Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AKTIBIDAD SA PAGSULAT

Lebel ng Gawaing Pagsulat

Ayon kay W. Rose Winteroud, ang proseso ng pagsulat ay kinasasangkutan ng


ilang lebel ng gawai na nagaganap nang daglian at maaaring kaugnay o kasalungat ng
bawat isa. Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na ginagawa para sa iba’t-ibang
layunin. Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng
manunulat. Mental na aktibiti din ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng
pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at patern ng
organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga isinusulat ng isang tao.
Masasabing ang pagsulat ay isa ring konsyus na gawain sapagkat ito ay
malayang gawain kung saan ang isang manunulat ay patuloy-tuloy na sumusulat ng
walang pagtatanggi sa spelling, grammar o paksa ng kanyang isinusulat at hindi
gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang paraan upang makaipon ng mga panguhing
ideya para sa isang paksa at tungkol ito sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.
Sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring nanggaling mula sa konsyus na
kaisipan. Gayunpaman, sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring patuloy na lumalabas
mula sa iyong kaisipan ngunit sa isang pagkakataon ay daglian itong mahihinto. At ito
ay ang tinatawag na writer’s block. May isang paraan para sa mga manunulat upang
magpatuloy sa kanilang mga salita na walang dahilan upang huminto.
Isang screenwriting instructor ang nagsabing “ang pagkamalikhain ay
nagmumula sa sabkonsyus na kaisipan.” Kung ikaw ay magninilay-nilay, maaari kang
mabigla sa kung ano ang iyong mmasisilip sa iyong isip. Maaaring maisalarawan mo
ang mga ito ng higit na malinaw.
Ang hindi alam ng karamihan ay halos lahat ng proseso sa pag-iisip ay ginagawa
ng ating sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisapan ay ang tumatanggap
ng mga stimulus sa pamamagitan ng paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy at
GROUP 1
Merlie Aguila, Athena Alcaraz, Immanuel Dickson
AKTIBIDAD SA PAGSULAT

pandama. Pagkatapos ay sisimulan ang proseso sa pamamagitan ng pagpapadala ng


mensahe sa sabkonsyus na kaisipan. Kapag ang isang tao ay nagsimulang sumulat,
maaaring iniisip niya na ang lahat ng mga salitang kanyang isinusulat ay nagmumula sa
konsyus na kaisipan. Ngunit ang totoo, nagmumula ang mga ito sa sabkonsyus na
kaisipan.
Bilang solitaring aktibidad, ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-
isahan. At maraming bagay ang maaaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay
dapat maging mapag-isa, walang sagabal at walang aspeto na makagugulo sa kanyang
pag-iisip upang matapos niya ang isinusulat. Ang kolaboratib na pagsulat naman ay
tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa
ng likha ang mga manunulat.

KONEKSYON NG MGA EMERSYON


Sa ilalim ng pagsusulat, maaaring ito’y maging solitary na kung saan ang manunulat ay
malayang kasama lamang ang kanyang sarili o di kaya nama’y maaari ding kolaboratibo
na kung saan nagsusulat ang ilang miyembro upang matapos ang isang teksto, gaya na
lamang ng isang editorial team. Sa perspektibo ng isang manunulat o solitari,
matatagpuan ang pisikal at mental na kakayahan ng isang indbidwal. Pisikal na
aktibidad ang pagsulat dahil ginagamit dito ang kamay, mata at buong kakayahan ng
isang tao na magsulat at mental dahil sa ginagamit ng isang tao ang kanyang angking
katalinuhan. Sa kolaboratib na pagsulat naman, mamamataan ang konsyus at
sabkonsyus ng isang indibidwal. Maaaring ang pisikal ay mahanay sa konsyus at
sabkonsyus ng isang manunulat o vice versa dahil alam minsan ng isang tao ang
kanyang ginagawa, mag-isa man siya o mayroon siyang mga kahalubilo; maaari din
naman itong sabkonsyus dahil sa hindi minsan namamalayan ang mga aksyon habang
iisa lang itong nagsusulat o mayroong mga kasama sa isang grupo. Ang mental naman
ay maaari ding konsyus dahil alam na mismo ng manunulat ang kanyang isinusulat
tungkol sa isang paksa o di kaya nama’y minsan ay magugulat na lamang ang isang
manunulat dahil sa mga impormasyong nakatago sa kanyang konsyus na isip na kung
saan nagmula ito mismo sa kanyang sabkonsyus na kalagayan. Ang modelong naipakita
ay isang siklo ng mga emersyong nakalaan na kung saan nalalaman mismo ang lebel ng
gawaing pagsulat.

GROUP 1
Merlie Aguila, Athena Alcaraz, Immanuel Dickson

You might also like