Tagpo 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

MGA TAUHAN

RONALD, 47, Pulis na tatay, nambubugbog ng asawa

LOURDES, 44, Abogado, mapagmahal na asawa at ina

LARA, 19, kolehiyala, gumagamit ng ipinagbabawal na gamot

LORNA, 21, kolehiyala, aktibista

TAGPO

SA LOOB NG HUKUMAN, KASALUKUYAN, maliwanag ang paligid, mula sa kinauupuan ng hukom,


matatanaw sa kanang bahagi ang pwesto ng taga-usig at sa kaliwang bahagi naman ay ang pwesto ng
nasasakdal. Maayos na nakahilera ang mga upuan at ang malyete (pamukpok) ng hukom.

Tagpo 1

(Sa eksaktong ika- 10 ng umaga ay ipinukpok ang malyete bilang hudyat ng paghatol. Nakabibinging
katahimikan ang namayani sa loob ng hukuman, magkayakap sina Ronald at Lourdes habang patuloy
ang kanilang pagtangis.)

HUKOM (tatlong beses ipupukpok ang malyete) : ayon sa Criminal case No. 24689. Ikaw ay hahatulan ng
50 yrs na pagkakakulong at magmumulta ng 100, 000 piso. Case close (tatlong beses pupukpok)

RONALD AT LOURDES (magyayakap habang umiiyak)

(mamamatay ang ilaw)

TAGPO

SA SIMBAHAN, NAKARAAN, maaliwalas ang simbahan dahil sa dami ng ilaw na pumapaligid dito.
Mayroong apat na hanay ng at dalawang hilera ng mga upuan. Sa makabilang gilid ay may dalawang
pinto at sa bukana nito ay matatagpuan ang isang malaking kabibe na kinalalagyan ng banal na tubig.

Tagpo 2

Tagpo 2 (simbahan) Taimtim na nagdadasal ang buong pamilya ni RONALD habang sila ay nakaluhod.
Matapos magdasal ay sabay-sabay silang tumayo. Naunang naglakad palabas ang mag-asawa habang
ang kanilang dalawang anak ay nasa kanilang likuran. Nang makalabas ay napapatingin ang mga tao sa
kanila ng may paghanga at ang iba naman ay bumabati.

PAMILYA ( sabay-sabay magsa sign of the cross at tatayo palabas ng simbahan)

TRICYCLE DRIVER 1(babatiin si Ronald at ang pamilya nito): Magandang umaga chief! Ayos ang simba
natin ah!

RONALD (lalapit sa tricycle driver ) : magandang umaga rin! Oh nag almusal na ba kayo? Oh! (iaabot ang
pera) eto pang almusal! Bumili muna kayo ng pandesal kay aling Bebang

TRICYCLE DRIVER 1(kukuhanin ang binigay na pera) : Salamat chief! The best ka talaga!

RONALD: oh sige! Mauna na kami ng mag-iina ko,.

PAMILYA ( sabay- sabay na aalis pauwi)

MGA TRICYCLE DRIVER (mag-uusap-usap)

TRICYCLE DRIVER 1 (ipapakita ang pera): oy! Mga pare! Tignan nyo, binigyan pa tayo ni chief ng pang
almusal!

TRICYCLE DRIVER 2: kaya nga eh! Ang bait talaga ni chief! Ang ganda pa ng pamilya! Tignan mo yung
asawa, abogado! Tas ung dalawang anak nya makakatapos na! parang halos wala na silang
poproblemahin pa!

TRICYCLE DRIVER 1 : ganon talaga siguro kapag mabait, pinagpapala ng Diyos! Sana all!! hahahaha

(mamamatay ang ilaw)

TAGPO

SA BAHAY, sa hapag, nakahain ang pagsasaluhan ng pamilya. Umuusok pa ang kanin at tila nang iimbita
ang bango ng ulam. Ugali ng pamilya na magsabay sabay tuwing kakain. Sa panguluhan, nakaupo ang
padre de pamilya. Tanaw niya ang kagandahan ng kanyang asawa at ngiti ng kanyang mga anak.
Mapapansin ang nakabibinging katahimikan mula matapos magdasal ang panganay nilang anak para sa
biyayang kanilang natanggap.

