Professional Documents
Culture Documents
EL Fili Part 1
EL Fili Part 1
EL Fili Part 1
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal, ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 sa Biñan,
Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda na doon din nag-aral. Binuhay niya ang
pamilya nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay si Francisco Mercado noong
Enero 5, 1898.
TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda de Rizal y Quintos): Si Teodora Alonso ay
ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila. Siya ang
ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa
Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado. Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa
tatay ni Jose Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba, Laguna. Si Teodora ay naging isang
masipag at dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya
sa agrikultura. Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob ng dalawa't kalahating taon dahil
pinagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga pagpapahirap. Dahil sa
malabong mga mata ni Teodora, napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina. Namatay si Teodora
Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911 sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang kahinaan.
Si Teodora Alonso bilang unang guro ni Rizal. Mula sa “Ultimo Adios” (Last Farewell
of a Foolish Moth) ng Heroes Square Heritage Corporation sa Intramuros. Siya
ang naging pinakaunang guro ni Pepe. Si Doña Lolay ay pambihira sa mga babaeng
india noon. Siya ay nakapag-aral sa Colegio de Sta. Rosa sa Intramuros at pinag-
aral din niya maging ang mga anak niyang babae sa Maynila. Kaya naman naituro
niya kay Pepe ang pagmamahal sa karunungan,binabasahan siya sa tuwing gabi ng
isa sa koleksyon nila ng mga isanlibong aklat.
Si Pepe bilang isang artist. Mula sa Vibal Foundation. Wala ring Rizal na
bayani kung wala ang paggabay sa kanya ng kanyang Kuya Paciano,
isang makabayang kaibigan ng binitay na si Padre Burgos, na nagturo
sa kanyang mahalin ang bayan, at ang kanyang mga kapatid na babae,
ilan sa kanila magiging kasapi kasama ni Paciano ng Himagsikan.
Noong 5 Mayo 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at
mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong mag-
aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad
Central de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang
karerang Medisina, bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod
na taon, nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa
Pransiya at nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang
klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung
saan nakatamo pa siya ng isang titulo. Sa taon din ng kaniyang
pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng wikang Ingles, bilang
karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng Pranses.
Dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles,
Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso,
Sanskrit, Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
RIZAL- hindi siya nasiyahan sa kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas
-sa kanyang palagay, ang kanyang propesor ng Dominiko ay galit sa kanya, may
mababang tingin sa mga Pilipino at ang kanilang tinuturo ay masamaat makaluma
Dahil sa mga ito, siya ay pinayuhan ning Antonio Rivera, Paciano at Saturnina na
mag-aral ng medisina sa ibang bansa. MGA PINUNTAHANG BANSA: Mayo 8, 1882-
Singgapor · dinalaw ang mga makasayasayang pook, ang hardin botaniko, mga
templo atmga tanghalan ng sining Hunyo 15, 1882- Barcelona · hindi nasiyahan
dahil siya‟y sanay sa malalaki at magagandang otel at magalang na pakikitungo sa
mga panauhin · sinulat niya ang “Amor Patrio” o “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”
Setyembre- Madrid · Universidad Central de Madrid (Medisina, Pilosopiya at
Panitikan) · Academia de San Fernando (pagpinta at eskultura) · Umibig siya dito
