement,
falsification of records, influence-peddling and contributions to election campaigns.” (Sandy Araneta “Corrupttion
deeply imbedded in RP history,culture – study.” Philippine Star Aug. 15, 2000)

1
telebisiyon, sa mga pahayagan at maging pangunahing usapan sa mga chismisan. Patunay dito

ang sinabi ni Batalla sa kanyang isang artikulo:

Ang president ay nahaharap sa imposibleng misyon sapagkat ang


korapsyon ay nakaukit na sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas. Ang
korapsyon ay patuloy na lalaganap kung hindi ito gagawan ng agarang
solusyon.2
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang korapsyon ay isang di makatarungang gawain lalun-lalo na

kung ang ating mga pinuno pa ang gumagawa o nangunguna ng mga ito. Sa papel na ito,

susubukan kong pagmunihan mula sa pilosopikong pananaw ang korapsyon sa ating pamahalaan.

Susubukan kong ipakita ang mga masasamang dulot nito sa ating bayan at sa mga mamamayan.

Akin ding gagamitin ang Kategorische Imperativ o ang Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel

Kant bilang tugon sa nasabing suliranin.

Si Immamuel Kant ay ipinanganak noong taong 1724 at siya’y namatay noong 1804. Si

Kant ay nabuhay noong modernong panahon na kung saan ay namulat siya sa mga rebolusyon at

mga pag-aalsa kagaya na lamang ng rebolusyong Amerikano noong 1776 at rebolusyong Pranses

noong 1789.(Stumpf E. Fieser J.p.279) Ang mga rebolusyong ito ay tinawag niyang Aufklarung

o kaliwanagan. Marahil isa rin ito sa mga mabibigat na rason kung bakit tinawag na ang

modernong panahon bilang panahon ng Kaliwanagan. Ang mga rebolusyong nabanggit ay dulot

ng kaliwanagan sa mga tao at ito ang nag-udyok sa kanila na itama ang mga mali sa kanilang

lipunan. Samakatuwid, pinapatunayan nito na ang indibidwal ay kayang mag-isip sa kanyang

sarili, pag-iisip na hiwalay sa mga awtoridad. Sa panahong ito nabuhay si Immanuel Kant kaya

nga hindi na rin nakapagtataka kung bakit ang kanyang pilosopiyang moral ay nakatutok o

2
“Eric Batalla, a political science professor at De La Salle university, said that the President could be on the
impossible mission because corruption appears to be engrained in Philippine History and culture. In a research
paper, he noted that corruption will persist in this part of this globe if no radical solutions are formulated.” (Sandy
Araneta “Corrupttion deeply imbedded in RP history,culture – study.” Philippine Star Aug. 15, 2000)

2
nakatuon sa sarili o kalooban ng indibiwal. Dahil sa pag-iisip na ito, umusbong muli ang

demokrasya ng mga sinaunang mga Griyego na kung saan ang kapangyarihan ay nasa taong

bayan. Hinahangaan din ni Kant si Isaac Newton, isang siyentista, sa pagtuklas niya ng

pangkalahatang batas sa mga pisikal na mga bagay. Dahil dito, naging inspirasyon ni Kant na

hanapin ang pangkalahatang batas na gumagabay sa pagkilos ng kalooban ng tao. Ang isang

pakay din ni Kant ay hanapin kung paano masusumpungan ang prinsipyong magbubuklod sa

lahat ng tao.(Stumpf E. Fieser J. p. 284)

Tatalakayin ko ang Kategirische Imperativ o ang Kautusang walang Pasubali ni Kant sa

papel na ito. Ang Kategorische Imperativ ni Kant ay tumutukoy sa mga tungkulin na dapat

tuparin at gawin. Ito ay may tatlong pormulasyon. Ang unang bahagi ay ang maxim na

gugustuhin mong maging pangkalahatang batas. Ang pangalawa ay pagtrato sa kapwa bilang

isang layunin mismo at hindi lang isang kasangkapan at ang huli ay ang autonomiya. Sa papel na

ito, magsusumubok akong ilahad ang kahalagahan ng pilosopiyang moral ni Immanuel Kant sa

kasalukuyang suliranin ng korapsyon sa ating lipunan. Sisikapin ko ring ipakita kung paano

makatutugon ang Kategorische Imperativ ni Kant sa korapsyon sa ating Pamahalaan.