Tagpo 3

Kinagabihan ay sabay nagsalo salo ang mag-anak. Si Ronald ay nakaupo na sa kaniyang pwesto habang
ang kaniyang asawa’t anak ay naghahain na. Nang makapaghain, pinangunahan ni Lorna nag pagdadasal.
Tahimik lang ang paligid kaya rinig na rinig ang kalansing ng mga kubyertos pati ang nakabukas na
telebisyon kung saan umaalingawngaw ang balita ng pagwewelga ng mga Lumad para itigil ang
pagpapasara ng kanilang mga paaralan. Biglang nagsalita si Ronald.
LORNA (taimtim na nagdarasal) : Panginoon, maraming Salamat po sa biyayang pinagkaloob nyo sa
amin, naway ang bawat isa ngayon ay mayroon ding pagkaing pinagsasaluhan tulad namin, maraming
salamat po at huwag po kayong magsawa sa pagbibigay ng biyaya sa amin, amen.

(maririnig ang balita sa telebisyon tungkol sa pagwewelga ng mga Lumad para itigil ang pagpapasara
ng kanilang mga paaralan)

RONALD: Dapat lang naman talagang ipasara na ‘yang mga eskwelahan na ‘yan. Hindi naman marunong
sumunod sa patakaran ng DepEd yan eh. Kapag nagkakahulihan sa rally ay panay sila nalang ng sila ang
nakikita ko, mga walang silbi sa lipunan!.

(Nakatahimik lang si Lourdes at Lara. Ngunit hindi matiis ni Lorna na hindi magsalita.)

LORNA: Pa, Pinaglalaban lang naman nila ang kanilang karapatan. Wala kong nakikitang mali doon.

RONALD: Paanong walang mali? Eh kita mo ngang nanggugulo lang ‘yang mga yan. Hindi na lang
makuntento. Ang titigas ng ulo! Kung gusto nilang mag-aral, dapat naman talaga sumunod sila sa
patakaran. Hindi ko talaga maintindihan ‘yang mga raliyista na yan lagi na lang kinakalaban ang gobyerno.

LORNA: Baka naman po kaya hindi niyo maintindihan pa dahil, pati kayo nagbubulag- bulagan na rin? (may
paggalang ngunit mapanghamon ang pagatatanong)

RONALD (Nagngitngit sa galit): Ano ba ‘tong anak mo Laurdes? bakit ganito? Sumasagot na

LOURDES: Hayaan nalang natin yung mga anak natin na ihayag ang mga opinyon nila.

RONALD (dadabugin ang lamesa): Ihayag? Eh nakakabastos na ‘yang anak mo eh.

LOURDES: Wala naman akong nakitang pambabastos sa sinabi ni Lorna.

RONALD: Sige, kampihan mo ‘yang mga anak mo! Napaka kunsintidor mo talaga!. Kaya lumalaking suwail
yang mga yan. Lalo na yan si Lara!

LARA (gulat na titingin sa ama): Oh pa! bakit pati ako nadamay? Nananahimik lang ako dito ah

RONALD (duduruin si Lara): oh baket hinde!? Anong oras ka na naman umuwi kagabi. Ni hindi ko nga alam
kung pumapasok ka ba o kung saan saan ka lang nagpupunta eh. Baka hindi mo alam? Marami akong mata
dito! Kaya umayos ayos ka! Hindi mo gayahin ang ate mo! Napaka sipag mag-aaral!

LARA (pabulong): wala naman akong balak gayahin si ate eh, At wala rin akong balak magsipag mag-aral

RONALD: may sinasabi ka ba ha!? Lara!?

LORNA (iuusog ang plato palayo sakanya) : pede po ba? Huwag po tayong mag-away sa harap ng hapag
kainan. Kumain na lang po tayo.

RONALD (mag-uumpisang sumubo ng pagkain) : kapag nalaman laman ko lang talaga na may isa sa inyong
sumasama sama sa mga rally rally na yan, malalagot talaga kayo sa akin.
LOURDES AT LORNA (magkakatinginan at parehong nahirapang lumunok ang dalawa.)

(makalipas ang ilang minutong pagkain)

LORNA (tatayo sa kinauupuan) : mauna na po ako, tapos na po akong kumain, marami parin po kase
akong gagawin dahil may dadaluhan po akong aktibidad

RONALD: oh sige! Mag-aral kang Mabuti, para naman pag nakatapos ka masubukan ko namang umakyat
ng stage para magsabit ng medalya, dahil etong kapatid mo!? (tuturo kay Lara) wala na kong maaasahan
dito.

