Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Jm c

Banghay Aralin Filipino VI

I.Layunin:
Nakapagbibigay ng mga salitang kilos.
Nabibigyang halaga ang iba’t - ibang gawain sa tahanan na gamit ang salitang kilos.
Nagagamit sa pangungusap ang mga pandiwa.

II. Paksang – Aralin


A. Paksa: Pandiwa
B. Sanggunian: Wikang Filipino sa Nagbabagong Daigdig.
C. Kagamitan: Power point, mga larawan, tunay na bagay
D. Pagpapahalaga: Pagiging Matulungin

III Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Bata
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Balik – aral

Sa ating nagdaang aralin pinag - Ang kaantasan ng pang – uri ay


aaralan natin ang kaantasan ng pang- uri lantay , pahambing at
Ano – ano ang kaantasan ng pang-uri? pasukdol.

Ilan ang inilalarawan kapag ang pang - Isang pangngalan po o


uri ay nasa kaantasang lantay ? panghalip.

Ilan naman ang inilalarawan kapag Ito po ay naglalarawan sa


ang pang- uri ay nasa kaantasang dalawang pangngalan.
pahambing.

At ang huli mga bata, paano ilalarawan Ang pang- uri po ay nasa
kapag ang pang – uri ay nasa kaantasang kaantasang pasukdol
pasukdol ? kapag ang pangngalang
. inilalarawan ay nakahihigit
. o nakababang katangian.
Panuto: Tukuyin kung lantay , pahimbing o pasukdol

ang pang – uring may salungguhit sa pangungusap.

Isulat ang sagot sa patlang.

____________ 1. Pinakamataas ang bundok na iyon sa aming lugar.

___________ 2. Kasinghusay si Grace ng kanyang kapatid

____________3. Malakas tumahol ang alaga niyang aso.

____________4. Mainit pa ang champorado sa pinggan.

____________5. Napakatalino ng batang iyon sa klase.

B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Awit
Ang mga ibon na lumilipad.

2. Paglalahad
(Power Point Presentation)

Iba’t- ibang larawan ang ipapakita ng guro.

Anu – ano ang inyong nakita mga bata? Iba’t – ibang kasagutan ng mga bata.

Saan ninyo madalas ginagawa ang mga .


gawaing ito? Sa tahanan po.
Pandiwa – nagsaad ng kilos
O gawa
n

Pagtatalakayan

Ang nanay po ay nagluluto.

Ibigay ang gawain na nakikita ninyo


sa larawan mga bata.
Tama! Ang gawain na inyong nakikita ay
nagluluto. Ang salitang nagluluto ay
nagsasaad ng kilos o galaw. At ito ay
isang gawain sa inyong tahanan.
Nagluluto rin ba kayo sa inyong tahanan? Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.
Gamitin sa pangungusap ang salitang nagluluto. Iba’-ibang kasagutan ng mga bata

Ang bata po ay nagdidilig ng halaman.

Sa kasunod na larawan maari ba ninyong


Ibigay ang gawain na nakikita ninyo sa larawan?
Ang pagdidilig ng halaman ay isa ring gawain sa
tahanan.Ang salitang nagdidilig ay nagsaad ng
kilos o galaw.
Sino ang tumutulong sa pagdidilig ng halaman
sa inyong tahanan? Iba’t – ibang kasagutan ng mga bata.
Maari ba ninyong gamitin ang salitang nagdidilig
sa pangungusap. Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.

Ang mga bata ay naghuhugas ng pinggan.

Ibigay ang gawain na nakikita ninyo sa


larawan.
Ang paghuhugas ng pinggan ay isa
ring gawain sa tahanan. Ang naghuhugas
ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

Sino naman ang naghuhugas ng pinggan sa


inyong tahanan? Iba’t - ibang kasagutan ng bata.
Gamitin sa pangungusap ang salitang
naghuhugas. Iba’t- ibang kasagutan ng bata.

Ang kuya ay umiigib ng tubig.

