Professional Documents
Culture Documents
Timeline
Timeline
Timeline
KASAYSAYAN NG ATIMONAN
(Simula sa pagkakatatag noong Pebrero 4, 1608 hanggang Pebrero 4, 1938)
Sinulat ni
JESUS C. OLEGA
Ikalawang Pagkapalimbag
Pebrero 04, 1608 – Ang Atimonan ay naging isang ganap na bayan na itinatag ni Ati-monang at
ng kaniyang kapatid na bunso kaunaunahang nag-Kapitan, Francisco Mangaba.
1611-1612- Ang mga mamamayan ng taong ito ay nasa tabing ilog ng Kabuyaw at ang kanilang
Kapitan ay si G. Juan Tierra.
Panibagong lukluk:
1620 - Nagsilbi bilang Kapitan si Francisco Mangaba (Panibagong lukluk pagkatapos ng labing
dalawang taong pamamahinga)
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Ito ang kapitang bumali sa dati nating pinagkaugaliang isang taon lamang ang panunupad
ng tungkol.
Panibagong lukluk:
1635- Lumipat na sila sa kung tawagi’y Bisita (Atimonan) samantalang ang iba sa kanila’y
nagsitungo sa Puok ng Yawe, sakop din ng Atimonan.
1635 hanggang 1636 - Ang Paring Guardian ng taong tinutukoy at mangyari ang pagkakalipat ay
si Fray Geronimo De Jesus at ang Kapitang namumuno ay si G. Pablo Garcia.
1636- Pinagkaisahan nilang sila’y sumama nang lahat kay Ati-Monang sa puok na kauna-unahang
pinagtayuan ng bayan, sa gilid ng Ilog na malapit sa dagat (ngayo’y puntod) samantala naming
ang mga taong ito ay panakaw-nakaw na lamang ang pagsalakay ng mga Moro.
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1956 -
Nang panahong ito’y umunlad ang bayan sa mga pananamit. Hindi na bumibili sa ibang
lupain, kung hindi yaring sariling atin na ginagawa ng kababaihan. Hindi dapat kaligtaang ang
dinadamit noo’y dinugtong-dugtong na lanot ng abaka at pinya at siyang hinahabi at lumalabas na
magandang baron g babae at lalaki. Ang magaspang namang lanot ay hinahabi rin upang siyang
gawing salap ng isda na kung tawagi’y palyo. Ano pa’t ng mga panahong ito ay nakakapagpadala
pa ang bayan ng Atimonan sa mga karatig upang ipagbili ang kanyang mga habing maririkit.
Ang karaniwan sa mga pagbibilhan ay walang nakikitang kuwarta kung hindi pinapalit na
lamang ng kamote, palay, niyog, maruya, at ibat-iba pa. Ganito ring pagbibilihan ang nangyayari
sa mga kalakal na isda.
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Juan Dumagli………………………………………………1674
Pedro Castillo………………………………………………1675
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1683- Nang taong ito sa ilalim ng pamamahala ng Kapitang si G. Catindig ay nasimulan ang
pangyayari sa simbahan ng mga Romano. Ngunit ito’y simbahan na naging bato na siyang sa
hanggang ngayo’y natitirik na animoy namumuhay pang libo-libong taon.
Ito ang pangatlo ng itinatag na simbahan, sapagkat ang unang sinisimbahan ng mga tao ng
panahong ang mga Holandes ay nakikipag agaw pa sa mga Kastila bago ang mga Ingles at mga
kawal ni Limahong.
1684 - Nagsilbi bilang Kapitan si Pedro Alcantara , Sa panahon ng Kapitan ito ipinagutos sa bawat
tao, babae, lalaki, matanda at bata na magsipag, tulong-tulong sa pag gawa ng simbahan.
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1698 – Panahon ng Kapitang Lucas De Los Santos natapos ang pagpapagawa ng simbahan
Juan Crisostomo………………………………………….1699
Romualdo Balagtas………………………………………1700
Pedro Catapang…………………………………………..1701
1701 - Sa panahong ito ginagawang libingan ang harapan ng patio ng simbahan at karaniwang sa
paghuhukay ay nakakukuha ng mga isdang Pantat na parang bumubukal sa ilalim ng lupa. Kaya
ang nangyari sa isdang ito’y walang kumain ng mahabang panahon. Ang sanhi ay sa dahilang
nahuhukay sa libingan.
1719 - Sa panahon ng Kapitang ito ginawa na ding libingan ang gawing likod ng Simbahan na
kilala sa tawag na “Kabankabanan”. Ang sanhi nito’y sa dahilang sumisikip na sa pinaglilibingang
patio. Subalit sa libingang ito’y itinatakda na ang nangamatay na sanggol na hindi na nabinyagan
ay doon lamang sa labas ng kabankabanan ibaon na parang kamote. Pagkat di umano ang hindi
nabinyagan o nagkapalad mabasbasan ng Pari ay di nanakyat sa kaluwaltahian kaya hindi
nababagay na ilibing sa Sagradong lupa.
Panibagong lukluk:
1733 - Sa panahon ng Kapitang ito kung mga araw at umaga ng Sabado, ang mga dalaga ay
pinapasalita ng piskal sa loob ng Simbahan sa utos ng Kura. At ang hindi sumipot at walang
mabuting matuwid kung bakit hindi nakadalo ay nagtatamo ng kaparusahang palmeta ng nasabi
ring piskal. Ang tungkulin ng mga dalagang ito ay magbunot ng damo at maglinis sa Patio ng
simbahan, at magtanim ng mga bulaklak sa tapat ng kumbento. Ito’y panay na walang bayad,
anopa’t wala nang kaginhawang buhay sa daigdig na ito para ng sa Kura.