(mamatay ang ilaw)

-ang mga susunod na pangyayari ay ang pagpapakita ng ibat-ibang lente ng mga karakter

TAGPO

PAARALAN, tahimik ang lugar, makikita ang mga silid na nakasara ang pintuan. Sa likod ng mga gusali, ang
mga puno’y nakapalibot na maaaring pagkublihan ng mga may ibang nais.

Tagpo 4

SA LIKOD NG ESKWELAHAN NINA LARA, KAMUNDUHAN AY SUSUUNGIN, NANG PROBLEMA’Y


PANSAMANTALANG MAWAGLIT. Papasok sa eskuwela naghihintay sa mga tropang may dala-dalang
isang pampainit sa makamundo niyang nais. Hithit doon, hithit dito, kumakalma ang isip sa paggamit ng
bato. Nakasanayan, impluwensiya ng kapaligiran. Sa likod ng eskuwela nagkita-kita ang mga babaeng sa
unang tingin pa lang ay palaban na ang datingan.

LARA (tatawagin ang kaibigan): Oh may dala ba kayong bato? Arat na sa likod ng CR.

ANDREA (iaabot ang droga): Ito na, puta muntikan na kong mahuli ni ma’am Dela Cruz

BEA: Tawang-tawa nga ko diyan kay Andrea, naihi na sa panty. Puta! pano ba naman kasi, hindi man lang
tiningnan kung may titser diyan sa kanto. Eh ang lapit lapit lang sa school ng pinagkukuhan niya.
LARA (babatukan si Andrea): Bobo ka talaga!. Sa susunod umayos ka para di tayo mahuli. Madadamay
pa ako sa mga katangahan mo eh.

ANDREA: Sorry ha!. Sa susunod try nyong kayo naman kumuha.

Lara: oh sya! Hayaan na, Magkano ba ulit to?

BEA: 150 sis isang sachet, bali 2 na kinuha ko. Kulang kasi eh

Lara: Okay na ‘yan sis. Sige na, eto pera oh! Sagot ko na! king ina alam ko namang mga wala kayong
pera!

BEA (hahampasin si Lara) : Taray,, daming pera te ah!?

ANDREA: Pustahan kumupit na naman yan sa tatay niyang pulis hahaahhaa.

Lara: Gago! Hindi ko kailangang mangupit! Gaya mo pa ko sayo? Pati pambili ng lipstick sa Watson
kinukupit pa sa tindahan nyo!

ANDREA: ok lang, atlis pag nahuli akong nangupit ok lang, eh ikaw? Pano kaya kung malaman nyang isa
pala sa mga anghel nya ay halos mapunta na sa langit kakahithit hahahahha

LARA: edi malaman! Wala rin namang pake yun saken ahahhaah baka kung ako si Lorna pede pa
hahhahaha

BEA: Kaso hindi ikaw si Lorna ahahhaha

(Magtatawanan ang magkakaibigan hanggang sa mamatay ang ilaw)

TAGPO

SA OPISINA NG KAPULISAN, pagpasok pa lamang ay kikilabutan na dulot ng napakalamig na


temperatura. Hindi hamak na malawak para magsilbing kanlungan ng iilang pulis sa oras ng serbisyo.
Maliwanag at maaliwalas. Puti ang kulay ng paligid, walang bahid ng kahit anong dungis. Makikita sa
gitna ang mahabang mesa ng hepe. Tambad ang napakaraming papeles ng iba't ibang kaso.
Tagpo 5

Sa loob ng kanyang opisina, makikitang nakaupo sa kanyang silya si Ronald. Habang nagpapahinga
kasama ang isa pa nyang tauhan na pulis ay darating ang kasamahan nito upang mag-ulat ng mga
pangyayaring naganap sa buong araw.

SPO1 (kakatok at pupuntahan si Ronald) : chief! Meron nanaman kaming nahuli na nagrarally don sa
labas ng bahay ni Senator Rocky, halos nasa sampu rin ung nadakip namin!

RONALD (habang nakaupo sa kanyang upuan) : sige ikulong nyo na muna ng 24 hours para matuto! Pag
may nagpuntang kamag-anak o magulang palayain nyo pero pagawan mo muna ng kasunduan na hindi
na sila uulit, dahil ako punong puno na ko diyan sa mga yan!

SPO1: sige chief! Kami na bahala sa mga pasaway na yon!

RONALD: buti naman! Oh! Nag miryenda na ba kayo? Ayan may pagkain diyan, magsikain muna kayo!