Katawan:

A. Kategorische Imperative ni Kant

Ang Kategirische Imperativ ni Kant ay mayroong tatlong pormulasyon. Una niyang

pinagtuunan ng pansin ang salitang maxim na ang ibig sabihin ay “prinsipyong laging

sinusunod” o “kilos na mga nakasanayan o nakahiligan." Nakukuha ang mga maxim na ito sa

turo ng mga magulang, mga batas ng institusyon, at iba pa na tinatanggap sa ating sarili. Ginamit

ni Kant ang maxim upang buuin ang unang elemento ng Kategorische Imperativ. Ang unang

3
pormulasyon ay “kumilos ayon sa maxim na nanaisin mo na ito ay maging pangkalahatang batas

o unibersal”. (Stumpf E. Fieser J. p. 286) Ang pangunahing tanong na siyang gagabay sa

pagrarason tungkol sa unang pormulasyon ay “nanaisin ko ba na ang maxim ko na aking

sinusunod para sa aking sarili ay maging maxim din ng lahat ng tao?” Ayon kay Kant, kung oo,

ibig sabihin moral at tama ang ginagawa ng isang tao. Ibig sabihin, puwede itong ipagpatuloy at

gawin din ng ibang tao. Ngunit kung hindi ang sagot, immoral at mali ang ginagawa ko. Hindi

ito puwedeng ipagpatuloy at kailangan na itong isantabi. Ang unang pormulasyon ay parang

isang matematika na kung saan konkreto ang sagot. Kung mali ang sagot, ibig sabihin mayroong

kung anumang mali sa sa pagkalkula o mga solusyon. Ang Kategorische Imperativ ay

lumalagpas sa mga batas, sapagkat kahit hindi ito pinapatupad ng batas ay ginagawa pa rin ang

mabuting maxim ng isang matino at nag-iisip na tao. Sa madaling salita, nakikita ng isang

makatwirang tao ang para sa kanyang sarili ang mga maxim na pangkalahatan. Sa unang

pormulasyon, makikita na ang prinsipyo ng pangkalahatang batas ay para sa lahat ng tao. Binuo

ito ni Kant upang mahanap niya ang ang batas na siyang gagabay sa kilos ng kalooban ng tao at

ito ang prinsipyo ng pagiging unibersal.

Ang pangalawang pormulasyon ay ang praktikal na kautusan; “tratuhin ang sangkatauhan

maging ang sarili o ang ibang tao, sa lahat ng pagkakataon bilang isang pakay mismo at hindi

paraan lamang.” (Stumpf E. Fieser J.p.287) Muli ito ay babalik sa unang pormulasyon na kung

saan ay tumutukoy sa akto o maxim ng isang tao na kung puwede bang gawin itong maxim ng

lahat ng tao. Ang panagalawang pormulasyon ay meron ding sinasagot na tanong: Paano ba

dapat tratuhin ang tao? Sinasabi ni Kant na dapat tratuhin ang tao bilang pakay mismo at hindi

lang isang paraan o kasangkapan. Dahil sa pagkakaroon ng tao ng dignidad, hindi puwedeng

siya’y gamitin, bagkus kailangang galangin ang dignidad ng kapwa tao. Sa madaling sabi, hindi

4
puwedeng tumbasan ang tao sa larangan ng pera o kung ano mang bagay kundi kailangang

tratuhin siya nang may dignidad. Sinasabi ni Kant na kung gagamitin ko ang isang tao, bale wala

lang sa akin ang kanyang dignidad. Ngunit, hindi sinasabi ni Kant na immoral ang pagturing na

paraan ang tao. Naging imoral lang ito kung tratuhin ang isang tao bilang isang purong paraan

lamang.