Panibagong lukluk:
Jose Dimasumag………………………………………….1734
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1747 - Sa panahong ito may inuwian ng Santo Biatiko sa Nayon ng Santa Maria na ngayo’y
nagtataglay ng pangalang Tagbakin. Ngunit sa makalipas na kung tawagin ngayo’y unang
Baluarte ay bumaba ang pari sa kinalalagyang Oremon upang pumanhik sa bahay na
kinaroroonan ng may sakit na isa sa mga nakakariwasang buhay at kaibigan ng Kura. Subalit sa
isang pagkakataon ay nabitawan ng Pari ang “hostia” at nalaglag sa lupa sa makadayang hayag.
Kaya’t ipinag utos ng Pari na ang kinalagpakang lupa ay dukalin at dalhin sa Simbahan. At
ipinagbawal na huwag man lamang iihi sa lugar na iyon, na tinawag mula niyon magpa hanggang
ngayon ng “SALANGIHAN”.
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1763 - Sa panahon ng Kapitang ito itinatag ang AMAHAN AT INAHAN na ito’y pinagbubutuhan sa
loob ng Simbahan kung nangangalahati na ang misa na pinamamahalaan ng Kurang Prayle.
At ang tamang mapili ay tinutugtugan agad ng doblas sa kampana na para bagang patay
na. Pagkat ayon sa sabi rin ng Kura, ito’y katapusan nang tungkulin ng isang mamamayan
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
Panibagong lukluk:
1778 - Nang taong ito ika-11 ng Abril at ganap na ika labing isa rin ang oras ng gabi, sa
panunupad ng tungkol ng Kapitang Dela Cruz, ngang simbahan ay masunog ang halos kalahating
panig.
Samantala’y naisahan pang buwan (Mayo) bago naipaigi ang bahaging nasusunog.
Panibagong lukluk:
1786 - Nang taong ito ika 11 ng Setyembre ay siyang pagbibindita sa Simbahang Romano ni
Fray Domingo De San Vidal. Pari Kura ng Gumaka, Tayabas. At ng ika 15 ng buwan ding ito ay
siyang pagsasadambana sa Santisimo Sacramento sa nasabing simbahan. At di rin naglipat araw
at ginanap ang pagdiriwang sa unang misa ng bagong paring tagalog, Presbitero Mateo Dela
Cruz.
Panibagong lukluk:
1791 - Nang taong ito itinirik ang tinatawag at kilala itong madlang Casa-Mata sa tuktok ng bundok
ng Atimonan. Ito’y siyang pinagimbakan ng mga polbora ng kanyon laban sa mga Moro sa
9 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
Panibagong lukluk:
Nang taong ito itinayo ang Tribunal na noong araw ay tinatawag na Casa-Real at ngayo’y
kung pangalan ay Presidencia Municipal o Pamahalaan.
Panibagong lukluk:
1800 - Sa panahong ito madalas mapaurong ang mga kakasalin at madalas mapanis ang mga
suman at iba pang mga pagkaing handa sanhi lamang sa di marunong ng dasal ang alin man sa
kakasalin, pagkat kinaugalian nan g mga kura nab ago kasalin ay pinaleleksyon muna sa dasalan
na kung tawagi’y “Dusaryuhan”. Ngunit ang sarap sa pagleksyong iyan ay ang babae ay sa kura
lumeleksyon ng dasal na karaniwan ay naka isa sa kumbento samantala namang ang lalaki ay sa
Piskal ng Simbahan.
Datapwat bakit pa kaya hindi pa pagsabaying paleksyionin ng Kura ang kakasalin?
1806 - Sa panahong ito’y may isang kay lungkot lungkot na nangyari sa isang intsik. Marahil sa
hindi niya kaalaman sa ugaling itinawid sa Atimonan ay di siya nagmano sa kamay Kura ng
masalubong nito sa lansangan malapit sa Casa Tribunal.
Sa di pagmamanong ito ay pinagpalo ng palasan ang kahabaghabag na intsik na kaya
lamang tinigilan ay ng magtakbo at magtago sa kinatatayuan ng bahay ng Kastilang si Don
Francisco Soler. Daang Rizal harap ng Casa Tribunal.
Panibagong lukluk:
1812 - Nang taong ito sa ilalaim ng pamamahala ng Kapitang Victoriano ay ipinaigi ang Simbahan
at pinagpapalitan ang bawat kaniyang marurupok ng kagamitan. Ano pat mula sa
pagkakapagbangon ay panay na walang bayad ang lahat na nagsipag trabaho, pati ng mga
kasangkapang ginamit ay pawa ring walang bayad. At hanggang sa kinakain ay sa sarili pa ring
bulsa ng mga nagsisigawa nang gagaling. Kaya’t sa kahirapan nga ng panahong yaon ay ang
binabaon sa paggawa ay nilabong saging, mais. Niyubak, at minukmok.
1814 - Sanhi sa pagputok ng Bulkang Mayon ng ika 16 ng Pebrero ng taong ito, mula sa ganap na
ika 7:30 ng umaga hanggang sa kinabukasan, ano pat ganap na dalawamput apat na oras ang
bayan ng Atimonan, bagamat malayo sa pinangyarihan ay naligalig din at nasalanta dahil sa pag
ulan ng abu na siyang tumalob sa kaniyang mga pananim at iba pang pangkabuhayan.
May gatatlong dali ang kapal ng abung ipinadpad sa kaniyang lupa kaya pati na mga hayop
ay nangangamatay sa kawalan ng makain.
Sa taong ito nabago ang pagkakabuo ng dating pinuno at mga kagawad. Ang napahalili ay
itong sumusunod na nasa ilalim din ng pamamanihala ng Kapitan o pinaka Punong Bayan.
KAPITAN:
1. Teniente Mayor
Tenienteng Pangalawa
Tenienteng Pangatlo
Tenienteng Pang apat
2. Juez Mayor de Sementera (Namamahala sa Bukid)
Juez de Ganado (Namamahala sa Hayop)
Juez de Policia (Namamahala sa Tanod Bayan)
Juez Palma (Namamahala sa Sanidad)
3. Alguacil Mayor (katulong sa ikakaayos)
11 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
Alguacil na Pangalawa
Alguacil na Pangatlo
Alguacil na Pang apat
4. Cabeza de Barangay: Ito ang isang pinaka tagasingil ng buwis ng mga mamamayan.
MATANDA SA NAYON: Ito ang siyang pinaka teniente del Barrio o Punong Nayon.
