Balikan natin ang unang tagpo, Muli tayong magbalik sa simula. Halika’t bilangin natin ang tama Balikan din natin ang mga karakter sa isturya. Balikan din natin ang tagpuan nila. Hanggang sa mabalikan natin ang inang paghihirap Hanggang sa mabalikan natin ang unang pagpatak. At magtungo tayo sa sakit, Magtungo tayo sa pait, Humantong tayo sag alit, Walang poot, kung walang dulot Walang mataas kung walang mababa.
Naiisip niyo ba?
Naiisip niyo ba ang lahat ng ito? Naiisip niyo ba? Naiisip niyo ba ang epekto? Naiisip niyo ba ang sakit na dulot? Naiisip niyo ba? O nag iisip ba kayo?
Ilang pamilya ang walang tirahan?
Ilang magulang ang nagpapasakitan? Ilang bata ang nahihirapan? Kami itong nasa laylayan. Kamusta naman ang hapag na puno ng pagkain? Kamusta naman ang bahay na gawa sa salamin? Kamusta naman ang sasakayan na nagniningning? Kamusta naman ang pera sa bangko? Baka pwedeng ikamusta niyo naman kami? Sa mga kaluluwa’t konsensya niyo. Ang sakit, ang sakit- sakit, Kulang pa ang salitang sakit upang ilarawan ang sakit. Bakit ba lalong pinapahirapan ang mahihirap? Bakit ba lalong pinapayaman ang mayayaman? Ang sakit na nadarama, sa bawat pagpapalaya sa tahanan Ang pait na nararanasan sa bawat kawalan Ang pighating sinasapit dulot ng kamatayan, na sanhi ay kagutuman Kami itong pinangakuan, Kami itong nasa laylayan, Kami itong magdamag na dilat. Pakiusap, sana naman kayo’y mamulat Kahit alalahanin natin ang introduksyon ng kwento Alalahanin natin ang karakter na bumuo Alalahanin natin ang tagpuan nila, satin ang lahat ng pangako ng gobyerno.
Muli nating simulan ang kabanata.
Alamin natin ang mali, bilangin natin ang tama. Muli nating balikan ang nakaraan, Na hadlang sa hindi paggalaw ng kasalukuyan. Ang mga salita, Salitang namumutawi at tumarak na tila ba parang kutsilyong Di matawaran ang talim ng sakit ng katotohanan Mga guni- guni, Na labis kami’y nagpapatuloog sa labis na kasiphayupan, At ginising an gaming mga utak na balisa.
Kung paano naming naisip ang pagbabago?
Kung paano saamin umikot ang mundo? Kung paanong hindi pantay ang pagtingin? Kung paano sa hapag, ang pagkaing aming naisin. Dahil ang bawat kahilingan, Ay simbolo ng aming bawat pagtangis. Wala naming kaming kasalanan Ngunit tila ba kami’y nakapatay kung pahirapan Para kaming nakabilanggo sa kahirapan Tanong lang po? Magkano ba ang piyansa para makalaya rito? Alam kong wala akong kiakayahan para bayaran Pero malaya bang pangako? Pag iipunan namin. Nakakasawang tapakan, lalo na’t hindi kami lupa Wag niyo sanang hintayin ang tuluyang pagkawala, Dahil sa posisyon naming, na buhay ang kapalit sa bawat simula.