SPO2 (kukuha ng pagkain): Salamat chief! Ang sarap nento ah! Ang galing naman talaga magluto ng
asawa mo, samantalang yung asawa ko walang kwenta! Yun na nga lang gagawin hindi pa magawa ng
tama!

RONALD: binili ko lang yan, halos isang linggo na din ako di pinagbabaunan non, masyadong busy sa
pagtatanggol sa mga patay gutom na magsasaka na pinagtanim lang ang gusto ehh pati lupa narin
iharvest!

SPO1: kaya nga chief eh! Akung ako sa may ari ng lupa, pinaglilibing ko na yun ng buhay! Masyadong
mga ambisyoso!

SPO2: pero chief, kung titignan natin ah.. halos isang linggo ng walang oras sayo yung asawa mo, baka
mamaya niyan, iba na pala ang hearing na inaattendan nyan! Hahahahhahaah

RONALD (mapapatayo sa galit): Gago ka ah! Anong akala mo saken!?? Inutil, na hindi malalaman kung
iniiputan na ng asawa?? Baka gusto mong bumulantang na lang sa kanto nyo na may nakasabit na “drug
addict ako” sa leeg?

SPO2: pasensya na chief! Hindi naman sa ganon!, pasensya na!

RONALD: Magsilayas na nga kayo! Pinapainit nyo ulo ko!

(lalabas ang dalawang pulis at mamatay ang ilaw)


TAGPO

SA LOOB NG HUKUMAN, maliwanag ang paligid, mula sa kinauupuan ng hukom, matatanaw sa kanang
bahagi ang pwesto ng taga-usig at sa kaliwang bahagi naman ay ang pwesto ng nasasakdal. Maayos na
nakahilera ang mga upuan at ang malyete (pamukpok) ng hukom.

Tagpo 6

Sari-saring emosyon ang bumabalot sa loob ng hukuman. Ang lahat ay naghihintay sa kung anong
mapagdidisiyunan ng korte habang nakaharap si Lourdes sa hukom upang umapela at magkaroon ng
susunod na pagdinig patungkol sa kaso ng “Frustated murder”

HUKOM (pupukpok ng tatlong beses): court is now in session, call the cases

CLERK OF COURT: For arraignment, Criminal case No. 24689 People of the Philippines, Mr. Onin Reyes
for the crime od frusted murder, appearance for prosecution and the defense counsel.

HUKOM: Is the acused around?

CLERK OF COURT (tatawagin ang nasasakdal): yes your honor, please approach the bench

HUKOM: Do you have a lawyer?

NASASAKDAL: wala po your honor

HUKOM (tatawagin si Lourdes): atty. Lourdes Villar will be appointed as the lawyer of the acused.

LOURDES (Tatayo at pupwesto sa nasasakdal) : yes your honor.

CLERK OF COURT : On September 17, 2016, at about 6 PM, Ms. Delos Santos (the victim) with her
fiancèe Jim Dorozan was conducting a party as celebration for their engagement in the apartment. On
the said party, Ms. Delos Santos lost consciousness and taken to the hospital. The findings of the doctor
said Ms. Delos Santos ingested a cyanide-contained-substance a kind of poison. According to Ms. Delos
Santos she ingested the grape juice and coffee given by Mr. Onin Reyes during the day which was said
that contained the poison.

HUKOM: Do you understand the crime charged against you?

NASASAKDAL: Yes, your honor.

Clerk of Court: What is your plea?

NASAKDAL : Not guilty, your honor.


Clerk of Court: The accused pleaded not guilty your honor.

HUKOM : Let it be on the record that the accused pleaded not guilty for the crime of frustrated murder.
The information was read to him in English, a language known and understood by the accused. Also,
Atty.Lourdes, the defense counsel of the accused assisted him in this arraignment.

LOURDES : Your honor, we would like you set the case for trial on October 19, 2107.

HUKOM: Are you amenable with the schedule defense counsel?

Defense Counsel: Yes your honor.

HUKOM Okay, set the trial of the case on February 19, 2020. We only have one case for today?

Court Stenographer: Yes, your honor.

HUKOM: In today's trial the arraignment of Mr. Reyes in Criminal Case No. 24689 is conducted. The
information is read to him in English a language known and understood by him. Defense counsel Atty.
Ronilo Subaan and Atty. Lourdes Villar assisted the accused. The accused pleaded not guilty for the
crime charged against her.

