Professional Documents
Culture Documents
Soslit Materials
Soslit Materials
Ni Lumbera
PANITIKAN TUNGO SA KALAYAAN
Ni V. Almario
arms and with balsams like the famous one of Fierabras, good
at Philippine life; for they are only the semblances of the real
Ngunit nagsulat sa wikang Espanyol ang mga ilustrado. Paano silá naintindihan ng
sambayanang hindi nagsasalita ng Espanyol? Wala namang Himagsikang 1896 kung
hindi ito itinaguyod ng sambayanan. Ang totoo hanggang 1896 ay hindi naniniwala si
Rizal at ang maraming mayaman at ilustrado na nararapat ang himagsikan.
Napakahalaga, samakatwid, ng liderato nina Bonifacio at Jacinto upang mabigkis ang
sambayanan sa loob ng Katipunan. Ngunit paano naisalin ni Bonifacio ang mga ideang
liberal upang sumanib sa KKK ang masang di letrado? Pinroblema ito ni Reynaldo C.
Ileto (1979) at ipinanukala ang paliwanag sa Himagsikang 1896 alinsunod sa wika ng
popular na Pasyon Henesis (1814). Totoo namang kinasangkapan ni Bonifacio ang
wika ng pasyon sa kaniyang pagpapalaganap ng damdamin laban sa pang-aapi at
kawalan ng katwiran. Ngunit hindi sapat ang pasyon. Ang paggamit ng dahas upang
maghimagsik, unang-una, ay salungat sa simulain ng sakripisyo ni Kristo.
Sa gayon, paano isinalin ni Bonifacio ang konsepto ng kalayaan upang maniwala ang
sambayanan sa katwiran ng isang marahas na himagsikan?
Ang nakatutuwa, kinatawan ng naging popular na panitikan sa ika-19 siglo ang unti-
unting pagmulat ng haraya mula sa sapilitang paghimbing na dulot ng kolonyalismo.
Mababása mismo sa awit ni Balagtas at sa naging transpormasyon ng awit-korido-
komedya ang naganap na paghahanda tungo sa sanaysay ni Rizal na “El amor patrio”
na isinalin ni Marcelo H. del Pilar na “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa” at inilabas
sa Diariong Tagalog noong 1882—ang maituturing na hudyat sa pagsidhi ng diwaing
mapagpalaya sa Filipinas. Ngunit bago nasambit ng mga ilustrado ang “pag-ibig sa
bayan” ay matagal nang naihibik ni Balagtas na “Sa loob at labas ng bayan kong
sawi/Kaliluha’y siyáng nangyayaring hari.” Bago ang “pag-ibig sa bayan” ay ipinanukala
na ni Balagtas ang isang programa ng pagbabalik sa sariling bayan ng haraya at
panitikang pambansa na iniligaw ng kolonyalismo sa madilim na gubat ng
kamangmangan at pangingibang-bayan.
Ngunit bakit hindi ito napansin ng mga kritiko’t iskolar ng ika-20 siglo?
Ngunit muli, naiusisa ko, paano tinubuan ng diwaing mapagpalaya si Balagtas? At kung
tunay siyáng naging tagapagbandila ng diwaing mapagpalaya, ano ang naging epekto
niya sa mga kapuwa manunulat bago lumitaw sina Plaridel, Rizal, at Bonifacio?
Tinuruan ako ng aking mga tanong na titigan ang mga awit-korido-komedya. Siyempre,
hindi ko naman kailangang basáhing lahat ang sinasabi ni E. Arsenio Manuel (1958) na
200 awit at koridong nalathala noon. Pinag-aralan ko ang mga lagom na 50 metrio
romanse ni Damiana L. Eugenio (1987). Binása ko ang mga ito, pati na ang ilang
natagpuan ko sa aklatan, sa aking sariling koleksiyon, at wala sa antolohiya ni D.L.
Eugenio. Naging malaking impluwensiya rin sa akin ang simulaing “halo-halo” sa
pagtatanggol ni Isabelo de los Reyes (1904) sa komedya laban sa mga sarsuwelista.
[Nauna nang kalahating siglo si I. de los Reyes sa mga propeta ng akdang “haybrid” sa
Kanluran.] Itinuring ko ang bawat akda sa panahong ito na produkto na ng sapin-
saping kamalayan bunga ng masalimuot na inter-aksiyon ng katutubong kalinangan at
ng banyagang kultura sa buong panahon ng kolonyalismo. Sa gayon, kahawig man,
ang popular na Bernardo Carpio natin ay hindi na si Don Bernardo del Carpio ng
Espanya. Malaki ang kaibhan ng inangkin nating komedya sa modelong comedia ng
mga Espanyol.
Apat na awit ang pangunahin kong tinitigan. Una, ang Buhay na Pinagdaanan ng
Prinsipe Don Juan Tiñoso ng Kaharian ng Valencia at ng Princesa Flocerpida ng
Kaharian ng Ungriya batay sa tinawag na “bagong pagkalimbag” noong 1947 ng P.