Ang pangatlong pormulasyon ay; “hindi lamang bale sakop ng batas ang kalooban

sapagkat binubuo ng kalooban ang batas para sa kanyang sarili at dahil dito, nasasakupan ng

batas na siya mismo ang nagsulat.” (Stumpf E. Fieser J.p.287) Sinasabi ni Kant na tayo mismo

ang gumagawa ng batas para sa ating sarili. Ang tao ang gumagawa ng batas moral. Hindi dikta

ng mga pwersa sa labas ng sarili ang tinutupad ng tao. Ang tao mismo ang gumagawa ng mga

batas para sa kanyang sarili. Kung sinusunod ng tao ang mga batas na labas sa kanayang sarili,

ito ay dahil nauunawaan niya ito nang mabuti gamit ang kanyang katwiran. Kaya, binubuo ng

taong moral ang mga batas sa kanyang sarili at hindi ito nagbabago. Pinapanindigan ng moral na

tao ang mga mabuting gawain at isinusulat at inaangkin niya itong batas para sa kanyang sarili.

Kung kinikilala ng isang tao ang mga batas ng sibil bilang isang makatwiran at nararapat na

batas, isinusulat niya ang mga batas na ito sa kanyang sarili at susundin niya ito. Ito ang

prinsipyo ng taong mayroong autonomiya.

Ayon din kay Kant, nararapat lamang na ang moralidad ay obhetibo at unibersal. Huwag

dapat itong ibase sa karanasan sapagkat iba’t-iba ang karanasan ng tao at may kanya-kanyang

konsepto ang mga tao sa moralidad. Kung iba’t-iba ang konsepto ng mga tao sa moralidad,

magkakaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Kaya ayon kay Kant, katwiran ang batayan

ng moralidad at hindi sa karanasan upang maiwasan ang mga kaguluhan. Sinasabi rin ni Kant na

mabuti lamang ang tao kung tutuparin lang niya ang kanyang tungkulin. Ang Kautusang walang

5
Pasubali o Kategorische Imperativ ay tumutukoy sa mga layunin ng tao na dapat sundin. Hindi

na importante kung liligaya ba ang tao kung gagawin niya ang isang bagay o makakamit ba ang

buhay na walang hanggan.At bilang hulling paglilinaw, ang Kategorische Imperative ay iba sa

Hypothetical Imperative. Ang Kategorische Imperative ay walang layunin na labas sa utos,

sinusunod ang tungkulin para lamang sa tungkulin. Ang Hypothetical Imperative naman ay

tumutukoy sa layunin na labas sa utos ngunit ginagawa ng tao ang utos dahil ito ang paraan

upang maabot ang kanyang pakay at layunin.

B. Ang Korapsyon Bilang ‘di – Makatwirang Akto mula Pilosopiya ni Kant

Pinagtuunan ng pansin ni Kant ang tamang pangangatwiran upang buuin ang kanyang

pilosopiyang moral. Kung ating babalikan ang depinisyon sa korapsyon, mayroon itong

napakadaming mukha o anyo. Ibig sabihin, marami ring mukha ang di-makatwirang akto ng mga

taong nagnanakaw at mayroong hindi tamang atitud o gawain mismo sa kanilang paglilingkod sa

mga tao at maging sa bayan. Mula sa pilosopiyang moral ni Kant o ang kanyang Kategorische

Imperativ, nauunawaan natin na ang pangungurakot ay isang paglabag sa kung ano ang dikta ng

rason at ng kalooban ng tao. Sinasabi ni Kant sa kanyang pilosopiyang moral na ang batas na

gumagabay sa tao ay nasa kanya mismo, ngunit sa paglabag nito gaya na lamang sa

pangungurakot, nilalabag ng tao ang batas na nasa kanyang sarili. Sinasabi ng isang dating BIR