Karaniwan, kung dadalo sa isang tanyag na lipunan o kungdi ma’y patutungo kaya sa
simbahan kung mga araw ng Linggo at Pista. Ang mga Kapitanat iba pang matataas na Kagawad
ng pamahalaan ay gumagamit ng kamisadentrong binurdahan na hindi ipinaloloob sa pantalon at
ang pinaka Amerikana na hanggang baywang na tsaketa.
Nang taong ito’y isang kidlat ang gumuhit sa pawiran at bunga ng taglay niyang apoy ay
pinutol ang Krus ng Tore ng simbahang Romano. sa isang haliging matipuno maiwawangis ang
laki ng Krus na nahulog a sa may libingang Romano rin nakuha.
1830 – Nang taong ito sa pamamahala ng Kapitang Esteben de San Jose ay lumindol ng halos
ikinayanig ng lahat ng bahay. Bunga ng lindol na ito, yaglay ng kaniyang kalakasan ang mga
halamang niyog ay nabuwal at walang naaning bunga.
Panibagong lukluk:
1836 - Ang mga nagaaral sa Paaralang Bayan na kung tawagi’y Eskelapia na nasa ilalim
ngpamamahala at kapangyarihan ng kura ay walang natutuhan kundi kaunting sulat at ang
maraming panahong nagugugol ay panay na sa dasal.ano pat ang mga itinuturong akla
tpagkatapos ng Kartilya ay ang Trisahio, tuloy ng Oprisimiento at katapusan nag baiting ang
makarating ng Dusaryuhan. Tuwing matatapos ang klase ay lahat ng nagaaral ay pumupunta sa
Simbahan. Na nagunguna ang krus at pagkayari nila ng isang maikling dasal ay humahanay sa
12 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
tapat ng kumbento at naghalukipkip ang kamay at sumisigaw ng ganito. AVE MARIA PURISIMA,
SIN PECADO CONCEBIDA, BUENOS DIAS O BUENAS TARDES VUETRA REVERENCIA!
1839 - Nang ito’y bumagyo ng tatlong sunod na byernes. Bunga ng taglay niyang hangin na
totoong napakalakas ay marami ang nasalanta. Ito ang tinatawag ng marami na bagyo ng 1800.
1842 - Nang taong ito sa ilalim ng pangangapita ng Francisco de la Cruz, ang dambana ng
Simbahang Romano ay pinaganda at hinalinhan ng lalong mataas. Ang Pari-Kura ng ganapin ang
nasabing pagbabago ay si Fray Esteban Mena.
Panibagong lukluk:
1845 - Nang taong ito ipinasiyang ang araw ng pangingilin ay ilagay sa Sabado sa halip ay Linggo.
1848 - Nang taong ito itinayo ang libingang Romano sa kasalukuyang kinalalagyan, tabing daan
kung patungog Gumaka. Ang Pari Kura ng panahong ibangon ito ay si Fray Esteban Mena.ang
libingang ito ay lumululan ng 2,000 bangkay humigit kumulang sa loob ng limang taon. Datapwat
kung dumadaan ang pagkamatay gaya halimbawa ng Kolera, bulutong at trangkaso, ay hindi
umaabot ang limang taon at ito’y napupuno na. sa akalang ito’y hindi kasama ang
nangangapasuot sa pantion na may (106) isang data anim na butas o Nitso.
1850 - Nang panahong ito ibinago ang daan na dati dati’y sa dakong ungos ng Casa Mata o
lilibingan na lumiligid sa bundok ng bayan, lampas ng ngayo’y kasalukuyang Cementerio
Municipal. Mula dito’y tuloy ng pook ng Ginayangan at lampas naman sa may gilid ng bundok ng
Salang-ihian at tuloy nan g Inihang dalaga.
13 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
Ang minarapat ng Kapitang ito’y ipinabutas ang bundok ng bayan at ang nakuhang mga
buhangin at bato ay ipinatabon sa lalao, kaya’t ito na ang siyang naging daan pamula noon
hanggang sa kasalukuyan. Sa mga nagsipag atag sa daang ito ay kabilang na ang mga batang
may pito hanggang sa matandang may anim na pung taon, babae at lalaki.
Sa bawat hindi umaatag ay limang hampas ang parusang ikinakapit sa lalaki, at sa mga
babae naman aay palmeta sa palad.
Juan Morales………………………………………………1851
1851 - Ipinasiya sa panahong ito ang paghahalili sa mga apelyidong nahahawig at kapangalan ng
mga santo upang palitan ng apelyidong Kastila.
Ang mga nadakip ay ipinasiyang ipaahon sa Lalawigan na para paraang may gapos at
taglay ang kaniyang mga kampilan, kalasag at iba pang dapat ipagpasalamat sa matandang
Francisco Tandas (alias) ISKONG BANTAY at gayon din sa kaniyang mga katulong na ito’y ang
mga Gg. Juan Ara at Manuel Amparo (alias) TWING
SUNGSUNGIN na nangag si dakip sa pinuno o namamhala ng sasakyan.
Hindi dapat kaligtaan ang mga napatay na Moro, sa dahilang hindi mga binyagan ay
ipinagbabaon na lamang sa tabi ng Ilog, dakong kanluran ng bayan ng Atimonan na magpa
hanggang ngayo’y Libingan pa rin kung tawagin.
Upang huwag makapasok ng mga Moro ang loob ng bayan ng Atimonan, ay pinalagyan ng
mga Punong Bayan ng isang matibay na kuta o bakod sa palibot ng bayan at sa gawaing dagat ay
pinatayuan ng dalawang kastilyong baton na ang isa ay mamalasin natin sa larawan sa
pangalawang bahagi ng kasaysayang ito at nagtataglay ng pangalang S. Francisco na siyang sa
kasalukuyan’y kinadoroonan ng Obserbatoryo o tinginan ng sama ng panahon.
