Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

IBA’T IBANG HENERASYON:

TRADITIONALIST:
1900-1945
Baby Boomers:
1946-1964
GenX:
1965-1980
Millenials:
1981-2000
Generation Z:
2001-kasalukuyan

Sawikaan
- isang taunang kumperensiya sa wika at timpalak na itinataguyod ng Filipinas
Institute of Translation, Inc. (FIT), isang NGO na nagsusulong sa pagsasalin at
pagpapaunlad ng modernong Filipino.

- -inaaral nito ang kabuluhan ng salita sa lipunan o sa buhay ng mga Filipino

- naging isa itong venue o okasyon upang pag-usapan ang mga salitang nagiging
bahagi ng diskursong Filipino sa araw-araw at natural na pumapasok sa
bokabularyo ng wikang Filipino

Maaring kilalaning Salita ng Taon ang anumang salita na:

1. Bagong imbento
2. Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika
3. Luma ngunit may bagong kahulugan
4. Patay na salitang muling binuhay

Sa pamimili ng Salita ng Taon, pangunahing batayan ang sumusunod:

1. Kabuluhan ng salita sa buhay ng mga Filipino at/o pagsalamin nito ng katotohanan o


bagong pangyayari sa lipunan;
2. Lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang retotika o ganda ng paliwanag, at
paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig;at
3. Paraan ng presentasyon

Ang pinagdaanan ng wika sa konteksto sa lipunang Filipino:


 Panghihiram ng mga salita:
-karaniwang nagpapayaman sa wika at madalas, banyagang wika ang pinagmulan dulot ng
karanasang konlonyalista.
Hal. History Pilipinas (Kastila, Hapon, Amerikano)
ESPANYOL
May iba na nanatili ang mga kahulugan ngunit may ibang binibinyagan ng panibagong
kahulugan.
Hal.
Conyo ( ari ng babae)
-itinutulad sa uri ng wika ng mga kolehiyala o mga anak mula sa mayayamang salita
(Taglish, Enggalog)
Kerida (querida, babaeng minamahal o pinakamamahal)
- kabit o kalunya

 Paglikha ng Bagong Salita na Pantumbas sa Bagong Karanasan:

Ang salitang “laya” sa panahong napakataas ng pagnanais lumaya ng mga Filipino mula sa
kolonyalismong Espanyol.
Kinikilala bilang “bagong pangangailangan” bunsod ng pag-usbong ng damdaming
magpapapalaya.
Laya- “Libertad” sa Espanyol
Ang salitang laya ay nagsisilbing code o senyas na sila ang nakakaalam sa layunin ng
seguridad.

 Neolohismo o Paglikha ng Bagong Salita


“Neolohismo” –paglikha ng mga bagong salita
Mula sa salitang griyego na “bagong salita”
Neo-bago
Logos-pananalita o pagbigkas

 Paglikha ng Bagong Kahulugan sa mga Lumang Salita:


Kalakal- ginagamit sa komersyo noong panahon ng Tsina
-pagkuha na ng mga recycled materials

Iba pang Salik sa Pag-unlad ng WIKA:


Pagiging Malikhain ng mga Filipino sa bawat isyu, kontrobersiya, uso, o pangyayari
ay may nalilikhang mga salita na pinapalaganap ng iba’t ibang pangkat na may magkaibang
edad, lahi, larang, kasarian sa pamamagitan ng iba-ibang pamamaraan gaya ng teknolohiya
midya, musika, pelikula, atbp.
Sa larang ng TEKNOLOHIYA, sangkaterbang terminong panteknolohiya rin ang
naiimbento.
Ang “google” ay isang search engine sa internet ngunit ginagamit bilang pandiwa
ang “i-google” na nangangahulugang hanapin sa internet.
Hal.
Fb, blog, trending, Android, Lobat, Selfie
Sa grupo ng mga HOMOSEKSWAL, hindi na mabilang ang kanilang kontribusyon at
nailistang termino bilang pantawag lamang sa kanilang pangkat.
Hal. Bading, bakla, baklush, t-bird, jokla, tsorva, tsugi,workibells (trabaho o work),
kalurkey (kaloka o crazy), anekwaboom (ano o what) at heller (hello).
- Dahil sa isyu sa “POLITIKA”,
Hal. 2011 ang “coronavela”- dahil ito sa kainitan ng impeachment trial ni CJ Renato
Corona, malatelenobelang paglilitis sa senado ng kasong plunder o pandarambong
 Ekonomiya
 Kulturang Popular
 Agham
Tatlong Uri ng Larangan ng Wika

Di Mahalagang Larangan (Non Controlling Domain)


- puno ng kalayaan ang isang tao kaugnay sa paggamit ng wika

Halimbawa:
Hal. Ang larangan ng tahanan at lingua franca
Medyo Mahalagang Larangan (Semi-Controlling Domain)
- hindi kasinghigpit ang paggamit ng wika
- ang isang nagsasalita ay hindi nalilimitahan at bahagyang may kalayaan gamitin ang
isang wika
Hal. Larangan ng Entertainment
Mahalagang Larangan ng Wika (Controlling Domain)
- nangangailangan ng katiyakan at wastong gamit ng mga salita
- ginagawa sa mataas na karunungan gaya ng : batas, midya, paaralan, pamahalaan,
industriya, negosyo, komersiyo at iba pa
- nangangailangan ng mabuti o wastong pagbasa at pagsulat

You might also like