Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kasaysayan ng Mitolohiyang Pilipino

Ayon sa kaalamang-bayan, ang mitolohiya ay bumabanggit sa matatandang kuwentong-

pabulang nasasalig sa pangyayari noong unang panahon at tumutukoy sa kahalagahan ng

pangkaraniwa’y tungkol sa diyos o bayani. Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan

ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masamang mga nilalang at

nilikha ng mga Pilipino. Ayon naman kay Barcena (2013), ito'y mga paniniwala na mula sa mga

panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristyanismo. Ang mga paniniwala

nila ay inipluwensyahan ng mga banyaga lalo na ang mga Indyano, Malay, at Indones at ibang

mga Asyano na lumahok sa pangangalakal sa Pilipinas.

Sinasaliksik ng mga unang tao ang kanilang imahinasyon upang makakuha ng paliwanag

sa mga pangyayari, kalikasan at kaugalian ng tao na nasa paligid niya. Bilang kasagutan sa mga

katanungang iyon, sila’y lumilikha ng diyos at diyosa na kumakatawan sa talino, ganda at pag-

ibig. Ang mga diyos at diyosa ay nagiging tao ngunit nagtataglay ng kapangyarihang mala-

bathala. Maraming mga salita na buhat sa mitolohiya ang kasama sa ating pang-araw-araw na

pagsasalita, lalung-lalo na sa propaganda. Ang goma ay na-volcanize, ang tao ay mapagsuring

tulad ni Pandora, ang mga rocket ay pinapangalanang Jupiter, Titan, at Apollo. Lalong

mauunawaan ang arkitektura, pintura at musika kung nababatid natin ang mitolohiyang Griyego

at Romano.

Ang myth ay sali-salimuot na kuwentong ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng

mahahalagang balangkas ng buhay. Halimbawa: kung paano nagkahiwalay ang lupa at langit; o

kung bakit mataas ang langit; kung bakit umuulan matapos marinig ang huni ng ilang uri ng
ibon; bakit dilaw ang kilyawan; bakit ang likod ng kamelyo ay usbong at mataas; ang

pinagmulan ng sibilisasyon sa pamamagitan ng bayani ng kalinangan tulad ni Prometheus na

nagdala ng apoy; at ang pinagmulan ng ugali tungkol sa pananampalataya at lipunan.

Inilalarawan ng myth ang pagtanggap sa mapait na katotohanan ng buhay – panganib, sakit,

masamang kapalaran, kamatayan – sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na ang mga ito’y bahagi

ng pakikipagsapalaran sa daigdig. Halimbawa: ang kuwento ni Pandora tungkol sa kanyang

kahon na may lamang sakit at lahat ng uri ng karamdaman. Ang mga myth ay walang

pasubaling pinaniniwalaan ng mga tao noong unang panahon sapagkat iya’y bahagi ng kanilang

pananampalataya.

Kahulugan at Kalikasan ng Mitolohiyang Pilipino

Ang mitolohiya ay isa sa mga mahalagang sulatin na bumubuo sa katutubong panitikan.

Sa isang pag-aaral, binigyang kahulugan ng may-akdang si Dundes (1984) ang mitolohiya,

“isang sakdal na naratibo na nagpapaliwanag kung paano nabuo ang mundo at ang tao sa

kasalukuyan nitong anyo”. Ayon naman kay Bascom (1965), ang mga mito ay sulating

pampanitikan na ibinabahagi sa lipunan at pinaniniwalaang makatotohanang tala tungkol sa mga

nangyari noong sinaunang panahon. Ang mga ito’y nagsisilbing basehan ng pananampalataya;

itinuturo upang paniwalaan; at maaari ring maging batayan ng awtoridad upang maging

kasagutan sa pag-aalinlangan, pagdadalawang-isip, pagkukulang sa kaalaman. Ang mito ay

pinaniniwalaang banal at may malaking koneksyon sa teolohiya at mga ritwal. Ang mga

pangunahing tauhan nito ay hindi mga tao ngunit nagtataglay ng katangian at kakayahang

pantao. Ilan sa mga tauhang ito ay mga hayop, diyos at diyosa, at mga di-pangkaraniwang bayani

na nagtataglay ng aksyong naiiba sa kasalukuyang mundo.


Ang mga nilalaman ng mitolohiyang Pilipino ay karaniwang tumutukoy sa mga

karakteristik ng mga ibon, mga hayop, mga pisikal na kaanyuan ng mundo, at mga pangyayari sa

kalikasan. Isang layunin ng mito ay mabalikan ang mga madalas na ginagawa o pamamaraan ng

pamumuhay ng mga diyos, kanilang mga buhay pag-ibig, relasyong pampamilya , mga kaibigan

at kaaway, at ang kanilang mga tagumpay at pagkatalo sa mga labanan. Maaari rin nitong

ipaliwanag ang mga detalye ng mga seremonya at ritwal na nakaugalian, at kung bakit may mga

bagay-bagay na ipinagbabawal.

Ang mitolohiyang Pilipino, partikular na ang mga nanggaling sa mga taong naninirahan

sa bundok ay nagtataglay ng mga katangian ng mitolohiya na nabanggit sa itaas. Sa pag-

oobserba ni H. Otley Beyer, ang mga taong nasa bundok ang mga patunay na isinasabuhay ang

mga ideya at paniniwalang nakatala sa mito. Sinabi rin ni Beyer (1955) na ang mito ay sadyang

pumasok na bilang isang sakdal na paniniwala sa mga Ifugao, lalo na sa pang-araw-araw

kaugaliang panrelihiyon. Naging batayan na nila ito sa kung paano nila tanawin ang mga bagay

sa mundo.