kay Consuelo na anak ni Don Pablo Ortega y Rey na nagging alkalde ng Maynila ·
Isinulat ang “A La Senorita C. O. y R.” o “Kay Binibining C. O. at R.” · Natamo niya
ang lisensya sa panggagamot sa Pamantasang Sentral ng Madrid (Hunyo 21, 1884) ·
Nagwagi si Rizal sa isang paligsahan sa wikang Griyego (Hunyo 25, 1884) · Pumunta
siya sa handaan handog kina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo para magbigay ng
isang talumpati. Pagkatapos ng handaan ay hinanda ni Rizal ang kanyang pagsulat
ng unang kabanata ng Noli Me Tangere. · Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa
Pamantasang Sentral ng Madrid sa Pilosopiya, Medisina at Panitikan ngunit hindi
niya nakuha ang kanyang diploma sa pagkadoktor. Oktubre 1885- Paris · Naging
katulong at mag-aaral sa klinika ni Dr. Loius de Wicker na isang Pranses at
magaling na manggagamot sa mata Pebrero 3, 1886- Heidelberg (lungsod ng mga
mag-aaral at ng industriya) · Pamantasan ng Heidelberg · Nagtrabaho sa klinika ni
Dr. Javier Galezonsky, taga- Poland at isa ring doktor sa mata · Nag-aral din kay
Dr. Otto Becker, isang Aleman na tanyag din sa paggamot ng mga karamdaman sa
mata Oktubre 29, 1886- Berlin ·Naging katulong sa klinika ni Dr. R. Schulzer, isang
Alemang manggagamot sa mata · Nag-aral dito tungkol sa panggagamot ng mga
karamdaman sa mata, agham at wika · Nakisalamuha sa mga siyentipiko at iskolar
na mga Aleman · Tinapos niya dito ang Noli Me Tangere Mayo 13, 1887- Austriya
Pebrero 8, 1888- Hong Kong · Natuwa sa mga sa panonoos ng mga palabas-dulaan
ng mga Intsik Pebrero 22-1888- Hapon ·
Nalaman ang kulutura ng mga Hapon lalo na ang wika ng mga ito · Umibig kay O
Sei Keio Abril 28, 1888- San Francisco Mayo 6, 1888- Oakland Mayo 24, 1888-
Liverpool Mayo 25, 1888- Londres Inanyayahan ni Dr. Rost na sumulat sa Trubner‟s
Record Nag-aral tungkol sa kasayasayan ng Pilipinas lalo na ang dahilan kung bakit
mababa ang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino Setyembre 1888- Paris Hinanap
ang Bibliothique Nationale Disyembre 11, 1888- Espanya Kinamusta ang mga
kababayan Disyembre 23, 1888- Londres Naakit kay Gertrude, anak ng may-ari ng
kanyang inuupahang bahay Nililok ang tatlong ulo ng magkakapatid na Beckett
Marso 1889- Paris Nagsasaliksik pa rin tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas Nag-
iskrima sa isang himnasyo Nagplano na magtayo ng eskwelahan para sa mga
lalaking Pilipino
JULIA :Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los
Baños, Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni
Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.
Ito ay hugis heksagona, may anim na bahagi o parte.Nagtrabaho si Rizal sa Dapitan bilang
isang manggagamot. Ang kanyang mga pasyente ay mga mahihirap na walang kakayahang
magbayad at mga mayayaman na nagbabayad ng malaki sa kanyang panggagamot. Dito
rin ginamot ni Rizal ang kanyang ina nang ito ay tumira ng halos isa‟t kalahating taon.
Nakilala ang kahusayan ni Rizal sa panggagamot. Sinasadya siya ng mga pasyente mula
sa iba‟t ibang panig ng daigdig. Naging interes din ni Rizal ang mga lokal na halamang
gamot. Inumpisahan din niya ang ilang proyektong pangkomunidad sa Dapitan, ang
pagpapatayo ng sistemang patubig upang magkaroon ng malinis na tubig sa bawat bahay
ng Dapitan, paglilinis ng mga latian upang mawala ang malaria, paglalagay ng pailaw sa
lansangan ng Dapitan at pagpapaganda ng liwasan, at ang paglalagay ng mapa ng
Mindanao sa plasa.
Naging masaya ang paninirahan ni Rizal sa Dapitan. Ang mahabang panahong
ito ay ginamit din niya sa pagtuturo ng mga kabataan sa Dapitan. Tinuruan
niya ang mga ito ng mga aralin sa wika, heograpiya, kasaysayan,
matematika, gawaing industriyal at iba pa. Ilan sa mga Agham na iniambag ni
Rizal ay ang pagpasok niya sa mga kagubatan at baybay dagat ng Dapitan
para sa paghahanap ng mga specimen upang ipadala sa mga museo ng
Europa. Nakapag-ipon siya ng 346 na uri ng mga kabibi at natagpuan niya
ang species ng Draco rizali, Apogonia rizali at Rhacophorus rizali.