HUKOM : No objections both for prosecution and defense, the case is set for trial on October 19, 2017.
Notifu the parties thereof. Case dismissed (pupukpok)

(matapos idismissed ang kaso)

NASASAKDAL (kakamayan si Lourdes) : Salamat atty. Sana mapanalo natin yung kaso na to kase wala
naman po talaga kog ginawang masama.

LOURDES (tatapikin ang balikat ni Onin) : huwag kang mag-alala, kakampi natin ang katotohanan, hindi
ko hahayaang may makulong na inosente, sa ngayon ay kailangan muna nating paghandaan ang susunod
na pagdinig. Kaya magpahinga ka muna dahil mahaba haba ang laban na to!

NASASAKDAL: Salamat po ulit Atty. Lourdes!

(aalis si Onin at mamamatay ang ilaw)

TAGPO

SA TAHANAN, madilim ang paligid dahil sa ang mga ilaw ay walang sindi, pawang tunog lang ng balita sa
Radyo ang mapakikinggan sa loob ng tahanan. Mga nagkalat na upos ng sigarilyo at mga bote ng alak na
walang ng laman ang tanging masisilayan sa magulong lamesita sa sala.

Tagpo 7
Dahan dahang papasok sa loob ng madilim na tahanan si Lourdes. Doon nya makikita ang mga nagkalat
na bote, upos ng sigarilyo at ang kanyang asawang naka upo sa sahig ng sala na tila halos pumikit na ang
mga mata sa sobrang kalasingan.

LOURDES (dahan dahang animoy takot na takot na pupunta sa sala upang linisin ang kalat ngunit
masisipa nito ang bote)

RONALD (dahan dahang magigising) : ohh! Andito na pala yung magaling kong asawa!? Kamusta ang
pakikipagkita mo sa lalaki mo ha!

LOURDES (kinakabahang sasagot) : ano nanamang yang pinagsasabi mo ha?,, la-la-ki? San mo naman
nakuha yan?

RONALD (hihigitin ang suot na coat ni Lourdes) : ABAY TARANTADO KA AH! Lumapit ka dito ng Makita
mo nanaman ang hinahanap mo!

LOURDES (mahuhubad ang coat at makikita ang napakaraming pasa) : ano ba Ronald! Tama na! tigilan
mo na ko parang awa mo na! (tuloy ang pag-agos ng luha)

RONALD (tuloy paren ang pambubugbog): tigilan?? Gago kaba? Dahil sayo walang tigil ang
pangangantyaw ng mga kasamahan ko saken! Ano! Ha! nanlalaki kaba!??

LOURDES: tama na!,, huhuhuh ano bang pinagsasabi mo parang awa mo na! sobrang saket na ng
katawan ko dahil sa pambubugbog mo! Wala naman akong ginagawang masama para gawin mo to!

RONALD (hihilahin ang buhok ni Lourdes) : baaaket ha!!?? ANONG GAGAWIN MO!? Ipapakulong mo
ko?? Tatawag ka ng pulis ha!?? gago ka ba ?? eto oh! Pulis ako! Pulis ako!

LOURDES (sisigaw sag alit): oo nga pulis ka nga! Pero imbis na isa ka sa mga magtatanggol, isa ka pa sa
mga dimonyong pulis na inaabuso yung posisyon nila!!

RONALD (sasabunutan pa lalo si Lourdes) : talagang nasagot kapa ha!! di ba abogado ka ha!!? bat hindi
mo ngayon ipagtanggol ung sarili mo ha! lumaban ka! (sabang tulak ng malakas kay Lourdes)

LOURDES ( iyak lang ng iyak)

RONALD (duduruin si Lourdes) : wala kang kadala dala Lourdes! Sa susunod hindi lang mga pasa ang
aabutin mo saken! Sa pamamahay na to! AKO ANG MASUSUNOD!! KAHIT ABOGADO KA PA O
PRESIDENTE WALA KONG PAKIALAM! ASAWA LANG KITA!!!

(bubukas ang ilaw ang darating si Lara)

LARA (mapapadaan sa kanyang magulang) : sinaktan mo nanaman si mama ..(malumanay na sabi ni


Lara)

RONALD (titingin kay Lara at Ituturo ito) : isa kapa! Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong
madamay!
LARA (titingin na parang walang gana) : sino bang may sabing mangingialam ako? Ano pa bang bago?
Yan ngang abogado hindi nya mapagtanggol sarili nya ako pa kayang.. (pabulong na sasabihin) adik lang?