Commissioner na si Jose U. Ong na kapag merong katangiang kasakiman ang tao at idagdag pa

ang opurtunidad na makapagnakaw o makapang-abuso, ang politiko ay nangungurap. Ito ang

nagiging basehan, pundasyon at umpisa ng korapsyon. (Ong J. 7- 28-2004)

Sa madaling sabi, hindi makatwiran ang mga taong nangungurakot o nagsasagawa ng mga iba’t-

ibang mukha ng korapsyon. Mas nangingibabaw o nanaig ang kasakiman ng tao sa tuwing ito’y

nahuhulog sa kasalanan-korapsyon. Nakakulungkot isipin na nakatatak na sa isip ng mga malay

6
na Pilipino na ang korapsyon ay isang gawain na nakaugat na sa ating kultura. Dahil sa paulit-

ulit itong ginagawa, lalo na’t ang mga may matataas na posisyon ang mga nangunguna sa

pagnanakaw.

Para bagang tinanggap na ng bawat mamamayan na hindi na talaga ito magkakaroon ng

solusyon sapagkat napakadami na nang gumagawa nito. Mula sa mga maliliit na mga sangay ng

pamahalaaan hanggang sa pinakamalalaking sangay nito, mayroong korapsyon. Patunay dito ang

sinabi ni Noli de Castro, dating Bise-Presidente, sa mga city hall ay mayroong lagayan system o

panunuhol at nananatili itong pinapabayaan at hindi itinatama.3

Ngayon, kung ating babalikan ang sinasabi ni Kant tungkol sa moralidad, ang korapsyon

ay isang uri ng akto ng hindi pag-iisip. Sapagkat sinasabi ni Kant na upang makagawa ng tama at

moral, kailangang gamitin ang isip o katwiran at ang kalooban ng tao. Sa akto ng pangungurakot,

hindi lang ang mga panglabas na batas ang mga hindi sinusunod ng mga kurakot na tao kundi

pati na rin ang batas sa kanilang sarili. Dapat palaging sundin ang mga batas sa ating sarili upang

ang mga panglabas na batas ay lubusang masunod din. Sa madaling sabi, nagsisimula sa ating

sarili mismo ang pagpuksa sa korapsyon. Ang pagsunod sa batas sa sarili at maging sa pagsunod

sa tamang pangangatwiran ay magdudulot ng moral na akto at mula dito, ang korapsyon ay

maiiwasan.

C. Kategorische Imperativ Bilang tugon sa Korapsyon

Mula sa nabanggit na problema, nakikita na mayroong pangangailangan na ituwid ang

korapsyon. Dapat maging moral ang tao lalung-lalo na ang mga pinuno sa ating pamahalaan.

Ang kahirapan ay isang dulot ng korapsyon ngunit hindi ito ang


pangunahing dahilan. Ang sosyolohikong pag-aaral ay nagbigay ng mga
iba’t-ibang sanhi ng korapsyon: kahinaan ng relihiyoso at etikal na
kaalaman, kakulangan sa edukasyon, kakulangan sa pagdidisiplinang

3
He said that in city halls alone, the “lagayan system” or the bribery has remained unchecked, even tolerated. (“To
stop corruption, win war on poverty.” Manila standard 8-5-04)

7
kaugalian, kawalan ng kumonidad na magsusulong na labanan o bawasan
ang korapsyon, struktura ng gobyerno at ng lipunan4
Mula sa mga sinabi ng mga eksperto sa sosyolohiya, ang korapsiyon ay isang uri ng kahinaan na

kung saan ang mga taong gumagawa nito ay nangangailangang mamulat na meron silang

kailangang gawin, ang maging moral at responsableng pinuno.

