Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: Abby Gayle Nacino Baitang at seksyon: 10-Einstein

ANG KAHIRAPAN

Ating pagmasdan ang bansang Pilipinas. May magagandang tanawin,


masaya, maraming pasyalan, may matataas na gusali, at maraming lugar
na kinaaliwan ng mga turista. Ngunit sa kabila ng mga katangiang ito,
bakit may kahirapan pa ring matatanto sa Pilipinas? Ito nga ba ay naging
kakambal na ng ating bansa? Bakit sa tinagal ng panahon ay hindi pa rin
tayo makaalis sa estadong ito? Ano ang dahilan? At paano natin sisimulan
ang pag-ahon sa suliraning ito?

Sa mahigit isang dekada ko nang pamumuhay sa mundong ito, hindi ko


maikukubli na ang ating bansa ay nagdurusa at patuloy pang magdurusa sa
suliraning kahirapan kung di pa masosolusyunan. Marami nang naging bunga
ang kahirapang ito sa mga tao. Nang dahil sa kahirapan natuto ang mga
mamamayang magnakaw, mabenta ng ipinagbabawal na gamot, at gumawa ng
mga illegal na gawain.

Parami na ng parami ang dulot ng kahirapan na tiyak na pagdurusahan


ng karamihan.
Ang kapalaran ng iba’y sinisisi pa nga sa pamahalaan. Hindi tayo
lingid sa kaalamang ang mga mamamayan ay obligasyon ng pamahalaan.
Subalit alam rin natin na ang pamahalaan ay hindi pagawaan ng mabuting
kapalaran.

Ngayon, maraming tanong ang mabubuo sa ating isipan. Yan ay kung


ano ang paraan? May pag-asa pa ba? At kung makaka-ahon pa ba tayo sa
problemang tila imposible nang lutasin.

Isa lang ang sagot dyan. Oo,dahil walang pag-aalinlangan kung ang
lahat ay mulat at handang solusyunan ang kahirapan . Ang kaginhawaan ay
hindi kailangang iaasa sa pamahalaan at lalong hindi rin natin
kailangang gumawa ng hindi kaaya-aya upang matamasa ito.

Ang kailangan lang natin ay ang pagsusumikap, determinasyon,


sipag, ta tiyaga.

Lagi nating isaisip na ang kahirapan ay hindi panghabang-buhay.


Lahat ng problema ay may solusyon. Nasa atin na lamang kung paano natin
pupuksain ang kahirapang naging hadlang sa mga pangarap at mithiin.

You might also like