Ang Pananakop NG Mga Hapones Sa Pilipinas

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Detailed Lesson Plan

I. Layunin
A. Natatalakay ang mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones.
B. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.
C. Naipapakita ang mga mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Hapones sa
Pilipinas sa pamamagitan ng dula-dulaan.
II. Paksang Aralin
 Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

Mga Kagamitan

 Manila Paper
 Bidyo patungkol sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas
 Multi-media epuipment
III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagganyak
Magandang umaga mga bata! Magandang umaga rin po guro!
Inaanyayahan ko kayong tumayo at
tayo’y magdarasal. (Ang mga bata ay magdarasal)
Maaari na kayong umupo. (Umupo na ang mga bata)
Sa araw na ito, sisimulan natin ang ating
aralin sa pamamagitan ng laro.
Alam ninyo ba kung ano ang crossword
puzzle? Opo.
Kung ganoon, mayroon akong ginawang
aktibidad na kung saan maghahanap kayo
ng mga salitang nakasulat sa ilalim ng
crossword puzzle at inyong bibilugin ang
inyong mga nahanap. Ngayon,
kinakailangan ko ng pitong kinatawan at
ang makakahanap ng mga salita ay may
dalawang puntos.
Ano kasi ang ating gagawin sa crossword
puzzle? Bibilugin po ang mga salitang aming
mahahanap.
Magaling!
Mayroon lamang kayong limang minuto
para tapusin ang crossword puzzle. Okay po guro.
Tapos na po kami guro!
Magaling! Maraming salamat. Maaari na
kayong umupo. Bigyan natin silang lahat
ng limang palakpak at dahil nahanap niyo
ang mga salita, mayroon kayong lahat ng
dalawang puntos.
(Pumalakpak ang mga estudyante ng limang
beses)
B. Paglalahad
Sa tingin ninyo, ano kaya ang ating
aaralin ngayon araw na ito? Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas po.
Okay. Magaling! Mayroon akong
ipapapanood sainyong bidyo patungkol
sa Pananakop ng mga Hapones sa
Pilipinas upang atin lalong maunawaan
ang mga nangyari.
Habang pinapanood natin ang bidyo, ano
kaya ang ating dapat gawin? Tatahimik, makikinig, at hindi po gagawa ng
kahit anong ingay.
Tama. Magaling!
(Pinapanood ang bidyo) (Nanunood ng bidyo ang mga bata)
Ngayong napanood niyo na ang bidyo,
marami ba kayong nalaman patungkol sa
pananakop sa atin ng mga Hapones? Opo.
C. Pagtalakay
Anu-ano ang inyong mga nalaman sa
bidyo? (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkakaiba-iba)
Kailan sinakop ng mga Hapones ang
bansang Pilipinas? Disyembre 8, 1941.
Ano ang mga ginawa ng mga Pilipino at
Amerikano noong sinakop na ng mga
Hapones ang bansang Pilipinas?
Saan nagtago ang mga natitirang mga
American Asiatic Fleet? Java, Indonesia po.
Kailan napasakamay ng mga Hapon ang
Manila? Enero 2, 1942.
Ilang taon sinakop ng mga Hapones ang
bansang Pilipinas? Tatlong (3) taon po.
Saan nagsimula at nagtapos ang “Death Mula Bataan hanggang Camp O’ Donell ng
March”? Capas ng Tarlac po.
Bakit itinawag na Death March ang
nangyari? Dahil maraming namatay na sundalo
sakanilang gutom, pagod, at sakit na
kanilang naramdaman.

Anu-ano ang mga naramdaman at


naranasan ng mga Pilipino noong Takot, pagdurusa, kahirapan, lagim, at
sinakop tayo ng mga Hapones? kamatayan.

Ngunit dumating muli ang taong nangako


na siya ay babalik sa Pilipinas upang
bawiin ito, sino ito? Si General Douglas McArthur.
Sino General Douglas McArthur? Siya ang nagpalaya sa mga Pilipino sa mga
Hapones.
Kailan bumalik si General Douglas
McArthur? Oktubre 20, 1944.
Kailan idineklara ni Douglas McArthur
na malaya na ang mga Pilipino sa
pananakop ng mga Hapones? Hulyo 1945.
Anong aral sa buhay ang ating dapat
tandaan sa pananakop ng mga Hapon sa
ating bansa? (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
magkakaiba-iba)
D. Paglalahat
Sainyong palagay, may maganda bang
naidulot sa ating mga Pilipino at sa
bansang Pilipinas ang pananakop ng mga (Ang mga sagot ng mga bata ay maaaring
Hapones? magkakaiba-iba)

Mayroon akong ipamimigay na papel at


inyong isusulat kung kayo ay may
katanungan pa at gusto pang malaman
patungkol sa ating aralin. Maliwanag ba? Opo.
E. Paglalapat
Nagdala ba kayo ng show me board?
Sa mga nakalimutan magdala ng show
me board, sa papel niyo na lamang isulat
ang inyong sagot.
Tutukuyin ng mga mag-aaral kung
ang mga sumusunod ay Tama o Mali ang
mga pahayag tungkol sa mahahalagang
pangyayari sa pananakop ng mga
Hapones.
1. Sinakop ng mga Hapones ang
bansang Pilipinas noong Disyembre
8, 1941.
2. Si Jose P. Laurel ang nagdeklara na
Malaya na mga Pilipino sa
pananakop ng mga Hapones.
3. Bataan hanggang Camp O’ Donell ng
Capas ng Tarlac ang dinaan ng mga
sundalong Pilipino sa Death March.
4. Apat na taon sinakop ng mga
Hapones ang bansang Pilipinas.
5. Noong Enero 2, 1942 napasakamay
ng mga Hapones ang Manila.

IV. Pagsusulit
Ang klase ay mahahati sa dalawang grupo, sila ay gagawa ng dula-dulaan, para
sakanilang performance task na kung saan pinapakita ang mga ilang mahahalagang
pangyayari sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

You might also like