RONALD: Nasan na yung ate mo!?? Kahapon pa hindi umuuwi yun ah! Nakita mo ba sa school nyo?

LARA (sarcastikong sasagot): hindi ko Nakita, baka nag-aaral para masabitan mo ng medalya, makaalis
na nga

(papasok sa kwarto si lara at mamatay ang ilaw)

TAGPO

MAKIBAKA WAG MATAKOT -- ALAS DIYES NG UMAGA, malinis ang kalye, walang mga sasakyan. Makikita
ang iba't ibang plataporma na nakasulat ang "Martial Law tuldukan". May mistulang rehas sa gawing
kanan ng kalye. Sa gitna ang malaking tarpaulin na may nakasulat na "Tigilan ang pasistang
pamahalaan". Sa kaliwang bahagi ng mga nagra-rally ay ang effigy ni Marcos at Duterte.

Tagpo 8

Nagkalat ang hanay ng kapulisan sa paligid na sasalubong sa bulto ng mga aktibista at ralliyista. Maririnig
ang sigawan sa di kalayuan. Sabay-sabay ang pagpadyak ng mga paang tunog ng may iisang
pinagsisigawan.
Maririnig din ang ingay ng tunog ng mga makabayang awitin na tumutuligsa sa pamahalaan. Maririnig
rin ang ingay ng mga nasa kilos-protesta. Ang lugar ay maliwanag upang ang tuon ng tao sa tanghalan ay
sentro sa nangyayaring protesta. Hawak ni Lorna ang mikropono na pinanungunahan ang kilos-protesta
sa Mendiola.

(Unti-unting nagkukumpulan ang iba't ibang sektor ng lipunan para sa gaganaping kilos-protesta)

LORNA ( pasigaw na magsasalita) : Mga kababayan nagtitipon-tipon tayo ngayon upang labanan ang
mapangabusong rehimen. Narito tayo para ipagsigawan ang pagpapatigil ng Martial Law sa Mindanao.
Ang masa lalaban para sa Kalayaan!!!
MASA (sabay-sabay sisigaw) : Ang masa lalaban para sa kalayaan!
LUMAD (sisigaw) : Itigil na ang Development Aggression ng bulok na sistema ng pamahalaan na
pumupuksa sa libo-libong katutubong mamamayan at nagwawasak ng ari-arian at mga kabuhayan.
Maraming buhay na ang nawala,maraming dugo na ang dumanak at may mga inosenteng tao na ang
nadadamay.

(May mga pulis na humaharang sa daanan,kaya naman naalarma ang mga raliyista. May isang
raliyista ang binato ang pulis kaya naman nagkagulo at gumanti ang mga ito,hanggang sa nagkaroon
ng sugatan sa bawat panig. Lahat ng mga aktibista ay dinala sa presinto ng mga pulis.)
(mamatay ang ilaw)

TAGPO

SA LOOB NG KULUNGAN, nakabibinging ingay ang umaalingawngaw sa apat na sulok ng lugar.


Tumatambad ang nakasusulasok na amoy ng naghalong ihi, dumi at amoy ng mga nakakulong dito.
Halos hindi na mahulugan ng karayom ang espasyo ng lugar. Sa kabilang banda ay mga nakayapos ang
kamay ng mga preso sa nangangalawang na rehas.

Tagpo 9

Isa-isang dinudumog ang pasilyo ng rehas ng mga aktibistang nahuli matapos ang ingkwentro sa mga
pulis sa kanto ng mediola. Napakainit ng lugar, siksikan ang mga taong sugutan gawa ng nanlaban sa
kapulisan. Ang mga nahuli ay tulala at ang iba nama’y pilit na nakikipag-usap sa mga pulis na ilabas na sila
sa kulungan. Si lorna, bilang pinuno ng samahan ay walang takot na pinagmumura at pinagsisigawan ang
mga pulis na tinatawanan na lamang siya dahil sa tapang na kanyang pinapakita kahit na nasa loob ng
rehas.

Pulis 1: Ayan! Mga siraulo kasi kayong pilit na kinakalaban ang gobyerno. Magtiis kayo d’yan.

Aktibista (pasigaw ) 1: Wala kayong karapatan na ikulong kami! Ilabas niyo kami rito.

Pulis 2: Manahimik ka! ( Sabay tutok ng baton sa nagsasalitang aktibista) Gusto niyong lumabas? Pwes,
Magtino kayo!