Ibigay ang gawain na nakikita ninyo sa


larawan.
Ang pag- iigib ng tubig ay isa ring
gawain sa tahanan. Ang umiigib
ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

Sino naman ang umiigib ng tubig sa


inyong tahanan? Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.
Gamitin sa pangungusap ang salitang
umiigib. Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.
Ang bunso ay nagwawalis.

Ibigay ang gawain na nakikita ninyo sa


huling larawan.
Ang pagwawalis ay isa ring gawain
sa tahanan.Ang nagwawalis ay
salitang nagsasaad ng kilos o galaw.

Sino naman ang nagwawalis sa inyong Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.
tahanan?
Gamitin sa pangungusap ang salitang
nagwawalis. Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.

Mga bata! Ang salitang nagluluto , nagdidilig ,


naghuhugas, umiigib at nagwawalis ay iba’t- ibang
gawain sa tahanan.
Ang nagluluto, nagdidilig, naghuhugas, umiigib
at nagwawalis ay mga salitang nagsasaad ng
kilos o galaw.

Ano- ano pang gawain sa inyong tahanan


mga bata ang inyong ginagawa? Iba’t- ibang kasagutan ng mga bata.
Tama! Ang mga gawaing inyong binanggit ay
nagsasaad din ng kilos o galaw.

May iba pang tawag sa mga salitang nagsasaad


ng kilos o galaw.
Ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw
ay tinatawag na PANDIWA.

4. Paglalahat
Ano ang ating pinag- aralan mga bata Pandiwa po.
Ano ang pandiwa? Ang pandiwa po ay
. nagsasaad ng kilos o galaw.

Magaling!
5. Pagpapahalaga
Bilang isang bata paano kayo nakakatulong Tumutulong po sa
sa iba’t – ibang gawain sa inyong tahanan? gawain.
Ano- anong gawain ang inyong ginagawa sa
tahanan upang matulungan ang inyong mga Nagwawalis po.
magulang. Naglilinis.
Tama! Kahit mga bata pa lamang kayo ay kailangan
ninyong tumulong sa mga gawain sa inyong.
tahanan. Malaking tulong na ang inyong magagawa.

6.Paglalapat
A.Pasalita

Tatawag ang guro ng isang bata upang bumunot sa kahon ng salitang kilos at gagamitin ito sa
pangungusap .Magtatanong ang bata sa kanyang mga kamag- aral kung anong salitang kilos
ang ginamit niya sa pangungusap ang makakasagot ang siyang bubunot na muli.

B.Gawaing Pisara
Panuto: Bilugan ang salitang kilos na ginamit sa pangungusap.

1.Namili ng kamoteng kahoy ang aming lolo at lola


2. Ang mga paslit ay umawit ng kantang bahay kubo.
3. Nagmaneho si Anne ng bago niyang kotse.
4. Si Andres ay nagtanim ng mga halaman sa gilid ng bahay.
5. Ang mga damit namin ay inayos ni ate.

C. Pangkatang Gawain
Hahatiin ng guro ang mga bata sa dalawang pangkat.
Ang bawat pangkat ay bubunot sa loob ng kahon ng mga
gawain na kanilang isasadula.

Mga Gawain sa Tahanan Mga Gawain sa Paaralan


IV. Pagtataya

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salitang kilos.

1.uminom
_________________________________________________________

2.tumatakbo
_________________________________________________________

3.umaawit
_________________________________________________________

4.nagsusulat
_________________________________________________________

5.sumayaw
_________________________________________________________

V.Takdang Aralin

Sumulat ng limang pangungusap gamit ang salitang kilos.


LITTLE ANGELS MONTESSORE LEARNING CENTER
Atimonan Quezon
S.Y. 2019 – 2020

Banghay Aralin
sa
Filipino VI
K – 12 Curriculum

Inihanda ni:

MERELI G.TUŇACAO
Gurong Nagsasanay

Iniwasto nina:

VANESSA L. PIZARRO
Gurong Tagapagsanay

MILAGROS JEMIELYN A. MARTINEZ


Gurong Tagapagsanay
(Subject Teacher)

Inaprubahan nina:

BERNADETH D. MARQUEZ
Elementary Coordinator

ANGELITA L. ARAGON
FS 7 Adviser

You might also like