SAN MIGUEL: Ang kastilyong ito ay nasa bundok ng bayan. Ang pook na kinadoroonan
nito ay tinatawag na bundok, sa dahilang ang bayan ay nababahagi sa apat na ngalan na ito’y ang
sumusunod: BUNDOK (ang mga nasa gawing bundok) LABAK (ang mga nasa gawing dagat)
LUWAL (ANG MGA NASA GAWING “Campo Rizal” at BUNGA (ang mga nasa gawin ilog
naman).
SANTA MARIA: Ang kastilyong ito ay nasa bundok ng bayan, ngunit ang kinadoroonan niya
ay di gaanong nalalayo sa kinadaraoonan ng Libingan ng Bayan ng Atimonan. (Cementeryo
Municipal).
CASA MATA: Ang kastilyong ito ay nasa tabi ng ilog ng bayan ng Atimonan. Ito ang nasabi
na natin sa unahan ng aklat na ito na siyang pinag iimbakan ng pulbura laban sa mga kaaway na
Moro.
SAN CRISTOBAL: Ito ang kastilyong napatangi sa kaniyang mga kasamahan. Pagkat ito’y
parang balag na nakabalantok. Ito’y nasasaklaw ng daang Libertad at Iskong Bantay.
14 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
SAN ROQUE: ito ang kung tawagi’y kastilyo sa Binugsukan nan i bakas ma’y wala na sa
kinatitirikang pook. Ang pangalawang kastilyong nagtataglay ng ganito ring ngalan ay nasa
mgadaang Regidor at Libertad nan g ipatibag ng panahon ng Kapitang Gregorio Martinez ay
nakadagan pa ng dalawang katao na siyang naging sanhi ng ikinasawi noon din.
SAN SANTIAGO: Ito’y isang kastilyong napa looban nang bayan at nasa gawing luwal din
ang kinadoroonan nito.
Ito nga ang pangalan ng mga Kastilyong siyang pinaka bundok o puktol sa paligid ng kuta.
Dapat malamang sa Kastilyong ito ay lagging may nagbabantay sa lahat ng sandal, kaya
karakarakang makatanaw ng bangka o pangko ng mga Moro na dalawang suson ang hanay ng
gaod ay kaagad agad nang tutugtugin ang Caja Viva na siyang hudyatan upang ang mga nasa
labas ng bayan ay mangagsiligpit at ipagbigay alam sa mga tao sa Nayon ang darating na
kaaway.
Gayon din nilagyan ng isang Kastilyong bato sa gawing bundok na tapat ng bayan na
pinamagatang San Miguel, at sa tabi ng bayan palibot ay nilagyan ng bakod na malaki, matarik at
masinsin. Sa gawing itaas naman ay pinaglalagyan ng mga tinik at dawag ng uway at ng sa
ganito’y huwag makadaan ni makasalta ng mga kalaban.
At ng upang ang mga taga Nayon ay may mapangublihan kung sumasadsad ang mga
daon ng mga Moro ay nagpalagay din ang Bayan ng apat na kastilyong kahoy na mataas na ang
dingding ay nagkakapalan na nakahanay sa baybay dagat. Isa sa tapat ng Binugsukan, isa sa
tapat ng Tanlak, sa tapat ng Lumutan ang isa nama’y sa taluktok ng Bundok ng Tanawan.
Dahil sa kastilyong ito, tangi pa kung kaya ang bukid na ito ay tinatawag na
Tanawan.pagkat pag may dumarating na pangko ng mga Moro ay dito karakarang tinatanawan at
ipinagbibigay alam sa mga Nayon upang mag siligpit ang ibang tao sa kastilyo, na walang tanging
panglaban matangi sa gang-ga tungkong baton a siyang ipinangbabagsak kapag may lumalapit
na Moro. Pagkatapos na makapanhik na kaaway at lagging ligpit ang bayan.
Di umano isang araw ang pangako ng mga Moro ay pinaputukan ng kanyon (ang kanyong
tinutukoy ditto ay ang nasa harapan ng Bahay Pamahalaan na pinaka palamuti sa mga Punong
akasya.) ng tanod-kastilyo, na nasal akas ay ikinayanig halos ng bayan, kaya’t ng mapg usig ang
nangyari ay nakitang isang sasakyan ng mga Moro ang nagkawatakwatak.
1853 - Nagsilbi bilang Kapitan si Adriano Estrada. Nang taong ito’y pinagtibay ang isang
kapasiyahang ang pagtanggap ng pangangatungkulan sa pagka Kapitan at mga kagawad ay
90imulant sa buwan ng Hulyo sa halip na Enero gayn ng dating sinusunod.
Nang taong ito dumating ang malaking kampana ng Simbahang Romano at upang
maipanhik sa kinalalagyan ngayon ay minararapat na putulin ang tuktok ng tore.
daang mga taga Atimonan, at sapagkat sa bundok ng Palaspas na ang ginawang paraan upang
madala, ay isinakay sa dalawang kahoy na pinaka paragos at hinilang paahon ng maraming tao.
Malilimutan pala natin nasa bigat na may daang daang aroba ng Bangbang (ito ang ngalan
na tinutukoy na kampana na siyang pinakapanggitna sa lahat ng kampana ng tore) ay para
lamang isang bigasang bigas na hinihila ng ito’y nasa kalo ng balitang Jose Garcia (alias)
Purgatorio.
Panibagong lukluk:
1863 - Sa taong ito ginagawang dalawang taon ang panunungkulan ng Kapitan, ngunit pagkalipas
ng Kapitang ito ay nasa uling muli sa tig iisang taon.
Panibagong lukluk:
1868 - Sa panunungkulan ng Kapitang ito muli sa sa uli ang tig dalawang taon ang pagkakapitan.
1870-71- Ang kabang bayan sa panunungkulan ng Kapitang Gil Montes ay nawalan ng halaga
ang isang libong piso. Na sa pagka matay ng kaniyang taga bilang (contador) ay napagisa siyang
mag uyan ng nanbanggit na halaga.