Sapagkat sinimulan ni Kant ang kanyang pilosopiyang moral sa pagsabing kikilos lamang

ayon sa maxim na nanaisin mo na ito ay maging pangkalahatang batas o unibersal, dapat lang din

na ito ang isipin ng mga taong nangungurakot. Ang tanungin ang kanilang sarili kung mabuti ba

ang kanilang gagawin at kung puwede bang maging pangkalahatang batas ang kanilang

ginagawa ay mayrong malaking gampanin sa pagpuksa sa korapsyon. Puwede ba na ang

kanilang ginagawa ay magiging batas para sa lahat ng tao? Sigurado ako na kapag naisip ito ng

taong nagnanakaw ay merong kung anuman na gagabay sa kanya upang gawin ang nararapat

maging ang kanyang tungkulin bilang isang politiko. Maiisip niya na mayroon pala siyang

responsibilidad, mayroong kailangan at hindi dapat gawin. Nabubuksan ang pagkakataong

makita niya ang kanyang tungkulin. Kadalasan, nagnanakaw ang tao sapagkat naghahangad

itong magkaroon ng marangyang buhay o maging ang kanilang pansariling intensyon. Sa

madaling sabi, nangungurakot ang isang tao para sa kanyang pansariling kapakanan. Kung

gayun, tamang sabihin na ang taong nagnanakaw ay ayaw ding manakawan. Ito ang sinsabi ni

Kant na pangkalahatang batas. Kung ang akto mo ay nanaisin mong gawin din ng lahat ng tao,

ito ay moral.

4
“Poverty is one of the cause of corruption, but it is not the no. 1 cause. Some sociologists say that one of the major
causes is the absence or weakness of leadership in key positions capable of inspiring or bringing about conduct that
would lessen corruption. Sociological studies give the following causes of corruption: the weakness of religious and
ethical teachings, lack of education, absence of punitive measures, absence of a social environment that would
promote anti – corruption behavior, the structure of the government and the state of the society – corruption in the
bureaucracy reflects the state of the entire city.” (“Problem of corruption” Philippine Daily Inquirer 2-29-2000).

8
Ang pangalawang pormulsyon ni Kant sa kanyang Kategorische Imperativ ay tungkol sa

pagtrato sa kapwa tao. Mulat na tayo ngayon na ang korapsyon ay nagdudulot nga ng kahirapan

sa mga mamamayan. Kung nangungurakot ang mga politiko, para bagang sinasabi nila sa

kanilang sarili na “Di baleng maghirap ang mga mamamayang iba basta meron akong perang

makukuha o mananakaw”. Mula dito, nakikita natin kung ano ang trato ng mga kurakot na

politiko sa mga taong bayan. Isa ring mukha ng korapsyon na nabanggit ay ang pangsusuhol. Sa

panunuhol, tinutumbasan ng tao ang kanyang kapwa tao upang gamitin siya sa kanyang ninanais.

Samakatuwid, ang panunuhol ay isang uring akto na hindi kumikilala sa dignidad ng tao.

Tinuturing niya lang ang tao bilang isang kagamitan upang makuha niya ang kanyang ninanais.

At dahil dito,ang taong nasusuhulan ay natrato lamang bilang isang paraan at hindi bilang isang

pakay mismo. Akala siguro ng mga taong nanunuhol na kayang tumbasan ng pera ang dignidad

ng isang tao.Muli, kung ating gagamitin ang pangalawang pormulasyon ni Kant - ang pagtrato sa

ibang tao nang may dignidad, ang isang mukha ng korapsyon ay maiiwasan.