Lorna: Gusto niyo kaming manahimik? (Sabay dura) Maging patas kayo sa’min! Hindi kami mananahimik
hanggang ang rehimeng duterte ay pwersahang minamaliit ang mamamayang pilipino.

Pulis 2: Palaban ka talaga ka ah. Tignan natin yang angas mong babae ka! Nando (Pulis 1), tanong mo nga
kay chief kung anong plano dito sa mga siraulo na ‘to.

Pulis 1: Sige sir, lakarin ko na.


(mamatay ang ilaw pagkaalis ng pulis.)

(Pinuntahan na ni Pulis 1 si Chief Ronald sa kanyang opisina. Nasaksihan niya ito na may ginagawa sa mga
papeles sa kanyang lamesa. Medyo ‘di maayos ang itsura nito at halatang pagod na sa dami ng ginagawa
nito.)

Pulis 1 (kakatok ng tatlong beses at sabay papasok) : Magandang hapon po chief (sabay saludo)
Pinapatanong po ni Major Garcia kung anong planong gawin sa mga nahuling aktibista sa mediola.

Chief Ronald: hindi parin ba tumitino?

Pulis 1: Hindi chief, matitigas.Pilit na nakikipagtalo. Nag-iingay lang sa rehas nila, at nga pala chief halos
ung iba sa kanila ay yung nahuli narin natin dati na gumawa ng kasulatan .

Chief Ronald: Punyeta ‘yan! Talagang walang kadala dala!. Ang dami ko pang trabaho dumadagdag pa
yang mga hayop na ‘yan.

Pulis 1: Ano pong gagawin namin chief?

Chief Ronald: SIge idespatya niyo ‘yang mga yan. Pahirapan niyo para matauhan ‘yan. Mga walang silbi sa
lipunan.

Pulis 1: Sige chief, makakaasa ka sa amin. ( Sabay saludo at alis na sa opisina)

(mamatay ang ilaw)

Makikita ang pagpapahirap kay lorna ng mga nakatagong mga mukha sa telang suot suot nila na todo
hataw ng latigo sa kinauupuan niya na pilit na nakikiusap na itigil na yung ginagawa sa kanya. Sa kabilang
banda ay matatagpuan ang kanyang ama na si Chief Ronald habang nagyoyosi kasama ang iba apng mga
pulis na naghihintay na matapos ang ginagawa ng kanyang mga tauhan.
Lorna: (habang naiyak) parang awa niyo na, nahihirapan na ako. Mga baboy kayo! Wala kayong mga puso!
Ilabas niyo na ako dito.

Pulis 1: Diba? NAhihirapan ka na. Ganyan ang ginagawa namin sa mga kumakalaban sa rehimeng duterte.

Lorna: Ayoko pang mamatay. Kailangan pa ako ng pamilya ko. May pangarap pa ako. Pulis ang tatay ko,
pag nalaman nya tong pinag gagawa nyo saken tiyak malalagot kayo!!. Parang-awa niyo na pakawalan nyo
na ko, at kung tatapusin niyo na ako gawin niyo na. Pero asahan niyo na ang inang bayan ang magiging
hukuman niyo na siguradong hahatulan kayo ng konsensya sa inyo habang buhay.

(mamatay ang ilaw)

TAGPO

SA BASURAHAN, makikita na nakahandusay ang katawan ni lorna, halatang-halata ang pagpapahirap sa


kanya batay sa kanyang mga pasa at sugat sa buong katawan. Habang may nakasabit sa kanyang leeg na
“addict ako, huwag tularan”

TAGPO 10

Iba’t ibang ingay ang maririnig habang nakapalibot ang mga tao sa bangkay ni Lorna, habang patuloy ang
pag-agos ng luha ay dali daling tatakbo papunta sa bangkay ng anak si Lourdes.

LOURDES (papalit sa bangkay ng anak) : anakkkkk!!!! Baket??? Sinong may gawa sayo nito?? Alam kong
hindi ka drug addict pero bakit ganyan??? Bakit, BAKIT NAKAHANDUSAY KA DITO!!?? Huhuhuhuh anak
gumising ka!!!

MGA TAO (habang nagbubulung bulungan) : grabe naman ang sinapit ng anak ni Lourdes,,

Chismosa 1 : kaya nga!, siguradong mananagot sa batas ang may kagagawan nito!

Chismosa 2: tama ka! Mali sila ng napagtripan! Magaling na abogado si Lourdes at kagalang galang at
nasa mataas naman ng posisyon ang kanyang ama na si Ronald kaya makukuha nila ang hustisyang
kailangan nila.