1872-73 - Sa panahon ng matalinong Kapitang ito ng taong 1873 itinayo ang paaralang bayan
na ngayo’y kinatayuan ng bahay ni G. Luis Manalo ma nasa saklaw ng mga daang
Independencia, Angeles at Washington. Sa kasalukuyan ang paaralang tinutukoy ay wala na sa
kaniyang kinatayuang pook.
lalawagan, at gayon din naipatapos ng masipag at matalinong Kapitan ito ang kalahati ng bahay
bayan o Casa Tribunal (ngayo’y tinatawag itong Presidencia) at patio a ang kaniyang kusina.
Panibagong lukluk:
Nang taong ito ay isang baha ang gumaralgal at sumalot sa maraming bahay, tao at hayop
na katulong tulong sa mga paghahanap buhay. Sabay sa bahang ito ay namayani namang hinto
ang isang bagyong nagwasak sa ma bahay at kakahuyan ng bukid at bundok. Ang baha’y buhat
sa ilog Atimonan na lumuluwa sa gitna ng kabayanan na may mga kinaladkad ng malaking kahoy,
mga bahay na pawid, mga hayop at layak na sunong sunong ng tubig.
Nang taong ito buwan ng Hulyo,ay ipinasaya ang pangingilak ng Real-Haber. At sa taon
ding ito sinimulan sa bayan ng Atimonan ang pagtatayo ng estasyon ng telegrapo at paghahanay
ng kawad na patungo sa mga kapit bayan. At ang unang estasyong ginamit ay ang bahay ng
napakasipa na Juez Mayor de Sementra, g. Andres Sales.
Panibagong lukluk:
1882-83 - Sa panunungkulan ng Kapitang ito nangyaring nsa ulan ang mga pagkakautang sa
kabang bayan ng Kapitang Gregorio Martinez ng taong 1879. Ang nasabing pagkakautang ay
umabot sa halagang limang libong piso. Sa mabuting pakikiusap ng Kapitang ito (Gil) ay pinag
ambagan ng mga kababayan upang masaulan ang kabuan ng nasabing utang sa pamahalaang
lalawigan, alang alang sa pagtingin at pagmamahal sa kanilang.
Sa pangyayari hindi naman lihim sa lahat na ang ipinagkagayon ay sa pagkukumpuni at
ikagagaling ng bayan. Ang ganitong palingap ay pinasalamatan naman ng Kaptiang ito, at sa mga
nagsiabuloy sa kaniya ay pinagbibigyan ng kanikaniyang katibayan sa tunay na pagkakilalang
loob at magandang nais na mabayaran din.
1884-85 - Sa panunungkulan ng Kapitang ito ipinaalis ang mga pagtanod na kung tawagi’y
“Hunos” sa bahay ng Kapitang sa Tribunal at gayon din sa kumbento. Sa panahon din ng
Kapitang ito nadagdagan ang bayad ng “Cedula Personal” upang gawing isang piso bawat taon.
Sa kaniyang panunungkulan din pinagbabayad na kung tawagi’y kalag na halagang sikapat o
isang peseta bawat isang araw. Ang Kapitang ito ay nagkaroon din ng utang sa Kabang Bayan na
mahigit na limang libong piso, nginit nasa ulan din niya ang halagang nabanggit bago siya
nakatapos sa panunungkulan.
Ito ang Kapitang napaka tangi kung sa katapangan di n lamang mapag usapan. Pagkat
siya ay hindi natatakot sa Kurang Prayle nang mga panahong yao’y siyang dyusdiyusan sa bayan.
17 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
At hanggang sa ipinaalis nito ang pagtanod sa kumbento na mahaba ring panahon pinatatanuran
ng walang bayad ng mga nakaraang Kapitan.
Nang taong ito ang gawing kanluran ng bahay Pamahalaan ay gumuho at isang sawing
palad na kinapal ang namatay sa pagkahulog ng malapad na table.
Gayon din ng taong ito, ay isang sakdal ang iniharap ng ilang kababayan sa Gubernador
Sibil ng lalawigan laban sa Gubernador silyo o Kapitang ito. Sanhi sa pagkakapag utos sa ilang
kababayn upang mangag sipag pasang malaking ahas na sawa patungo sa lalawigan ng
Tayabas, na sa mga kahabaghabag ay di sapat ang mga bayad ng nasabing Kapitan.
Bunga ng sakdal na ito’y minultahan ang tinutukoy na Kapitang bilan kaparusahan. Ang
mga masusugid na sina Gg. Domingo Febrer at Maximo Lozano ang yumari ng nabanggit na
sakdal.Nabasagan sa bayan ang pangyayaring ito sa tawag na NOONG MAG SAWA.
Gil Montes………………………………………………….1888-89
Panibagong lukluk:
Praxedo Urgino…………………………………………..1890
1890 - Nanag panahong ito, ang paraan ng paglulukad ay biniyak na kasama ng bunot. Hindi
binubunutan, kung di pagkabiyak ay ibinibilad sa harapan ng bahay o kaya’y sa patio ng bayan.
Samantalang noon araw ay nagkakasiya na lamang sa pagbibilad sa init ng araw ang
pagpapatuyo ng lukad, hanggang sa ito’y abutin ng isang lingo bago matuklap sa bao. Ngayon
nama’y inaalis ang bunot o binubunutan pagkabiyak ay itinataob sa tapahan sa dinadarang sa init
ng apoy, kaya humigit man isang araw ay hindi na umaabot sa isat kalahati.
Kaya sa panahon ng Kapitang ito sinimulan ang paggawa ng kalibkib o Coprax at
nagsimula sa piso’t isang salapi bawat piko ng kalibkib at sa sumunod sa taon ay naging
dalawang piso‘t salapi hanggang tatlong piso. Ano pa’t nalaon sa halagang ito bago umabot sa
limang piso.