Ipinagpatuloy ni Rizal ang pag-aaral ng iba‟t ibang wika sa Dapitan.
Natutunan niya ang wikang Bisaya, Subuanin, at Malayo. Ang kahusayan sa
larangan ng sining ay makikita pa rin kay Rizal sa panahon ng pagkakatapon
niya sa Dapitan. Gumuguhit siya ng mga bagay na nakaakit sa kanya at nililok
niya ang Paghihiganti ng Ina, ang ulo ni Padre Guericco, at estatwa ng isang
babaeng taga-Dapitan. Nagpakita din ng angking pagkamalikhain si Rizal sa
Dapitan sa pamamagitan ng paglikha ng mga sulpukan, isang pagsindi ng
sigarilyo na gawa sa kahoy at makina sa paggawa ng bricks.
\
Alas sais ng umaga, habang naghahanda para sa martsa sa Bagumbayan, inihanda ni
Rizal ang kanyng huling sulat para sa kanyang ama at ina. Nagsimulang umalis ang
martsa mula sa Fort Santiago patungo sa Bagumbayan sa ganap na ika- 6:30 ng
umaga. Apat na sundalong Espanyol na nakabaril at bayoneta ang nasa harapan, sa
likuran si Rizal na mahinahong naglalakad kasabay ni Tinyente Luis Taviel de Andrade
sa isang tabi at si Padre March at Villaclara sa kabila. Sa likuran ay ang maraming
mga sundalong Espanyol na nasasandatahan. Sa panabi ng martsa ay ang hanay ng
mga taong nanonood. Sa pagdating ni Rizal sa Bagumbayan, mas maraming bilang ng
mga tao ang naghihintay upang saksihan ang gagawing pagbaril kay Rizal. Siya'y
nakiusap sa kapitan ng infanteríang mag-uutos sa mga sundalo sa pagbaríl sa kanya,
na siya'y barilín ng paharap, ngunit ito‟y hindi pumayag at sinabing ang iniutos sa
kanya ay barilin si Rizal ng nakatalikod. Sinabi niya sa mga babaril sa kanya, ” Mga
kababayan, huwag ninyo akong babarilin sa ulo; patamain ninyo ang bala sa tapat ng
puso.” Nagpaalam si Rizal kay Luis Taviel de Andrade at sa mga humatol sa kanyang
doo'y kaharap, na kanyang kinamayan sila ng mahigpít, at nagsalita sa mg a paring sa
kanya'y umaacbay, ” Pinatatawad ko ng taos sa puso ang lahat!” Humarap ng kusa
sa dakong dagat, sa makatuwid ay tinalikuran niya ang pulutong ng mga sundalong
sa kanya'y babaril. Ang pulutong na ito'y walong sundalong Pilipino ng regimiento
num. 70, na ang mga dala'y fusíl Remington. Sa likuran ng pulutong ng mga Pilipino'y
may isa pang pulutong na binubuo ng walong sundalong Kastilang mga cazador, na
ang dala'y Mausser naman, sa panganganib ng mga punong Kastíla na baka di
bumaríl ang mga sundalong Pilipino sa kapwa Pilipino. Nakatindíg si Rizal, unat ang
katawan, tunghay ang ulo, nakalaylay ang mga kamay sa tagiliran ng katawan,
masaya ang mukha; hinihintay ang pagbaril sa kanya. Nilapitan siya ni Dr. Castillo,
isang manggagamot ng hukbong Espanyol, at ito‟y pinulsuhan at ito‟y humanga sa
normal na tibok ng pulso nito. Hindi nalao‟t nariníg ang tunóg ng putok ng walong
fusíl Remington, kasabay ng ganitong malakas na sabi ni Rizal: ”Consumatum est!
.
Padre Salvi - Ang paring Franciscanong dating kura ng
bayan ng San Diego.
Hermana
Penchang - Ang mayaman at madasaling babae
napinaglilingkuran ni Juli.