Ang mga mitolohiyang Pilipino na nakapaloob sa pag-aaral na ito ay mahalaga upang

mas lalong maunawaan ng mga Pilipino ang kanilang kultura lalo na sa sistema ng paniniwala

(Eugenio, 2001). Ipinapamulat nito sa kaisipan ng tao ang tungkol sa kanyang sarili, kanyang

relasyon sa diyos at ang mundong kanyang kinatatayuan. Magsisilbi rin itong salamin upang

matunghayan ng mga Pilipino ang kanilang nakaraan at maiugnay ito sa kasalukuyan nilang

karanasan.

Mitolohiyang Lungsod
Bilang mga nilalang na marunong mag-isip at sumuri, likas nasa mga tao ang magbigay

ng mga paliwanag sa bagay nanangangailangan ng katwiran at kabatiran. Hitik sa misteryo

atsalamangka ang ating paligid. Noon pa mang sinaunang panahon, hinugot na ng pagbabago-

bago ng klima at posisyon ng mga bituin anginteres at haraya ng ating mga ninuno.

Ang alamat, tulad din ng mito, ay mga salaysay na kagyat na mapapaniwalaan, lalo pa’t

malikhain itong hinabi ng mga sinaunang mananalaysay. Ngunit ang mga alamat, kaiba sa mito,

ay nakaangkla sa mga pangyayari sa tunay na mundo at sa kasalukuyangpanahon. Marami rin sa

mga alamat ang naglalaman ng engkuwentrong tao sa mga supernatural na nilalang tulad ng mga

engkantada, diwata,multo, bampira, at mangkukulam.

Masisipat ang ganitong paniniwala sa mga akdang La India Elegante y El Negrito

Amante ni Francisco Baltazar, Urbana at Felizani Modesto de Castro ,at ang kontemporaryong

nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes.

Inilalarawan ng mga akdang ito na iba’t ibang yugto ng ating kasaysayan angpagsisilikas

ng maraming Pilipinong nahuhumaling manirahan salungsod, lalo na sa Kamaynilaan.

Para sa karagdagang kaalaman ukol sa anyo at porma ng alamat, basahin ang, The Legends

(1996) ni Damiana L. Eugenio.

Ang La India Elegente y El Negrito Amante ay isang saynete nanagsasadula ng

tunggalian ng mestiso at katutubong Pilipino sa puso ngisang binibini. Pagtatakda naman ng asal

ng kababaihan ang Urbana at Feliza upang maipakita na bahagi ng kalinangan ang pagtataglay

ng urbanidad ngisang dalaga. Ipinapahiwatig na isang kagandahang-asal ang urbanidad nadapat

matutunan at dapat isaalang-alang. Ang Sa Mga Kuko ng Liwanag ay isang nobelang realistiko

noong dekada 70 na nagsadula sa trahedya ni Ligayasa Maynila na nasadlak sa prostitusyon at


sapilitang pagpapakasal sa isangTsinong si Ah Tek. MababasaMababasa sa kanyang aklat na

pinamagatang The Creatures of Midnight (1990) ang iba pang impormasyon ukol sa mga tauhan

ng kababalaghan sa Pilipinas.

Mitolohiya sa Panahon Ngayon

Sa mga salilta ni Clark (2015), sa kasalukuyan, ang mga alamat mitolohiya ay tuloy pa

rin tinatangkilik ng mga mambabasa dahil sa walang hangganan at unibersal nitong mga tema na

may kaugnayan sa sining ng pagku-kwento at paglalahad ng karanasan ng tao. Ang mga alamat

ay nagbibigay pananaw rin sa mga kaugalian at pananaw ng mga sinaunang kultura. Pinapakita

sa mga kwentong ito kung paano namuhay ang mga tao noon. Dito inilalahad ang pagkakaiba ng

buhay noong nilimbag ang mga alamat at ano ang nanatili sa mga ito.

Ang kagandahan at husay sa pagkalikha ng mga mitolohiyang panitikan ay sapat na rason

para pagaralan ang mga ito. Ang bawat kultura ay may kanya-kanyang alamat at ang mga ito ay

sumisimbolo sa kani-kanilang natatanging kultura. Ang mga mitolohiya ang mismong

tumutukoy din kung ano ang mga etikal na Gawain, mga bagay na may malaking halaga, at ito

rin ay nagiging tulay natin sa iba pang kultura. Bukod sa kultura, ang mitolohiya ay may

kinalaman sa ating kasaysayan.

Kahit sa pagkakaiba-iba ng mga alamat, lahat tayo ay nagkakaisa. Gusto natin malaman

kung paano tayo nilika, gusto natin maintindihan ang mundo, at gusto natin na mayroon tayong

sinasamba. Ang mga mitolohiya at alamat ay dapat natin gawing mahalagang parte ng

pagbabasa, hindi isinasantabi.


Sanggunian:

Barcena, M. (2013, August 26). Kasaysayan ng Mitolohiyang Pilipino. Retrieved


https://prezi.com/ce2lkgl13ndz/kasaysayan-ng-mitolohiyang-pilipino/

Clark, J. (2015). What is the importance of myths and legends today and how do they impact
readers of today?. Retrieved October 14, 2019 from https://www.enotes.com/homewrok-
help/what-importance-myths-legends-today-how-do-they-487466

Eugenio, D.L. (2001). Philippine folk literature: the myths. Quezon city: The University of the
Philippines Press

Basahin ang kalipunan ng mga katha ni Jessica Zafra napinamagatang Manananggal Terrorizes
Manila and Other Stories (1992), Pasig: Anvil Publishing, Inc. Mababasa naman ang mga
kuwento ng kababalaghanni Tony Perez sa Cubao Pagkagat ng Dilim: Mga Kuwentong
Kababalaghan

You might also like