Sayo Book Store. Ikalawa ang Buhay nang Dalauang Magcasintahan sa Kahariang
Borgoña na Pinamagatang Magcarayap at nang Isang Pastorang Tubo sa Villa na
Naguing Asaua nang Hari sa Isang Calabaza na may ikalimang limbag noong 1921
ang Imprenta, Libreria at Papeleria ni J. Martinez. Ikatlo, ang Buhay na Pinagdaanan ni
Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia sa Caharian nang Portugal na Hinango sa
Novela na muling inilathala noong 1920 ng Imprenta, Libreria at Papeleria ni J.
Martinez. Ikaapat, ang Caaua-Auang Buhay nang Magsusugal at Nacamumuhing Asal
ng Lasing ni Padre Juan Dilag batay sa ikatlong limbag noong 1907 ng Imprenta,
Libreria at Papeleria ni J. Martinez.
Sa apat, mungkahi kong pag-aralang mabuti ngayon ang Caaua-Auang Buhay dahil ito
ang pinakamarikit na patunay ng lubos na pagbabalik sa sariling bayan ng panitikang
Filipino bago tumindi ang kilusang makabayan noong 1882. Taglay pa ng edisyong
1907 ng Caaua-Auang Buhay ang impormasyon na si J. Dilag ay “parroco ng Obando
at vicario forraneo ng Bulacan, Sur” gayundin ang pahina na pahintulot na mailathala
ang awit noong 13 Hunyo 1878. Sa isang aklat din ni Rufino Alejandro (1959) ay
ipinakilála si J. Dilag na isinilang sa Obando, Bulacan, naging kapelyan ng simbahang
Nuestra Señora de Porta Vaga sa Cavite, at naging katulong na manunulat
sa Apostolado de la Prensa. Itinuturing siyáng kahanay ng mga bantog din noong
makatang sina Marcelino Manguiat, Pedro O. Alejo, Iñigo Regalado (na may alyas na
Odalager), Mariano L. Moxica, Modesto Santiago, Patricio N. Pastor, Roman Angeles,
Pascual Poblete (na may alyas na Lope Blas Hucapte), at isa pang Padre Andres
Caguicla. [Dapat pang saliksikin ang mga naturang makata.]
Ang totoo, napakarami nating dapat pang basáhin at tuklasin upang maging
makatarungan ang ating pagtingin at paghatol sa panitikan ng ika-19 siglo at upang
higit din nating mabuo ang pagpapahalaga sa ating mga bayaning manunulat ng
Himagsikang 1896. Kulang ang oras ko para sa panayam na ito. Inaanyayahan ko
kayóng basahin ang aking mga aklat, mula sa Ang Panitikan ng Rebolusyon(g) 1896,
Ang Tungkulin ng Kritisismo sa Filipinas, Komedya de Baler, Jacintina, Ang Pag-ibig sa
Bayan ni Andres Bonifacio, at ang Si Balagtas at ang Panitikan para sa
Kalayaan upang makihati sa kagila-gilalas na pagtuklas sa daloy at kabuluhan ng
panitikang mapagpalaya noong ika-19 siglo at upang danasin ang malaking trahedya
ng pagbagsak ng diwaing makabayan pagkamatay ni Mabini noong 1903. Para sa mga
manunulat, maaaring turuan táyo ng panitikan noong ika-19 siglo kung ano ang higit na
mabuting landas para sa kadakilaan ng sinusulat nating panitikan. Para sa mga guro at
estudyante, maaari nating ipagparangalan ang isang marangal na yugto sa paggamit
ng sariling wika upang ipahayag ang mga damdamin at kaisipang katutubo at mahirap
isalin sa wikang banyaga. Para sa mga historyador, para matanggap niláng isang
malaking daloy ang kasaysayan at magkasunod at magkapantay ang kadakilaan nina
Rizal at Bonifacio kahanay ng iba pang bayaning manunulat ng bansa. Para sa ating
lahat, para higit nating mahalin at ipagmalaki ang ating sarili bílang Filipino.
Ferndale Homes
1 Marso 2014
Connecticut, USA
philcsc@gmail.com
Abstrakto
Keywords
Editor’s Note
Noong ika-19 siglo, umaklas ang mga artista laban sa burgesyang orden
ng kapitalismong industriyal. Batay sa romantikong pananaw, ang
awtentikong galing ng manunulat ay tiwalag sa burgesyang lipunan at
indibidwalistikong pamantayan nito. Itinuring na doon nagmumula ang
kahulugan at katuturan ng akda. Kalaunan, pinatingkad ito ng ideolohiya
ng sistemang kapitalismo, bagamat ang normatibong mapang-angkin ay
tinuligsa nina Flaubert, Zola, Dostoevsky, Gorki, Dreiser, Hemingway, at
iba pa.
REFERENCES
https://sirmykel.files.wordpress.com/2014/01/lumbera-sea-literary-traditions.pdf
http://kwf.gov.ph/panitikan-tungo-sa-kalayaan/
Kritika Kultura 24 (2015): –247 © Ateneo de Manila University
<http://kritikakultura.ateneo.net>