Nang ika 19 ng Nobyembre taong ito, likha ng walang likat na ulan at hangin ay pamuli na
namang bumaha ng malaki na siyang ikinatibag ng ilang puktol ng bundok at ikinalasbilasbi ng
gilid ng ilog ng Bayan.
sa mga kahabaghabag na taong ito sa Ilagan, Mindanaw. Ngunit nasabi lamang na ang mga
pasadong Kapitan ang may kapasiyahan. Ang lihim na nagupat upat ay ang mga prayle din at
mga Sibil.
Bernardino Enriquez……………………………………..1893-94
(ang musiko at kaibigan ng kura)
1895 - Sa panunungkulan ng Kapitang ito ay ipinasiya ang buwan ng Enero sa halip na Hulyo ang
gawing buwan ng pagtanggap ng panunungkulan ng mga Kapitan. Ang kapasyang ito’y sinang
ayunan naman ng buong bayan.
Isang pangyayari ang sa mga araw na ito’y dapat na untagin. Ang Kapitang ito ay tumagal
lamang ng siyam na buwan sa panunuparan ng tungkol sa di kasiyang loob ng paring Kastila na si
Fray Braulio Pelas, Pransikano. At ng Guardia Sibil, Tenyente Ramiro del Amo at ibat iba pang
mga astila na naninirahan sa bayan ng Atimonan
1896 - Nagsilbi bilang Kapitan si Vicente Manalo. Nang ibaba ang Himagsikan noong ika-26 ng
Agosto sa parang ng Balintawak. Ang bayan ng Atimonan ay di karakarang nakatugon sa
pangangailangan ng Sangkapuluan.
19 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
Ika 13 ng Hulyo 1898 - Kasalukuyang nagngingitngit ang lagay ng Himagsikan. Ano pa’t wala na
lamangusapusapan sa loob ng bayan kung hindi ang mga manghihimagsik nanagtatangkang
pumaskok at pasukin itong kung tawagin nila’y Espanyang Munti.
1898 - Nang buwan ng Setyembre ng taong ito ay dumating dito ang kinatawan ng Punong
Lalawigan na si G. Braulio de Villa at siyang nagpalagay sa pamamagitan ng halalang hayag sa
mga magsisispamunong patuluyan.
Buwan ng Abril taong 1899 – Ang pagdaan sa bayan ng Intsik na Henaral ng mga himagsikan
na si kgg Ignacio Pawa.
Enero 1900 – Ang pagtanggap sa bayan ng Atimonan ng liham ng Hepe Militar na nasa
Lalawigang Tayabas, bilang pagbibigay alam na ang mga kawal na amerikano ay darating dito
kaya ipinagutos na magsialis ang tao sa bayan, upang kung magkaroon ng labanan sa loob ng
nasabing bayan ay nang huwag mangasalanta sa mga ligaw na punglo.
Ika-2 ng Pebrero 1900 - Ang pagpasok sa bayan ng Atimonan ng mga kawal Amerikano na
pinamumunuan ni Komandante Thomas L. Hartigan na sa kumbento nangasipanirahan.
1902 - ang pagsingil ng buwis ng lupa sa bayan at sa Nayon. At ang dating dalawampung
sentimos na pinaka Sedula Personal ay ginawang piso.
Ika-5 ng Enero 1902 - ginawa ang paghahalili upang magbawas ng lima sa mga Kagawad ng
Hunta. Ano pa’t ang limang makabunot ay siyang hahalinhan.
ika-2 ng Hulyo 1902 - pagpasok ng mga Tulisan sa Lawing-manok (ngayo’y tinatawag itong
Lagingmanok) na di naalaman ng Pangulong Mapaye ang kadahilanan, kaya hindi kaagadagad
20 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
1902 – 03 – Nahalal bilang Pangulo si Marcelo Manalo mula Hunyo 1902 hanggang Mayo 1903.
Hulyo 1902 hanggang 22 ng buwan ng Mayo 1903 – Ang araw ng pagbibitiw ni Marcelo Manalo
ng kusang loob na walang sanhing ano pa man kung hindi ang magpahinga at pamahalaan ang
sariling kapakanan. Ngunit sa buung panahon ng kaniyang ipinanunuparan ng tungkol ay marami
ring mahahalaga at makabuluhang bagay ang nangyari.
Ika-22 ng Mayo 1903 - Ang pagbibitiw sa pagka Pangulo ni G. Marcelo Manalo at ang Pangalawa
o Biseng Alfredo Castro ang nangulo naman.
ika-28 ng Mayo 1903 - naatasan ang Kagawad Cipriano Villareal sa pagka-Hepe ng Pulisya.
Tinungkol ni G. Demetrio Villamiel ang naiwan niyang tungkulin.
1904 - Alfredo Castro (ang mapaisip). Sa panahon ni G. Alfredo Castro ay napahalinhan ng siim
ang dating bubung na pawid ng bahay pamahalaan, at ang pangsamantala noo’y ang
Pangalawang si G. Francisco Desembrana. At kay G. Castro ring kapanahunan o Pangulong
mapabangon ang ngayo’y kilala na sa tawag na Central School.
Ika 12 ng Hunyo 1904 - Ang pagtatatag ng paaralang Central School at ng Araw ng pasasalamat
ng Pasinayain”.
Ika 11 ng Disyembre 1904 - Ang pagkakabitay ni Papa Ruperto Reus alias Kabuig.
Ika-4 ng Pebrero - nagdaos ng isang Excursion sa bayan ng Alabat, kaibayo ng Atimonan. Sina
Mr. Fetamore, Mr. William Mr. and Miss Magru, magkakapatid na Cristina at Petronila Alberto,
kapuwa guro sa paaralan. G. Trinidad ang Montero ng Pamahalaan, Gg. Juan Candido,
Numeriano Abellano, Lucio Alba. Benbenuto Alvarez, ang grumete Millan ang Pilotong Ambrosio
Martinez at isang batang lalaki na may pitong taong gulang lamang na nag aapelyidong Infante.