Ang pangalawang pormulsayon ng Kategorische Imparativ ay tumutukoy sa tanong

kung, paano ba dapat tratuhin ang kapwa tao. At dahil ito ay nakasentro sa dignidad ng tao,

marapat lamang din na ibigay kung ano ang nararapat sa kapwa tao. Lahat ng tao ay

naghahangad na marespeto. Kung gayon, upang lubusang marespeto ang kapwa tao, dapat

trautuhin sila nang may dignidad. Kung ganito mag-isip ang mga politiko, ang mga iba’t – ibang

mukha ng korapsiyon ay maiiwasan at mawawala. Sabi pa nga ng mga eksperto sa sosyolohiya:

Ang mga politikong mayroong matataas na katungkulan aysiyang dapat


maging modelo at mabigay ng halimbawa… ngunit ang mga opisyal na
nagluluklok sa mga ito sa puwesto ay dapat siguraduhing ang kanilang mga
niluklok ay hindi lang matatalino kundi dapat mayroon ding kaaya-ayang

9
pag-uugali… -at ang suong lipunan ay magpahayag ng moral na
pagtatama.5
Sa huling pormulasyon ni Kant sa kanyang Kategorische Imperativ, sinasabi ni Kant na

tayo mismo ang gumagawa ng batas para sa ating sarili. Ang tao ang gumagawa ng batas moral

at hindi mula sa iba’t-ibang institusyon nasa labas ng tao. Gaya ng mga sinabi ng mga eksperto

sa sosyolohiya, marami ang batas tungkol sa pagpigil at pagpuksa sa korapsyon sa ating

pamahalaan.

Ano pa ang magagawa natin sa problema ng korapsyon? Mayroon tayong


sapat na batas na lumalaban sa pangwawalta at korapsiyon. Ang talagang
kailangan ay ang mahigpit na pahpapatupad ng mga ito.6
Kung merong mga batas mula sa labas ng sarili na pumupuksa sa korapsyon, ang tanging

kailangan na lang ay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga ito, ang sinasabi naman ni Kant ay

kaya ng tao na gumawa ng batas para sa kanyang sarili. Ibig sabihin, kaya nating makita ang

mabuti at masam a, mali at tama sa ating sarili mismo. Kung gayon, kung kaya ng tao na makita

ang mabuti, ito ay kanyang susundin lalo na ang mga taong makatwiran. At sa mga politiko, ang

tangi na lamang na kailangang gawin bilang isang pinuno at bilang isang taong marunong

kilatisin ang mabuti, ay gawin ding mga batas ang mga mabuting kanyang nakikita. Dapat

niyang simulan mismo sa kaniyang sarili nang sa ganon ay magkaroon ng silbi ang mga

panglabas na batas. Kailangan niyang sundin ang mga batas sa kanyang sarili sa striktong

pamamaraan upang tuluyang maiwasan ang korapsyon sa pamahalan. Kung kinikilala ng isang

tao ang mga batas ng sibil, maging ang mga batas laban sa korapsyon, bilang isang makatwirang

at nararapat na batas, isinusulat at inaangkin niya ang mga batas na yaon sa kanyang sarili at

5
“The highest officials in the government should set the example. …but the appointing officials should make sure
that there appointees are not only intellectually qualified but are of good moral character… and the entire society has
to express its moral outrage over the corruption…”(“Problem of corruption” Philippine Daily Inquirer 2-29-2000)
6
What can be done about the problem of corruption? We have enough laws with which to fight graft and corruption.
What is needed is there strict enforcement…(“Problem of corruption” Philippine Daily Inquirer 2-29-2000)

10
susundin niya ito.” (Yount, D. Immanuel Kant’s Ethical Theory Rights and Duties). Mula dito,

makakabuo ng tugon at solusyon kung papano maiiwasan at tuluyang mawala ang korapsyon sa

ating Pamahalaan. Sa madaling sabi, upang masolusyonan ang korapsyon sa ating pamhalaan,

dapat ang mga politikong nangungurakot ay magkaroon ng kaliwanagan sa kanilang sarili na

dapat makatwiran at mabuting ehemplo ang bawat namumuno. Hindi lang sapat na sila ay

matalino bilang isang politiko kundi dapat din silang maging moral na politiko. Kahit na

napakaraming mga batas laban sa korapsyon, wala itong silbi kung hindi moral ang mga pinuno

