Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

GLYN MARIE G.

GARCIA

11-MATTHEW

PANGARAP AT TAGUMPAY
Uri ng teksto: Wattpad

Tauhan: LORNA,EDGAR,OLIVIA

Bata palang ang tatlong magkakapatid ulila na


sila sa mga magulang dahil wala silang sapat na perang
pang-opera noon dulot ng kahirapan. Dahil sa kadahilanan
napilitan silang gumawa ng paraan para may mapag-
kakitaan at maipag-patuloy ang kanilang pag-aaral para sa
kanilang inaasam na maginhawang buhay. Habang nag aaral
namasukan naman si lorna bilang isang yaya ng bata. Dahil
malayo ang pinapasukan nitong trabaho sa kanilang tahanan
nag papadala nalang siya at nagsusulat nalang ito sa mga
kapatid niya. Si Edgar naman nagtrabaho bilang isang
karpintero dahil nais niya munang makaipon at tsaka na
mag-aral. Si Olivia naman gumagawa ng mga basahang
gawa sa mga retasong tela na nakukuha sa mga kapit-bahay
na may patahian, Inilalako niya ito sa mga kalasad pag
walang pasok sa eskwela.

Dahil sa kabaitan, sipag at pagiging totoo nag


pasya ang amo ni lorna na pag aralin siya sa kolehiyo nang
makatapos ito ng sekondarya labis naman ang tuwa ni lorna
at pagpapasalamat sa kanyang amo. Ang perang naiipon
niya ay siya naming ipinangtustos niya sa pag aaral ng
kanyang dalawang kapatid na si Edgar at Olivia, Ngunit ng
mabalitaan niyang isa sa mga kapatid ay nabigyan ng
scholarship labis siyang natuwa. Dahil sa pinagtratrabahuhan
ni Edgar natulungan siya ng kanyang amo para makapag aral
naman ito si Olivia naman kinuha din siya ng kanyang kapit
bahay para mag trabaho nalang siya sa patahian tuwing
walang pasok dahil dito hindi na niya kailangan pang
maglako sa kalsada. Laking tuwa naman ni Olivia sa alok ng
kanilang kapitbahay dahil gustong gusto niya ang mananahi
ng mga damit at iba pa. At dahil sa mga taong tumutulong
sa kanila meron silang sapat na dahilan para maipagpatuloy
nila ang kanilang mga pangarap.

Ng makapag tapos sila ng pag aaral agad silang


naghanap ng gusto nilang trabaho ayon sa natapos nilang
kurso. Mula sa pagiging yaya ni Lorna nakapagtrabho siya
bilang isang guro dahil gusto niyang ibahagi sa mga
istudyante ang mga natutunan niya at sa pagiging mahilig
naman niya sa mga bata dahil dito muli silang nagka sama-
samang magkakapatid sa kanilang bahay na noon inaayos ni
edgar dahil sa malakas na ulan at bagyo. Inheryo naman ang
nagging trabaho ni Edgar ng makapag tapos ito ng pag aaral
balang araw nais niya rin makatulong sa mga taong gustong
makapag aral upang maibalik niya sa iba yung tulong na
nabigay sa kanya noon. Si Olivia naman nagpatuloy parin sa
pag tratrabaho niya sa kanilang kapitbahay kahit na ito’y
nakapag tapos na sa kanyang pag aaral hindi nag tagal si
Olivia ay nakapag patayo nang kanyang sariling patahihan sa
tulong ng kanyang ate at kuya pangarap niya kaseng
makagawa ng magagandang kasuotan at nagpasalamat din
si Olivia sa kanilang kapitbahay na siyang nag tiwala at
tumulong sa kanya noong nagtratrabaho pa siya doon.
Makalipas ang ilang taon nagkaroon na sila ng kanya
kanyang pamilya subalit hindi parin naaalis sakanila ang
pagtutulong at pagkalinga sa isa’t isa kasabay ng kanilang
pag asenso sa buhay ay ang pag tulong nila sa mga
kawanggawa upang maibahagi nila sa iba ang tulong na
kanilang nakamtan noong sila pa ay bata.

Moral lesson:

Ang taong marunong lumingo sa


pinanggalingan ay aasenso sa kanilang pamumuhay ang
taong marunong tumanaw ng utang na loob ay aasenso sa
kanilang kabuhayan ang taong may tiyaga ay mamimithi
nila ang kanilang mga pinapangarap sa buhay.

You might also like