Sa pusod ng isang luntiang gubat, nakatago ang isang napakatandang
balon.Namumuhay sa balon na ito ang isang diwata na kumikinang at nagliliwanag sa kagandahan at kabaitan. Kilala sa buong gubat at mga tao ang diwatang iyon bilang si Ruve, ang diwata ng buhay at pag-asa. Tuwing gabi ng asul na buwan, lumalabas ang napakamarikit na diwata. Sa gabing iyon, ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang diwata. Binibigyan niya ng buhay at pag-asa ang gubat at linalagyan ng hiwaga ang tubig sa balon upang ang sinuman na uminom sa tubig ng mahiwagang balon ay mabibigyan ng ibayong lakas at pag-asa upang mabuhay. Kaya, bilang kapalit, binabantayan at inaalagaan ng mga tao ang gubat kung saan naninirahan ang diwata ng buhay at pag-asa, si diwatang Ruve. Araw ng Pamilya Ni: Hobbe Jess Tapayan
Napakaaliwalas ng panahon at kaysaya ng paligid. Kitang-kita ko ang mga tao na
atubiling naghahanda para sa parada. Sa aking paglalakad, nadaanan ko ang kulay kalangitan ng pamilyang Perfect Blue at napansin ko rin ang hindi magpapatalo na Unkabogable Purple. Sa aking pagpapatuloy, narinig ko ang nakakabinging musika ng banda at mga paaalala ng host para sa selebrasyon. Nang akoý tumingalasa langit, natanaw ko ang kulay pula’t dilaw na mga banderitas. Nakaramdam ako ng saya at kaba ngunit bumalik ako sa sariling nakita ko ang aking pamilya, ang nagliliwanag na kapamilya gold.