Gayon din sa Kagawad at kilalang manananggol na ito masasabing utang kung baga’t
nawala ng ilang taon ang sabong at ang mga larong ipinagbabawal ng batas.
Sa panahong ito ni G. Desembrana at alang alang sa kaniyang mabuting pamamahala
gayon din sa tulong ng kaniyang mga Kagawad, ay ipinasiya ng Pamahalaang Lalawigan ng
ipatawad ng buwis ng lupa sa baya’t sa nayon sa loob ng dalawang taong kaniyang pamamahala,
1906 at 1907 dahil sag a kapinsalaang idinulot sa mga halaman ng dumaang bagyo.
21 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
1906-09 - Nagsilbi bilang Kapitan si Pedro Enriquez. Sa panahong ding ito ni G. Enriquez ay
ipinag utos na umuwing lahat sa bayan ang mga tao sa kabukiran na halos walang natira sa
bahay-bahay kung di isang pinaka taong bahay. Kaya’t napuno ng tao itong loob ng bayan na
halos walang matirahang bahay at ang marami sa mga nagsiuwi ay dinala na pati ang kanilang
mga hayupan, paris baga ng manok, baboy at aso.
Nang ika-19 ng Abril, 1906 ay dumaan ang isang lindol na nagpayanig sa sangbayanan
ng Atimonan. Likha ng nasabing lindol, sa bundok ng Talon, sakop ng Malusak, ay bumitak ang
lupa at nagkaroon ng isang bukal na napaka linaw. Ang iba kung hindi agad naapula ang bukal na
tinutukoy ay ikalulubog sana ng nasabing bukid.
Ang pagkakaroon ng bukal na ito ay naglikha ng maraming paghanga sa lahat ng mga
taong bayan upang pagdayuhin at pagliguan. Maraming nangagsipaligo, ang nasabing bukal ay
naka pagpapagaling sa may mga sakit sa labas at loob ng katawan. At kahit na pagod pa ngay
maligo ay hindi nakapapasma.
Likha ng matataimtim na paniniwala ang nangagsisipaligo ay dumadami hanggang sa
pagdayuhin na tuloy ng iba’t-ibang kapit at malalayong bayan.
1904-1910 – Nang taong ito si Atty. Vicente Aguilar Pareja ay nag-aral sa paaralang bayan ng
Atimonan
Nang ika 19 ng 1912 ay itinayo ang bantayog (munumento) ng dakilang martir ng Bagumbayan,
Dr. Jose Rizal. Sa pook na kung tawagin ay Luwal. Ngunit simula 118 ang bantayog na ito ay
maibangon ang pook na nasabi na ay nagtaglay ng pangalang Campo Rizal.
1907-1912 – Nang taong ito si Filomeno L. Laurio ay nag-aral sa Sagrado Corazon de Jesus at
dito’y tinapos ang kursong Elemental.
ika-22 ng Nobyembre 1934 – Nang taong ito ay ipinasiya ng Punong Lalawigan ang pagsasauli
sa dating nagsipanungkulan, tangi lamang ang Pangulo at ilan sa mga Kagawad.
1911-12 – Nang taong ito si Pedro Enriquez ay ang panibagong lukluk sa katungkulan.
ika 19 ng taong 1912 - Itinayo ang bantayog (munumento) ng dakilang martir ng Bagumbayan,
Dr. Jose Rizal. Sa pook na kung tawagin ay Luwal at nagtaglay ng pangalang Campo Rizal.
1913 – Nang taong ito ay nalipat ang Kumbento upang ang tinutukoy na bahay ay gawang
paaralan ng mga babae sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Misionerang Madres Belgas. Ang
Kolehiyo’y nagtataglay ng ngalang Our Lady of the Angels College.
22 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
1913 - Nang panahon ding ito pinagtibay ang isang kautusan (ordenanza) na nagbabawal sa
pagtugtog sa kampana ng simbahan mula sa hanap na ika 8 ng gabi hanggang sa 6 ng umaga.
Marso 1914 - Dumalaw sa bayang ito ang dalawang Obispo ng Simbahang Romano na ito’y sina
Mons. Petrelli ng Lipa at Dougherty ng Mindanao.
1915 - Itinirik sa bayan ng Atimonan ang Pamilihang Bayan na yaring pulos na semento at siin.
1915 - Sinimulan ang pagtatayo ng Libingang Bayan na kung tawagi’y Cementerio Municipal.
1915 - Ipinaigi ni Pangulong G. Orda ang mga tulay na baluarte sa mga daang Rizal, Lopez,
Jaena at Heneral Luna at pinaglagyan ng mga tulay at imbornal ang iba pang mga lansangan .
Pinaganda ang silong ng bahay pamahalaan at ipinatibag din niya ang mga pader upang gawing
opisina ng Kabang Bayan,bilangguan at tahanan ng pulisya. Ipinabago ang pintuan at pinatamnan
ng kahoy na akasya ang harapan nito na nasa Heneral Luna. Ang mga akasya ay tanim din ng
Pangulong Orda.
1916-19 - Nang taong ito si Pedro Enriquez ay ang panibagong lukluk sa katungkulan bilang
Pangulo.
1916 - Nang taong ito ay pinawalan ng saysay ang kapasiyahan paghahalili sa limang Kagawad o
Konsehal sa bawat taon.
Hunyo 1916 - Si Pangulong Orda ay inatasang maging Hukom Pamayapa (Juez de Paz).
Nobyembre 1919 – Sa panahong ito itinayo ang simbahang sarili na kung tawagi’y Iglesia Filipina
Independiente sa bayan ng Atimonan.
1915 – Nang taong ito si Gg. Teofilo Gregorio ay nag inaanak na sa binyag sa bata ni G. Pedro
Lasheras na kusang itinawag nila ng Paring Aglipay.
1917 – Noong taong ito ang kautusang nagtatakda ukol sa pagsasarili ng tinutukoy na bayan ay
binigyang bias at kasama niya itong sumusunod na nayon upang siya na ang mamanihala.
