Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

FILIPINO MATUTO

Tuklasin ang mundo ng dokyumentaryo!

Tag: telebisyon

Dokyumentaryong Pantelebisyon

February 2, 2017February 7, 2017 Leave a comment

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 1/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

Matapos maunawaan ang mga nilalaman ng pahinang ito, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay napaghahambing ang kahulugan ng telebisyon at
dokyumentaryong pampelikula, maisa-isa ang katangian ng Dokyumentaryong Pantelebisiyon at Natutukoy ang pagkakaiba ng palabas sa
telebisyon at halimbawang doyumentaryong pantelebisyon.

Halina’t panuorin muna natin!

h ps://www.youtube.com/watch?v=y4_BrguPTNc (h ps://www.youtube.com/watch?v=y4_BrguPTNc)

Maraming Pilipino ang mahilig manuod ng telebisyon para magpalipas ng oras at kahit ikaw ay gumagamit ng telebisyon anoman ang
iyong layunin ng paggamit nito. Ngunit alam mo ba ang kahulugan ng telebisyon?

Ang TELEBISYON ang midyum ng telekomunikasyon na naghahatid ng mga gumagalaw na imahe na


maaaring monochrome o colored, mayroon o walang tunog.

ALAM MO BANG…

Ngayon, telebisyon na ang pinakaimplumwensiyal na pinanggagalingan ng entertainment sa Pilipinas. Ayon sa isang sarbey ng AGB
Nielsen, telebisyon ang pangunahing pinagkukunan ng mga balita. May higit 200 estasyon na rin ang umeere dito sa bansa na kasama
sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na karamihang pagmamay-ari ng tatlong pinakamalaking network sa Pilipinas,
GMA, ABS-CBN at TV5.
https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 2/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 3/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 4/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

Ngayong nalaman na natin ang kahulugan ng telebisyon, alamin naman natin ang uko sa Dokyumentaryong Pantelebisyon.

ANO NGA BA ANG DOKYUMENTARYO?

Ang DOKYUMENTARYO ay isang programa sa telebisyon o pelikula na naglalahad ng mga katotohanan at impormasyon tungkol sa
isyu o problemang panlipunan, politikal o historikal. Nilalayon ng dokyumentaryo na irekord ang ilang aspeto ng katotohanan para
makapagbigay ng aral o makagawa ng isang pangrekord ng kasaysayan.

1. Paksa– tumatalakay sa nilalaman ng dokyumentaryo kung saan nagpopokus ito sa pagkilos ng tao sa lipunang kanyang ginagalawan
at kung papaano siya kumilos sa buhay. Ang mga tao, lugar at pangyayari ay totoong nagaganap at kadalasang napapanahon.Ito rin
ay naglalahad ng katotohanan sa mga nagaganap sa loob ng isang lipunan halimbawa ng paksang ukol sa kahirapan.
2. Layunin– ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod paksa ng dokyumentaryo. Layunin nitong irekord ang panlipunang kaganapan
na itinuturing nila na mahalagang maipaalam sa lipunan. Sa pamamagitan nito, layunin din nilang mapataas ang pagkaunawa sa mga
isyu, mga tinatangkilik at marahil ang ating simpatya sa isyung ito. At dahil din dito ay may kakayahan silang maipaalam sa atin ang

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 5/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

nagaganap sa ating lipunan upang magkaroon tayo ng aksyon ukol dito. Halimbawang layunin nito ay mamulat tayo sa iba pang
buwis buhay na hanapbuhay ng mga Pilipino dahil sa kahirapan.
3. Anyo- ang anyo ng dokyumentaryo ay nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon ay orihinal at ang mga
tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito. May mga pagkakataon na ang iskrip dito at ang mga aksyon ay mula sa
mga umiiral na mga pangyayari.
4. Estilo at/o Teknik- tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito. Ang isa sa mga
mahalagang sangkap ay ang mga nonactors o ang mga ‘totoong tao’ sa paligid na walang ginagampanang anomang karakter. Ang
lugar din ay aktwal na hindi gaya ng mga nasa pelikula na nasa loob ng studio. Maaaring tingnan ang iba’t-ibang Uri ng anggulo sa
Dokyumentaryong Pampelikula.
5. Uri ng karanasan- Ang dalawang bahagi nito ay ang pang aestetiko at ang epekto nito sa tao na maaaring magtulak sa kanya upang
gumawa ng aksyon. Ninanais ng mga nasalikod ng dokyumentaryo sa mga makakapanuod nito ay hindi magpokus sa mga artista
kundi sa pinapaksa nito. Maaaring maiugnay ito sa paksa kung saan ninanais ng mga nasa likod ng kamera na alamin ng manunuod
ang kanilang layunin. Maaari itong maging uri ng karanasang tumulong sa mga batang nasa lansangan, at iba pa.

Halina’t manuod muna tayo ng isang halimbawang Dokyumentaryong Pantekebisyon!

I-Witness: ‘Suntok sa Pangarap’, dokumentaryo ni Kara David (full …

Ngayong naunawaan na ninyo ang telebisyon at dokyumentaryong pantelebisyon, dumako naman tayo sa gawain.

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 6/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang. Ilagay ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Pumili ng tamang sagot mula sa
telebisyon na nasa ibaba.

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 7/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

______________________1. May dalawang bahagi ito: aestetiko at ang epekto sa tao na maaaring magtulak sa kanya para gumawa ng
aksyon. Anong katangian ito?

______________________2. Anong anyo ng dokyumentaryo ang nahuhugis habang nasa proseso na kung saan ang mga diskusiyon ay
orihinal at ang mga tunog at tanawin ay pinipili kung akma o karapat-dapat dito?

______________________3. Ito ang gustong sabihin ng mga nasa likod ng paksa sa dokyumentaryong pantelebisyon.

______________________4. Tumutukoy ito sa tanawin ng bawat pagkuha ng kamera at sa panahon ng pageedit nito.

______________________5. Ito ang pokus ng dokyumentaryong pantelebisyon kung saan tinatalakay ito sa kabuuan.

6.-10. Paghambingin ang telebisyon at dokyumentaryong pantelebisyon sa loob lamang ng 3 hanggang 5 pangungusap.

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 8/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 9/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

Panuto: Isulat ang WOW kung ang larawan ay nagpapakita ng isang halimbawang dokyumentaryong pantelebisyon at PANES naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

1. _________________________

2. _________________________

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 10/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

3._________________________

4._________________________ 5. _________________________

Diyan lamang nagtatapos, salamat!

Advertisements

REPORT THIS AD
Advertisements
https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 11/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

REPORT THIS AD

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 12/13
12/3/2019 telebisyon – FILIPINO MATUTO

https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/telebisyon/ 13/13

You might also like