Ma Rosa Soslit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Danica R.

Catabay Setyembre 2, 2019


II – BN Takdang Aralin

Ma’ Rosa
Reaksyong Papel

Sa pelikulang ito ipinapakita ang natural na pangyayari sa pang araw-araw na buhay kung paano
ang isang ina ay itaguyod ang kanyang pamilya kahit pa siya'y kumapit sa patalim. Si aling Rosa o
Ma' Rosa ay may sari-sari store ngunit siya rin ay nagbebenta ng droga. Naging magulo ang lahat
ng siya'y mahuli kasama ng kanyang asawa ng mga pulis. Maraming isyu ang tinalakay sa pelikula
tulad ng kahirapan, korapsyon, droga at prostitusyon. Sumasalamin ang pelikula sa bulok na
sistema ng lipunan kaya rin ito ay napapanahon. May mga hindi ako malilimutan eksena sa
pelikula tulad ng mabaon sa putik ang sapatos ni Erwin (Jomari Angeles) na ipinakitang simbolo
na lahat ng paraan ay gagawin nya makatulong lamang sa paglaya ng ina. Gayundin, ang madulas
si Raquel (Andi Eigenmann) sa daan na simbolo ng desperadong sitwasyon nila. Maihahanay ang
pelikulang Ma' Rosa na tatatak sa mga mahahalagang pelikula ni Brillante Mendoza.

Maaaring may ibang magulat sa atake sa pelikula dahil ipinakita ang tunay na lagay ng ating
lipunan tulad na lamang ang mga murahan. Sa kabilang banda, si Ma' Rosa ay babae at higit sa
lahat ay isang ina. Ang huling eksena sa pelikula kung saan ay kumain ng squid ball o chicken ball
si Jaclyn o Rosa ang nag-angat sa kanya. Naramdaman ko ang desperasyon at pagod ng tauhan
kahit hindi ko naranasan ang nangyari sa kanya. Nagawa kong kumunekta sa bahaging iyon ng
tauhan lalo pag dumadaan sa krisis. Mahusay ang pagkakagawa at storya ng pelikula. Mahusay
ang bawat aktor na gumanap sa pelikula at may hustisya sa pagkakaganap sa mga tauhan o
karakter ng pelikula.

You might also like