1918 – Nang taong ito ay dalawang sakit ang di dapat mawala sa aklat ng pangyayari na
masasabing siyang sumalot sa bayan ng Atimonan ang TRANGKASO at BULUTONG.
1919-20 - Victorio Vargas (ang matimping loob) ay nahalal bilang Pangulo ng Atimonan
Marso 1920 – Sa panahong ito napahibuan ang paligid ng Bahay Pamahalaan. Gayon din sa
Pangulong ito at sa kaniyang mga Kagawad nangyaring napatabunan ang palibot ng mga daang
hayag.
23 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
1925-28 – Muling nahalal si Eladio Lopez bilang Pangulo ng Konseho at naisakatuparan ang mga
sumusunod:
Pagkakapaayos sa Bahay Pamahalaang ito ang mga tanggapan ng iba’t ibang sangay.
Nagkaroon ng padaluyan ng tubig na nangagagaling sa bukal na Malinaw at nagkaroon din
ng Sea Wall o panalag alon ang baybay dagat. Gayon din naipaayos at napaganda ang Libingang
bayan.
1928-31 – Namuno sa bayan si Atty. Victor D. Villamiel bilang Pangulo. Kasama ang kanyang
konseho, nangyaring naipatayo ng konsehong ito ang Tayabas Trade School sa nayon ng
Tagbakin, ang Home Economics Building ay naipatayo rin. Ang magandang bahay ng Centro de
Puericultura ay napabangon o naging isa na ring katuparan ngayon.
Ang parke Ati-Monang na karatig ng Bahay Pamahalaan ay sa panahong ding ito nayari.
Nakapagpagawa rin ang konsehong ito ng alkanterilya mula sa daang Iskong Bantay sa
panulukap ng daang angeles hanggang sa Ilog ng bayan.
1931-34 – Nanungkulan si Filomeno L. Laurio bilang Pangulo. Ang unang hakbang na ginawa ng
konsehong ito ay ang ipaayos ang liwasang Balagtas na kinatitirikan ng Monumento ni Balagtas,
samakatuwid ay pinaganda ito sa pagdaragdag ng iba’t ibang mga palamuting susug sa arte na
may iba’t-ibang sagisag.
Nakapagpagawa rin ang konsehong ito ng mga padaluyang tubig sa mga nayon ng
Malinaw Ibaba at Malinaw Ilaya, San Isidro at Tagbakin.
At gayon din, pinaganda rin ng konsehong ito ang parke o liwasan ni Ati-Monang at
nakapag-paayos ng iba’t-ibang mga lansangang bayan.
1934-37 – Si Cesario V. Villareal ang naging Pangulo. Sa panahong ito napalagyan ng maliit na
marmol na pangalaala ukol sa kadakilaan ni Ati-Monang, ang Monumento ng dakilang ina-inahang
ito ng bayang Atimonan. At bilang pagpapahalaga ng konsehong ito sa ika-4 ng Pebrero bilang
siyang araw ng pagkakatatag ng Bayang Atimonan ay minarapat nilang idaos ang kaarawan ng
bayan sa araw na ito. Sa mantalang ang pananampalataya maging ang Romano man at aglipay
ay patuloy naman sa pagdaraos ng pista tuwing ika-2 ng Agosto bilang pagpaparangal sa
kamahal-mahalang pitakasi ng bayan ng Nuestra Señora de los Angeles.
Sa panahong ding ito naitayo ang monument kay Gat. Andres Bonifacio sa pamamagitan
ng pagkaloob ng isang salin ng Kodigo Munisipal ni Jesus C. Olega sa bawat mamamayan rin ni
G. Olega ng dula niyang sinulat na Bayaning May Sugat ang mga ginoong umaloy.
Sa makatuwid sa pamamagitan ng pagbibigay ng kapahintulutan ng Konseho Munisipal at
ng Public Welfare Commissioner at itinirik ni G. Olega ang Monumentong ito sa pagsubaybay ng
Pangulong Villareal at ng mga Konsehal Flores, Lavador, Saniel, Cerrudo, Aleala, at Mañalac.
24 |T A L A A N N G M G A P A N G Y A Y A R I S A A T I M O N A N
Disyembre 30, 1937 – Masiglang naidaos ang kaarawan ng dakilang Rizal sa Atimonan, Tayabas
sa pamamagitan ng mga talumpatian at isang masiglang paglilibot sa buong bayan na
sinubaybayan ng lahat ng uri ng mga mamamayan, pananampalataya ng iba’t ibang mga
paaralang bayan at pribado.
1938 – Si Dr. Ramon Soler ang namuno sa bayan bilang Pangulo kasama ang nga sumusunod:
Pangalawang Pangulo -Mauro Veran
Mga Kagawad -Ciriaco Baccay
-Domingo Blas
-Agustin Zurbano
-Rafael Pareja
-Jacinto Alegre
-Gerardo Lagaya
-Mariano Quiquigan
.
Pebrero 4, 1938 – ipinagdiwang ang pista ng bayan at ika-330 taong Pagkatatag ng Bayan ng
Atimonan mula pa noong Pebrero 4, 1920.
Ang kalilipas na pagdiriwang sa ika-4 ng Pebrero bilang pista ng bayan ay siyang kaganapan ng
ika 330 taong pagkakatatag ng bayang atimonan, mula sa pagiging bayan nito noong ika-4 ng
Pebrero 1608 ng ito’y magkaroon ng kaunaunahang Kapitan Munisipal na si Francisco Mangaba
ang bunsong kapatid ng tagapagtatag at ina-inahang si Simeona Mangaba na kilala na sa
palayaw na si Ate Monang.
Upang ibalita natin ang mga pangaral, bagama’t walang kapanapanahon ang konsehang
ito dahilan sa iisang buwan pa lamang halos na sila’y nanunungkulan ay karapatdapat na rin sa
paghanga at papuri ang idinaos na mga kasayahan.
Sa ganyan natapos ang ika-4 ng Pebrero 1938 bilang ika 330 taong pagdiriwang sa
Kapistahan o Pagkakatatag ng Bayang Atimonan