Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 32:

(Ang Ibinunga Ng Mga Paskin)

Kaisipan/Pahiwatig:

Ang mga kaguluhan at pambayang pagkatakot ay lumilikha ng kapinsalaan sa


kabuhayan. Nawawala ang seguridad, kaayusan, at maging kapanatagan ng
bawat mamamayan. Mainam lamang ito sa mga tanong may pansariling
hangaring nagsasamantala sa kabutihan ng sambayanan.Ano man ang
sabihin, ang isang bansang magulo at binabalot ng alalahanin ay laging
napag-iiwanan ng kaunlaran.

Buod:

Nagbunga ng takot at kaguluhan ang mga paskin. Natigil ang pag-aaral.


Maraming mga magulang ang minabuti pang patigilin sa pag-aaral ang mga
anak kaysa masangkot pa sa kaguluhan. Lumabo nang tuluyan ang relasyon
nina Isagani at Paulita. Balitang magpapakasal na ang dalaga kay Juanito
Pelaez. Matapos humupa ang agam-agam ng kaguluhan, naging usap-usapan
ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Pelaez at Gomez. Labis na kinainggitan
ng mga tao ang sinapit na suwerte ng mga Pelaez. Bukod sa magiging
manugang ni Don Timoteo Pelaez ang kaisa-isang tagapagmana ng mga
Gomez, nabili pa nito ang bahay ni Kpaitan Tiyago na halos walang binayad s
atulong na rin ni Simoun. Marami ang nagnanasang maanyayahan sa nalalapit
na kasal nina Juanito at Paulita.

Tauhan:

1. Tadeo - Bumagsak at natuwa ng todo kaya sinunog ang kanyang mga


aklat.

2. Makaraig - Naging maingat habang inaayos niya ang kanyang


pasaporte. Pagkakuha niya nito ay agad siyang tumungo ng Europa.

3. Pelaez - Siya ang tanging hindi matanggap na hindi na siya babalik


pang muli sa eskwelahan sapag iyon ay nangangahulugan lamang na tuluyan
na siyang tutulong sa pamamahala sa kanyang ama, na hinahangan sa
kasipagan. Siya rin ang mapapangasawa ni Paulita Gomez.

4. Pecson - hindi nakapasa sa pagsusulit dahil sa walang patumanggang


pagtawa, ngunit hindi inalintana ng dalawa ang kanilang pagbagsak, siya ay
namasukan na lamang bilang kawani sa hukuman.
5. Isagani - Nakapasa lamang sa asignatura ni Padre Fernandez

6. Salvador - Nakapasa dahil sa kahusayang magtalumpati

7. Basilio - Sa lahat na magkakasama tanging si Basilio lamang ang gindi


nakapasa at hindi rin bumagsak, at hindi rin naman nagtungo sa Europa
sapagkat siya ay nasa bilangguan siya iniimbistigahan tuwing ikatatlong araw
ng ibat-ibang hurado ng katarungan na siyang naglalampaso sa kaniya sa
walang katapusang tanungan

8. Senong - Isang kutsero at tanging tao na dumadalaw kay Basilio sa


kulungan siya ang kutserong nag hatid sa kanya sa San Diego at binugbog ng
mga kwadilyero.

9. Simoun - Ang mag aalahas na tumulong kay don timoteo para mabili
ang bahay ni Kapitan tiyago siya ang ama ni Juanito Pelaez siya ang dahilan
kung bakit pumayag na magninong sa kasal nina Juanito at Paulita ang
kapitan heneral.

10. Ben Zayb - Ang manunulat na nagsulat sa kanyang pahayagan


bumabalik na sa dating kalusugan niya si Simoun, at pinasasalamatan di umano
niya ang panginoon na ayon sa kanya ay nagbibigay ng biyaya upang
mabuhay ang isang taong bukas palad na tumulong sa mga
nangangailangan.

11. Paulita Gomez - Ang dating kasintahan ni Isagani na nagtaksil sapagkat


dahil sa pagiging aktibo ni Isagani sa akademya at naisip ni Paulita nab aka
madamay pa siya sa malaking problema.

12. Kapitan Heneral - ang malapit kay simoun na isa sa magiging ninong sa
kasal nina Paulita at Juanito Pelaez.

Talasalitaan:

paskin - isang poster o flyer na idinidikit sa mga pader.

tribunal - hukom noong panahon ng Espanyol

artilyero - uri ng sandatahang lakas ng mga Kastila

magbulakbol - maglayas; maglakwartsa

nangamote - walang alam; mangmang


Mensahe:

Ang taong naniniwala lamang sa mga sabi-sabi, itinuturing na kapos ng


kabaitan sa sarili.

Ipinapahiwatig:

Ipinahihiwatig sa kabanata na mali ang madaling maniwala sa mga kasabihan


o naririnig na mga salita mula sa ibang tao. Sarili mo mismo ang manguna sa
pagkalap o paghahanap ng totoong katotohanan.

Reaksyon:

Ako ay nagulat sa biglang dagsa ng mga mamamayan kay Simoun ng


ibinalitang maghahandog siya sa mga tao. Pupuntahan ka lamang kung may
makukuhang maganda o benepisyo mula sa iyo.

Mungkahi:

Sana ay hindi na ipinasira at idinamay ang mga bahay ng mga inosenteng


mamamayan sa bayan.

You might also like