sa pamahalaan. Ang mga batas ay gawa lang din ng mga tao at hindi mawawala ang posibilidad

na ang mga batas na iyon ay kayang manipulahin ng mga taong nananabik magkamkam ng pera

at kayamanan. Kaya nga ang pinakaepektibong pagsugpo sa korapsyon ay ang gawing moral ang

mga taong nasa likod ng mga korapsyon. Dapat ding ang mga moral na politico ay sumalungat sa

mga maling gawain ng mga kurakot na opisyal. Huwag nilang hayaan na ang mga kurakot ang

manaig sa Pamahalaan. Kung ang pangungurakot ay ginagawa na ng lahat, wala na itong dating

at parang tuwid at tama na ito. Kung ang lahat ng nasa paligid ay kurakot, hindi na rin matatakot

ang mga ibang opisyal na gawin ito sapagkat parang may dyastipikasyon na ang ginagawa ng

karamihan. Kaya mawawala ang korapsyon kung ang maging maxim ng mga moral na opisyal

ay puksain ang gawaing pangungurakot. Gawin nila itong pangkalahatang batas na siyang

gagabay sa kanila. At kung mapupuksa ang korapsyon, simula ito ng paglago ng bawat tao sa

kanilang sarili at maging ang paglago ng isang komunidad.

III. Konklusyon:

Ang Kategorische Imperativ o ang Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant ay

napakahalaga lalung-lalo na ngayon na patuloy na ang pagdami ng mga problema sa ating

pamahalaan at maging sa ating lipunan. Kadalasan ng mga problema sa pagitan ng bawat tao ay

11
may kinalaman sa moral. Ang korapsyon ay kasalukuyan pa ring suliranin sa ating pamahalaan

at maging sa aitng lipunan. Maraming mga tao ang umaangal ngunit kakaunti lamang ang

gumagawa ng solusyon upang mawala na nang tuluyan ang korapsyon. Kung ang korapsyon sa

ating pamahalaan ay magpapatuloy, patuloy din itong magdudulot pa na mga mas malalang

suliranin gaya na lamang ng kahirapan, kagutoman, pagbagsak ng ekonomiya, pagkawala ng

moralidad sa mga tao at iba pa. Bagamat ang pilosopiyang moral ni Kant ay nabuo pa noong

modernong panahon, ito pa rin ay mayroong napakahalagang gampanin sapagkat hanggang

ngayon, ang mga problemang moral noon ay lalo pang lumlala sa kasalukuyang panahon.

Ang Kategorische Imperativ ni Kant ay pinagbibigyang diin ang tamang pangangatwiran

at maging ang autonomiya ng tao. Mahalaga na mayroong tamang pangngatwiran ang bawat

indibidwal sapagkat sa kanila nagsisimula ng pagkakaroon ng maayos, payapang lipunan at

malaya sa korapsyon. Kung gayon, hindi lamang ang isang kumonidad o lipunan ang lalago kung

ating patuloy na isasabuhay ang pilosopiyang moral ni Kant. Maging ang bawat indibidwal ay

lalago rin sapagkat sa pamamgitan ng Kategorishe Imperativ, sila rin ay nagpapakatao-nag-iisip.

Kasabay ng paglago at pagpapakatao ng tao, ang ating lipunan din ay patuloy na lalago. Kung

mawawala o mapupuksa ang korapsyon sa ating pamahalaan, wawala din ang mga samot- saring

mga negatibong dulot nito sa ating bansa.

Mga bukal:
Samuel Enoch Stumpf, James Fieser Socrates to Sartre and Beyond, A history of Philosophy
McGraw-Hill 2008

Dr. Dave Yount, Immanuel Kant’s Ethical Theory Rights and Duties Mesa community College

Jose U. Ong. “Curbing graft and Corruption.” Phlippine Star July 28, 2004

12
Sandy Araneta “Corrupttion deeply imbedded in RP history,culture – study.” Philippine Star
Aug. 15, 2000

13

You might also like