LOURDES (TATAWAG SA TELEPONO HABANG NAIYAK) : Ronald huhuhuuh,,, si Lor-na,, wala na si Lorna
huhuhuhuhuhu
(sa kabilang linya )

RONALD : ANO!??? BAKET?? Anong nangyare??? Asan si Lorna?? Asan ang anak ko??

LOURDES: basta basta nalang syang tinapon sa basurahan, halatang tinorture muna ang anak mob ago
pinatay huhuhuuh anong gagawin ko! Kaialangang may managot dito! Hindi ako titigil hanggang hindi
nakukulong ang gumawa nito!

RONALD: Lourdes umamin ka nga saken! Sumasama ba sa rally yang si Lorna!????

LOURDES: AH EHHH.. bat ba yan ang tanong mo!?? Patay na nga ang anak mo ayan parang ang inaalala
mo!??

RONALD: PUTANG IN*!! SAGUTIN mo nalang ang tanong ko Lourdes!!!!

LOURDES: OO!! Sumasama ang anak mo sa rally!!! Pinaglalaban nya ang masa habang ikaw ! ang
pinaglalaban mo ay ung mga Walang kwentang tao!!!!

RONALD (habang naiyak) : PUTANG IN***,,, hindi pwede toh! Baket si Lorna pa!??? (end call)

(mamatay ang ilaw)

TAGPO

SA LOOB NG HUKUMAN, KASALUKUYAN, maliwanag ang paligid, mula sa kinauupuan ng hukom,


matatanaw sa kanang bahagi ang pwesto ng taga-usig at sa kaliwang bahagi naman ay ang pwesto ng
nasasakdal. Maayos na nakahilera ang mga upuan at ang malyete (pamukpok) ng hukom.

Tagpo 1

Sa eksaktong ika- 10 ng umaga ay ipinukpok ang malyete bilang hudyat ng paghatol. Nakabibinging
katahimikan ang namayani sa loob ng hukuman, magkayakap sina Ronald at Lourdes habang patuloy ang
kanilang pagtangis.

HUKOM: Dahil sa mga ebidensyang nakalap at sa matapang na pag-amin ng akusado, ikaw former Chief
of Police Ronald Villar, ay nagkasala sa pagpapatay kay Ms. Lorna Villar ayon sa Criminal case No. 24689.
Ikaw ay hahatulan ng 50 yrs na pagkakakulong at magmumulta ng 100, 000 piso. Case close (tatlong
beses pupukpok)
(Si Ronald ay akto ng dadakipin ng mga pulis ng dahan dahan itong lapitan ng kanyang lumuluhang
asawa na si Lourdes)

LOURDES ( nakayakap sa asawa habang umiiyak) : baket? Huuuhu baket si Lorna pa? kaya kong tiisin
ang lahat ng pambubugbog mo pero kung pati ang anak natin Ronald? Hindi ko na kayang tiisin yon
huhuhuhuh

RONALD: patawad Lourdes uhuhuhuhu hindi ko alam…. Patawad sa lahat lahat.. siguro ngay huli na ang
lahat pero araw araw paren akong hihingi ng tawad sayo, at sa mga anak natin huhuhuh ikaw na ang
bahala sa natitirang anak natin.. ikaw na bahala kay Lara

(mamamatay ang ilaw)

HULING TAGPO

Sa loob ng madilim na silid, matatanaw si Lara na pinapalibutan ng usok na nagmumula sa kanyang


sigarilyo. Basag na bote, nagkalat na upos at duguang kamay ang kaagad mong mapapansin pagpasok sa
kanyang silid.

Lara ( habang nagyoyosi at naiyak) : hahaaha.. tang inang buhay toh?? Sobrang saya hahahaah!!
Nakulong na rin sa wakas ung dimonyo kong tatay na walang ibang ginawa kundi bugbugin yung nanay
kong martir! Huhuhuhuh wala na rin ate kong lagi ako kinukumpara! Tignan mo nga naman ang buhay!
Kung sino pa ung walanh kwenta sya pa ung nagtatagal sa putang in*ng mundo to!! Siguro nga tama sila
hahaahha ang mga masasamang damo matagal mamatay!! Kaya alam mo na!? (turo sa salamin)
masamang damo ka kaya hanggang ngayon nandito kapa!!

(patay ng ilaw) the end

You might also like