Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cipriano, Emmanuel Chad M.

11Stem10A
Persweysiv

“Makabagong Teknolohiya”
Ang ating hinerasyon ngayon ay bago na, napakaraming pag babago ang nagaganap at isa sa mga
nag bago saatin ay ang teknolohiya, na mas nakakatulong sa ating mga gawain. Ang internet ay isa sa mga
bagong imbensyon na naging malaking tulong saatin, ito ay nag sisilbing libangan ng mga tao at ito rin ay
nakatutulong sa mabilis na komunikasyon at pag kalat ng mga bagong impormasyon. Sa panahon ngayon,
pati sa paaralan ay ginagamit na ang teknolohiya, ito ay tumutulong hindi lamang sa mga estudyante, at
pati na rin sa mga guro para sila ay makagawa ng mabilis at maayos na ituturo, halimbawa ng makinarya
na nakatutulong sa mga guro ay ang prodyektor na ginakamit sa mga klasrum upang mag aral at mas
maipakita ang mga halimbawa na gagamitn ng guro. Nakatutulong ang bagong teknolohiya sa mga
estudyante at mga guro sa pamamagitan ng internet, dahil mas mapapadali ang pananaliksik na hindi na
katulad ng dati na mag bubuklat pa ng mga libro na kinakailangan ng oras, ito ay nakakatulong para
mabawasan ang oras ng pag gawa ng mga proyekto at iba pang gawain. Masasabi nating napakalaking
tulong ng teknolohiya sa ating pang araw araw na gawain. Subalit kahit napakaraming maayos at
magandang maidudulot saatin ang teknolohiya, ito rin ay may maidudulot na masama kung ito ay hindi
nagamit sa tamang paraan, Dapat gamitin natin ang mga bagong teknolohiya sa mabuti at maayos na
paraan, wag natin abosuhin ang pag kakaroon natin ng mga ito. Suportahan natin ang pag gamit ng bagong
teknolohiya para mas mapaunlad ang ating mundo.

You might also like